CHAPTER 2
All I can say is, I don't want to be here anymore! I don't understand why my parents brought me here, even when there has thousands of schools in Manila! Or kahit hindi sa Manila, pero malapit lang.
Bakit kailangan pa na dito at magdusa ako kapiling ng mga pipichuging mga tao rito! This place is a total hell for me! A yucky hell!
I thought kahit kaunting adjustment man lang may magawa ko, pero hindi talaga. Maduming sapatos dahil inapakan ng tangang babae kanina, malalagkit na tingin ng ibang estudyante sa akin na ang iba ay tumatawa pa sa hindi ko malamang dahilan, pagiging ignorante nila sa kulay ng buhok ko, may ibang bumabangga sa akin kanina at hindi man lang humingi ng tawad, and ang kahihiyan na natamo ko kanina dahil sa lecheng garden na iyon!
Their actions are cheap, so are they! Kaya hindi na ako magtataka kung naninibago sila sa hitsura ko, dahil bukod sa ako lang ang nag-uumapaw rito, ako lang din ang may ganitong style. Siguro naninibago sila dahil puro mga cheap na tao lang ang nakikita nila for the past years.
Iritado ngunit taas noong akong naglakad papunta sa classroom ko. Wala akong plano na ngumiti sa kahit sino mang nakakasalubong.
They do not deserve my attention; I didn't even bother to look at them kahit ang iba'y wala nang kahiya-hiyang tinitigan ako. Hindi ko rin naman tinago ang pagka-irita sa kanila.
Nang nakarating na sa classroom kung saan ang first subject ko ay confident pa rin ako pumasok. I know they're looking at me, or just some of them because others didn't care, and I thank them for that.
Wala akong pinansin. I supposed they're already complete at dahil first day ito ng second semester, wala pang sitting arrangement kaya malaya akong nakahanap ng mauupuan.
I prefer at the first row and middle column, just beside the window, not at the back, not in front, perfect spot for me.
Nilagay ko na ang gamit ko sa arm chair. Pang-isahan ang upuan nila rito at hindi masyadong malapit sa isa't isa. Sakto lang ang espasyo para sa daanan sa gitna na humihiwalay sa dalawang grupo ng mga upuan.
Their room is all white, no stickers and the likes. Their chairs are metal and has a wood design arm rest, so as their teacher's table. White board ang nasa harap at napapalibutan kami ng anim na ceiling fan.
I expected it, though, since siguro hindi pa afford ng school nila ang magpa-aircon sa kada classroom buong building, unlike sa amin. Hindi naman masyadong mainit kaya these fans were fine.
"Hi! Transferred student?" biglang tanong ng katabi kong babae.
I looked at her. Maliit na babae na maliit din ang boses. Malaki ang ngiti sa akin at hindi man lang na-bother na hindi ako ngumiti at binati siya pabalik. I don't want to associate with people like them.
"Isn't it obvious?" I raised my brow.
Halos mawala na ang mata niya sa laki ng ngiti sa akin. Naglahad siya ng kamay, "I'm Suzzy. You are?"
I scoffed. "Oh, please. Stop playing hard, will you? You can speak in Filipino if you like, I can still understand. H'wag lang province words, okay? I'm kinda adjusting pa kasi..." I smiled at her sweetly.
Nakita ko ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa mga labi niya at napalitan ng inis ang mga mata niya.
"Excuse me? Ang yabang mo ah! Sino ka ba?"
"I am certain you'll stand amazed if I'll tell you who I am."
"Oy, oy, oy, ano 'yan?" Some of our classmates went to us to find out what was happening. Paano ba naman kasi, Suzzy's voice was loud enough to intrigue them.
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...