CHAPTER 19
My family is here. Great. Nice timing.
Wala akong naging ibang choice kung hindi sabihan ang mga kaibigan sa pagdating nila. Hinintay ko silang matapos sa pagbibihis, except for Steban na hindi naman naligo, bago namin tinahak ang bahay.
As we arrived, maids were unloading my grandparents' luggage. Saktong bumaba sina Mommy at Daddy mula sa kotse nila, saka ko nakita ang dalawang bodyguards na inalalayang bumaba ang matatanda sa van na sakay.
"Nakakatakot naman 'yang grandparents mo, Khloe," bulong sa akin ni Reed pero hindi ko na binigyan ng pansin.
I looked at my grandparents. Abuela was wearing a dark red crisp dress with a black round neck collar and a golden leaf metal brooch pin, paired with a plain black scarf and black stilettos. Abuelo was dressed in a plain sky blue button-down polo shirt, black slacks, and Salvatore Ferragamo leather shoes. May dala itong itim na tungkod at inaalalayan ng isang maid.
Agad akong nakita nina Mommy and Daddy. Mommy smiled at me as I approached her.
"Khloe," she called softly.
"I missed you, Mom." I kissed her cheeks.
Bumaling ako kay Daddy at lumapit dito para halikan din siya sa pisngi. Pagkatapos ay nagpunta ako kila Abuelo at Abuela na ngayon ay hindi pa rin napansin ang presensya ko.
"Gosh, Camila! I've never been this tired in my life! Lubak-lubak na daan? I want a helipad when we go back to Manila!"
Ngumuso ako saka hinawakan ang balikat ni Abuelo. Nang nakita niya ako ay wala man lang siyang emosyon. Ngumiti ako saka humalik sa kaniyang pisngi.
"Belated happy birthday, Abuelo," I greeted.
He nodded plainly. "Thank you, hija."
Ngumiti ako at nilingon naman ang Abuela. Nakita kong nakatingin na ito sa akin at nakataas ang isang kilay. Tinignan pa nito ang kabuuhan ko bago bahagyang napairap.
I sighed but still approached her to greet.
"Abuela..."
Kaso lang, inilag ni Abuela ang kaniyang mukha sa akin. I kissed the air instead. Natigilan ako at hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan. Nang nakabawi ay umatras agad.
"You're sticky! Can't you change first?" maarteng sabi nito sa akin bago lumipat ang tingin sa likuran. "And who are these people you're with?"
Napalingon ako sa likuran. My friends were now talking to Mommy, with Daddy standing beside them, listening to what Mommy was saying. Napunta ang tingin ko kay Steban dahil... nakatingin ito sa akin.
Umiwas ako ng tingin a binalik ang tingin sa matanda. "They're my... friends."
"Really, huh?"
Tumikhim ako bago naglakad papalapit sa kanila at hindi na sinalubong ang naghihintay na mga mata ni Steban. Naabutan ko ang mga kaibigan na kausap pa rin si Mommy.
"I'm glad Khloe has found friends here. Noong una kasi, ayaw na ayaw niya talaga rito..."
"Hindi naman po mahirap kaibiganin si Khloe, Ma'am. Sobrang bait tapos hindi marunong magalit," pagsisinungaling ni Reed kaya napairap ako.
Alam kong nang-aasar siya dahil masyadong halata sa boses niyang sarkasmo ito.
I saw Daddy raise his brows. "I can imagine the opposite."
Nagtawanan sina Reed at Van samantalang napangiti si Helen. Sina Rev at Cyan ay nakikilig lang at wala namang reaksyon. Nakabihis na sila ngayon ng maayos at hindi basang damit. Ang mga gamit ay nanatili sa pool area dahil plano pa nilang bumalik doon pagkatapos bumati sa pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...