CHAPTER 22: part of my plan

1.5K 17 0
                                        

CLARENCE POV...

Andito ako ngayon sa mansion ni Ezekiel. Kakauwi lang nila kasama ’yung estudyante niya at ’di ko man lang malaman ang dahilan kung bakit kasama niya ang babaeng ’yon.

Alas 4 pa ng madaling araw tinawagan ba naman ako at pinapapunta dito, at tapos ito ang makikita ko. ’Di ko alam kung ano ang namamagitan sa kanya at sa estudyante niya.

Nakatingin lang ako sa kanila habang itong si Yvielle ay nagluluto, nakayakap naman sa likod nito si Ezekiel. Like, WTF? Naglalandian sa harapan ko, sure ba ’yon sila?

“Paliwanag mo nga sa ’kin, Ezekiel,” saad ko nang lumapit siya sa ’kin. Agad ko itong hinila papuntang sofa.

“Ang alin?”

“’Yung nakita ko. Anong ibig sabihin non?” tanong ko.

“Ah, she’s my girlfriend. Why?” saad niya na ikinagulat ko.

“What? Are you out of your freaking mind, Ezekiel? Yvielle is your student and you’re a teacher. How could you make a relationship with your student? Unbelievable,” ’di makapaniwalang saad ko.

“Mamaya ko na ipapaliwanag sa ’yo, at pwede ba huwag kang masyadong mag-react,” anya.

“Paanong hindi maaapektuhan ang trabaho mo sa ginagawa mo?”

“’Di ka ba nag-iisip,” dagdag ko.

“Anong problema? Nag-aaway ba kayo?” biglang saad ni Yvielle kaya napatahimik ako.

“Nothing, hon. May sinasabi lang siya. Kakausapin ko muna siya, at ipagpatuloy mo na lang ang niluluto mo. Punta ka sa kwarto ko pagkatapos, may inihanda na akong uniform mo doon, okay,” mahinahong saad niya na ikinatango lang nito. Napangiwi pa ako nang halikan niya sa harapan ko.

Naglakad na ito. Tiningnan ko lang siyang naglakad hanggang makakyat siya. Nilapitan ko si Yvielle at kinausap ito. Hindi kasi pwede ang ginagawa nila.

“Hey, lady?”

“Oh, Sir Clarence, bakit po?” saad nito.

“Can I ask something?”

“Yes po, ano ’yon?” anya habang tinitingnan ako.

“May relasyon ba kayo ng kaibigan ko?” tanong ko. Medyo natahimik pa siya roon.

“Ah, yes. Ngayon lang. Bakit?” tanong niya pabalik.

“Nothing,” saad ko at umalis na doon.

Umakyat ako papuntang office ni Ezekiel. Kailangan kong itanong ang totoong relasyon nilang dalawa. Bawal ito.

Nang makaakyat ako ay tinahak ko na ang lugar kung saan ang opisina nito. Nang makarating ako ay sumilip muna ako. Nakita ko itong may hawak-hawak na baril, pinupunasan niya ito.

Naalala ko, hindi lang pala siya isang lawyer at professor. May tinatagong trabaho si Ezekiel. Kaming dalawa, we’re both mafia, at mas grabe nga lang siya kaysa sa ’kin.

Wala siyang kinatatakutan, at kung papatay man siya, walang dalawang-isip. Hindi niya pinapatawad kapag nakakasala sa kanya o sa iba man.

He’s a demon, a monster. Isang kinatatakutan ng mga kalaban niya. Malaking tao siya kumpara sa ’kin, mas mataas siyang mafia kaysa sa ’kin.

Nakakatakot si Ezekiel kapag nagagalit o kapag inaagawan ng sa kanya, tulad noong iniwan siya ni Kim.

Mahabang panahon itong nalulong sa bisyo at pambababae, at ang ginagawang pampalipas-oras niya ay ang pagpatay.

Kung hindi lang siya nakapasok sa pagiging professor ay hindi siya titigil sa pagtatrabaho niya bilang mafia.

Pero kahit naging guro ito ay palihim pa rin itong pumupunta sa hideout namin at inaalam ang mga nangyayari.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now