Chapter 9

4 1 0
                                    

CHAPTER 9

Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil pagkatapos ng parang pagtigil nito ay biglang naging malakas ng kabog nito. Kumunot ang noo ko dahil sa weird na naramdaman na kailanman ay hindi ko naman naramdaman noon.

Yes, my heartbeat pounds for certain reasons, like when Daddy is mad at me or I'm in an intense make-out with someone. But not this...

Hindi ko namalayan na hindi na pala ako nakikinig sa kung ano man ang ganap ngayon sa harapan. Napabaling lang ako ulit doon nang narinig ang palakpakan ng mga estudyante sa paligid.

It's starting. Balisa ako habang iniisip ang weird na pakiramdam kanina idagdag pa ng kaba sa katotohanang maya-maya lamang ay ako naman ang nariyan sa entabladong iyan at magpe-perform kasama si Steban. I'm nervous but just merely thinking of Steban's words these past few days comforted me.

Speaking of Steban...

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin siya ngunit hindi ko siya nakita. Tamang-tama dahil lumabas na si Helen sa backstage at nagkatinginan kami. I waved my hand and smiled at her. Itatanong ko sana kung nasaan si Steban pero bago ko pa nagawa iyon ay iniwas na niya ang tingin saka nagmadaling umalis.

Sinundan ko siya ng tingin. What the hell? Galit pa ba siya sa akin?

Napairap nalang ako saka ulit binalik ang tingin kung saan nanggaling si Helen kanina. Only to find Cyan with his guitar on his back. Kausap niya si Rev saka sila nag fist bump bago umalis si Rev. I pouted as I watched him walking. He's very tall for his age, siya ang pinakamatangkad sa kanilang lahat. He's clean-looking and very handsome. I realized I didn't like boys like him before because I preferred the ones that are sporty, likes to play like me, unserious, and has a welcoming personality.

Well... maybe Cyron is an exception since he's not that kind of guy. Above all the guys I had business with, Cyron is the most mature. His aura is similar to Cyan, but Cyan's appeal is different. More attractive... colder but screams hotness every girl would die for. I smirked.

Naputol ang pag-iisip ko kay Cyan nang may dumaan sa harap ko. Inangat ko ang tingin at naabutan siyang umupo sa tabi ko. Steban combed his shiny hair using his fingers and licked his lip as he looked in front. Nang napansing tinitignan ko siya ay pinilig niya ang ulo sa akin.

I smirked. "I like your performance..."

Natawa naman siya ng bahagya saka umiling-iling, halatang hindi naniniwala.

"I'm serious!" tawa ko.

"Performance namin o performance ni Cyan?" Nagtaas siya ng kilay.

His sudden banat made me blush. Ngumisi naman siya saka nag-iwas ng tingin.

Umirap nalang ako at hindi na nagsalita pa. Bumaling ako sa harap at tuluyan na ngang nakalimutan ang weirdong naramdaman kanina lang.

I like Cyan. If you're thinking I would like to make Cyan my boyfriend, then you're wrong. I just like him, nothing more. He interests me, but I don't do boyfriends. Especially here knowing their lives are different from what my life is, and I'm just temporary here. Babalik akong Maynila. To where I belong.

"And our next entry, from STEM A and HUMSS 1, Adriel Estevan Garza and Khamile Luella Monzon!"

Halos tumalon ako sa kinauupuan nang tinawag ang pangalan namin. Naunang tumayo si Steban pero hindi pa naglakad. Nasa kanan ko siya at ang daanan ay nasa side ko kaya iminuwestra muna niya ang daan gaya ng madalas niyang ginagawa sa akin. May munting ngisi sa kaniyang labi na tila naglalaro. Hindi ko tuloy mapigilang ngumuso bago tumayo at naunang maglakad sa kaniya.

I heard whispers and cheers. Nang nasa stage na kami ay biglang natahimik ang paligid. Steban set-up his electric guitar and when it's done, tumabi na siya sa akin. May dalawang mic stand sa harap namin at isang high chair kung saan ako nakaupo. Nasa tabi ko siya nakatayo.

He started his plucking intro and everyone cheered just by doing that! May pa vocal riff pa siya na mas naging dahilan para magtilian ang mga nanonood, mostly girls! I saw the rest of the Archers and they were cheering, lalo na si Reed.

Bago mag-start ang kanta, nilingon ako ni Steban. Abot ang tahip sa dibdib ko dahil sa kaba. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga nang nagkatinginan kami ni Steban. He gave me an assuring smile... and somehow... it worked. Tumango siya sa akin kaya tumango nalang din ako.

"Mapapansin mo kaya? Ako'y magkukunwari ba sa nararamdaman kahit walang pumapagitan?" I sang.

The crowd went silent. I don't know why and I do not want to know why! Pumikit nalang ako at pilit kinakalma ang sarili saka nagpatuloy.

"Isayaw mo ako, sinta... ibubulong ko ang musika. Indak ng puso'y magiging isa... takbo ng mundo'y magpapahinga..."

I am not really confident with my voice but I am certain na hindi rin naman ako sintunado. Though I play instruments, hindi naman ako kumakanta kaya hindi pa talaga ako confident.

Pero naisip ko, at least maganda ako. Sisirain ko ba ang pagiging maganda ko dahil sa kabang nararamdaman?

Parang gumaan ang loob ko dahil doon. Iminulat ko ang mga mata ko, not even aware that I was facing Steban already. Sa pagbukas ko sa aking mga mata, nagkatinginan agad kami. My heart... again... pounded like crazy. What the hell?

I looked into his eyes while singing. There's something in that beautiful orbs I cannot read. It's like walls were built in front of it to prevent me from digging more on what's inside. Kaya lang, kahit pader sa mga mata niya ay parang kay ganda. Hindi tuloy ako nakabitaw sa pagtitig.

"Bumabalik sa bawat eksena, ako at ikaw..." I raised my brows and nodded at him before we both sang the last line of the chorus.

"Walang iba..."

Now, it's Steban's turn. He did not close his eyes, they remained watching me full of emotions.

"Hmm-mmm..."

He continued plucking while tapping the guitar's board to make sound like a beatbox.

"Magdadalawang-isip ba 'ko o iisa-isahin ang paghakbang paentablado? Para lang na mapansin mo..." then I joined him with the "na..."

The crowed cheered dahilan para gumuhit ang ngisi sa labi ko.

"Ikaw lang ang sadya kong maisayaw at makausap kahit 'di sanay na humawak ng mga kamay, sa 'yo lang ako sasabay, oh..."

"Kahit ngayong gabi lang (Ngayong gabi mangyayari ang minsan...)" I sang, he harmonized with me. "Oh, kahit na sandali lang (Sandali lang naman...)"

We sang the last two choruses with our version beautifully. Nang natapos ang kanta ay tahimik pa rin ang crowd. I thought they didn't like our performance until I heard a slow clap somewhere and followed by many. It made me smile. Bumaba ako sa high chair habang nililigpit ni Steban ang girata niya. Nasa stage na ang emcee kaya nang natapos si Steban ay nauna na akong bumaba, though nasa likod ko lang naman siya at nakasunod.

It was overwhelming. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko after ng perfrormance naming iyon. I'm not sure kung makakapasa kami sa screening, but Reed kept on assuring me we will be. Is it wrong to trust him? He is a singer himself, pero pwede rin namang pampagaan ng loob lang iyon.

"Hindi iyon pampalubag-loob, Khloe! I'm honest," ani Reed.

Ngumiwi ako at napairap nalang. Okay, I don't know what's pampalubag-loob but I think it's the same with pampagaan ng loob.

"Ni hindi ko nga alam na maganda pala ang boses mo, eh..." Sinundot niya pa ang tagiliran ko kaya umiwas ako at tinulak siya pero natawa rin naman.

"Don't fool me." Umirap ako.

Tapos na ang screening at papunta kami ngayon ng classroom para kunin ang mga gamit namin. Nauna nang umuwi sina Helen, Van, at Rev dahil hindi naman sila kasali. Hindi ko alam kung ano ang section nila pero after ng performance namin ni Steban, Reed, at Cyan ay nauna na sila. Ngayon, pumunta na rin sina Steban at Cyan sa kani-kanilang classroom para kunin ang mga gamit.

I looked at my silver Cartier watch. It's quarter to six already at papalubog na ang araw. After makuha ang mga gamit ay sabay na rin kami ni Reed na lumabas.

"Kailan daw sasabihin ang result?" tanong ko habang naglalakad kami.

Nagkibit balikat si Reed. "Siguro mamayang gabi."

I nodded and didn't say anything. Okay, bukas ko nalang siguro titignan kung ano ang result. Though, I am not expecting anything, pero hindi naman masama kung tignan ko, 'di ba?

We went to the main gate together with Steban and Cyan. Naunang maglakad ang dalawa habang nasa likod lang kami ni Reed. I stared at Cyan's back and pouted by the fact that it's broad enough for his body to be this manly. Mas matangkad siya kay Steban ngunit parehong matikas ang dalawa. Have they been going to the gym?

"Sino sa kanila?" biglang bulong ni Reed sa tainga ko.

Bigla naman akong kinilabutan kaya lumayo ako sa kaniya.

"What the fuck?"

Ang kaninang ngising-aso ni Reed ay napalitan ng hilaw na ngisi sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin ako kina Steban at Cyan sa harap at nakitang natigil na rin sila sa paglalakad saka lumingon sa amin ni Reed. I looked at Cyan because he smirked. Not that typical smirk but an insulting one! Parang may bukol na namuo sa lalamunan ko at napalunok ako ng sobra, sumakit tuloy.

And then I realized something... Ayaw ba ni Cyan sa mga taong nagmumura?

I bit my lower lip and looked at Steban. He smiled so gently at me and then looked at Reed.

"Inaaway mo na naman, Reed?" maangas niyang tanong dito.

Umawang ang labi ko at may naramdaman na namang hindi ko gusto. What's wrong with me?

"H-Hindi ah..." Matagal bago nakabawi si Reed.

Biglang umatras si Steban saka lumapit sa amin. Nasulyapan ko si Cyan na iniwan na kami.

"Ako na nga ang sasabay kay Khloe. Doon ka na, mabait 'to sa akin." Ngumisi si Steban saka tinulak si Reed para mauna na.

Natawa si Reed at tuluyan na ngang nakabawi saka tinapik ang balikat ni Steban. Nilingon ako nito saka siya ngumisi at kumindat.

In the end, kami ni Steban ang sabay na naglakad palabas ng campus habang si Reed at patakbong hinabol si Cyan na nauna na ngayon.

I heard Steban cleared his throat kaya napabaling ako sa kaniya at nagtaas ng kilay.

We're close enough for me to smell his minty perfume. Hay, kahit talaga anong gawin nito buong araw, mabango pa rin, pansin ko lang. He's tall kaya kailangan ko pang iangat ang ulo ko nang bahagya para ma-level ang mga mata namin.

"What?" I said with a small smile on my lips. Why am I smiling? What the heck...

Tumikhim ulit siya. "We did well..."

"I guess so." Nagkibit balikat ako.

"Hindi ka confident?" he asked as if I said the most ridiculous thing on earth.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nag-uusap.

"Of course! What do you expect? It's my first time!"

"Khloe Monzon? The most confident girl I've ever known, what happened to her?"

Natawa ako ng tuluyan sa reaksyon niya. Hindi ko alam na OA rin pala talaga si Steban.

"Well, I am indeed confident. But except for the things I'm not sanay, of course."

He brushed his hair using his fingers upward and licked his lower lip. "Well... you should be confident with this."

I rolled my eyes. "Don't make me assume."

"Trust me..." Kumindat siya.

Indeed, I trusted him.

Kinagabihan ay wala akong ibang ginawa kundi isipin kung ano ang magiging resulta ng screening. I've done my assignments already at hindi naman iyon nangangailangan ng internet connection kaya madali lang akong natapos. After dinner, I went upstairs to call Cecille. Hindi naman gabi-gabi na nag-uusap kami ni Cecille pero hindi ko naman nakakalimutang mangumusta through call or text.

"So crush mo na nga talaga 'yang si Cyan na totoo at hindi fake?" Cecille asked for the nth time.

Ganito talaga kadausap namin. Kinukumusta niya kasi ako at wala naman akong ibang makwento kundi si Cyan.

"Oo nga, 'di ba? Paulit-ulit ka..."

I heard her laugh from the other side of the screen. "I can't believe it talaga! Akala ko kasi you don't like the people there kasi ang layo nila sa'yo? What happened, cousin?"

Nakagat ko ang pang-ibaban labi saka niyakap ang unan ng mas mahigpit. I smiled like an idiot.

"He's handsome, C. I tell you..."

"Why can't you let me see his face kasi? Or social media niya nalang, search ko."

"Ayaw ko nga!"

"The hell? Why?!"

"Baka agawin mo," pagbibiro ko.

Narinig ko ang singhap niya sa kabilang linya kaya natawa ako.

"Seriously?! How dare you!"

Sa huli, nagtawanan lang kaming dalawa. No offense iyon, and she knew that.

"How is there, C?"

Naging seryoso ang pag-uusap namin. She told me about the preparations for our grandfather's birthday.

"Super busy ni Abuela! Gusto niyang siya ang mag-organize since birthday iyon ni Abuelo. Kami naman, nagpasukat na ng gown. I wish you're here, Khloe."

Nahimigan ko ng lungkot ang boses niya kaya nalungkot din ako. Cecille is one of the reasons kung bakit ayaw kong umalis ng Manila. Kung siguro iniisip ng iba na magiging masaya ako dahil makakatakas na ako sa pressure na hatid ng pamilya ngayong nandito na ako sa Santa Praia. I could feel that, but thinking that I left Cecille there, mas gusto ko nalang na doon sa Manila tumira at kaming dalawa ang magtiis sa kung ano mang nilalagay ng pamilya namin sa aming mga balikat.

"Anyways, Adam found a new girl."

Ngumiwi ako. "Of course he would. Hindi naman kasi seryoso iyong sa amin. There's nothing between us."

"I thought nagka-feelings ka na roon. Eh naman kasi, siya ang pinakamatagal mong naka-link."

Natawa ako. "Really? Cille, wala lang iyon. We were just playing around. He was fun to be with even just for weeks."

"Two weeks to be exact."

Pagkatapos ng tawag namin ay sakto namang tumunog ang phone ko dahil sa dumating na mensahe. I looked at it and saw it was Steban. Napabangon ako saka tinignan ang screen para basahin ang mensahe.

Steban:

Lumabas na ang results. Want me to spoil you?

Natawa ako. I could imagine his playful smirk while typing this.

Khloe:

Oh, please, spare me. Bukas na.

Steban:

Okay.

But are you sure ayaw mo? Pwede kitang loadan para matignan mo.

Napatingin ako sa kung saan at naisip ang sinabi niya. Kung papayag ako, makaka-online ako. Makaka-install ng socials at makikita ang ganap sa Manila.

But then, naisip ko sina Daddy. For sure malalaman nila. Isa pa, bakit naman ako bibigyan ng load ni Steban? Nakakahiya at hindi iyon kakayanin ng pride ko na ang isang tulad niya ang mag-load sa akin! Ano, baka isipin niyang wala akong pera pag-load? Huwag nalang!

Khloe:

Bukas na talaga.

Steban:

As you wish. Good night, Khloe.

Nag-reply lang ako ng maiksing 'good night' saka nagdesisyong matulog na. Pero hindi naman ako nakatulog agad dahil inisip ko pa kung ano nga ba ang resulta ng screening. Pati kasi si Reed ay hindi naman nag-text sa akin.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising at naghanda na. Nakasuot ako ng school uniform namin pero hindi tulad ng nagdaang mga araw, ngayon ay ginawa kong half ponytail ang buhok ko with maroon ribbon tied with it. Nag-apply din ako ng simple nude makeup and after being satisfied with my look, bumaba na ako para kumain ng breakfast.

"Join me, Nanang..." aya ko pati sa ibang mga kasambahay.

"Mauna ka na at maaga ka pa sa school niyo. Mamaya na kami."

Si Mang Tope ang naghatid sa akin sa school. Nang nakarating doon ay dumiretso na ako sa computer laboratory namin. This is my first time here since sa library naman ako gumagawa ng assignments. May mga PC naman sa library pero bawal kang mag-online doon. Ngayon, plano ko sanang gawin iyon after ko makita ang result ng screening.

Pinag-isipan ko iyong mabuti kagabi. I want to know what is happening in Manila. Pakiramdam ko kulang lahat ng sinasabi ni Cecille sa akin. I missed my life there.

Binuksan ko ang Google Classroom namin saka naglog-in sa account na provided ng school. I went to my class with Miss Salvacion. Nang natignan ko na ang result, I gasped and covered my mouth.

Oh my gosh! We did it!

Wala sa sarili kong kinuha ang mga gamit ko saka pumunta sa floor nina Steban para hanapin siya at i-congratulate. I am so happy! Hindi lang ito para sa akin kundi para rin ito sa grades ni Steban!

Parang naging worth it lahat ng pagod and kaba. Finally, kasali kami sa culmination. Wala roon ang pangalan ni Reed pero nandoon kay Cyan at sa pair niyang hindi ko naman kilala. The rest, hindi ko na kilala kung sino-sino ang mga iyon.

Nang nakarating doon, hinanap ko agad ang classroom nila. Actually, wala naman kaming classroom talaga. Kung saan lang ang subject namin sa araw na iyan ay iyan ang magiging classroom namin.

Ang classroom nila sa time na ito ay occupied pa. Hinanap ko pa ang ibang classroom pero wala talaga akong makitang Steban.

Maraming bumabati pero dahil sa pagmamadali ay hindi ko na napapansin.

"Yabang talaga..." rinig kong bulong ng isang babae pagkatapos ako nitong batiin pero hindi ko pinansin.

Nang nakumpirmang wala talaga sila, bumaba na ako. I went to the garden where they were usually stayed. Bukas iyon kaya pumasok nalang ako ng basta-basta.

I had a huge smile on my lips. I am very excited to tell Steban how happy I am and to congratulate him.

Saktong papunta na ako sa gazebo nang nakarinig ako ng tawanan. Natigil ako at tinignan muna ang gazebo para malaman kung sino ang naroon. Only to see Steban and Helen there, laughing.

Steban was holding his guitar and Helen was just beside him, too close, and they were laughing for something.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. All the excitement I felt vanished. Nawalan ako ng gana na sabihin sa kaniya ang nalaman ko. Pero bakit ko pa ba sasabihin? He knew it already. Wala nang saysay pa para sabihin ko sa kaniya.

Tinignan ko ulit silang dalawa. Ngayon ko lang napansin na nakatali ang buhok ni Steban sa ibabaw lamang ng ulo niya. He looked good with that hairstyle.

Helen is wearing the usual uniform pero nakasuot siya ng kulay green na sweater at kulay putting cap. She looked pretty with that simple look. Nilugay lang ang buhok at may malaking ngiti sa labi.

Her skin color complimented her features. She has a beautiful pair of upturned dark eyes, a long nose, high cheekbones, and a prominent jaw, and her lips are thin but shaped perfectly.

Napakurap ako saka inalis ang tingin sa kanila. Napalunok ako dahil tila may nagbabara sa aking lalamunan bago tuluyang tumalikod. Kaso, natigil ako nang nakita si Cyan.

Kunot noo siyang tumingin sa akin. Nakapamulsa siya ngayon at malamig ang tingin sa akin. His manly perfume enveloped my senses. Biglang nabuhay ang excitement sa puso ko. There, that's it. My crush is here in front of me and I am excited.

"Hi!" Ngumiti ako at kumaway.

"What are you doing here?"

His voice was so cold that it sent shivers down my spine. It was cold but not dry. I can sense humor in it. Pero hindi humor na gusto ko. Pakiramdam ko kapag nagtatanong siya ng ganoon ay may dalang insulto kahit nagtatanong lang naman siya.

Tinuro ko ang bandang likod ko. "I just wanted to congratulate Steban, nakuha kami sa screening. But nevermind."

Nagtaas siya ng kilay. Tinignan ko ang madilim niyang mga mata pero dahil sa lamig at intensidad ng mga iyon ay napayuko ako saka mapaklang tumawa.

"Congrats din pala. I'm happy we passed the screening."

"Reed didn't."

Napaangat ako ng tingin. "Huh?"

"Reed didn't. Don't celebrate too much because others special to us didn't make it."

Umawang ang labi ko. Bago pa man ako nakapagsalita ay nilampasan na niya ako.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. What? Seriously? Bakit ganoon ang trato niya sa akin? Does he hate me so much that he treats me like that, huh?

Fallen MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon