CHAPTER 16
Have you ever been so excited that you found it difficult to sleep, your mind consumed with thoughts of that excitement?
Abuelo's birthday is approaching, and although I can't be there, I am still excited. My grandmother is busy organizing everything, with the assistance of her daughters-in-law. I knew this because my mother was helping out herself. Hindi na ako magtataka pa kung gusto ng matanda na maging engrande ang birthday ni Abuelo. It's his sixty-fifth birthday, at kahit halos taon-taon ay engrade, Abuela wanted new every year and she always wanted it to be super grand.
Cecille and my other cousins was preparing, too. Nasabi sa akin ni Cecille and nakabili na siya ng gift for Abuelo and halos tatlong buwan niya iyong pinag-isipan! Everyone is excited, ako rin naman. Pero may isang bagay pa talagang nagpanabik sa akin.
Sunday.
Sa linggong iyon ay kasabay ko sina Steban sa kada-break ko sa klase. Magaan sila sa loob kasama kaya hindi nagtagal ay naging komportable na ako. Helen was kind to me, Reed and Van were consistently witty, keeping the group laughing, Steban went with the flow, Rev joined only when he felt like it, and Cyan was always busy.
I still wished he was there, though... Kahit hindi gaanong maganda ang trato niya sa akin.
Ngayon ay nandito ako sa kwarto at hinahalughog ang closet ko para sa magandang susuotin para bukas. It was only six-thirty in the morning, yet here I was, disturbing Cecille while digging through my closet.
"Bakit ba bothered ka masyado sa susuotin mo bukas?You have a lot of expensive dresses there, Khloe! Mamili ka nalang," she said on the other line.
Kahit ramdam ko ang inis sa tono niya ay hindi ko iyon pinansin. Of course, mas mahalaga ang ginagawa ko ngayon!
"I need your help, okay? I'll describe the dress, and then you can judge it..."
"Alam mo ang taste ko sa mga damit, Khloe!"
"Alam mo rin ang sa akin, Cecille. It's easy! You'll just tell me if the dress suits me, and say 'no' if it doesn't."
"If it's easy, then you do it!"
Bumuntong hininga ako at malugkot na binaba ang hanger na bitbit kasama ng dress. Ngumuso ako at inayos ang phone sa tainga. Pumamewang ako.
"Ikaw lang ang matatakbuhan ko. I want to look pleasant tomorrow. Could you help me, please?"
She was quiet for a while and then I heard her sigh. "For what?"
Napakurap-kurap ako. Wait, para saan nga ba? Hindi ko alam! Basta excited ako at gusto ko na the best ako bukas.Maybe because this will be my second time there? I want to look... majestic... impressive. Pero para saan nga? Iyon ang tanong na maski ako sa sarili ay hindi alam! Damn this...
Naghanap ako ng excuse na masabi kay Cecille. "B-Because... because it's Sunday, C! Of course, kailangan pag-isipan! Simba iyon!"
"I didn't know you were this "church girl", cous." Nahimigan ko ng diin ang boses niya pero hindi ko na iyon pinansin.
Nagpatuloy ako sa pagpapatulong sa kaniya kung ano ang suusotin ko. She didn't say anything, but I know she's pissed. She still helped me because she loves me. Sino ba kasing hindi maiinis kung naistorbo ko ang tulog niya?
"What about Carolina Herrera's ivory crepe sheath dress with a midi-length pencil skirt and a high neckline? Or Valentino's knee-length fit-and-flare dress? What do you think?"
"What's the color of Valentino?"
"Uh... it's a soft pastel pink with a modest V-neckline and three-quarter sleeves," I informed her, providing clear details.
"I like that Carolina Herrera one."
"Really?" Nanlaki ang mga mata ko at pinulot iyon mula sa kama. Nagkalat na ang mga dress dito sa kama pero hinayaan ko nalang. Inipit ko sa tainga ang phone at tinignan ng maigi ang dress. "It's pretty! Tama ka! Ito nalang..."
In the end, I ordered the maids to clean my room and return all the dresses back to my walk-in closet. Ang dress na napili ay pinanatili ko lang sa tabi ng vanity mirror ko at nasa isang mannequin na.
"Hindi ko talaga maintindihan ang mga bata ngayon. Noong panahon namin ay basta may maisuot lang na desenteng tignan, ayos na. Ngayon, kailangan talagang gugulin ang buong araw para maghanap ng susuotin?"
I was walking downstairs when I heard one of our old maids say that. Kausap niya ang dalawa pa at kasalukuyan silang naglilinis ng mga muwebles sa living room. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako nakita. Humalukipkip ako at nagdesisyong lapitan sila pero hindi pinaalam ang presensya ko.
"Ang aarte na kahit ang bata-bata pa," sabat naman ng isa. Kaedad ni Mommy.
I rolled my eyes. Hinayaan ko sila at patuloy lang ako sa pakikinig.
"Mga mayaman kasi, Ate," sabi ng mas bata. "Maraming damit kaya maraming pagpipilian. Malamang ikaw, walang pagpipilian kaya nasabi mo 'yan."
"Hoy, Mary Joy, excuse me? Marami rin ako, sadyang hindi lang ako mapili noong kabataan ko!"
"Iba na kasi ang henerasyon ngayon, Ate..."
"Ang sabihin niyo, puro kaartehan ang henerasyon niyo ngayon! Kay raming pwedeng gawin tapos inuuna 'yan."
"Kay rami nga namang pwedeng gawin pero inuuna niyo ang pagchichismis," sabat ko.
Thanks to Reed and Van, I learned to speak Tagalog correctly. Hindi kasi sila nag-e-English at ang daldal kaya nasasanay na rin ako.
Parehong nanigas ang mga balikat ng tatlo. I smirked and stood properly.
"I want my breakfast."
"N-Nasa lamesa na po... Ma'am. Kunin niyo n-nalang po ang ta...takip," sabi no'ng kadead ni Mommy na nagsabing maarte ako.
"No, I want to it be served. I want you to serve it for me."
Doon na siya lumingon sa akin. Ang dalawang kasama ay kaniya-kaniyang lumayo at nagpatuloy sa trabaho.
"Si-Sige, Ma'am!"
Halos manginig ang kamay niya habang pinagsisilbihan ako. Pagkatapos ihain lahat sa mesa ay sinalinan niya ako ng orange juice. Ngumiti ako sa kaniya kaya yumuko siya ng kaunti. Hindi pa man siya nakaalis ay nagsalita na ako.
"This is how my generation works. It evolves over time, so don't expect things to remain the same."
"S-Sorry, Ma'am..." Nanginig ang boses niya.
"If you want to talk behind my back, do it far enough away that I can't hear. Understood?"
Napakurap-kurap siya. "Po?"
Nagkibit-balikat ako. "I'm pretty and rich. Haters are everywhere, and they will always hate. Just don't let me hear it. Nakakairita kasi."
Yumuko lang siya bago nagpaalam na ipagpapatuloy na ang ginagawa sa living room. I can see her fear. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng loob na magsalita ng masama sa akin tapos ngayong kaharap na ako ay halos magtago na sa takot. O hiya? Dahil ganiyan naman talaga, eh. People tent to talk bad on you when you're not around, if you're there in front of them, they look more of a puppy afraid to someone's shadow towering them. Bunch of cowards.
Sunday came and I woke up early to prepare. Kagabi ay nasabi na ni Steban na susunduin niya ako. It made me more excited na maski ang paglalakad patungo sa banyo para maligo ay muntik ko nang tinalon sa saya. I wore my Carolina Herrera dress paired with black stilettos.
I blew dry my hair and let it down, curtain style. I applied soft makeup and spritzed on my Chanel perfume. Nang tapos na ay binitbit ko na ang aking itim na Louis Vuitton handbag at bumaba na.
"Sinong susundo sa'yo ngayon, Kahm-Kham?" Nanang asked.
Nasa hapag kami ngayon, kumakain. Tuwing Sunday kasi ay sabay kaming kumakain tatlo. Noong una ay tumatanggi pa sila pero napagod din siguro dahil hindi ko tinatantanan sa pag-aya.
"Si Steban, Nanang."
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng batang iyon, ah."
I didn't understand what she meant by that. Maybe Steban and I are friends or on good terms?
Tumango ako. "Yes, Nanang."
Nagkatinginan sila ni Manong Tope. Nagtaas ng kilay si Nanang sa akin at wala nang sinabi.
"Sabay nalang ulit kayo sa amin ngayon."
Umiling si Nanang. "Huwag na at nakakahiya. Tama na iyon noong nakaraan. Mamamasahe na kami ngayon."
"Nanang, mas madali na ihatid kayo. Or use one of our cars." Nilingon ko si Manong Tope. "Use the black Volvo, Manong. I won't mind."
"Khloe..."
"Or let Steban give you a ride. You choose."
I went upstairs again after our breakfast for some retouch. Nang nasigurong ayos na ang hitsura at nakontento na ako, bumaba na ako. Habang nasa hagdan ay nakarinig na ako ng busina sa labas. Two maids went to our double doors to open them, revealing Steban.
Nanang Emy and Manong Tope were in the living room. When they saw Steban, they stood up and walked over to him. Nagmano naman si Steban sa kanila. They exchanged greetings before I caught Steban's attention simply by walking toward them.
Nagkatinginan kami. He's wearing a plain white long-sleeved button-down dress shirt, black slacks, and black shoes. I can't believe I appreciate outfits like this. I usually prefer clothes that are often called 'aesthetic' because of their unusual style. I didn't realize that formal attire like this could look so dashing. O siguro dahil... sobrang bagay kay Steban ng suot niya? His curtain hairstyle was always wavy and styled in a messy brush. Iyong tipong nagmadaling sinuklay, pero hindi pumangit tignan. It looked so shiny, tapos kung saan lumulingon ang ulo niya ay bumabagay naman ang anggulo ng buhok niya.
He smiled when he saw me. That soft smile of him.
"Khloe."
"Steban."
Sabay kaming apat na lumabas. Hindi man gusto ni Nanang ay wala na silang nagawa at sumabay na naman kay Steban.
"Seatbelts, please."
Ntawa ako habang tinigtignan si Nanang. Halatang nahihiya silang dalawa pero walang ibang choice. Nang nakita ni Nanang ang tuwa sa akin ay inabot niya ako mula sa backseat para paluin sa balikat. I was shocked but my amusement remained.
"Ouch, my dress!"
"Ikaw talagang bata ka! Siguro sinadya mo, ano?"
I laughed. "I didn't! Just thank Steban, okay? Nagmamagandang-loob."
Tinignan namin si Steban na ngayon ay may ngiti sa labi kahit nasa daan ang tingin. Sumulyap siya sa akin pagkatapos ay umiling-iling na binalik ang tingin sa daan, lumaki ang ngiti sa labi na kinailangan pa niya itong kagatin upang mapigil.
"Nakakahiya naman kasi talaga, hijo. Hindi ka na sana nag-abala. Si Khloe talaga..." Sinipat ako ni Nanang.
"Oh, bakit ako na naman?"
Nagawa kong katuwaan si Nanang hanggang sa nakarating na kami sa simbahan nila. I waved at her teasingly. Nakababa ang salamin ng simbahan kaya malinaw sa akin kung paano niya ako tinuro gamit ang pamaypay niya. Hinila na siya ni Manong papasok kaya umalis na kami.
May natira pang tawa sa akin kahit nagsimula na si Steban na magmaneho.
"Inasar mo kasi."
Nakangiti ko siyang nilingon. Nasa daan lang ang tingin nito pero may mumunting ngiti pa rin sa labi.
"It was fun."
"Matanda na si Lola..."
"And?"
"Na-highblood sa'yo." Nilingon niya ako bahagya at tinaasan ng kilay.
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...