Chapter 8

12 2 0
                                    

CHAPTER 8

"Steban! Pressured na ako! Hindi ko pa kuha lahat!" reklamo ko nang may hindi na naman ako makuhang tono. Ang walang hiya, tinawanan lang ako! "Don't laugh because it's funny!"

Tumigil siya sa pagtugtog saka ako pinagkatitigan ng seryoso. He licked his lower lip and looked at me with assurance. "Khloe, mas lalo kang hindi makakanta ng maayos kapag pressured ka. Relax yourself. Kasama mo ako."

I looked at his determined eyes and somehow it eased me.

Ganito nalang lagi. Simula noong nalaman kong sa Friday na ang performance namin ay halos araw-araw ko nang inaaya si Steban na mag-practice. Ni wala na akong pakialam kahit minsan ay inaasar ako ni Reed dahil lagi kong hinahanap si Steban after class o kahit lunch.

Idagdag mo pa ang halos araw-araw na reminder ni Miss Salvacion tungol sa screening. Mas lalo akong na-pressure dahil pakiramdam ko para sa akin lahat ng reminders na iyon.

"This is my fault. Super attitude ko kaya na hindi na tayo nakapag-practice ng maaga and now, we're suffering!" I ranted. I am always like this and Steban always calms me down.

It was helping naman, sa katunayan ay sobrang laki ng tulong niya pero may mga panahon talaga na hindi ko makalma ang sarili ko.

Ganito kasi talaga ako kapag hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawawala ako sa poise ko at alam kong hindi nakakaganda iyon pero wala rin akong panahon para mag-relax.

"Bakit hindi nalang muna tayo pumunta sa canteen at kumain para ma-relax mo ang isip mo?" Steban suggested. Tinignan at nakitang nakataas ang mga kilay habang may munting ngiti sa labi.

Nandito kami ngayon sa garden as usual. Dito namin lagi isinasagawa ang practice namin dahil ayaw ko labas ng lugar na ito. Nakikita ko kasi iyong ibana todo practice din at mas lalo akong nagpa-panic.

Hindi ko nga alam kung na-try na ba ni Steban na mapikon sa akin pero wala naman siyang sinasabi. Ngayon nga, inaaya pa akong kumain.

"You have guts pa talaga na ayain akong kumain? Steban, we should practice. I should practice! Pero hindi ko magawa iyon kung wala ka kaya sorry because I need you here," frustrated kong sabi at inirapan pa siya.

Bumuntong hininga siya at naupo na ulit sa hapag. Kung normal days pa ito, sa upuan ng gazebo ako uupo pero dahil gusto ko ng todong practice ay tumabi na ako kay Steban.

We were wearing our usual uniform pero dahil tapos na ang klase namin, gaya sa nagdaang mga practice ay hinubad ni Steban ang kanyang necktie. He opened his buttons and revealed his inner white shirt.

Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. "I'm sorry. Am I pressuring you as well? Gusto kong maging perfect ang performance natin..."

"Walang perfect na performance, Khloe."

"Pero may the best, Steban. I want to be the best for us!"

Bumuntong hininga ulit siya. I looked at him and pouted my lips. I looked so stressed habang siya ay ang fresh pa rin. Natural na magulo talaga ang kulay chocolate niyang buhok. He tied the portion of his hair right at the top of his head. Matagal ko nang napapansin na medyo wavy ang buhok niya pero hindi pangit tignan dahil mas dumagdag pa ito sa pagiging tisoy niya.

His skin is glowing with lighter shade of tan, his thick brows complimented his long lashes and dark brown eyes. His lips... natutuyo ba 'yan? Daig pa soft lips ng mga artistang nakikita ko sa Korea!

"Nakikinig ka ba, Khloe?"

Napakurap-kurap ako nang nagsalita siya. I licked my lower lip when I realized I had been starring too much! Did he notice?

Pinitik niya ang noo ko. "Sabi ko snacks muna tayo para makapag-relax ka. Tapos habang kumakain tayo, tuturuan kita kung saan ka nahihirapan para walang sayang na oras."

That... convinced me. Kaya pumayag akong pumunta muna kami ng canteen para bumiling makakain. Ang kaso lang, sarado na ang lagi kong binibilhan! Tinignan ko ang relo ko at nakitang malapit na rin palang mag alas singko kaya siguro hindi nabukas.

Binalingan ako ni Steban. "Order nalang tayo sa labas?"

Tinignan ko naman siya at napaisip. Gusto ko sanang i-try kung ano ang available dito pero parang hindi ko kaya. Stress na nga ako, kaya dapat relaxing iyong foods na kakainin ko!

Natawa si Steban. "Order nalang tayo sa labas. Tara."

Sumunod lan ako sa kanya nang tumulak kami papunta sa gate. Pwede ka kaming umuwi dahil tapos na naman ang schedule namin pero nagdesisyon kaming bumili nalang ng snacks sa convenient store sa tapat. Bumili kami ng ice cream saka sandwich nila bago nagdesisyon na bumalik sa school dahil wala naman kaming lugar na pwedeng praktisan.

"Sa blue benches tayo para may table," ani Steban.

Sumunod lang ako sa kanya. Bag ko lang ang bitbit ko dahil siya ang nagdala ng binili namin pati ng gitara at bag niya.

Ngayon lang ako nakapunta sa part naito ng school kaya namangha ako. Alam ko namang malaki ang school na ito kahit hindi gaya noong sa amin. Pero hindi ko alam na may ganitong lugar.

Maraming mga puno at sa ilalim ng mga punong ito may mga benches. May mga wooden benches sa isang side, may bilugang yellow tables sa ilalim ng isang malaking puno at sa maliliit ay ang mga blue benches kung saan may table, dalawang mahabang upuan na nakaharap, at bubong na connected lang sa upuan at table.

Naupo kami saka nilapag ni Steban ang pagkain namin. Kumuha ako saka nagsimula nang kumain nang natigilan. This is the first time Steban and I have meal together and it feels weird. I don't know why.

Susubo na sana ako pero natigilan at napaubo nang nakita siyang pumikit at tila may sinasabi bago dumilat at nagsimula nang kumain. He noticed my stare and raised a brow.

"Akin 'to, may pagkain ka."

Napairap ako at hindi nalang nagsalita.

"Ubusi mo muna 'yan tapos tuturuan na kita." He smiled briefly.

"Okay..."

Tahimik kaming kumain. Hindi ako fast eater kaya naunahan niya akong matapos. Nilabas niya ang gitara saka tumugtog ng mahina lang habang nakatingin lang akosa ginagawa niya.

Bigla kong naalala iyong panahon na nag-iisip pa kami ng kanta na kakantahin namin para bukas. Na-notice ko na rin kay Reed dati sa mga kanta nila noong Sabado pati ang mga ginawa ng mga tao na nanood sa kanila doon sa barrio.

I never met people like them kaya hindi ko napigilang magtanong.

"Hindi ka ba kumakanta ng hindi Christian songs?" wala sa sariling tanong ko.

Nakababa pa rin ang ulo nang inangat niya ang mga mata sa akin dahilan upang kumunot ang noo niya. He pursed his lips and shook his head.

"Hindi naman. Pero since nagbanda, more on Christian songs na talaga tinutugtog namin. Then you came." Ngumisi siya.

Natawa ako. "Wow, parang it's my fault pa ah?"

"It's not what I meant."

I rolled my eyes. "So, what's the name of your band?"

"We are called ARCHERS."

"Where does that name come from?"

"Initials namin."

Napatango-tango ako. Inisip ko ang mga pangalan nila. Steban, Cyan, Reed, Van, Rev, Helen...

Kulang yata? Saan galing iyong Van?

Natawa si Steban saka pinitik ulit ang noo ko. "Real name namin, Khamile Luella."

"Ouch! That hurts! Nakakailan ka na ah?"

"I like doing it, mamumula kasi noo mo."

"What? Steban!" Agad kong kinuha ang salamin sa bag ko para tignan ang mukha habang tumatawa lang siya.

He loves teasing me, for sure.

Hapon lang lagi ang practice namin ni Steban dahil may klase naman kami sa umaga. Hindi rin ako pwedeng magpagabi dahil isusumbong ako nina Nanang kina Mommy ay Daady. Ayaw ko rin na ma bad shot na naman sa kanila.

Do I miss Manila? Of course. Pero these days, siguro sa sobrang busy ay hindi ko na masyadong naiisip iyon. Tumatawag pa rin naman si Cecille to update me what's going on there, pero hindi na gaano kadalas since ang nalaman ko kina Mommy busy din siya sa school at naiintindihan ko naman dahil busy din ako.

Siguro wala na iyong ibang pinagkakaabalahan dahil wala na ako roon. Ako lang naman ang laging kasama no'n sa mga kabulastugan niya.

I don't have social media kaya wala akong update sa nangyayari roon. Si Mommy at Cecille lang ang nakakausap ko tungkol doon. Kahit update kina Adam at Cyron ay hindi ko alam puwera sa last na sabi ni Cecille na kinukulit pa rin siya ng dalawa.

Dagdag sakit sa ulo din iyon sila kasi what if malaman ni Daddy ang tungkol sa kanila edi mas malalagot ako? They should behave if they don't want me to cut their balls off them.

Pagod ako lagi from school kaya pagdating sa bahay ay nagkukulong lang ako sa kwarto at doon na dinadalhan ng pagkain ni Nanang o 'di kaya'y maids namin. Kinaumagahan naman ay may pasok ako kaya maaga pa rin sa school.

"Kumusta na kayo ni Steban?" salubong ni Reed pagkarating ko sa school.

Padabog akong umupo saka kinuha ang salamin sa bag para i-check ang mukha. "Walang progress."

"Ang hina naman no'n..." bulong niya pero narinig ko naman.

Nilingon ko siya. "No, Reed. Hindi niya kasalanan. Ako 'yong problem kasi hindi ko makuha 'yong tamang tono ng certain part sa song namin!"

Napatanga siya. "Ha? Kanta?"

Napakurap-kurap ako. "Yeah? Huh?"

Miss Salvacion never got tired reminding us the upcoming screening that will be held in the auditorium for the singing. Habang iyong dance at iba pang category ay sa gymnasium. Kaya naman may specific schedule dahil lahat ng CPAR teacherang magiging judge. Hindi rin pwede na wala kaming klase during culmination. Kaya after class magaganap ang screening.

Isang araw ay tumawag si Manang na kailangan ko munang umuwi dahil tumatawag si Daddy at hinahanap ako dahil hindi nila matawagan ang phone ko.

After ng klase namin ay palabas na sana ako ngunit nahinto nang nakita ko si Steban sa railings sa tapat ng classroom namin, nanonood ng mga ganap sa baba.

Saktong lalapit pa ako nang umayos siya ng tayo at nilingon ako. Nang nagtama ang mga mata namin ay ngumiti ako. Tumitig muna siya ng kaunti bago tipid na ngumiti saakin.

He looked so fresh pa rin. Maayos ang pagkakasuot ng uniform niya except sa dalawang butones na hindi naka button at maluwag na maroon necktie. Mukhang wala siyang inner shirt kaya may portion ng dibdib niya na kita ko.

His hair went down to his forehead pero hindi naman natabunan ang makapal niyang kilay. His thick and long eyelashes were highlighted and his eyes were almost shining.

Yumuko ako at naglakad patungo sa kanya. I can smell his perfume from where I was. At nang nakalapit na ay saka pa ako nag-angat ng tingin dahil hanggang baba niya lang ako.

"Uhh... kailangan ko munang umuwi, Dad called." Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

He pursed his lips and nodded his head while raising his brows. "So... walang practice?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong wala? Bukas na, Steban!"

"Anong gagawin natin?"

Napaisip ako. Hindi ako sure kung matatagalan ako kung bumalik pa ako rito para mag-practice kami. Hassle na iyon at sayang sa oras lalo na't hindi naman malapit ang mansion dito.

Naningkit ang mga mata ko saka bumuntong hininga. "Kung... okay lang sa'yo na sa bahay..."

Tumaas ang kilay niya. "Sa bahay niyo tayo magpa-practice?"

Unti-unti akong tumango. "I thought it will be a hassle to get back here. It will waste our time. Tapos hindi pa ako sure kung mabilis kaming mag-uusap nina Daddy."

Dahan-dahan siyang tumango at mariin na nakalapat ang mga labi. Ngumiti ako kaya natawa siya.

"Pwede nating isama si Reed para may kasabay kang umuwi," I suggested.

"Oy, pinagchichismisan niyo ako?" biglang sulpot ni Reed sa gilid ko. Natawa pa ako nang lingunin ko siya dahil may hairpin na nasa buhok niya.

Umirap ako habang natatawa. "I was just thinking if sasama ka sa amin sa bahay to practice."

"Practice niyo para bukas?" tanong niya at tumango naman ako. Bigla siyang lumayo. "Nako, bahala kayo riyan! May practice din ako, 'no!"

Umatras na siya paalis. Kinindatan muna niya kami bago tuluyang tumalikod.

"He is so weird," I commented while looking at Reed who's now running like a kid.

Natawa si Steban. "Hayaan mo na."

We gathered our things at gaya ng napag-usapan, naglakad na kami palabas ng school para pumunta ng bahay at doon ganapin ang practice.

"Wala ba siyang pair? I didn't see him practicing with his pair. Tapos he seems so relaxed pa," kwento ko habang naglalakad kami palabas.

"May pair siya, kaso ewan, secret practice nila."

"Parang sa atin?"

Nakapamulsa na nilingon ako ni Steban at tinaasan ng kilay habang may ngisi salabi. "Secret ba sa atin?"

"We practiced in the garden, a place so private. So..." I shrugged.

"Nakapag-practice na tayo sa benches."

"Sabagay..."

Nang nakarating kami sa labas ng gate ay naroon na si Manong Tope. Nilapitan ko siya at sinundan naman ako ni Steban. Nang nasa tapat na ng van namin at nilingon ko si Steban na ngayong nakasunod lang sa akin at nahuli agad ang mata ko.

"Sabay ka nalang sa amin," aya ko pa.

Umiling siya. "I have a car. Kunin ko lang."

Nagtaas ako ng kilay. Tinuro niya ang likuran saka patakbong bumalik papasok. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad pabalik sa loob ng campus. May car naman pala, sumama pa rito sa labas?

Nakasunod lang si Steban sa amin ni Manong Tope sa biyahe. Lagi ko pang tinignan ang likod gamit ang side mirror para ma-sure kung nakasunod nga ba ang itim na Range Rover ni Steban at panatag naman nang nakitang nakabuntot lang ito.

"Kaibigan mo, Kham-Kham?" biglang tanong ni Manong Tope.

I turned to him and looked at him through the rearview mirror. "Schoolmate, Manong. Pair ko sa performance task namin and sa bahay namin napagdesisyunan na mag-practice."

"Hmm..." Nagtaas ng kilay si Manong Tope pero hindi ko na pinansin.

Hindi naman masyadong mahaba ang biyahe dahil wala namang traffic dito sa Santa Praia kaya wala pang isang oras ay nakarating na kami sa mansyon.

Automatic nagbubukas ang gate namin dahil sa sensor nito at kilala na ang car namin. Kay Steban naman, nagtagal siya ng kaunti dahil niregister pa ng guard ang sasakyan niya para makapasok kaya hinintay muna namin siya sandali. Nang okay na, nakasunod pa rin siya hanggang sa tapat ng mansyon.

Nauna ako bumaba at agad na nilapitan ang kotse ni Steban sa likuran.

Bumaba siya dala ang gitara niya. Nagkatinginan kami at nginitian niya ako kaya ganoon rin ang ginawa ko.

"Let's go?"

Nakasunod lang siya sa akin nang umakyat kami sa terrace patungong main door. Bumukas iyon at tumambad sa amin ang malaking mansyon.

I looked at him and he seemed normal. Wala akong makitang amazement sa mukha niya. Parang si Steban lang na naglalakad sa school patungong canteen. Nagtaas ako ng kilay.

"Khloe?" It was Nanang.

Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses niya dahil hindi ko pa siya nakita. "Nanang, we're here."

Lumabas siya mula sa kusina. "Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo. Bakit daw hindi matawagan ang phone mo."

"I don't know, Nanang. Hindi naman dead battery," sabi ko at nagmano kay Nanang pero nakita kong kay Steban nanatili ang tingin niya. Nilingon ko ang kasama. "Uh... This is Steban pala. Partner ko sa CPAR and we're here to practice since tomorrow will be our presentation."

Lumapit si Steban kay Nanang Emy saka nagmano. "Steban Garza po."

"Si Nanang Emy ko," sabi ko.

"Garza? Anak ka ni Aris?" kunot-noong tanong ni Nanang.

"Yes po..."

Nanlaki ang mga mata ni Nanang saka ako nilingon. Nagtaka naman ako sa reaskyon niya. Bago pa ako makapagsalita ay narinig na namin ang tunog ng telephone sa living room kaya tumalikod si Nanang para sagutin iyon.

"Nandito na siya." Nilingon ako ni Nanang. "Khloe..."

Tumango ako bago nilingon si Steban na nakatingin lang sa akin. Sinenyas ko sakanya ang malaking sofa.

"Diyan ka muna. I'll tell Nanang to bring you snacks."

Umiling siya. "Okay lang ako."

Inirapan ko lang siya bago nilapitan si Nanang para kunin ang telephone. Sinabihan ko na rin siyang bigyan ng snacks si Steban.

"Hello, Dad?"

"How are you?" my Daddy asked coldly.

"Fine, Dad. Where's Mom?"

"She's doing her rounds."

"Bakit kayo napatawag?"

Bumuntong hininga si Daddy. "Baka bumisita kami riyan next week."

"Really? For what?" I couldn't hide my smile. Finally ba isasama na nila ako pabalik sa Manila?

"Just to check on you there. Babalik din kami agad."

"Kayo lang ang babalik ng Manila?" Ngumuso ako.

"Yes. What are you expecting?"

Nalaglag ang ngiti ko. Bakit nga ba ako nag-e-expect? Malamang I'm still under their punishment. Siguro I'm a bit sad. I was a bit excited to talk to Dad about this, but his tone like this, talking to me coldly like talking to his business partner, made my heart sink.

But what do I expect with the cold Miguel Monzon but to be like this?

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Daddy dahil marami pa siyang gagawin. I just sent my regards to Mom bago binaba ang tawag at bumalik na sa living room kung saan ko iniwan si Steban.

Nandoon lang siya at naggigitara habang may meryenda sa harap niya. Bumuntong hininga ako at inayos muna ang sarili bago tuluyang lumapit sa kanya.

"Kumain ka?" salubong ko dahilan para mag-angat siya ng tingin.

Parang nagulat pa siya nang nag-angat ng tingin sa akin. "Yep."

Umupo ako sa tabi niya saka pinagmasdan siyag tumugtog. "Practice na tayo?"

He smiled softly. "Sure."

At nagsimula na nga kaming mag-practice ulit. Marami pa talaga akong nahihirapan na part lalo na sa pronounciation at sa tono na complicated kantahin. Hindi naman kasi ako kumakanta pero ang sabi naman ni Steban ay hindi pangit ang boses ko.

Ngumuso ako nang namali ko pagbigkas ang word at natawa naman siya.

"It's so hard to pronounce this line!" reklamo ko. Napainom ng juice si Steban habang pinipigilan ang ngiti. "Nabubulbol ako!"

Halos maibuga niya ang juice na iniinom. Nanlaki ang mga mata ko nang halos hindi siya makahinga at sinisinok na!

"Hey, are you okay?" Hinampas ko ang likod niya at inabutan siya ng tubig.

Ilang sandali pa bago siya kumalma at nanghihina akong tinignan.

"Khloe, you will be the death of me," he said na parang inubos ko lahat ng lakas niya.

"What did I do? Sabi ko naman naman nabubulbol ako sa line na iyon because the pronunciation is too hard!"

Ginulo ni Steban ang buhok saka nasapo ang noo pero may multo ng ngiti sa labi. "It's nabubulol, Khloe..."

"Hindi nabubulbol?"

Napapikit siya ng mariin na tila disappointed. Yumuko siya at hinanda nalangang gitara. "Mag-English ka nalang, please."

Hindi gaanong nagtagal si Steban sa bahay kasi anong oras na rin. I insisted that it's okay because we still need to polish everything but he insisted to go home kasi baka daw nakakaabala na siya. He's such an overthinker. Ani niya rin na anong oras na and I should rest.

"Kung may hindi ka pa rin sigurado, I'll call you and listen to you while singing," he assured me.

Ngumuso ako at malungkot siyang tinignan. "I don't have any instrument here."

I saw him look away and gulp. Binalik din naman agad sa akin ang tingin. "You'll sing, I'll play. Are we good with that?"

Ganoon nga ang ginawa namin. I practiced my part since he was already confident with his part. While I was singing, he guided me while playing. Tapos kapag may mali ako, sinasabayan niya ako to correct me.

Kinaumagahan ay matagal akong nakagising dahil medyo matagal kaming nakatulog kagabi. Ginising ako ni Manang at sa sasakyan na ako nakapag-breakfast dahil naubos ang oras ko sa pag-aayos sa sarili. Ngayong araw ay may dala akong paper bag kung saan naroon ang susuotin kong damit para mamaya sa screening since Miss Salvacion required us to wear casual attire.

Reed was already there when I arrived. Nakapikit ang mga mata niya na parang natutulog pero napansin kong may suot siyang earphones. I looked at my classmates at napansing hindi lahat ng nandito ay classmates ko. May ibang taga ibang section at nagpa-practice kasama ng mga pair nila.

"Hi, Khloe!" Someone even stopped playing his guitar to greet me. I gave him a short smile that made him blush.

Marami pang bumati at tipid na ngiti lang ang binigay ko. Nang tuluyan nangnaupo ay bumuntong hininga ako saka nilabas ang phone para i-text si Steban.

Khloe:

Do you have a class?

Hindi naman nagtagal ay nag-reply siya.

Steban:

Hinihintay pa namin. How about you?

Khloe:

Wala pa si Sir Alyawan. Sana hindi siya pumasok.

Steban:

Bad ka.

Natawa ako sa reply niya kaya nakagat ko ang aking labi.

Khloe:

For us to practice kasi.

Hindi na siya naka-reply at sakto namang pumasok si Sir Alyawan, making everyone disappointed, including me. He made his discussion pero wala mukha akong walang narinig dahil hindi ko mapigilan na tumingin sa labas ng bintana at isipin ang mangyayari mamaya. Buti nalang talaga at hindi nagpa-quiz si Sir.

Gaya niya ay pumasok din ang iba pa naming mga teachers including Miss Eborda na nagpa-oral recitation pa!

Own opinion lang naman sa naging topic after the discussion kaya hindi masyadong pressured na kailangan talagang pag-aralan. I even knew my answer was not that good but I didn't care. Dahil ang gusto ko lang ay matapos na ito.

Nang natapos ang morning class namin ay tinignan ko lang ang phone ko. May text si Steban.

Steban:

NANDITO FIRST PERIOD NAMIN!!!

I find it funny kaya natawa ako. Dalawang oras ang pagitan bago siya nag-text ulit.

Steban:
I assume you have classes, too. Mukhang hindi tayo makaka-practice dahil pinatulong kami mag-set up para mamaya.

Doon na ako na-stress ulit. Nasapo ko ang noo at nilingon ang likod kung nasaan si Reed pero kumunot ang noo ko noong nakitang wala siya. Nahabol ko lang siyang tingin nang palabas na siya at tila nagmamadali. What's wrong with him?

In the end, I had my lunch all by myself. As if I'm not used to this. Pero kasi ngayon, sinaluhan ako ng pangamba at kaba para sa mangyayari mamaya.

Ngayong hapon ay si Miss Salvacion nalang ang klase namin at hindi siya papasok to give us time to prepare. Kaya naman after lunch ay naghanap muna ako ng place where I could practice by myself.

Since wala akong internet para sana maka-listen nalang ng minus one acoustic sa YouTube ay acapella lang talaga ang ginawa ko.

After I made myself confident enough to perform later, I decided to prepare myself and change my clothes. From my school uniform, I am not wearing a white, sleek, solid-colored halter dress with a gathered waist, white pointed-toe stiletto with faux pearl decor covering its ankle tie, and a white ribbon just at the back. I let my hair down and applied nude makeup to compliment my style for the day.

Nang lumabas ako ng bathroom ay pinagtitinginan ako. Napansin ko rin na ang simple lang ng sinuot nila at mayroon pa akong babaeng nakitang naka ragged pants and checkered long sleeves lang! Napairap ako at hindi nalang sila pinansin.

Kasalanan ko bang ganito ang casual attire ko? Ano nalang kaya kung sinabi ni Miss Salvacion na mag-formal kami?

I walked confidently towards the auditorium, ignoring the stares I received from every student, even teachers, I walked through. Nang nakarating doon ay pumasok na ako at pinagmasdan ang paligid.

Their auditorium was huge which I did not expect. Maraming mga upuan at pababa ito hanggang sa makarating sa pinakaunang upuan sa harap lamang ng stage. Malaki ang wooden stage nila sa unahan at kahit sinong nakaupo ay makikita ito at kung sinong nandoon. May malaking screen din sa taas lamang ng stage. May nakita akong tila veranda sa left side sa taas at may nakitang mga instruments doon.

I gasped for air. Lalo na nang nakita ang dagat ng mga estudyante.

There are so many students here!

"Khloe?" Lumingon ako sa likuran nang may tumawag and saw Van.

His jaw dropped upon looking at me with amazement. Nakasuot siya ngayon ng simpleng brown button-down polo shirt, nude trousers, and a pair of leather shoes. He looked good with his sleek black low-fade haircut, well-shaped brows that complimented his long lashes, pointed nose, and rose-colored lips. He then smirked after looking at me.

"Ganda ng crush ko!" he bluntly said.

I suddenly blushed and took a step forward. "Hindi ba masyadong OA for this event?"

"OA? You're perfect, Khloe!"

"Nakita lang si Khloe napa-perfect na. Akala ko ba nobody's perfect, Van?" Biglang sumulpot si Rev sa gilid ni Van saka ako tinignan at tipid na nginitan. "Hi, Khloe."

I smiled at him. Rev somehow made me remember Cyan.They have this same aura that gives people chills.

Rev looked so cool with his plain black inner shirt and plain black polo shirt na hindi niya binutones ang kahit isa. All black ang suot nito pati pants and shoes. Bagay sa kanyang itim na taper fade haircut. He's mestizo and red-lip man. He's fine.

I smiled, too. "You look good."

This is the first time I saw them this formal. Noong nasa barrio kasi kami ay simpleng t-shirt at pants lang naman ang suot nila doon.

Van dramatically held his chest as if he was hurt so badly. "You didn't compliment me, Khloe."

I laughed a little. "Of course, you looked good, Van. As always."

Umiling-iling pa siya kay Rev na ngayon ay natatawa na. "Wala na..."

"Where's your pair?"

"Hindi kami kasali, pero may intermission number kami," Rev answered.

"Oh? That's good, then."

Natigil ang pag-uusap namin nang may tumawag sa kanila kaya nagpaalam na sila. Nang ako nalang ang naiwan ay nilibot ko ang tingin sa paligid para sana hanapin si Steban nang biglang may lumapit sa akin.

"Kasali ka sa magpe-perform?" isang babaeng nakasalamin na naka-uniform ang nagtanong sa akin.

"Yes."

Mangha siyang ngumiti. "Great! Sumama ka sa akin. May designated seats kasi ang mga kasali mamaya."

Malaki ang ngiti niya nang igaya ako sa kung saan kami uupo. Again, I heard murmurs and greetings from the students and I simply greeted them back with a smile. Mapalalaki o babae man ay bumabati.

Nakarating na kami sa unahang bahaging mga upuan at kitang-kita na mula rito ang stage. May mga nakita na rin akong classmates ko pero hindi ko pa rin makita si Steban, maging si Reed, Cyan, at Helen. And then I remembered they will have a performance, kaya siguro wala rito.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang program. Student councils namin ang dalawang emcee. We started with prayer and the national anthem, then the school' hymn. After everything, we were settled in and the program officially started.

For today, singing solo and duet lang ang maka-cover since limited lang ang time. Bukas ay ang dance at sa gymnasium gaganapin, kasabay na riyan ang arts na may specific room kung saan sila gagawa. For the other events, ibang schedule naman.

Nagsimula na. I watched every performance but I could not concentrate. I am nervous but I did not let it show up. Maraming mga pangit ang performance pero mayroon din namang nakakamangha. I stayed stoic and unbothered kahit ang totoo sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako.

"That ends our solo performance. Did you enjoy it?" the emcee said and the crowd cheered. "Before we'll proceed with the singing duet, let's all have an intermission number. Are you ready?"

The crowd cheered again, siguro dahil alam na nila kung sino ang mga perfromer. I shifted in my seat and silently cleared my throat.

"Let us give a hand to Archer Band!" The crowd roared and they entered.

I pursed my lips while looking at them. Sabay silang umakyat ng stage dala ang mga instument nila. Hindi naman lahat may dala dahil may mga instrument na naman sa stage, siguro they prefer using their own.

Si Van ay karga-karga sa dibdib ang beatbox niya at malaki ang ngiti sa mga tao, si Rev at Reed ay hindina nagdala dahil may keyboard at drum set naman na sa stage, si Helen ay microphone lang ang dala, si Cyan ay ang kanyang kulay itim na bass guitar na nakasabit nasa kanyang balikat, habang si Steban ay nasa guitar case pa rin ang gitara at may dalang mic stand, probably for Helen.

Nilagay iyon ni Steban sa gitna ng stage. I saw how Helen smiled with that gesture, ngumiti rin si Steban dahilan para makarinig ako ng konting pang-aasar na hindi yata maririnig sa stage.

I cleared my throat and looked at Cyan instead. There, my lips formed a smirk.

Ang gwapo.

He looked so dashing with his plain black polo shirt that hugged his body perfectly, tucked in his black trousers, and black shoes. His hair was perfectly and cleanly combed according to his style, making him look so cold and powerful. I blushed and stopped myself from smiling.

I heard Helen doing her mic test so I looked at her. She's always simple. She's now wearing a plain beige fitted top, black trousers, and a pair of sneakers. Her black straight hair was tied up neatly, making her pretty face light up. Her outfit and hairstyle complimented her deep tan skin. She's simple and eye-catching.

My eyes landed on Steban. To my surprise, he's already looking at me. Nagulat ako kaya umawang ang labi ko. Bago pa man nakapag-react ay iniwas na niya ang tingin sa akin na tila hindi ako nakita. That made me sigh. I was supposed to smile...

"Are you ready, Archers?" it was Helen. The crowd cheered. Wow, daming fans. "Ang kantang ito ay para mga may gusto na hindi maamin ang nararamdaman dahil hindi sigurado kung gusto rin naman..."

I rolled my eyes. She delivered it so well that the crowd grew wild because maybe they could relate.

"Para sa mga taong sigurado na kung sino ang gusto at hinihintay nalang na mapasakanila ito..."

Slowly, Steban started plucking. The crowd cheered just by hearing that. I saw how a smile formed on Steban's lips.

"Sa'kin nakatingin, parang lumilipad na lang sa hangin. 'Di na mapakali, ikaw lang naman ang ninanais. 'Di ba nalilito ang puso mo kung saan na papunta? Sa akin ba sinta?" Helen sang.

Hindi ko masyadong maintindihan ang lahat ng lyrics but I can feel the emotions for the way she sang it.

After that part, Reed entered using his cymbals once. Helen then continued until the chorus with Steban and Rev and the emotions remained.

"Isasayaw kita na para bang ito na ang panghuli natin, sinta. 'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa. Sasamahan nga kita sa dulo ng ligaya..."

I felt goosebumps when all of them joined together in the chorus. Idagdag mo pa ang pagkanta ni Steban together with Helen. And their chemistry while singing and looking at each other happily, damn... it felt strange.

Akala ko si Helen ulit ang kakanta sa next stanza, but I was wrong.

Steban continued plucking his guitar when the chorus ended with Cyan and his bass guitar, and then Reed and Van with their drums and beatbox.

"'Di pa ba halata na iba ang ihip ng hangin dito? Kung pwede lang sabihin ng diretsahan ang aking gusto. Teka, ang bulag mo naman kung 'di pa rin na sisilayan. Nagbago na ang pagtingin..." Steban sang and my heart pounded.

Not because of his voice, but the cheer the crowd made! Nag join force sila na halos lumipad ang puso ko sa gulat kaya napatingin ako sa kanila habang hawak ang dibdib.

Nang binalik ko ang tingin sa stage ay nakangiti si Steban while strumming his guitar. Umayos ako ng upo at pinagmasdan sila.

After Helen and he sang the second chorus, Steban did his guitar solo. I heard gasped from everywhere and I couldn't help but roll my eyes. Seriously? Eh, hindi nga 'yan kasing galing ng mga nakikita ko ibang banda, eh.

"Ang gwapo ni Steban, sis..." I even heard whispers.

I looked at him and hindi ko naman masabi na hindi totoo ang mga narinig ko.

Steban was so fine even just wearing a simple white button-down dress shirt, two buttons were opened, and his sleeves rolled up to his elbow and had dark blue encircled around his cuffs. He is wearing simple dark pants and white sneakers, a guitar hung on his shoulders, messy dark brown hair, and a charming face.

Ngumuso ako.

The music went slow and Steban sang the last chorus. It was so calming that everyone went quiet while looking at him singing, eyes closed.

Kaso lang, nang idinilat niya ang kanyang mga mata, nagkatinginan kami. I didn't know what happened, but I felt like everything stoped, including my heartbeat.

Fallen MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon