Chapter 13

5 1 0
                                    

CHAPTER 13

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa dami ng pangakong naririnig mo sa ibang tao, tila alam ng puso mo kung sino at ano ang paniniwalaan. Kung ano ang panghahawakan. Kasi alam mo na... na pwede kang magtiwala... at malabo kang biguin.

I've never been this assured just as Steban assures me with his words. His words were so simple. They were so simple that they became so real... so promising... so easy to believe.

Habang papalapit kami sa church nila ay tinitigan ko ang palgigid. Simple lang ito at hindi ko naman masabi na malaki, pero concrete at may second floor. May separated na parking area sa labas at pagpasok mo sa gate ay may bahay kang makikita na nasa likuran ng building. Ang building ay nasa left side namin kaya hindi natatago ang bahay. Simple lang ito. Singled floor at full concrete na kulay crema rin ang pintura.

Gaya ng bahay nina Steban, marami ring halaman sa paligid at maliliit ng puno na halatang may maintenance.

Ang entrance ng building naman ay naka glass door at glass wall. Kitang-kita mula sa labas ang lobby sa loob kung saan maraming tao. May nakita akong may table doon kung saan may nakaupong dalawang babae na abala sa pagsusulat. Marami ring papel sa harapan nila.

Kumunot ang noo ko. As we entered, Steban held my wrist and never let go. Napatingin tuloy sa amin ang mga naroon at medyo nahiya ako. My cheeks blushed, and I wanted to tell him to let go of me, but I couldn't understand myself because I liked it!

Oh my gosh, Khloe! Are you seriously admitting that you like Steban's hold? Well... I guess I do... Pero dahil iyon nahihiya ako dahil hindi ko kilala ang mga tao rito! It feels like my first time! Kaya valid itong nararamdaman ko ngayon. Nothing more...

Sinalubong kami ng mga tao roon sa lobby ng tingin. They seem to know him. Sa paraan ng pagngiti nila nang nakita si Steban ngunit nakita ko ang pagtataka nang napunta ang tingin nila sa akin.

Steban guided me in front of them, and we looked at each other. Nagtaas siya ng kilay sa akin pero ngumiti rin kinalaunan. Inirapan ko siya na naging dahilan ng bahagya niyang pagtawa.

"Khloe, officers ng church. Si Ma'am Charry, Tita Edith, and Joan." Nilingon niya sila. "This is Khloe. My... friend."

I shook hands with them. Kung kanina ay medyo nahiya ako pero nang nginitian nila ako gaya ng pagngiti nila kay Steban ay nawala ang kaba ko.

Hindi lang sila ang pinakilala ni Steban. Pinakilala rin niya ako sa dalawang lalaki na nakatayo sa kaliwa't kanang pinto papasok siguro sa church talaga. May dala silang parang flyers na binibigay sa mga pumapasok sa loob. Pinakilala rin ako ni Steban sa mga nakaupo roon sa sofa sa kabilang dako lang ng lobby, kaharap ng lamesa. May mga bata rin.

"Officers sila rito," Steban explained while looking at them with a smile.

Lumapit ulit kami sa lamesa. May kinuhang papel si Steban kung saan mayroon akong kailangan na i-fill up.

"This is a visitor's form. Mamaya, tatawagin ang pangalan ng mga bisita para i-welcome. I want you to put your name here, but if you don't want to, it's alright."

Hindi ko napigilang pagtaasan siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Ngumuso siya sa akin dahilan ng pagngisi ko.

I smirked. "That's not a problem. I'm fine with it."

Napansin ko ang pagkintab ng saya sa mga mata niya at sa laki ng kaniyang ngiti. Tumango siya saka kumuha ng ballpen at ibinigay ito sa akin.

Before he could give me the paper, someone pushed me from behind making me step forward toward the table. Nagulat kaming dalawa doon at parehong napatingin sa likuran ko, only to find a probably three-year-old boy running back to his parents na ngayon ay gulat rin.

He pushed me on my butt! Imbes na mainis ay hindi ko alam kung bakit ako natawa! Humingi ng tawad ang mother niya sa akin at kinarga naman siya ng father niyang ngumiti sa akin. I saw how his mother slightly slapped his little hand. The kid pouted and was about to cry.

I pouted, but there was a hint of a smile on my face. Napailing-iling nalang ako saka binalik ang atensyon sa harap.

Nagkatinginan kami ni Steban. He bit his lip, maybe stopping a smile that's about to form. Kinunutan ko siya ng nuo pero umiling lang siya at yumuko. He lazily picked up a paper and handed it to me without looking at me.

Tinanggap ko iyon. Nagkatinginan kami sa isa sa naka-assign sa table at nginitian niya ako kaya binigyan ko rin siya ng isang tipid na ngiti bago sinimulang sulatan ang papel.

Walang upuan sa tapat ng mesa. Bago pa man ako nakapagsimulang magsulat at tila si Flash si Steban dahil may upuan agad siyang binigay sa akin.

I heard someone coughed. Hindi ko alam kung sino iyon kaya tumuwid ako sa pagkakatayo at tinignan ang paligid.

Some were just talking but there were people who were looking at us, too. Ang iba ay nagtataka at ang iba ay gulat o maangha. Hindi ko maintindihan.

Steban didn't seem to mind. He stood straight and looked at me before signaling for me to sit. Nagtataka man sa mga inasal niya ngayon simula nang dumating kami ay ngumuso nalang ako at umupo saka binaling ulit ang tingin sa papel.

He's acting weird but... whatever.

Name: Khamile Luella Monzon

Age: 18 years old

Birthday: April 17

"Steban, kanina ka pa?"

Tapos na akong magsulat at ibinigay ko iyon sa babae. Ngumiti ulit siya sa akin. Tumayo na ako at inayos ang bag sa balikat.

"Kanina ka pa nila hinahanap. Saan ka ba galing?"

Ngayon ko lang napansin na may kausap pala siya. Galing kay Steban ang tingin ay nilipat ko ito sa lalaking kausap niya. He was at the doorway talking to Steban when he noticed me. Kumunot ang noo niya pero medyo nanlaki ang mata na hindi masyadong naging halata.

Binalik niya ang tingin ni Steban saka siya ngumisi at umiling-iling. My brows furrowed dahil tila may secret conversation sila nang nakita ako ng lalaki!

Tinuro niya ang loob. "Sige na! Basta sumunod ka at praise and worship na."

"Oo na..." sagot naman ni Steban may pangtataboy sa tono.

The boy tsked before he went back inside. Bumaling si Steban sa akin kaya inosente ko siyang tinignan habang kunot ang noo. Napakamot siya ng batok at ngumisi sa akin.

I rolled my eyes and decided to forget about it. "Ano, kailangan na nating pumasok?"

"Oo..."

"O, edi let's go! What are you waiting for? Papahintay ka pa talaga..." Ngumisi ako sa kaniya bago naunang naglakad papasok.

As expected, binigyan ako ng papel ng isang lalaking nakatayo sa hamba ng pintuan.

"Happy Sunday, Sister!" he greeted.

Kumunot ang noo ko sa kaniya dahil sa tawag niya sa akin pero hinawakan na ni Steban ang balikat ko at iginaya na ako sa loob.

I shifted. Steban looked like inaakbayan niya ako with his two hands on my shoulders! Pero binaliwala ko nalang iyon. Why am I so observant of his actions, by the way? I wouldn't be surprised if he's doing this so that I don't feel out of place.

As we went inside, I stood in awe. Indeed, they were already preparing for praise and worship. Nasa stage na ang Archer Band at ang mga tao sa loob ay nakatayo na. Pero hindi pa sila nagsisimula.

The church was huge. Naka-red carpet ang flooring at ang dami kong nakitang aircon sa mga sulok. May malaking stage sa harap at ang background ay hinati horizontally. Sa ibabang bahagi makikita ang cross na umiilaw at sa kahalati naman nito sa itaas ay ang malaki nilang projector. Sa stage nakapwesto ang mga instruments na nakita ko noong nag-perform sila sa Barrio.

Maraming tao at may kaniya-kaniyang upuan na kutson. May dalawang aisle din, ibig sabihin nahati sa tigtatatlo ang mga upuan. Wala nang masyadong bakante kundi sa harap.

I noticed the women were wearing dresses, and the men wore formal clothes. Halos lahat sa kanila ay conservative tignan dahil wala man lang akong nakikitang naka-sexy dress!

"Let's go there..."

Nakasunod lang ako kay Steban. Hindi niya hawak ang kamay ko pero nang dumaan kami sa pinakaunang aisle sa pintong pinasukan namin papunta sa harap ay tumigil siya bigla. Naging dahilan iyon para tumigil din ako. Akala ko anong gagawin niya pero natigilan ako nang nilingon niya ako saka kinuha ang pulsuhan ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Seriously? Dahil natigilan ako at hindi na ako nakapag-react hanggang sa nakarating kami sa unahang upuan!

I noticed stares but I decided not to look at them. Ako na ang nahihiya sa ginagawa ni Steban! I know he was only acting normally pero nagugulat talaga ako sa treatment niya.

Baka naman kasi bago pa ako rito? Hindi naman siya ganito sa school...

Saktong nasa harap na kami nang bigla naming naagaw ang atensyon ng banda sa harap. They were doing their sound check when they caught us. Nagkatinginan kami ni Helen. Nakita kong natigilan siya ngunit agad ding umiwas ng tingin at pumikit ng mariin. Nagpatuloy siya sa ginagawa.

"This way, Khloe..." Steban made way for me para makadaan ako papunta sa pwestong uupuan namin.

Nasa harap iyon sa tapat ng stage. Nilagay ko ang bag ko sa upuan saka siya binalingan. He was already looking at me.

"Are you fine here?"

"Why? Aalis ka?"

He licked his lower lip, glanced at the stage, then looked at me. "I'm going to play."

Napagtanto ko naman agad iyon. "Oh! Of course, I'm fine."

I guess... I'm gonna be alone here. I will be fine, I guess.

Steban seemed to notice my reaction, that's why he flicked my forehead, again!

"Oww..."

"I'll be back so don't worry."

"I'm not worried."

"You look scared." He smirked.

I rolled my eyes. "It's my first time..."

"Steban!"

Dalawa kaming napalingon sa stage nang may tumawag. Agad kong nakita si Cyan. He called Steban with his usual facial expression but I noticed his irritation. Ni hindi siya nahiyang tumawag! Ang mga tao tuloy ay nalipat ang tingin sa amin.

Steban had no choice but to go there already. Helen's done with her mic test kaya nagsimula na siyang magsalita sa harap. She looked so different in her black and white checkered spaghetti dress and black long-sleeve inner shirt. She was wearing a pair of black boots, and her hair was in a messy bun.

They started singing. Helen was so energetic, which I'm not used to. I was amazed while looking at her encouraging the congregation with her powerful words.

Wala akong ginawa roon kundi tumayo. Ang iba ay pumapalakpak pero ako'y tanging pagtango-tango ang nagagawa. I had goosebumps many times; that's why I had to cross my arms to stop myself from shivering. The lyrics of their songs were so good that my body reacted like that!

"And as You speak, a hundred billion failures disappear... Where You lost Your life so I could find it here," Helen sang and put her left hand on her chest.

People were worshiping God. They were raising their hands high and saying something I couldn't understand. Even the band on the stage looked lost. While I'm just here... standing with my arms crossed... fighting the feeling that's building within me.

Hanggang sa natapos ang praise and worship ay nakatayo lang ako roon habang nakatingin sa lyrics na nasa projector. It ended with a prayer. Ngayon ay may naka-coat and tie nang nasa harap na binigyan ni Helen ng mic. The people were seated, and so was I. The person at the front greeted us and introduced himself as the pastor for today's first and second service. He had mentioned the first service earlier.

Tinignan ko ang papel na hawak at bigay ng nasa pinto kanina. I saw their schedule. Their first service was from five o'clock in the morning until nine, and now it's the second service until eleven. Napatango-tango ako. Sa papel din na iyon ay may notes na ng sermon for today, contact information ng church, at marami pang iba.

I looked up when I felt a presence in front of me. It was Steban. Umupo siya sa kaliwa ko at nginitian ako. I pursed my lips.

The pastor continued talking in front and we both listened. Nga lang, naka-feel ako ng antok ilang minuto ang nakalipas. I couldn't help but to yawn. Someone held my knee. I looked at Steban and caught him laughing at me.

"What?" I whispered.

"Fight it, Khloe. You can do it..." pang-aasar niya.

Binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti. "You're funny."

He looked even more amused!

Buti nalang at natapos din after an hour. Maluha-luha na ang mga mata ko at nilalamig na ako sa aircon at mas lalong inantok! Si Steban naman ay hinilot na ang espasyo sa thumb and forefinger ko para magising ako at hindi antukin dahil masakit! It didn't help, though!

Natapos na ang simba after further announcements. Bumalik sa stage ang banda galing sa mga upuan nila sa gilid lang, separated sa mga tao. Kaya si Steban ay bumalik na rin doon sa harap. May closing song before the closing prayer and the service ended.

Nang natapos ay agad may music sa background while people were greeting each other with handshakes and kisses. May ibang lumapit sa akin para makipagkamay at makipagkilala.

"Anak ka pala ni Camilla?" tanong sa akin ng isang katandaang babae kasama ang isang babae na kaedad ni Mommy.

"Yes po. Do you know my mother?"

Tumawa sila at hinawakan ng ginang ang kamay ko. "Oo naman! Sinong hindi? Sa katunayan, kaklase nitong anak ko noon ang nanay mo."

I looked at her daughter with a shock and smiled at her. "Oh..."

"Nagkatuluyan pala talaga sila ni Miguel?" the younger woman asked.

Bago pa man ako nakasagot ay pinalo na siya ng mahina ng mother niya sa balikat. Pinanlakihan siya nito ng mata saka ako nilingon at tumawa ng mahina.

"Ano ka ba, anak," aniya pero sa akin nakatingin. "Siyempre alam naman nating si Miguel talaga dati pa. Naku! Mahal na mahal siya ng lalaking iyon."

They knew my parents... They knew Daddy. Expected na na kilala nila si Mommy dahil tagarito siya pero hindi ko alam na kilala nila si Daddy. Daddy lived in Manila his entire life, and as far as I knew, he started coming here frequently after their marriage. Baka naman mali ang alam ko?

"Oo nga, nay! Naalala ko pa noon, kahit gaano kalayo ang Maynila mula rito, pinupuntahan talaga rito si Camilla! Akala ko nga hindi niya magugustuhan si Miguel. Iba naman kasi ang tipo ni Camilla noon. Pero tignan mo ngayon..."

"Siyempre! Minsan talaga sa buhay, nakakatanggap tayo ng mga bagay na hindi natin aakalain. Magugulat nalang tayo, nandito na sa harap natin... Parang pagmamahal lang."

"Khloe!" I was listening to them when someone called me.

Nagpaalam na ang dalawa kaya nilingon ko ang likuran. I saw Reed and Van walking towards me while waving and smiling widely.

Nang nasa harap ko na ay ngumiti rin ako.

"Nandito ka!" Reed exclaimed.

Binatukan siya ni Van. "OA mo. Nandito nga, 'di ba?"

Natawa ako sa dalawa. Van looked at me then smiled.

"You look beautiful, Khloe."

"Thank you, Van. You look good, too." I smiled.

Nakasuot sila ng polo shirt. Si Reed ay kulay gray na long-sleeve polo with a white inner shirt habang si Van ay nakaputing polo shirt. They looked so clean and formal, not that I'd be surprised.

Reed made a weird sound to tease Van. "OA nito..."

"Bakit? Maganda naman talaga si Khloe kahit anong suotin niya, ah?"

"Gusto mo talagang malagot, eh..."

Nagsasagutan pa ang dalawa nang sinilip ko ang likuran nila. I couldn't see Steban and Helen, but I saw Cyan on the stage putting his bass guitar in its case. Tinignan ko siya hanggang sa natapos siya. He looked so serious and cold. Kulang nalang ay magsalubong ang kilay sa karseryosohan sa ginagawa. He was wearing his usual polo shirt attire, this time in plain black. He's all black today. It suited his medium tan skin. Pansin kong hindi siya gaanong maputi gaya nina Steban at Reed, but that made him even more mature and manly.

Nagkatinginan kami. I pursed my lips but before I could look away, he nodded at me. Nanlaki tuloy ang mga mata ko. Before I could react more, I felt Reed holding my elbow.

Napakurap ako. "Huh?"

Kumunot din ang noo niya. "Sabi ko sabay ka bang mag-lunch?"

"Hindi na..." Lumingon ulit ako sa likuran at nakitang wala na si Cyan. Binalik ko ang tingin kay Reed at Van. "Magluluto si Nanang sa bahay kaya I need to go home..."

"Sayang naman..."

Napangiti ako. "Where's Steban pala?"

Van pouted and Reed smiled teasingly. Napairap ako dahil alam ko na ang sasabihin ni Reed.

"Miss mo na agad?"

"I was just asking!"

Tumawa si Reed habang nakanguso pa rin si Van. Tinuro lang ni Reed ang mukha niya habang humahagalpak ng tawa.

Natawa rin ako. Natigil lang nang nakita si Steban at Helen na lumabas mula sa backstage. Nagtatawanan sila at muntik nang mabangga si Helen sa isang mic stand, buti nalang at mabilis si Steban. He held the mic stand and put it aside. They looked at each other and laughed again...

What's funny? Kumunot ang noo ko. Sakto iyon na napatingin si Steban sa gawi ko. Kumunot ang noo niya pero may ngiti pa rin sa labi. I looked away as if I didn't see him. Nakisali ako sa asaran nina Reed.

Hindi nagtagal ay lumapit si Steban sa tabi ni Reed, sa tapat ko lang... with Helen.

His eyes immediately landed on me pero umiwas ako ng tingin. I looked at Helen with plain facial expression. Nang ngitian niya ako ng tipid, nginitian ko rin siya pero mas tipid.

There's something hollow in my stomach that I can't understand. Binaliwala ko iyon at nilingon sina Reed.

"Oh, hinanap ka ni Khloe kanina. Saan ka galing?"

Sinulyapan ako ni Steban na may mapaglarong ngiti sa labi. "Talaga?"

I gritted my teeth.

"Gusto na yata niyang umuwi," Van said.

Steban directed his full attention to me. "Tara na?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. May kaunting ngisi sa labi niya na nagpainis sa akin! Anong nakakatawa, huh? Sarap sabihing h'wag muna tutal ay mukhang busy pa siya. He should get his business done! Okay lang naman ako na rito muna.

"Baka hinahanap na si Khloe, Steb," Helen said coolly and glanced at me.

Nagkatinginan kami. She smiled at me. Okay na sana at magiging mabait ako pero naalala ko ang mga sinabi niya sa akin sa bahay nina Steban noong nakaraan. I didn't return the smile.

Tinignan ko si Steban. Inaabangan yata ng tingin ko dahil nakangisi na siyang nakatitig sa akin nang tignan ko.

"Uwi na tayo?"

I smiled. "Mabuti pa. I think I need rest din..."

"Alright..."

Nagpaalam kami ni Steban sa kanila. Nang nasa labas na ay bumati muna kami at nagpaalam sa pastor nila at mga church officers. Naglakad na kami ni Steban patungo sa kotse niya. Nauna ako at hindi na siya hinintay. Mainit dahil tirik ang araw at naka-heels ako pero wala akong pakialam. Minadali ko ang paglalakad at ako na mismo ang nagbukas ng pinto.

Ngunit bago ko pa iyon masara ay may braso nang pumigil doon. Nagkatinginan kami ni Steban. He licked his lower lip, his hair messy from the wind.

"Nag-invite si Reed ng lunch..."

"Nanang will cook for me."

Dahan-dahan siyang tumango. "Did you enjoy?"

Hindi ko tuloy mapigilan na titigan siya. Matangkad siya kaya medyo nakayuko ang katawan niya dahil kung hindi, maiinitan siya. He leaned forward and entered the car slightly, just enough to shelter himself from the sunlight. His right hand was holding the door of his car while the other hand rested on the door frame just beside me.

I just sat there, staring at him. He was doing the same. The only difference was that I was serious, while there was a hint of amusement on his face.

Tumango ako at tumingin sa harap. "It was fine..."

"I was planning to introduce you to the other members though..."

"Maybe next time, Steban. I'm tired."

Ang OA ng babaita. Kung bakit ako ganito ay hindi ko alam.

Tinignan ko siya at nakitang yumuko ito. May ngiti sa kaniyang labi. Nang nag-angat ng tingin ay binasa niya ang labi saka tumango-tango.

"Next time, then..."

Steban tried to talk to me while we were on our way home. Marami siyang daldal pero nawala talaga ako sa mood para makisabay.

"Gulat na gulat sina Reed nang nakita ka. Pero alam kong ang saya nila."

Ngumiti ako at bumuntong hininga. "I'm happy to see them."

Natahimik kami. I played my tongue inside my mouth. Maya-maya'y narinig ko ang buntong hininga ni Steban.

"Khloe," he called in a baritone voice.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

He licked the left side of his lower lip, hesitating to say something, but he still did.

"I want you to know that I'm aware of how they treated you these past days," he started.

Kumunot ang noo ko.

"I know Helen and Cyan weren't very kind to you. I... I'm sorry for that."

"Hindi kailangan, Steban."

"I want to." He glanced at me briefly before focusing on the road again. "They're kind. Hindi lang talaga sila... sanay."

Nagtaas ako ng kilay. "Na?"

"Na ganito. Na may bago ulit sa grupo. Mula bata kami, kami talaga kasi ang magkasama."

"I do not belong to your group," I corrected him.

Umawang ang labi niya at napalunok. He was at his side view kaya kita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya.

It's true. I have my life there... in Manila. Hindi rito. I don't belong here. Pansamantala lang at kapag nakita ni Daddy na nagbago na ako, babalik din ako roon. Walang saysay kung magiging kaibigan ko sila. O kung magiging bahagi sila ng buhay ko. It will all become useless.

Hindi ko napansin na nasa tapat na kami ng bahay. Dahil registered na ang kotse ni Steban, nakapasok siya agad. Tahimik lang kami sa biyahe patungo sa mansyon.

I glanced at him. Seryoso siya at kunot ang noo na tila ang lalim ng iniisip.

I couldn't deny how good-looking Steban is from every angle. Winaksi ko iyon sa isip at diniretso lang ang tingin! My God, Khloe! Tigilan mo 'yan, ha.

Nasa tapat na kami ng mansyon. Bubuksan ko na sana ang pinto pero lock pa rin iyon. Nilingon ko si Steban. I found him already looking at me.

"Thank you for today. I know this is my way of repaying you for what you've done for me. Nagkasakit ka pa-"

Umiling siya. "Hindi ko ito ginawa dahil may utang na loob ka sa akin, kung iyan ang iniisip mo."

Natigilan ako at kumunot ang noo. Huminga siya ng malalim saka ko narinig ang tunog ng pinto, senyales na bukas na ito.

He stared at me. "Hindi ko iyon ginawa para bayaran mo ako. Kusa iyon, Khloe. At hindi ako humihingi ng kapalit. This... is different."

I didn't move. I waited for him to say something more, but he just stared at me.

Umawang ang labi ko. Nakita kong bumaba ang tingin niya roon kaya tinikom ko agad. I blushed!

Binalik niya ang tingin sa mga mata ko. He gulped and sighed.

"Gusto kong... maging komportable ka sa amin. Na pwede mo kaming lapitan kapag wala kang kasama... ako. That's why I wanted us to get along."

"Why?" I asked. It was almost a whisper.

He smiled at me gently. "Because I know you're already special to us... to me."

My heart skipped a beat.

"That God has given you to me... to us... not just for nothing, but for something."

Fallen MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon