Chapter 31: Forever with you

477 16 9
                                        

He sends me flowers. He buys me pancakes. He tries to make me feel his presence in every way. Just like he used to.


Why is he acting like this all of a sudden?


"Wag na po kayong tatanggap ng kahit ano galing sa kanya." I said to Mang Boy.


"Pero, mukhang seryoso siya sa pakikipagbalikan niya sa'yo, hija." Mang Boy reasoned out.


I shook my head. "Tapos na kami Mang Boy. Matagal na kaming tapos."


Tapos na kami. Pero bakit niya binabalik yung mga memories namin dati? Bakit kailangan niyang ipaalala sa akin lahat yun? Ano bang balak niya? Ipinamumukha ba niya na ganun din ang ginagawa niya kay Eliza? Pwes, wala akong paki-alam! Mag-sama sila!


Kanina pa ako badtrip. Akala ko dahil lang sa pinadala ni Jeron, yun pala meron ako ngayon. Tsk. Ang sakit pa ng puson ko.


7 p.m na. The entire day, nandito lang ako sa bahay. Hindi na nga ako nakapag-simba. I've been thinking about every possible reasons kung bakit ginagawa ni Jeron ang mga ginagawa niya ngayon. But nothing just seem to make any sense. Unless kung totoo yung sinasabi ni Mang Boy na gusto niyang makipagbalikan. Pero impossible yun. May Eliza sa equation, kaya sure akong syntax error ang kalalabasan nun.


I got off my bed. Naisip kong magstay muna sa balcony. Pero naisip ko na baka nandun na naman siya. Imbes na maka-isip ako ng matinong sagot sa mga tanong ko, baka mas madagdagan pa lalo ang mga yun. Kaya wag nalang.


I checked on my phone. Walang text galing kay Gab. Nakakapanibago. Dati kasi siya lang ang nagfo-flood ng messages at calls sa phone ko. Pero ngayon, ni isang hi, wala. Anong nangyari dun?


I sighed and went back to bed. I guess I should get used to this kind of day, hanggang hindi pa makakabalik ang asungot na si Gab. Kahit hindi ako makatulog dahil sa dami ng iniisip ko, pinilit ko nalang ang sarili ko. Ayoko namang lumabas dun sa balcony. Ayoko rin namang tawagan si Gab, baka magfeeling yun na namimiss ko siya agad. Pero na miss ko na nga siya.


Morning. Nagising nalang ako na ring ng ring ang phone ko. Kinapa ko ang phone ko sa bedside table habang nakapikit pa rin.


"Hello?" I answered as soon as I got my phone.


Pero bakit nagri-ring pa rin?


I opened one of my eye. Remote pala ang hawak ko. Binalik ko ang remote sa table at kinuha ang phone ko. Si Diva pala ang tumatawag.


"Tsk. Ang aga-aga nambubulabog ka." Inis kong sabi.


"Anong maaga?" she asked. "9:30 na kaya."


"So?" I asked sabay hikab.


"Hindi ka ba papasok sa history class?" she asked.


The Last ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon