Chapter 34: The Last Shot

447 15 7
                                    

Is love a contest? Is love really a competition where one wins and the other loses?


I've been asking that question to myself. I know how it feels to win, so as to lose. At ayokong natatalo ako.


But what if the decision is not in my hands? Paano kung ginawa ko na ang lahat, pero hindi pa rin ako ang mananalo? Paano kung hindi ako ang piliin niya?


"Bro, tulala ka na naman." LA commented as he took off his shoes. "May problema ba?"


I shook my head. "Wala bro. Pagod lang to."


Ngayon lang kami natapos sa training. It's already 7 p.m, at hindi ko pa nabibisita ulit si Kim. Kahapon kasi when I went to her house, sabi nung guard na umalis siya. Binalikan ko siya after naming mag-usap ni kuya, but she wasn't there.


Hindi ko naman siya ma-contact. I was so stupid na hindi ko kinuha yung number niya.


"Sus! If I know, tungkol yan sa lovelife mo no?" he teased. "LQ ba kayo ni ex?"


I chuckled. Nahawa na ang mga teammates ko kay Thomas sa pagtawag kay Kim ng ex.


"Siguro. Parang ganun na nga." I said.


After that incident na pinuntahan ako ni Kim sa locker room before our game, alam na ng teammates ko pati ng ibang coaching staff yung tungkol sa amin ni Kim. Obviously, si Thomas lang naman ang nagkalat nun. Chismos kasi.


"Eh anong problema niyo?" he asked.


I shrugged. "Yun nga eh. Hindi ko alam kung anong problema."


"Baka naman may nasabi or nagawa ka?" he mumbled.


I shook my head. "Wala naman akong ginawa. Actually, okay naman kami kahapon. Tapos bigla nalang... ewan."


"So wala kang balak na tanungin siya kung anong problema?" he asked.


I looked at him intently. "What do you mean?"


"Hindi mo siya pupuntahan?" he asked.


I sighed. "Hindi muna."


"Kilala ko yun eh. Sigurado, hindi rin niya ako kakausapin." I said.


"Eh wala ka palang lucky charm bukas sa game?" he mumbled.


I smiled. "Siyempre meron. Sisiguraduhin kong pupunta siya."


"Pero, paano?" he asked.


"Basta." I mumbled. "She'll be there. You'll see."


The Last ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon