EZEKIEL POV...
It’s already 7 a.m., wala pa ang oras ng klase ko kay Yvielle kaya andito pa ako sa office ko, nakaupo, syempre, at kausap si Clarissa.
“Ngayon, Ezekiel, pwede na ba tayong mag-date?” aya nito na ikinatingin ko nang seryoso. Hindi ba siya titigil talaga? Agrhhh.
“I’m sorry, Clarissa, pero hindi talaga pwede. Busy ako, aasikasuhin ko pa ang anak ko mamaya, susunduin ko siya, tsaka marami pa akong gagawin, kaya I’m sorry.”
“Hindi mo naman siya totoong anak, Ezekiel. Pwede ba ’yung attention mo sa akin naman?” nanlilisik ko itong tiningnan.
“Kahit na hindi ko totoong anak si Azrael, mas tinututukan ko siya ng attention. Oo, hindi ko siya totoong anak, pero kadugo ko pa rin siya, Clarissa, dahil anak siya ng kuya ko. Kaya pwede ba, respetuhin mo rin ang desisyon ko,” inis na saad ko.
Kay aga-aga, nakakainis naman siya.
“Ay, fine. I’m sorry, aalis na lang ako,” saad niya at umalis na. Napabuntong-hininga naman ako.
Ilang oras ang inantay ko bago ako umalis sa office ko at tinahak ang room nina Yvielle dahil oras na rin naman.
“Good morning po, sir,” saad nilang lahat at tumayo agad.
Umupo naman ako at sinenyasan silang umupo. Nakakarating lang ako at na-late ako ng 10 minutes, malayo kasi ang office ko dito.
Agad din naman akong nag-attendance at to my surprise, hindi na late si Yvielle. Oo, maaga siguro siyang umalis sa kanila, ayaw na sigurong ma-late. Tsk.
Pinanood ko sa kanila ang video ng lesson namin at pagkatapos nito ay magpapagawa na naman ako ng essay, pero syempre Tagalog/Filipino nila ako.
“Sir, tapos na po ’yung vid,” saad ni Liam.
Binalingan ko siya ng tingin kaya binaba ko muna ang cp ko at tumayo.
“Kumuha ng isang buong papel at sagutan ito. Tingnan nang mabuti ang larawan at magbigay kayo ng tatlong talata lamang, hanggang 5 sentences lang,” paliwanag ko. Agad naman silang nag-ingay.
“Huy, pahingi ako ng papel.”
“Ako rin.”
“Bigyan mo ’ko.”
“Ako naman, bigyan mo, wala na akong papel eh.”
“Enough! Pwede namang humingi ng papel nang hindi nag-iingay. Pwede n’yo bang gawin ’yon? Nakakainis kasi kayo, sobrang ingay. Manghihingi lang ng papel. Wala ba kayong pera pambili?” sigaw ko kaya natahimik naman sila.
Naka-upo lang ako sa mesa habang ang attention ko ay nasa cp ko. Nakipag-VC kasi si Kim, ’yung nagpapahawak ng kaso sa akin.
Pinakuha ko na rin ang information tungkol kay Kim, inutusan ko si Clarence doon kasi alam kong magagawa niya ’yon.
“If you’re not busy tomorrow, can we meet again, Ezekiel?” tanong nito.
Kita ko ang ngiti niya, nabuhayan ako, parang kilalang-kilala ko talaga siya. Napangiti rin ako bago magsalita.
“I don’t know, pero I’ll try. Hindi ako mangangako ah,” ngising saad ko.
“Okay lang din kung hindi. Alam kong busy ka rin naman sa pagtuturo mo. Kung ako na lang kaya ang pumunta diyan sa school n’yo? I can wait kung kailan ka matatapos,” saad nito. Napaisip naman ako.
“Sure, okay naman sa’kin,” pagpayag ko.
Nagpaalam naman ito dahil may tumawag sa kanya kaya pinatay ko na rin ang tawag.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomanceEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
