CHAPTER 15
Tuluyan na nga akong nahila ni Steban patungo sa library. Ayaw ko sana dahil wala naman akong gagawin dito pero hindi ko alam kung bakit nagpadala nalang ako at natatawa pa.
Nang nakarating doon ay nag-log in kami sa pamamagitan ng computer system nila. Naroon ang grade level at strand namin. Steban entered mine first before his. Nang natapos ay nagsimula na kaming maglakad.
Their library was huge. Two-storey building ito na nasa baba kadalasan ang mga book shelves. Sa second floor kadalasan kasi ang learning commons kung saan parang tambayan dahil maraming mga couch, may mga tables sa labas lang ng learning commons, tapos nasa second floor din ang discussion rooms.
"Senior high school library," sabi ni Steban na parang hindi ko alam.
Inirapan ko siya. "I know..."
"You know, baka kasi sabihin mong maliit. I could not imagine what your previous library looked like."
"It's bigger." Ngumisi ako at naunang naglakad.
May mga bumabati sa akin, ngunit kaway lang ang nagagawa nila dahil bawal naman ang maingay rito. Ngumingiti naman din ako. Actually, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang sabi lang ni Steban ay magpapalamig kami.
Nagpunta ako sa entrada ng hagdanan papunta sa second floor. Umakyat ako ng iilang hakbang nang natigilan. Hindi pa sumasabay sa akin si Steban kaya nilingon ko siya at nakitang busangot ang mukha nito.
I smirked. "Come on. Hindi pa rin maka-move on na our library is larger than yours?"
"You're attracting too much attention. Labas nalang kaya tayo?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Kumalabog ang puso ko dahil doon. Kaya ba busangot ka? Wait... what are you thinking, Khloe? Busangot siya dahil baka pagalitan kami kung maraming bumati sa akin! Hindi natin alam at baka hindi mapigilan ng iba at mag-ingay, right? Hindi ko naman fault that I'm beautiful, but maybe Steban doesn't want to get scolded.
Sasagot na sana ako nang may bumati sa kaniyang isang babae. At nasundan pa ng dalawa! Seriously? Sa library talaga? At tignan natin ngayon kung sino ang mas nang-a-attract!
Inirapan ko siya at humalukipkip. "Look who's getting too much attention."
He only stared at me and then suddenly took a step forward. Dahil sa galaw na iyon ay napaakyat din ako ng isang hakbang. Buti hindi ako nadapa!
"Nakita mo lang 'yong tatlo. Ako, kanina pa. Mahigit lima na ang bumati sa'yo, Khloe!" pabulong na aniya.
Natawa ako. "Then what's wrong with that?"
"They're boys... and... you're flirting back!"
Mas natawa ako. "What is it to you?"
Humakbang na naman siya ng isang beses. Umakyat ako ng isang hakbang at natawa habang siya ay seryoso.
"Are you kidding me? Why are we fighting for this?"
Hindi siya sumagot. Humugot siya ng isang malalim na hininga at ginulo ang buhok. Pumikit siya ng mariin habang ginagawa iyon. Nang nagmulat, umayos siya ng tayo at nakapamulsa akong tinignan.
"Umakyat ka na."
"And ikaw? Babantayan ang mga lalapit at babati sa akin?"
"Susunod lang sa'yo, Khloe. f you continue stepping backwards, you will trip."
Ngumuso ako. "I get it, okay? Ayaw mong mapagalitan dahil baka mag-ingay iyong ibang bumabati? Why don't you go somewhere around here? Para walang istorbo? O ako lang ang mapagalitan?"
I expected him to agree, since iyon naman ang rason niya, hindi ba? Kaya inis sa akin?
Nagtaka ako nang umakyat siya. Bago pa man ako nakahakbang pataas ay nahuli na niya ang pulsuhan ako at hinila ako paakyat.
"Ang ingay mo."
"Steban!"
We heard the librarian shush us. Nagkatinginan kami ni Steban at mayabang niya akong tinaasan ng kilay. He was so close that I couldn't even react properly! Nasa hagdanan pa rin kami dahil natigilan sa reaskyon ng librarian. We were looking at each other and my heart was thumping uncontrollably!
"Gusto kong magpahangin at hindi mapagalitan. So better be quiet so that we can leave here later in peace."
Ang yabang! Por que ako ang napagalitan dahil ako ang last nag-react! At bakit ganoon ang reaction ko?
Sa huli, hinayaan ko nalang siyang hilahin ako papunta sa learning commons. Pero bago pa man kami nakapasok ay sumaglit muna kami sa isang shelf para kumuha ng libro. Binitawan niya ako dahil doon. Sinamaan ko ng tingin ang malapad niyang balikat habang naghahanap siya ng libro.
I stepped backward and looked at him seriously while he got books. Nakatalikod siya sa akin, nakapamewang, at nakaangat ang tingin sa pinakaibabaw na bahagi ng shelf. His hair fell backwards because of the tilt he did. I crossed my arms while watching him.
"Hi, Khloe..." someone greeted.
Nawala ang tingin ko kay Steban at nilingon ang bumati. Tatlong lalaki iyon na nakangiti sa akin. May papel silang hawak at scientific calculator. Ngumiti ako sa kanila.
"Hi."
"Mag-isa ka lang?"
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming nakakakilala sa akin dito sa Santa Praia College. Naging usap-usapan ako nang nag-transfer ako rito, maging ang pag-claim ni Reed na childhood friend nila ako, ang nakikita nilang magkasama kami ni Steban maging ng mga kaibigan niya.
Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng boses sa likuran.
"Kasama niya ako," Steban said in a low tone.
Sinulyapan ko siya saka nilingon ang mga lalaki habang nakaturo ng bahagya kay Steban.
"Kasama kami..."
They were now looking at Steban with... I don't know, an awkward smile?
"Steb," bati ng isa bago nagbaba ng tingin sa akin. "Sige, Khloe. See you around."
Kumaway nalang din ako at pareho namin silang tinignan ni Steban na papaalis. Nang nawala sa paningin ko ang tatlo at tinignan ko ulit si Steban.
I caught him already looking at me. He licked his lower lip.
"Eleventh."
"What?"
"Panlabing-isa na 'yong bumati sa'yo," aniya saka tumakilod at nauna nang pumasok sa learning commons.
Seriously? Napasinghap ako at sinundan siya, hindi makapaniwala sa mga weirdo niyang actions ngayon!
Nang nakapasok ako roon ay nakita ko siyang may kausap na tatlong babae. Gusto ko sana bilangin din ang mga kumausap sa kaniya para maasar siya pero hindi ko nabilang kung ilan lahat! Umirap ako bago naghanap ng bakanteng may kutson na lamesa at bilugang upuan. I went there and settled in. Maya-maya pa'y naupo si Steban sa table na pwede rin namang gawing upuan.
"Hey!" reklamo ko.
Inirapan lang niya ako. Nilapag niya ang tatlong librong nahanap saka nagsimulang basahin ang isa.
"Maghanap ka nga ng upuan!"
"Wala nang vacant,"he said, then his gaze snapped to me. "Besides, I like it here..."
Medyo napaangat ang tingin ko dahil sa posisyon namin. Nasa bilugang table siya habang nasa upuan ako at medyo mababa iyon. Nakatuko ang dalawang braso ko sa lamesa, habang siya ay nasa kaliwang side ko at prenteng nakaupo at nagbabasa ng libro. Nakadekwadrado pa! Ang feeling...
May iilan pang bumati sa akin at dahil wala naman akong ginagawa ay binabati ko rin ito. Mostly were boys. Ang iba'y nakakakwentuhan ko pa.
"Seventeenth."
After dismissing a boy, I glared at Steban. "You're unbelievable."
He only shrugged. Hindi man lang niya ako nilingon at nanatili sa libro ang tingin. Pansin kong medyo makapal na ang nababasa niya.
"Can't help it."
Sa inis, inagaw ko ang libro sa kaniya.
"Hey!"
"Huwag kang magbasa. Tignan natin kung may lalapit para mabilang ko rin."
He chuckled softly, which made me pout my lips.
"Competitive, huh?" Tinaasan niya ako ng kilay. He even leaned slightly on me.
Inatras ko ang likod saka siya inirapan. "It's just unfair. Gusto ko rin mabilang ang sa'yo."
Sa halos isang oras ay iyon ang ginawa namin. Nandoon pa rin siya sa lamesa, nakaupo habang nasa upuan lang ako. Wala kaming ginawa kundi tumingin sa paligid dahil maya-maya lamang ay mayroon talagang bumabati! Pero mas marami sa kaniya. Ang iba'y kumakausap pa.
Nakakainis! Inaasar niya ako dahil nakikipag-usap siya sa mga ito.
"Bait-baitan..." I whispered to myself.
I was so annoyed! Ilang minuto ang lumipas ay nakaramdam ako ng antok. Napansin agad iyon ni Steban kahit isang hikab ko pa lang kaya nag-desisyon kaming lumabas na.
"Malapit na ring mag-start ang klase," wika niya.
Sabay kaming umakyat. Dahil malapit na ang time ay nag-insist akong huwag na niyang ihatid, kahit gusto pa sana niya. Nasa gitna ng mga silid kasi ang classroom namin at kung ihahatid o idadaan niya pa ako, male-late siya. Purong pang-aasar at irapan lang ang naging paalam namin.
Nang nakarating sa classroom ay naroon si Reed pero bagsak ang ulo sa armchair niya. Hinayaan ko nalang siya at naupo sa upuan ko.
Hindi ko mapigilan ang saya na namuo sa puso ko. Hindi ko alam kung para saan iyon pero tila sobrang gaan ng nararamadaman ko.
Maybe because... I let myself be. I allowed myself to be happy and carefree... I didn't mind what would happen. I simply chose happiness and opened my doors to someone who wanted to see more of me.
I didn't realize it felt like this until I experienced it.
Sa nagdaang mga araw ay grupo nina Steban ang lagi kong kasama. Sa lunch kadalasan dahil iyon lang naman talaga ang oras na nagkakasama kami. Sa uwian naman ay nakikita ko lang sila pero hindi na ako sumasabay dahil may sundo naman ako.
They were fun to be with. Helen completely changed her attitude towards me, and we started talking. Si Reed at Van talaga ang pinaka-close ko sa kanilang lahat. Si Steban naman... hindi ko alam ang mararamdaman ko sa tuwig may interaction kami. Not that we talk a lot. Hindi na nasundan iyong library asaran namin dahil sa mga nagdaang araw ay ang grupo na ang kasama.
Cyan was busy, hindi ko alam kung bakit at hindi ko naisipang magtanong. Si Rev naman ay hindi rin masyadong sumasama sa amin, minsan lang.
"May sariling best friend 'yon, bawal iwan," sagot ni Reed isang tanghali nang napag-usapan kung bakit hindi na sumasama si Rev.
"Sabagay. Bituka ni Rev at Rion, magkadugtog! Hindi na ako magtataka..."
Hindi ako nakialam. I was adjusting, but they never made me feel out of place. Iyon ang dahilan kung bakit, unti-unti, naging kumportable ako sa kanila.
"Hay, nakakatampo na talaga 'yang si Cyan, ah! Hindi na sumasama sa atin..." Busangot ang mukha ni Van isang tanghali habang nagla-lunch kami sa canteen.
Simula noong sumasabay na ako sa kanila, sa table na rin nila ako umuupo. Naging dahilan iyon para magkaroon na ng umu-occupy sa table ko. Hindi ko na rin pinansin at hinayaan nalang.
Dahil sa sinabi ni Van ay naagaw niya ang atensyon ko.
Nasa tapat ko siya, katabi niya si Helen sa kaliwa. Kami naman ni Reed at Steban ay nasa kabila. Ako ang nasa left side at ang nasa right side ko ay si Reed at katabi niya rin si Steban.
I looked at him, hoping someone would ask more. I know I still like Cyan. I'm still interested in him. Pero iyon ang tipo ng nararamdaman na kapag nariyan siya, masaya ako at excited, pero kung wala, okay lang din. I've felt it with other boys I've been with. Ang kaibahan lang ay unrequited ito, habang sa mga karanasan ko, we both liked each other.
Iyon din siguro ang dahilan why I'm interested in him. Hindi niya ako gusto ang it gives me thrill. Ang kaso, hindi naman ako gumagawa ng move. I don't know why. Cyan has this aura that would make you back out and check yourself first. Iyong tipong tinitignan mo pa lang siya, alam mo nang hindi siya interesado.
"Ikaw talaga, Van. Busy nga, 'di ba?" Helen rolled her eyes.
"Alam ko, okay? Pero gaano ba siya ka-busy para hindi na sumabay sa atin? Palagi nalang SSC ang kasabay niya!"
"SSC?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Student council," sagot ni Reed kahit puno ang bibig nito.
My jaw dropped upon hearing it. I turned to Reed with wide eyes and asked, "He's part of the student council?"
"Oo, Khloe."
"He's an academic achiever and still part of the student council?"
Napakamot si Reed ng ulo. Hindi na siya sumagot at linublob nalang ang ulo sa pagkain sa harap niya.
His gesture made me face Steban. His left arm rested on the table, his right hand holding a spoon as he ate peacefully. When he sensed my stare, he turned to the side, and our gazes met.
I looked amazed while he remained serious. Pero hindi ko na pinansin iyon. Umayos ako ng upo saka nakangiting kinain ang lunch ko.
Sabay kami ni Reed na bumalik sa classroom. Kanina pa nauna ni Helen at Van pero dahil sa tagal kumain ni Reed ay napag-iwanan kami! Usually ganito naman talaga, pero ang nakapagtataka lang dahil sumama si Steban kina Helen. Same ang schedule ng first class namin this afternoon kaya hindi ko maintindihan bakit nauna siya at parang badtrip.
"You think badtrip si Steban?" tanong ko kay Reed.
I put my crossed arms on the table and leaned slightly while looking at him. He's now devouring his burger, and mind you, this is his third one!
"Kaya ka natatae, eh..." I commented.
Natawa siya. "Ano 'yon?"
"You think ba na badtrip si Steban?"
Reed stopped eating and then looked at me. Umiling-iling siya na tila disappointed.
"Sa tingin mo?"
Inis ko siyang tinignan. "Kaya nga tinatanong kita, 'di ba?"
"Hindi ko alam, Khloe. Baka may problema kayo."
"Wala naman. We were okay these past few days, ngayon lang siya ganito. Baka because of you?"
Kamuntikan na siyang mabulunan dahil doon. "Bakit ako?"
"Because you're so matakaw! Gosh, control your appetite..."
Hinintay ko pa si Reed na matapos kumain. Winaksi ko nalang sa isipan ko si Steban. Baka wala lang talaga siya sa mood? Ganiyan kasi minsan, eh. Kailangan lang siguro siyang intindihin.
"By the way, ano bang nagke-keep kay Cyan na maging busy?"
Again, natigilan na naman si Reed. Umayos siya ng tayo saka umiling-iling sa akin.
Natawa ako. Sa kanilang lahat, siya lang at si Steban ang may alam na may gusto ako kay Cyan. Kaya comfortable akong magtanong ngayong wala na sina Helen.
"What?" Nagtaas ako ng kilay at natatawa pa rin.
Asar akong tinuro ni Reed. "Kaya inis sa'yo, eh..."
"Huh?" I didn't hear it properly dahil sa sobrang hina.
"Wala!"
"Then answer my question!"
"Busy sila, okay? Laging nagme-meeting para sa gaganaping seniors' ball next month!"
My eyes widen with amusement. "Really?! May seniors' ball?"
"Kanina ka pa pauli-ulit, ah! Kakain muna ako, Khloe."
He confirmed it already! Wala kasing announcement from the student council kaya wala kaming alam doon. Siguro balak nila kaming i-surpirse. O sasabihin din naman pero fina-finalize pa? Nonetheless, may serniors' ball kami! Bigla akong naging excited dahil doon.
Sa wakas ay natapos ding kumain si Reed. Sabay kaming naglakad pabalik sa classroom at thankful naman akong hindi na sumakit ang stomach niya. For Pete's sake, hinintay ko siya tapos sasakit lang din ang tiyan at kailangang magbawas? No way!
Nang natapos ang araw na iyon ay nagligpit na ako ng gamit. Hindi ko na hinintay si Reed dahil hindi naman talaga kami magsasabay. I just waved at him and then left the classroom. Kaso... nasa hamba ng pintuan si Steban at nang nasa doorway na ako, hinarang niya ang katawan sa aking daan, making me step back and stop in my tracks.
Umatras din naman siya agad at napakamot sa batok. "Sorry..."
Umiling ako at tinignan siya. I wonder if he's okay already? Kanina lang wala siya sa mood.
"It's okay," sagot ko nalang. "Aalis na pala ako."
Lalampasan ko na sana siya pero sinundan ng katawan niya ang dinaanan ko at tinawag ako. His arms were leaning against the wall beside him, and he seemed hesitant."Khloe..."
Binalingan ko siya. I gulped because of the way he looked at me. Iyan na naman ang nakakapagpatalbog sa puso niyang mga titig. Parang hinahalungkat ang buong pagkatao ko.
"What?" I didn't flinch, and I thanked the heavens for that.
Again, he looked troubled... and hesitant. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at bumubuka ang mapupulang labi pero sa huli ay tinitikom iyon saka lumunok.
"What is it, Steban?"
Napakurap-kurap siya saka bumuntong hininga. "Wala..."
He smiled at me before turning his back. I tilted my head to analyze his actions pero hindi ko talaga maintindihan. Bakit ganoon ang reaction niya? Bakit hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin? Obvoiusly, may sasabihin sana siya! At ano naman kaya sana iyon?
Wala na siya sa paningin ko ngayon. Siguro nasa loob ng classroom pero hindi ko na sinilip pa o pilinit na alamin kung ano ang sasabihin niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad pababa.
Steban is troubling me! Hindi ko maitatanggi na habang naglalakad ay iniisip ko kung ano sana ang sasabihin niya, knowing how he behaved earlier! Baka dahil doon? Pero tungkol saan nga! Damn you, Steban Garza. You're making me overthink petty things. I can't believe it!
Papalapit na ako sa van namin nang biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Agaran ko iyong tinignan at kumunot ang noo nang nakitang may tatlong text galing kay Steban. Dali-dali ko iyong binuksan at binasa.
Steban:
Sorry sa inasta ko kanina.
Steban:
May sasabihin sana ako kaso natatakot ako na baka tanggihan mo at magsisi ako.
Steban:
Pero naisip ko rin na mas magsisisi ako kung hindi ko sasabihin.
Kumalabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Biglang uminit ang paligid at namawis ang mga kamay ko.
What the hell?
Halos hindi ko maayos ang pagtitipa dahil sa matinding kaba sa hindi ko malamang dahilan!
Khloe:
What is it?
Hindi ako nagpatuloy sa paglalakad. Nakatayo lang ako roon hanggang sa na-send ko ang reply. Wala pang isang minuto ay nag-reply agad siya na nagpatalon ng bahagya sa akin!
"I can't believe I'm reacting like this. Wala lang 'to, Khloe!"
I opened his message.
Steban:
Pwede ka ba this Sunday?
Hindi pa ako nakapag-reply nang nasundan iyon.
Steban:
Church ulit tayo.
I bit my lower lip. Before I could stop myself, a reply had already been sent.
Khloe:
Okay.
Damn this...
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...