Chapter 5

14 2 0
                                    

CHAPTER 5

"I said, I want to go home!" sigaw ko sa parents ko na nasa kabilang linya.

Nagulat si Aling Emy pati ang mga kasambahay na naglilinis dahil sa pagsigaw ko. Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang ang padabog na paglalakad papunta sa kwarto.

"Honey, I know it's lonely there. Why don't you go somewhere? Perhaps their barrio? Maganda roon at maraming mga pasyalan," si Mommy.

I only groaned and slammed the door of my room harshly.

"That's not it! It's just..." I groaned again because I could not find any reason aside from loneliness para payagan nila akong bumalik sa Manila.

"I missed Cecille! A-And... I want to attend Abuelo's birthday party! Mom, tell Daddy I promise to be good girl from now on. Hindi siya makakarinig ng kung anong kagagahang ginawa ko, Mommy!"

Tinapon ko ang sarili sa kama since wala naman akong gamit na dala dahil naiwan nga roon sa gazebo. Hindi ko na kinuha pa at nagmadali nang umuwi agad pagkatapos ng lahat ng narinig ko.

Ano? Mas ipapahiya ko pa ba ang sarili ko at kunin ang bag ko roon pagkatapos ng mga sinabi nila? No freaking way!

And now, I was so desperate to come home. Dahil sa mga nangyari ay hindi ko na yata kayang manatili rito at pumasok sa school at makita ang mga pagmumukha ng mga tao roon! Particularly them! Damn it!

"You don't want to go to your Abuelo's party, Khloe," it was Dad this time. I didn't know he was there. "I know you. Kung pwedeng hindi lang pumunta sa party ng Abuelo mo, hindi mo gagawin. But you have no other choice. Now, why are you complaining like this?"

Nakagat ko pang-ibabang labi dahil sa sinabi ni Daddy. Tama siya, dahil kung pwede lang tumakas kaming dalawa ni Cecille sa mga family gatherings ay gagawin namin, kung pwede lang. Now, anong irarason ko?

"I'd tell Nanang Emy to join you at the barrio, or sumama ka sa kanya kapag mamalengke siya. Don't isolate yourself in that mansion, Khloe. Santa Praia is different from Manila and we are not depriving you from going anywhere there as long as it's safe," dagdag pa ni Daddy.

Bumuntong hininga nalang ako at naisip na wala na nga talagang pag-asa para pabalikin nila ako sa Manila.

"But I want to go back there..." I said with an imaginary 'please' because of my tone.

"Enough with that, Khloe. Sige na, marami pa kaming kailangang asikasuhin ng Mommy mo rito sa ospital. We'll hung up."

"But−" And yes, they already hung up.

Bumuntong hininga nalang ako at pabadog na umayos ng higa sa kama. As I stared at my ceiling, I came to realize how lonely my life is.

Yes, I have everything that I want, and I can have everything that I want to have, but indeed, nobody's perfect in this world. Even in life, nobody has a perfect life here on earth.

But then, at least I can own everything I want, right? Life is always unfair; good thing it favors me.

Nahinto ang pagliliwaliw ng isip ko nang biglang may kumasok. Hindi ko pa ito sinagot ay binuksan na ng kung sino ang pintuan. Turns out, it was Aling Emy with a tray of foods on her hand, smiling as she walked towards me.

"Dinala ko na rito ang hapunan mo. Baka kasi hindi ka na bumaba."

"I'm not hungry, Aling Emy. But thank you."

Still, nilapag pa rin niya ang tray sa side table ko pagkatapos ay naupo sa gilid ng kama ko. Seems like she'd like to tell me something. Bumuntong hininga ako para ipakita sa kanya na pagod ako at ayaw ko ng kausap ngayon.

Fallen MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon