Chapter 10

4 0 0
                                    

CHAPTER 10

Days passed and Steban and I continued practicing. Hindi nga lang palagi dahil bukod sa culmination, marami rin kaming gawain sa ibang mga subjects.

Sa hapon kami nagpa-practice ni Steban, habang ginagawa ko naman ang mga gawain ko kapag vacant period namin o absent ng subject teacher. Hindi ko iyon nagagawa sa bahay dahil restricted ako sa paggamit ng internet connection namin. Kaya kung may kailangan na i-research ay ginagawa ko na agad dito sa school.

Cyan continued to treat me coldly. Until now, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon ang trato niya sa akin. Mahirap na hindi siya pansinin dahil may mga pagkakataong sinasama ako ni Reed o kaya'y ni Steban sa mga pagkikita nila. I wanted to say no, but they wouldn't let me. Lalo na si Reed.

I tried to make things work for Cyan and me, alright? Hindi ako nagtataray sa kaniya and I always tried my best to look pleasant in front of him para wala siyang masabi. But he would only give me a ridiculous look and ignore me the whole time.

It hurts, honestly. Growing up, I'm not used to other people hating me like Cyan does. Oo at may napapakita akong hindi kaaya-aya pero hindi ako tinatrato ng ganoon. Iyon ay dahil sa pangalang dala ko, sa mga kayang gawin ng mga magulang ko kapag nalaman nila, at sa estado ko sa buhay.

In Cyan's case... he just hates me. That's it.

Hindi lang siya, pati si Helen. I don't understand them! Maybe sa nagawa ko kay Reed? Pero mali ko ba iyon? Totoo namang nasaktan ako sa ginawa ni Reed. Isa pa, okay na kami ni Reed, kaya what's the fuss? Hindi ko sila maintindihan talaga.

"Khloe, ito ang part mo," Monique called and gave me a piece of paper.

Tinignan ko iyon at nakita kong part ko iyon sa Practical Research subject namin. Ngumiwi ako nang nakitang ang dami no'n. Siya ang nag-a-assign dahil siya ang leader namin sa grupo.

"Are you sure all of these are just for me?" duda kong tanong.

Humalukipkip siya saka nagtaas ng kilay sa akin. "Bakit? Papalag ka? Para sabihin ko sa'yo, ikaw pa ang may pinakamaliit ng ambag sa subject na ito. Huwag kang mag reklamo kung gusto mong malaki ang ibibigay ko sa iyo sa evaluation."

Natawa ako ng bahagya. "But... this is too much. Parang sa akin naman lahat? Anong ibibigay mo sa ibang members natin kung halos akin na lahat?"

"Nagrereklamo ka?"

Napasinghap ako at agad nang pumasok ang maraming idea sa isip ko kung paano siya gantihan. Kailangan ko pang pumikit at umiling-iling para mawala ang kabrutalan na iniisip.

Alright, pati sa classroom marami rin akong haters. Can you believe it? Pero hindi na ako nagtaka pa dahil alam ko namang maraming inggit sa akin doon. Isa na itong si Monique. Siya ang leader namin. At dahil transferee ako, ang subject teacher namin ang naglagay sa akin sa grupong ito.

Walang may gusto nito. Kung may iba lang akong choice ay ginawa ko na. Though, I tried. Pero saan naman ako lilipat na grupo eh halos lahat sa classroom ayaw sa akin. This group is better dahil kasama ko si Reed kaya kahit papaano, hindi na masama.

Sa huli, wala akong choice kundi sundin ang pinagawa niya. Tama siya, even our teacher instructed Monique to give me loads para may maibigay siya sa evaluation since wala ako sa first three chapters. Pero I think sobra naman talaga ito!

After my last subject this morning, nagmadali akong lumabas sa classroom para pumunta sa canteen at doon kumain. Plano kong pagkatapos ng lunch ay agad akong didiretso sa library para gawin ang parte ko. At para mamayang hapon, practice nalang namin ni Steban ang gagawin ko.

I even heard Reed calling my name telling me to wait pero hindi ko na ginawa. Nang nakarating sa canteen ay agad akong nag-order.

"One pancake and one strawberry milkshake, please," sabi ko sa tindera.

Nang naibigay na niya ang order ko ay nagpunta na ako sa lamesa kung saan ako umuupo usually. Habang kumakain ay binasa ko kung ano pinapagawa ni Monique.

Since quantitative na kami, may mga table siyang pina-interpret sa akin. Kailangan ko rin iyong lagyan ng discussion pati conclusion. Hell, yeah? Mukhang malaking parte ng chapter four at five at ipapagawa niya sa akin.

Bahala na nga. Habang kumakain ay may bulto akong nakita sa harap ko. I looked up only to see a guy wearing our usual uniform, messy hair just like his polo shirt, and a playful smirk on his face. I gave him a blank look pero mukhang hindi ito natinag.

Bukod sa ayaw kong istorbohin ako ngayon, ayaw ko rin talagang mang-entertain in general... lalo na kung ganiyang looks!

Umupo pa talaga sa katapat kong upuan!

"Excuse me?" hindi mapigilang puna ko.

Nilapag niya ang pagkain sa lamesa saka sumandal sa upuan at ngumisi sa akin. "Can I join you? Wala na kasing bakanteng upuan."

Tumaas ang kilay ko sa kaniya saka nilibot ang tingin sa paligid. Halos matawa ako nang nakitang may mga bakante naman! He's too obvious, damn it.

"Oh, tapos?"

"Dito nalang sana ako kakain, if you don't mind."

I do!

Peke nalang akong tumawa at hindi na siya pinansin. Punong-puno pa ang utak ko kung anong gagawin ko sa dami ng pinagawa ni Monique, tapos dadagdag pa itong lalaking ito!

"Bakit ang liit ng kinakain mo? Diet ka ba?"

I snapped at him. "Pakialam mo ba?"

Napasipol siya. "They say you're rude. Totoo naman, but I find it cool."

"I find you feeling close," banat ko na ikinatawa niya lang.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. Hindi siya iyong tipo ng tao na masasabi mong laki sa hirap. I saw his Rolex on his left wrist, which made me raise my brows. Messy ang modern mullet niyang buhok, kulay itim na may pagka-gray, hindi ko maintindihan. Makapal ang kilay saka pilik mata, malalim ang itim na itim na mata, matangos ang ilong, saka manipis ang pink na labi. May manipis na stuble siya sa kaniyang panga na kaunting galaw lang kapag ngumunguya siya ay umiigting na.

He can pass as my type, but there's something about him I don't like. He's dirty... Parang walang alaga sa sarili! Idagdag pa ang kusot niyang polo!

He looked familiar, too...

Tumaas ang kilay ko. Sumandal pa siya saka nilagay ang dalawang braso sa likod ng ulo at pinaningkitan ako ng mata. Tila may napagtanto siya dahil umayos siya bigla ng upo saka naglahad ng kamay sa akin.

"Aaron, by the way..."

Nagtaas lang ako ng kilay at hindi tinanggap ang kamay niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka ngumisi at yumuko ng bahagya.

"I'm sure you know me already kaya there's no need for me to introduce myself," sagot ko.

"I don't know you. Sino ka ba?" he leaned forward to watch me closely.

Bago pa man ako nakasagot ay biglang may tumawag sa kaniya.

"Ron!"

We both looked to where the voice came from. Napairap ako nang nakitang si Yandra iyon! Anong ginagawa niya rito? And then I looked at Aaron na ngayon ay nakatuko ang isang siko sa lamesa at pinaglaturan ang pang-ibabang labi habang naiinis na tinitignan ang paparating na si Yandra.

Seriously, dito pa talaga? Ngayon pa talaga na ang dami ko pang gagawin?

"What are you doing here? May klase ka pa!" Parang nanay itong pinapagalitan ang pabaya sa pag-aaral na anak.

"Chill... I'm just enjoying someone's presence here..."

Halos masuka ako sa sinabi niya. Wala sa sariling nilipat ko ang tingin mula kay Aaron patungo kay Yandra saka kumunot ang noo ko. Deep set of black eyes, lick lashes and eye brows, thin pink lips, prominent jaw... Don't tell me?

"Go to your class now or isusumbong kita?"

Tamad na tumayo si Aaron saka tamad na binitbit ang tray niyang nasa lamesa ko kanina. Nilingon niya ako saka siya nag salute, may mapaglarong ngisi pa rin sa labi.

Nang nakaalis na ang lalaki ay binalingan ako ni Yandra saka inirapan bago tinalukuran. Napabuga nalang ako ng hangin. So much for this afternoon!

Nagmadali na akong kumain at tumulak na agad sa library. Walang masyadong tao dahil lunch time kaya tahimik akong gumawa ng assigned task ko.

For sure hindi ko ito matatapos ngayon pero at least may nasimulan na ako. Marami akong oras na masasayang dahil after nito, hindi na ako makakagawa pa ulit kaya kailangang malaki ang matapos ko.

Our last subject of the day ends and my energy is drained. Gusto ko nang umuwi at mag-beauty rest dahil tingin koy ang haggard ko na pero hindi pa pwede dahil may practice pa kami ni Steban!

Tinignan ko ang relo at nakitang two o'clock na. Gaya ng napag-usapan, sa garden kami magpa-practice ngayon. Dumiretso na ako roon para makapagsimula agad kami at maagang matapos. Kailangan pa rin talaga naming mag-practice dahil hindi pwedeng ang kantang kinanta namin noong screening ay katulad pa rin sa culmination. Kailangan naming baguhin.

Nakarating ako roon at hindi ko na pinansin ang paligid. Nagpunta na agad ako sa gazebo at saka lang napagtanto na wala pa si Steban.

Padabog akong naupo sa upuan, only to hurt my butt! Siyempre, ang tigas ng upuan, what do I expect? Inis kong tinabi ang bag ko at inayos ang posisyon ko. Sumandal ako at humalukipkip bago pinikit ang mga mata.

Minulat ko ito at mukha ni Steban ang bumungad sa akin. Para naman akong ma-heart attack sa gulat at sa pagtalon ng puso ko kaya natulak ko siya ng malakas.

"What the hell?!" inis kong sabi.

Nasa sahig na siya ngayon ay hawak ang dibdib niya.

"Kanina ka pa?" I asked and stood up. Inayos ko ang buhok ko saka inayos ang sarili. I checked my face dahil baka may tumulo na laway sa pisngi ko!

Oh my gosh! Anong nadatnan niya? Nakatulog ba ako? The dryness in my throat proved that I slept! Damn it!

Tumayo si Steban at pinagpag ang pwetan ng slacks niya. Nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi naman. Sorry natagalan, may activity kasi iyong last subject namin."

Right. Nakatulog ako at mali niya dahil ang tagal niya.

Umirap ako at umalis sa harap niya. "Right! Mali mo talaga dahil hindi ka man lang nagsabi. Pinaghintay mo pa talaga ako?"

"Nag-text ako sa'yo. Hindi mo tinignan?"

Umawang ang labi ko. Well... since dumating ako rito ay hindi ko tinignan ang phone ko. Ang last na memory ko lang ay umupo ako sa upuan sa loob ng gazebo at pinikit sandali ang mga mata. Na ang totoo ay nakatulog na pala ako ng tuluyan.

Nag-init bigla ang pisngi ko sa katotohanang nakita iyon ni Steban! Ano pa kayang nakita niya sa akin habang natutulog? Pero ang sabi niya ay bago lang naman siya dumating! Should I believe that?

"Pero tingin ko... mabuti na ring matagal akong dumating." I snapped at him only to find him grinning at me.

Alam ko na agad na nakita nga niya kung gaano kahimbing ang tulog ko.

"What time is it?"

"Four."

"What?!" Nanlaki ang mga mata ko saka nasapo ang noo.

"Okay lang 'yon, Khloe. You look tired-"

"I'm not! And kailangan na kanina pa we started our practice already! Anong oras na tuloy! Steban!"

Naupo ako sa hapag at ako na mismo ang naglabas ng guitar niya. Tiningala ko siya at nakitang mangha niya akong tinignan.

"Get down! Kailangan na nating mag-start!"

Natawa lang siya pero sinunod naman ang gusto ko.

"Bakit ba pressured ka masyado? Relax ka lang, okay? Tignan mo, ang hagaard mo na." Tinuro niya pa ang mukha ko.

"Kaya nga kailangan na nating mag-practice para makauwi na ako at makapag-beauty rest!"

Tinawanan lang ako ng walang hiya saka tumango-tango.

"Okay, boss..."

"I'm serious!"

Ngumiti siya at tinignan ako ng matagal. Pinatili ko naman ang inis kong mukha.

Nag-iwas siya bigla ng tingin at tumingin sa kung saan. Gigil na kinagat niya ang pang-ibabang labi saka siningkit ang mga mata. Maya-mayang tumango siya.

"Halata. Ganiyan ka pala kapag bagong gising..."

Inis tuloy ako kay Steban kahit nagsimula na kami sa practice. Hindi niya ako mabiro dahil seryoso talaga ako pero siya ay kahit walang sinasabi ay puro ngisi naman!

Hindi ko nalang pinansin dahil talagang lalala lang siya kapag pinuna ko pa. He's so annoying! He likes teasing me in every chance he gets!

"Bakit ba ganitong songs lagi kinakanta natin?" I asked out of sudden.

Nakayuko pa sa gitara ang ulo niya nang inangat niya ang mga mata sa akin, making his forehead creased a little. Umawang ang labi niya saglit bago nagsalita.

"Bakit? You don't like it?"

Umiling ako. "I like it. I'm just curious."

"I love OPM songs..."

Tumango-tango ako pero napangisi rin. "Here I thought you don't sing worldly songs..."

"Depende sa kanta, Khloe. May mga love songs naman na hindi pangit iyong meaning ng kanta. Depende rin kasi 'yan sa composer at singer."

"What do you mean?"

"Nagbe-base kami sa message ng kanta, o sa composer at singer nito. Kung hindi naman masamang kantahin, bakit hindi?"

"So pwede nga kayong kumanta ng mga hindi Christian songs?" Nagtaas ako ng kilay.

"I didn't say hindi kami pwede. I just preffered Christian songs."

He's the only person I've known with this perspective. It made me curious. Anong klaseng pamilya ba mayroon ito si Steban at ganito nalang ang paniniwala niya sa mga bagay-bagay? Or his environment? I bet he's a church boy...

I never met someone like him. Matagal akong napatitig sa kaniya dahil sa dami ng tanong sa isip ko. Pero pakiramdam ko hindi naman kailangang itanong iyon. Baka kung ano pang kamalisyahan ang isipin ng lalaking ito at asarin na naman ako!

"You like OPM songs... love songs..." I commented.

Tuluyan na niyang nilagay sa gilid ang gitara niya. Tapos na kaming mag-practice. Pauwi na kung hindi lang nabuo ang conversation na ito.

"Hmm..." he answered. Tinupi niya ang kanang tuhod saka pinatong ang kanang siko roon. Nasa kaliwa niya ako kaya parang nakaharap na rin siya sa akin. "It views different kinds of love that someone could offer to someone."

Nagtaas ako ng kilay at mapang-asar na ngumisi. "Romantic ka pala?"

"Of course, Khloe. God destined us for someone and I believe that even if we don't believe it or think about it, it will come most unexpectedly."

"That's deep."

"Have you ever fallen in love before?" He looked at me.

Nagkibit balikat ako. "I think I haven't. You know, I don't take relationships seriously and always play around. Love is not in my mind yet. I just like playing."

"Playgirl ka pala? Buti nalang wala kang pag-asa kay Cyan." He chuckled.

I scoffed. "Of course! Bakit magseseryoso, eh ang bata pa natin! Bakit, ikaw?"

Siya naman ngayon ang nagkibit balikat at ngumuso. "I date to marry."

How romantic! Natawa ako kaya natawa na rin siya.

"You know... I love music. I love listening to different melodies. And I do think that love is like that. Melody is a sweet, catchy part of a song that sticks with you, just like how love is the warm, fuzzy feeling that stays in your heart."

Nagkatinginan kami. Ngumuso ako dahil hindi ako maka-relate sa kaniya. I can't believe may ganito siyang mindset!

"Maging makulit ka nalang nga ulit. Hindi ako sanay na ganito ka, Steb. Ang baduy!" Natawa kami pareho.

Nagpatuloy ang mga gawain namin at practice kada hapon. Habang papalapit ang culmination, para naman akong inaasar ng tadhana dahil sa dami rin ng mga gawain.

"Tulungan na kita rito, Khloe." Tinignan ko si Reed na tumabi sa akin ngayon.

Nandito ako sa library kaharap ng isang PC para gawin ang another na pinapagawa na naman ni Monique!

"Grabe si Monique. Anong akala sa'yo, genius? Hindi ba siya naaawa sa kawawa mong utak? For sure malapit na 'yang mag-give up."

Hindi ko alam kung gagaan ang loob ko o maiinsulto. Sinasabi niya bang mahina ang utak ko?

Pero sabagay. Sobra naman kasi talaga ang binibigay ni Monique! Kamuntik ko na siyang masabunutan kanina nang pagkatapos sabihin sa kaniya na tapos na ako sa part ay binigyan na naman ako ng bago! Kung hindi ko lang iniisip na kaunti pa lang ang ambag ko sa grupo ay talagang malilintikan siya sa akin.

"Inaabuso ka na. Naku! Kung ako 'yan, kanina pa 'yan nakaisa sa akin. Nakakainis! Paniguradong masaya siya na nakikita kang nahihirapan."

Wala namang naitulong sa akin si Reed at puro dada lang sa tabi ko pero hinayaan ko lang.

"Sa akin, isang article lang ang binigay na related sa isang subtopic natin for editing. Tapos sa'yo, bakit ang dami? Hay nako talaga! Hindi ko maintindihan ang mga babae at bakit-"

"Can you just shut up? Paano ko 'to matatapos kung puro ka daldal?"

He immediately shut up and covered his mouth. Umirap naman ako at patuloy lang sa ginagawa.

Maya-maya pa'y hindi na naman niya napigilan ang bibig niya.

"Sorry, galit ka ba?"

"Tumahimik ka nalang para hindi ako magalit."

The days went stressfully. Sa Friday na ang culmination kaya straight ang practice namin ni Steban every after class. Nagpapaalam na ako sa parents ko at kay Nanang na matagal akong magpapasundo dahil sa practice at ibang mga gawain. 

Today will be our last practice. Medyo madilim ang kalangitan nang naglakad ako papunta sa room kung nasaan si Steban ngayon. Nagdesisyon kaming hindi muna sa garden mag-practice. Actually, may mga araw na roon talaga kami nagp-practice at hindi sa garden.

Nang nakarating ako sa music room ay nakita ko agad si Steban doon. Dito kami kapag hindi acoustic guitar ang gagamitin namin. And today, for our final practice since whole day ang event bukas, kailangan naming dito mag-practice para makagamit ng intrument na talagang gagamitin namin bukas.

"Hey..."

"Hi!" I waved at him and went close.

Maraming mga instruments sa loob ng silid at naka-arrange ito ng mabuti. Ang mga hindi ginagamit ay nakatakip ng tela para hindi maalikabukan.

Naghanda na siya sa gitara niya. May stool doon kaya kinuha ko iyon at doon naupo.

I looked at Steban. Ang kaniyang necktie ay nakatali sa kaniyang noo para hindi siya guluhin ng kaniyang buhok. Wala na rin siyang suot na polo shirt at tanging white shirt nalang na hindi na naka tuck in sa kaniyang slacks. Even though his shirt is free from his slacks, you can still see the shape and curve of his body. His shirt hugged his body just right to give me that description.

Pinilig ko ang ulo at nag-iwas ng tingin.

He tapped his guitar's soundboard eight times before plucking. He made his intro expertly and then sang his line first.

"Hindi masabi ang nararamdaman... 'Di makalapit sadyang nanginginig na lang... Mga kamay na sabik sa piling mo... Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo..."

Nagkatinginan kami at iyan na naman ang kakaiba niyang tingin na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. My heart pounded wildly kaya nag-iwas ako ng tingin at pinaglaruan nalang ang aking buhok.

Part ko ang sa second stanza and when I finished it, Steban smiled proudly at me. It made my heart at ease. Ewan... pero palagi nalang.

"Nandiyan na ba ang sundo mo?" tanong ni Steban nang tapos na kami sa final practice namin.

Nililigpit na namin ang mga gamit namin. Nakatayo lang ako sa isang sulok habang nakatingin kay Steban na pinapasok ang gitara sa guitar case niya.

"Siguro. Sa main gate nalang ako maghihintay."

Umayos siya ng tayo saka sinabit ang guitar case sa balikat. "Umuulan, Khloe..."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Ni hindi ko napansing umuulan na dahil hindi naman rinig kung nasa loob kami lalo at may aircon pa. Nang lumabas kami ni Steban ay sobrang lakas ng ulan. Kaya pala kanina ay ang dilim na ng kalangitan. Mula sa pinakaitaas na floor hanggang sa kung saan kami ngayon. Tanging tunog lang ng ulan ang naririnig ko at malakas na pagpatak nito ang nakikita ko.

What would I do? Okay lang naman na sa mga hallway ako dumaan pero for sure mauulanan pa rin ako kung tutungo ako sa main gate. I checked my phone and gasped when it is dead already! Ngayon pa talaga?

"May payong ka?" tanong ni Steban.

Nasapo ko ang noo at umiling lang ako.

Bigla siyang bumalik sa loob ng silid. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang may kinuha siya sa isang sulok. Plain black umbrella iyon. He handed it to me.

"Use this."

Umawang ang labi ko. "Eh, paano ka?"

"Don't worry about me. Malapit lang ang parking dito at pwede ko ring tawagan si Reed na sunduin ako."

I bit my lower lip. Nandito pa si Reed? Paano kung wala? We could share, I won't mind. Pero bakit ko naman gagawin iyon? Baka ano pang isipin niya! And the umbrella wasn't big enough for us to share! Pang single lang ito ay may mababasa pa rin!

So paano siya? Wait, I'm not worried but... whatever.

Tumango ako at tinanggap ang payong. Bago pa tuluyang umalis ay nilingon ko muna siya.

"I'm going," I informed him. "Thank you for today."

Nakapamulsa niya akong tinignan. He smiled gently at me before giving me a salute.

Kinaumagahan, maaga akong naghanda. Maids helped me preparing myself. May isang naghanda ng susuotin ko, ang isa ay sa buhok ko, tapos ang isa ay sa mukha ko. Nanang sent my breakfast here in my room dahil nagdesisyon akong hindi nalang bumaba.

"Make it simple," I demanded.

"Bakit ba kasi kailangan pa ng ganiyan, Kham? Simplehan mo nalang," komento ni Nanang sa likod.

Tinignan ko siya gamit ang vanity mirror ko. "Nana, looks matters! Kailangan pleasant ako sa mga mata ng judges! Isa pa, I've been very stressed and haggard these past few days. I need my fresh looks back!"

"Ewan ko nalang sa iyong bata ka." Umiling-iling si Nanang na tila hindi maintindihan ang point ko.

Natawa nalang ako. "Go downstairs nalang, Nanang, and eat. Don't worry about me."

After everything, I can finally say I'm satisfied with my look. I look fresh, again! Thanks to my mga alalay!

I wore a black double-breasted dress with a shawl collar and a pressed-pleated skirt. I paired it with my glamorous black satin pumps. My hair was half ponytail with a black ribbon tied around it. I wore simple nude makeup. After everything was ready, I picked up my white Dior handbag, went downstairs, and ordered Mang Tope we should get going.

I know I catch attention, more like stealing it. I believe I deserve the spotlight nonetheless. Nang nakarating sa school ay halos mabali ang leeg ng mga taong nakakasalubong ko sa akin. They looked amaze, and they should be. Confident akong naglakad patungo sa building namin habang tinatanggap ng pagbati ng karamihan. Gaya ng mga nagdaang araw ay hindi ko ini-engage ang sarili ko na makausap sila. Just a simple greet back will do.

Marami nang tao sa classroom nang nakarating ako. I can hear gasps and whispers but I ignore it all. Nahagip pa ng mga mata ko ang pag-irap ni Suzzy ng nakita ako. Naka simpleng pink stripes top at faded pants lang siya ngayon. Pwede kaming mag-civilian dahil whole day naman ang event. Kaya ang mga hindi kasali, pwedeng msgsuot ng mga gusto nila.

I saw Reed on his table, arms crossed and his face on top of his arms. Para siyang natutulog pero nakita ko ang mabilisang pagta-tap ng paa niya sa sahig kaya alam kong gising siya.

Umirap ako at dumiretso na sa upuan ko. I checked my phone to see if Steban texted. Kumunot ang noo ko nang walang nakitang kahit isa na reply mula sa kaniya.

I texted him kanina pa pero hindi naman siya nagre-reply. Hindi naman ako tumawag dahil bakit ko naman gagawin iyon?

Khloe:

Where are you?

For the nth time, I texted him again! It hurts my ego every time I see how I flooded him with messages since this morning pero walang kahit isang reply! Siguro busy? Hindi bale, hintayin ko nalang.

Eight in the morning magsisimula ang event. I looked at my watch and it's already seven thirty in the morning. Maya-maya lang ay papupuntahin na kami sa gymnasium. Hinintay ko pa ang reply ni Steban pero wala talaga. Where the hell is he?

Sa inis ay kinuha ko ulit ang hand bag saka lumabas ng classroom. I planned to go to their classroom to check there or if ever wala siya roon, pupunta ako sa garden or kung wala pa rin, lulunukin ko ang aking precious pride at tatawagan siya.

Habang pababa ng hagdan ay biglag nakasalubong ko si Miss Salvacion.

"Miss Monzon," she called. I had no choice but to stop and greet her.

"Good morning, Miss."

"Papunta ka na ng gymnasium?"

Umiling ako. "I just look for Garza, Miss."

"The event will start soon at hindi kayo pwedeng ma-late. Diretso na sa gym at doon mo nalang hintayin si Estevan."

Ngumiwi ako. Kumunot ang noo niya sa akin kaya binigyan ko nalang siya ng isang pekeng ngiti bago yumuko ng bahagya at nilampasan na siya.

I didn't have any other choice. Siguro naman alam ni Steban kung kailan magsisimula at didiretso na siya ng gym pagkarating niya. However, I still texted him for I don't know how many times already.

Khloe:

Nasa gym na me. Please hurry!

Wala pa rin akong natanggap na reply. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta ng gym.

This is ridiculous! Nakakairita naman, oh! Hangang ngayon ay wala pa rin si Steban at malapit na kami!

Lima lang ang nakarga sa duet at pangatlong performance na ngayon pero wala pa rin siya.

Pinagtitripan ba ako ng lalaking iyon? I could already imagine the things I would do to him kapag hindi siya nagpakita ngayon. Grades, my ass! Titirisin ko talaga ang mga mata niya at paparusahan ko siya! Damn it!

"And now, for entry number 4, from..."

My heart pounded like crazy. I couldn't relax anymore. Hindi pwedeng ako lang ang mag-perform dahil hindi naman ako bobo para sumali sa duet na ako lang ang kakanta! What would I do?

Kung wala si Steba ngayon, si Reed kaya? But then, nang nilibot ko ang tingin sa paligid ay hindi ko makita si Reed.

May lumapit sa aking babae, ang babaeng nag-asikaso rin sa akin sa auditorium noong nakaraan.

"Prepare na entry number five."

"Wait... my pair isn't here yet," I said. I looked so down. My gosh! Nakakasira ng elegance!

"Bakit wala pa si Steban?" tanong ng babae.

"I don't know..."

"Nasaan ba kasi siya?"

I don't know nga! Damn this! Humanda ka talaga sa akin kapag wala ka, Estevan! Malilintikan ka talaga sa akin!

"Let's give a round of applause to our entry number four. Now, for our last entry..."

I lose hope already. Wala pa si Steban, and it's our turn. Siguro... okay naman na ako lang mag-perform. They would understand for sure. Then Steban will only explain to Miss Salvacion what the freaking hell happened to him.

Pero, ano nalang ang masasabi ng mga tao? Kung ako lang ang nandoon, paniguradong mapapahiya ako! Oh my gosh!

Napatalon ako nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako patayo. I gasped and looked at the person who pulled me up harshly only to widen my eyes upon seeing his face.

He's serious and looked angry for some reason. Halos magsuntukan ang dalawang kilay niya at mas nandilim ang mga mata. His jaw cleanched repeatedly. Nang nakitang nakatanga pa rin ako ay inis niya ako tinignan.

"Ano? Tara na, Khloe," he said... coldly.

Cyan...


Fallen MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon