Chapter 4

15 1 0
                                    

CHAPTER 4

"Khloe?" Cyan said as he was still looking at me with shock.

"Y-Yeah, it's me." Where's Steban? Why is he here instead of Steban? Namali ba ng rinig si Reed sa sinabi ko... o baka naman papunta pa lang dito si Steban?

"Bakit ka nandito?" tanong ni Cyan habang papalapit. I assumed he went close to have his guitar so I gave it to him before he could close the distance between us.

"Here."

"Thank you." Tinanggap niya ang gitara at nag-angat ng tingin sa akin, nakaangat din ang kilay at may maliit na ngiti sa labi.

"A-Are you alone?"

"Ah, yes. Nakalimutan ko kasi ito rito, kaya binalikan ko."

So tumutugtog siya? Magaling siyang maggitara? How about Steban?

"Wala na bang pupunta rito ngayon? Mga kaibigan mo? Pinapunta ka ni Reed?" sunod-sunod kong tanong.

Kumunot ang noo ni Cyan. Tila may napagtanto siya kaya tinaasan niya ako ng kilay at bahagyang natawa saka napayuko. Sinabit niya ang lalagyan ng gitara sa balikat niya.

"Hindi ako pinapunta ni Reed. Bakit naman niya ako papupuntahin dito?"

Nanlaki ang mga mata ko. "So mayroon pang pupunta rito ngayon?"

Mas naguluhan siya sa sinabi ko. "Bakit?"

Napaisip naman ako. Is Steban on his way here? What if he'll see us here? What if he'll see me with Cyan? Baka hindi siya tumuloy o umalis agad! Edi hindi ko siya matatanong about sa CPAR?

My gosh, Khloe! This is not you. Why are you doing this?

Cyan suddenly gasped that brought my attention back to him. Tinuro niya ako habang dahan-dahan siyang umatras at ang isang kamay ay nasa bibig pa rin.

"H'wag po..."

"What?"

"NGSB ako, at hindi ako papayag na isang katulad mo ang makaisa sa akin!"

I gasped in disbelief. "Are you crazy?"

Natigilan naman siya na tila may napagtanto ulit. "Hindi ba? Nagtatanong ka kanina pa kung may darating pa at parang gusto mong wala nang dumating para magawa mo na ang plano mo!"

"Excuse me?!" Tumaas ang boses ko dahil sa mga paratang niya na hindi ko kayang i-take! "Naka-drugs ka ba?"

"Ano bang gusto mong gawin at bakit nagtatanong ka kung may darating pa ba?"

"I was expecting someone, all right?!"

Tuluyan na nga siyang natigilan at nakahinga ng maluwag. Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri saka natawa.

"Akala ko..." Umiling-iling siya. "Anyways, wala ka rin namang laban sa akin. Mas malakas pa rin ako sa'yo."

I scoffed and rolled my eyes. "Whatever..."

Naglakad na ako papalapit sa kanya para makaalis na rito. He stepped backwards and acted as though he was scared. I gave him my most boring and annoyed look which made him laugh in amusement. Him and Reed, sarap pag-untugin.

He gave way to me again just like what he did last time. Parang nagbibigay daan sa isang prinsesa. Nariyan din ang napang-asar niyang ngiti na hindi ko na binigyang pansin.

Nasa labas na ako ng classroom pero nasa loob pa rin siya. Nagsimula na akong maglakad sa hallway papunta sa hadganan para makababa na pero parang may pumipigil sa akin.

I bit my lower lip and shook my head many times. You can't do that, Khloe.

I groaned when I found myself stepping back until I walked back to where Cyan was.

Fallen MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon