KHALIL POV...
Nakaupo ako ngayon sa opisina ko dito lamang sa bahay at umiinom ng wine habang iniisip kung paano ko makakausap ang lalaki kahapon sa bagay ni Yvielle.
Mas matanda pa pala sa'kin 'yon, ibig sabihin kuya ko 'yon, sh*t.
"Kuya, may information na ako about kay papa, James found him." rinig kong boses ni Ylley na papasok sa loob kaya napatayo ako.
"What?"
"Yes, look at this kuya." masayang saad niya kaya tiningnan ko ang ibinigay niyang envelope at nakita ko doon si papa.
Masaya siyang nag-aararo. Sa ibang picture naman, may kasama siyang matanda; si Lolo siguro ito.
"This Lolo, I am right kuya?" tanong niya habang turo-turo ang litrato nila papa at Lolo na masayang kumakain. Si papa nga ito.
"Yes, at nasa Batangas siya?" tanong ko.
"Opo kuya, alam kong makakasama na natin muli si Yvielle at si papa dahil alam kong si papa lang ang makakapag-amo kay Yvielle." aniya na ikinangiti ko.
Oo, tama ang sinabi niya. Alam kong si papa lang ang makakagawa noon.
Pero nawala ang mga ngiti ko nang biglang pumasok si mama at tiningnan kami nang seryoso bago siya nagsalita.
"Ano 'yung narinig ko, Khalil?" tanong niya.
"Wala." pagsisinungaling ko.
"Don't lie, Khalil, or else."
"Or else ano, ma? Papalayasin n'yo kami? Okay lang dahil nahanap na rin naman namin si papa. Ano, masaya na kayo dahil aalis kami sa puder ninyo?" gigil na saad ko.
"Wala ka ba talagang respeto sa'kin ha, Khalil?" sigaw nito.
"Khalil, respect your mom." biglang sulpot ng asawa ni mama. Tsk, ito na naman.
"Huwag kang makisawsaw sa usapang PAMILYA." diin na saad ko pero nakatanggap ako ng suntok kaya napangisi ako.
"Hon, stop. At Khalil, respetuhin mo ang daddy mo." awat ni mama na kinahawak sa'kin ni Ylley kaya hinarap ko ito at seryosong tiningnan.
"Simula't sapul, hindi ko ama 'yan at kahit kailan hindi ko kikilalanin 'yang ama ko. Kahit baliktarin mo pa ang mundo, mananatiling isa lang ang ama ko at hindi siya 'yon kundi si Papa Carlos. Tandaan n'yo sana 'yan." galit na sigaw ko bago lumabas doon.
Pansin ko naman ang pagsunod ni Ylley sa'kin. Wala naman talaga akong respeto sa kanilang dalawa simula noong iwan ni mama si papa para sa lalaking 'yon.
Nang makaakyat ako sa kwarto ko, hinubad ko ang sapatos ko at itinapon ito.
Nagulat pa si Ylley doon. Naiinis ako, nakakagigil talaga ang lalaking iyon.
"Kuya, calm down, ok?" anya.
"How can I calm down, Ylley, if I always see that jerk." inis kong saad.
"Kuya, alam kong inis na inis ka doon pero please, pwede ba kumalma ka. Ito 'yung pag-usapan natin kung paano natin mapupuntahan si papa na kasama si Yvielle." pagpapakalma niya sa'kin, init din ng ulo eh.
"I have a plan. Call James, sasabihin ko sa inyo ang plano ko." saad ko na ikina-ngisi niya.
"Why si James? Pwede iba na lang hehe."
"At bakit hindi? Magaling 'yon kaya sige na, tawagan mo muna." saad ko na sinunod naman niya.
Nais kong puntahan si Yvielle. Kami ni Ylley gusto kong sumama siya sa'min sa Batangas kung iyon din naman ang magpapasama sa'min apat.
