PROLOGUE
"Hello, Khloe? Where are you?" tanong ng kaibigan kong si Cecille sa kabilang linya.
Pagkatapos kong maperpekto ang aking pilik-mata ay agad kong dinampot ang itim na boots at minadali itong suotin.
"Palabas na."
I heard her groan. "Alam ko na 'yang palabas mo na 'yan, girl! Mamaya pustahan magre-retouch ka pa. Bilisan mo na!"
"Marami na bang tao?"
"Yes! And they're waiting for you! Especially the birthday boy!"
Dahil sa narinig ay naging doble ang kilos ko. Sinuot ko lang ang tatlo pang earrings sa tainga kaya naging lima ito in total dahil apat sa kaliwa at isa kanan, tapos itim na choker, at handa na.
Nagpaalam na rin ako kay Cecille para matapos ko na ang paghahanda. Nang tuluyan nang natapos at satisfied na sa hitsura, lumabas na ako ng kwarto.
Madilim na ang buong bahay. Dahan-dahan akong bumaba sa engrandeng hagdanan namin at kahit kaunting ingay ay hindi ko ginawa. Dahil may guards na nakabantay sa main gate namin at paniguradong makikita agad ako kapag sa main door ako dumaan, doon ako pumunta sa back door kung saan malapit lang sa maid's quarter. I really need to be careful dahil hindi naman sound proof itong area na 'to kaya for sure kahit konting ingay ko lang, kung may gising pa sa kanila sa loob, maririnig agad.
I successfully made my exit through the back door. Madilim ang portion na ito ng mansyon kaya walang tao at malaya akong nakalakad. May back gate din kami na walang nagbabantay pero wala naman akong malalabasan doon dahil malayo naman iyon sa daan. Kaya wala akong choice kundi dumaan sa pader. Mabuti nalang at naka skinny jeans pa ako dahil alam ko namang dito talaga ako dadaan, as always. May hagdanan na ginagamit ng maintenance namin kaya iyon ang ginamit ko.
Again, I successfully made my way outside our mansion without anyone noticing. Pinagpag ko ang dalawang palad at inayos ang buhok. Nagtago ako sa isang malaking puno sa tapat lang ng bahay at doon hinubad ang skinny jeans na suot ko. Ang tanging natitira nalang ay ang aking itim na tube top at back and red checkered short skirt.
Inayos ko ang pagkakatali ng kulot at blonde kong buhok. Mabilisan din akong nag-retouch at nang nakitang fresh na ulit, na tila walang nangyari, iniwan ko na ang jeans ko sa ilalim ng punong iyon at naglakad palabas ng subdivision.
Dahan-dahan lang akong naglakad dahil alam ko namang sa oras na ito, may mga taxi pa na daraan dito palabas ng subdivision. At tama nga ang hinala ko. Agad na huminto ang taxi sa harap ko pagkatapos kong pumara. I slipped inside and told the driver the address to where I was going.
I smirked. I escaped well, huh?
"Monzon, whoah!" Pinuno agad ako ng bati pagkarating ko. Lahat sila'y bumati at lumapit at kinausap ko muna at nakipagtawanan ng kaunti bago ko nakita si Cecille na papunta sa akin.
"Khloe!" Cecille, looking stunning in her red fitted dress, kissed my cheek and hugged me.
Her paperwhite skin complimented the color of her dress. Idagdag mo pa na tinali niya ng mahigpit ang kaniyang itim na itim at mahabang buhok. Her pitch-black fox eyes, pointed nose, and full red lips made her fire tonight.
She gave me the champagne she was holding earlier. "Hindi ka nahuli?"
I smirked. "I always do my escapade clean, Cecille. My parents wouldn't know. Not ever."
"Oh, I like the confidence!" Humalakhak kaming pareho.
"By the way, Adam is looking for you. Kanina pa." Ngumisi siya.
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...