CHAPTER 12
"You should rest."
Inayos ko ang unan ni Steban at kinumutan siya. He's still burning up with fever. Kailangan niyang magpahinga kung ayaw niyang maglubog pa rito sa kama ng ilang araw.
"Aalis ka na?" he asked.
I stood straight and looked at him. Para siyang batang nakatingin sa akin at balot ng kumot ang katawan. Gusto kong matawa pero inalala kong may sakit siya kaya hindi ko muna siya aasarin.
Saka na kapag magaling na siya.
Tumango ako. "Lalabas muna ako para i-check if Van's already there. Maybe I'd go back to school."
"It's not necessary, Khloe."
"I know, but I want to see the result of the duet contest. Malay mo, panalo tayo."
Kumindat ako sa kaniya pero nanatili lang siyang seryosong nakatingin sa akin. I smiled at him before finally opening the door and going outside.
Naglakad na ako sa hallway habang ina-appreciate ang mga vases na naka-display. Puno ito ng mga malulusog na halaman at halatang inaalagaan ng mabuti. I reember what Reed said. Steban's mother loves antique things. Halata sa mga vases na narito ngayon pati sa mga bulaklak na nakalagay sa mga iyon. I looked like I was in the eighteenth or nineteenth century. Even the ambiance of their house screamed elegance.
Nang liliko na sana pakaliwa papunta sa kanilang sala ay nakarinig ako ng usapan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napahinto nang nakita ko kung sinu-sino ang mga naroon. They didn't see me. I was just about to go back, but it was too late when Cyan's eyes caught me.
Akala ko wala siyang gagawin kaya tatalikod na sana ako pero nagkamali ako.
"Khloe's here," he announced, making everyone's eyes bore into me.
"Khloe?" It was Helen. Nang nakita niya ay natigilan siya at kumunot ang noo.
Van out there looked at me with wide eyes. Meanwhile, Rev was sitting on the sofa, giving me a brief smile.
"Anong ginagawa mo rito?"
Tinignan ko si Helen dahil sa tanong niya. They were all sitting on the sofa and talking until they saw me. Cyan was still wearing his white polo shirt with lines on the collar and dark pants. Van was wearing a checkered button-down polo shirt with buttons open, paired with a black inner shirt and faded jeans. Rev was in his plain navy blue shirt, accessorized with a dog tag necklace, and black pants.
Hindi nila kasama si Reed. Malamang ay nasa school na iyon. Hiniling ko tuloy na sana ay narito siya ngayon.
I pointed to the hallway leading to Steban's room.
"I was with Reed earlier," I explained. "Cyan told us what happened to Steban... so we came here to check on him."
"Galing ka sa kwarto niya?"
Napalunok ako sa tanong ni Helen. She looked so shocked and... uncomfortable.
Big deal ba sa kanila iyon? I can sense them being so conservative based on their reaction. Well... except for Rev, who seems to not care.
"Uh... yes?"
"Anong ginagawa mo roon?"
"I told you I just checked on him, Helen."
"Bakit sa kwarto pa?"
Kumunot ang noo ko at iritado siyang tinignan. "Why are you asking me that? Is it bad for me to go to his room?"
"Of course it is, Khloe," Cyan replied. "That's Steban's room, not your girl best friend's room."
"I just checked on him."
"Hep," Van interfered, and I thanked him for that. "Chini-check lang naman daw. Kayo naman..."
Helen was still looking at me suspiciously while Cyan scoffed.
"Maybe she's guilty," Cyan murmured.
"Guilty for what?"
Cyan glanced at Rev, then turned back to me before smirking.
I couldn't believe I was just standing here waiting for them to accuse me! Dapat ay kanina pa ako umalis nang nandito na sila. Lalo na at nandito si Cyan na alam kong ako ang sinisisi kung bakit nagkalagnat ang kaibigan niya. I wouldn't be shocked if he told me something bad right at this moment.
"Sabi ni Reed ihatid ko raw si Khloe sa bahay nila kaya aalis na rin siya ngayon. Right, Khloe?"
I looked at Van and smiled at him. "Right..."
They don't like me. Iyon ang tumatak sa isip ko habang nasa biyahe kami ni Van pauwi. Nang paalis kami kanina ay hindi na ako nakapagpaalam pa ulit kay Steban. Imbes plano kong bumalik kanina para sana alam man niya lang na umalis na ako...
Hindi bale. I don't want to cause scene dahil baka mawindang sina Helen kung basta-basta nalang akong bumalik at pumaso ulit sa kwarto ni Steban.
Bakit, si Helen lang ba ang pwedeng makapasok doon?
Just thinking about that made me want to laugh sarcastically.
Excuse me? Baka iniisip niyang may gusto ako kay Steban and I'm taking advantage? Last time we saw each other, I sat next to Steban para sana asarin si Yandra. What if Helen thought I did that because I like Steban? Of course, she has no idea about what I'm thinking that time. Idagdag pa ito ngayon.
I don't like Steban, so she has nothing to worry about! But she doesn't know anything!
Ngayon na nasa biyahe na kami ni Van pauwi ay medyo nakahinga na ako ng maluwag. It was suffocating being there, knowing you were surrounded by people who clearly don't like you. Siguro ayos na itong si Van ang kasama ko dahil sa kanilang lahat, bukod kay Reed at Steban, si Van lang ang talagang mabait sa akin. Katulad nalang ngayon.
"Sorry talaga sa nangyari kanina, Khloe."
Nilingon ko siya at nginitian lamang. "I'm fine,Van."
"Alam ko naging uncomfortable ka at naiintindihan ko iyon. Hindi naman kasi tama ang naging reaksyon nila dahil bisita ka ni Steban."
"I understand them."
"Hindi lang talaga kami sanay na ganoon..."
I just smiled to assure him I was okay and I understood.
"I understand."
He kept on making sure I'm okay. At nang nasiguro na hindi naman talaga ako apektado, nagsimula na siyang dumaldal sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil naalala ko si Reed sa kaniya. Sa daldal niya, nakalimutan ko ang nangyari kanina.
Medyo malayo ang biyahe namin. Nakadaan pa kami sa lugar kung saan nakahilera ang mga paninda at naglalakihang mga tindahan. Sa daan usually may nagtitinda ng mga prutas. May nakita rin akong gasoline station at maraming palikong daan na maraming tao.
"Centro," sabi ni Van.
After no'n ay nadaanan din namin ang night market kung saan kami pumunta ni Nanang noon. I couldn't help but to appreciate the place. The life is so simple at talagang mararamdaman mong nasa probinsya ka. Kahit gaano karaming mga maliliit na bahay at mga paninda akong nakikita, hindi makaligtas sa akin ang naglalakihang mga puno na nadadaanan namin. Hindi gaanong naging mainit ang lugar dahil sa mga punong iyon.
"It's beautiful here."
"Hindi ka pa ba nakalibot rito?"
Umiling ako. Hindi pa pero baka masubukan ko dahil sa mga nakikita ko ngayon.
"Iyong nadaanan natin kanina, Barrio 'yong tawag doon. Nandoon ang palengke ng Santa Praia, tapos night market. Maraming mga screet foods doon tapos mga ukay-ukay, try mo baka may mga magustuhan ka."
Ngumiti ako. "Sure."
Though, hindi pa ako naka-try kumain ng mga street foods. Hindi ko rin alam what's ukay-ukay, pero I bet it's delicious.
Hindi alam ni Van kung nasaan ang bahay namin kaya itinuro ko pa ito sa kaniya. Hindi nagtagal ay nakarating na kami. Tinanggal ko ang seat belt na suot saka nilingon si Van para sana magpaalam ngunit natigilan ako at natawa nang nakita ang mangha niyang reaksyon na nakatingin sa akin.
"Dito ka nakatira?"
"Rest house lang namin."
"Rest house lang?" Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya sa reaksyon o totoo ito. "I'm always curious about this mansion and who owned this, tapos ikaw pala?"
"It is owned by my grandparents, mother side. Nasa States na sila ngayon kaya napunta kay Mommy ang bahay at ginawa naming rest house since sa Manila naman talaga kami nakatira."
"Nobleza ang Mommy mo?"
Natatawa akong tumango. "Grabe. Nobleza's the richest here before. Napalaki ng contribution nila sa development ng Santa Praia."
Ngayon, ako naman ang naintriga. I know we're wealthy on both sides, as my grandparents on my father's side own medical facilities. Pero sa side ni Mommy ay wala akong alam. Ang alam ko lang ay may mga pinsan naman ako sa side ni Mommy, pero anak iyon ng mga pinsan niya. Mom's an only child, her parents were sick and now staying on States.
"Really?"
"Yes. Hindi ko alam na Nobleza ka pala..."
It made me curious about my mother's life before. Ang naalala ko lang kasi ay sa Manila ako lumaki at hindi pa ako nakapunta rito. O kung nakapunta man, siguro bata pa ako kaya hindi ko na iyon maalala. My parents were always busy kaya wala kaming panahon para magbakasyon. Kung mayroon man, sa ibang bansa naman at kasama ang pamilya sa side ni Daddy. The Monzons.
Nagpaalam na ako kay Van. Inimbitahan ko siya para sana pumasok at magtanong pa but then his phone rang and Cyan was calling. Malamang pinapabalik na siya kaya wala na akong nagawa.
Nang nakarating na sa bahay ay nadatnan kong nagpapahinga si Nanang dahil sumakit ang likod nito. Ang mga kasambahay ay naglilinis sa salas namin habang si Mang Tope ay hindi ko rin nakita kung nasaan.
Hindi naman kasi ito ang usual na oras kong uwi. I told the maids not to tell Nanang that I'm here already para hindi na siya mag-worry pa lalo't may karamdaman siya. Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis.
I decided to swim. Matagal na rin noong last swimming ko dahil busy sa school. I'm wearing a yellow one-piece bikini underneath my white robe. Nagpunta na agad ako sa pool sa likod lang ng malaking mansion at nagsimula na agad na lumangoy. May floater sa isang banda kaya kinuha ko iyon para madali nalang kung gagamitin ko.
Swimming helped me clean my thoughts. Masyado akong maraming ginagawa sa nagdaang mga araw at gusto kong mag-relax. Lumangoy ako hanggang sa kabilang dulo ng pool pabalik ng ilang beses. Nang napagod ay nagdesisyon akong magpalutang muna bago ginamit ang floater.
Sa nagdaang mga taon, nakasanayan ko ang pagiging active sa mga party at pakikipagpalubilo sa dagat ng mga tao. Nasa isip ko noon na ayaw kong maging mag-isa dahil makakapag-isip lang ako kung gaano kalungkot ang buhay.
Cecille makes me happy. Our bond will always involve partying, shopping, and maintaining our beauty and popularity from time to time. Siyempre sa mga gawaing iyon, hindi naman pwedeng kaming dalawa lang. Kaya sa buhay ko sa syudad ay nasanay akong makihalubilo sa ibang tao, wild people or not.
Bukod doon, sinanay rin kami ng pamilya kung paano iyon gawin sa eleganteng paraan. During business events, grad birthday parties, anniversaries, at iba pang celebration. Kaya ngayon... hindi ko inakalang mararanasan ko ito.
At mas lalong hindi ko inakalang makukuntento ako sa ganitong buhay. Being here at Santa Praia brings silence. Nature surrounds you. Simple people I never thought I'd appreciate.
Maybe being here isn't so bad after all.
Pero siyempre, hindi naman ibig sabihin na kakalimutan ko na rin ang mga nakagisnan ko sa buhay ko noon.
"Mom, kindly tell your secretary to me stuff. Ubos na ang mga gamit na pinabili ko noong nakaraan."
Nasa kama ako ngayon at kakabihis lang. Habang nasa banyo ako kanina ay na-realize kong paubos na ang gamit ko at kailangan na namang bumili.
"Anak, kakabili lang natin last month."
"Mom, nauubos ito! Malamang bibili ulit kapag naubos!"
"It was Khloe?" I heard my dad in the background.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at pinigilan ang sarili na magsalita pa. He'll probably scold me kapag nalaman niya ang sinabi ko kay Mommy. Sa kanilang dalawa, si Mommy ang talagang kumukunsinti sa akin. Si Daady ang laging nagpipigil. Kaya minsan, hindi ko pinapasabi kay Daddy ang mga requests ko dahil alam kong papalag na naman siya.
Wala sa sarili kong tinignan ang mga kuko habang nakikinig sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko at nawala kina Mommy and atensyon sandali.
Oh my God... It's been two months since I last had my nails done! I'll be dead!
"It's Khloe."
"Anong sabi?"
I rolled my eyes at Daddy's coldness.
"She's just updating me."
Natahimik sandali sa kabilang linya. Nakarinig ako ng mga hakbang papalapit.
"I'll go."
"Alright."
"I love you."
"Love you, too..."
I heard the sound of a kiss, and I could already imagine Daddy kissing Mommy's head before leaving. Ganiyan ang nakikita kong ginagawa niya. Pagkatapos ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto.
"Tell me what you need, ipapabili ko sa secretary ko."
"Kailan made-deliver, Mommy?"
"Kailan mo gusto?"
"Bukas already!"
"Hindi 'yan pwedeng bukas, anak. Maybe Sunday..."
I was so happy when Mommy told me that my necessities would be here on Sunday. Kahit hindi na bukas, basta't dumating na agad at hindi na matagalan, ayos lang. Agad kong sinend sa kaniya ang mga kakailanganin ko. Toiletries like body soap, facial wash, serum, facial mask, shampoo, tapos mga bagong damit, sandals, at marami pa.
"Mommy would probably tell me these are too much... but I need all of these," bulong ko sa sarili.
Malapit ko nang maubos suotin ang bagong damit na binili last month at ayaw ko iyong suotin ulit kaya kailangan talagang mamili na naman.
Katatapos ko lang mag-skin care nang biglang nag-beep ang aking phone. Nang tignan ko ito ay kumunot ang aking noo dahil text ito galing kay Steban.
Magaling na ba siya? Bakit siya nagse-cellphone?
Steban:
You said earlier that you wanted to make it up to me.
My forehead creased. I felt so guilty earlier that I was willing to do anything just to make it up to him.
Khloe:
Yes. And?
Hindi nakaabot ng ilang segundo ay nag-reply agad siya.
Steban:
Join me this Sunday.
Magre-reply na sana ako ngunit may lumitaw ulit na isang text.
Steban:
Only if you want. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo.
Khloe:
Where?
Steban:
Let's go to church.
Wala akong ginawa buong araw sa Linggo. Sobrang boring ng araw na iyon at kung anu-ano nalang ang ginawa ko sa kwarto. I invited our maids to join me as I wore my most luxury clothes and modeled those in front of them. Todo suporta naman sila bilang taga-palakpak ko.
In the afternoon, I decided to ask Reed kung sino ang nanalo kahapon. Though alam ko nang mabalo na masali kami dahil sa nangyari, pero gusto ko pa ring malaman with the hopes na baka lang naman...
"Taga-STEM A nanalo, kaklase ni Steban 'yong dalawa," sagot ni Reed sa tanong.
"So... paano si Cyan?"
"Absent din pala 'yong pair niya kahapon kaya hindi rin siya makakapag-perform kung wala 'yon. Kinausap niya si Miss Salvacion kung pwedeng kayo nalang. Buti pumayag 'yon."
"So hindi kami na-disqualify?"
"Hindi, fourth kayo. Kaso third lang 'yong may award."
Second to the last...
Okay, hindi na masama. Walang practice din iyon at si Steban naman talaga ang pair ko. Hindi ako sanay kay Cyan kaya talagang hindi ko masabi kung maganda ba ang performance namin kahapon.
"May video ako, Khloe, pampadagdag sa kilig mo."
Napairap ako dahil nahimigan ko na naman ng pang-aasar ang boses niya.
I bet Steban didn't tell his friends that I'm joining them. Inisip ko kung ano ang pwedeng mangyari bukas dahil pakiramdam ko first time ko ulit makapunta sa simbahan. Pero hindi naman. Siguro masasabi ko lang na first time dahil ngayon nalang ulit naulit after how many years.
I'm wearing a floral print square neck dress with ruffle hem long sleeves, paired with plain white pointed-toe stilettos. I've added minimal jewelry, just a pearl pendant necklace and pearl earrings. My makeup is minimal, and I've tied my hair with a white ribbon. I'm carrying a white crossbody bag.
I looked at my face in the mirror. It appeared angelic, especially in my eyes. One thing I love about my look is its versatility; it suits every outfit I wear.
Tapos na akong maghanda nang may kumatok sa pinto. Bumukas ito ay pumasok si Nanang.
"Nasa baba iyong anak ni Aris. Saan kayo pupunta?" tanong ni Nanang.
Nakabihis na rin siya. Nagsisimba si Nanang every Sunday together with Mang Tope. She tried to invite me but I'm too lazy to join. Ngayon lang naman dahil I told Steban I want to make it up to him kaya gagawin ko ang gusto niya. This is just a small thing, right?
Tumayo ako at sa huling beses ay tinignan pa ulit ang sarili sa salamin. Nang satisfied na sa looks ko ay nilingon ko si Nanang.
"He invited me to church."
Makahulugang tinignan ako ni Nanang. Sa huli, dahan-dahan lang siyang tumango sa akin.
"Bilisan mo na at huwag siyang paghintayin," she said then left.
Kumunot ang noo ko roon pero hindi ko na pinansin.I went outside and saw Steban sitting on our large sofa, legs spread and hands clasped between them. Nakayuko siya na tila may iniisip kaya malaya ko siyang natignan.
He was wearing a black button-down casual shirt over a white inner shirt, paired with beige trousers and white sneakers. Ngumuso ako. His curtain hairstyle was freely combed in its preferred direction, adding to his sex appeal. Kahit yata simple lang ang suotin ni Steban, he will stand out. He appeared gentle and gentlemanly.
Nasa baba na ako ng engrandeng staircase namin nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Even his dark brown orbs were so comforting. It was so gentle that you could never feel any danger from it. He will only look at you softly... transparent... and full of adoration.
His lovely eyes speak a lot. Kaya rin hindi ako naniniwala sa kung ano mang sinasabi ni Reed dahil pansin kong ganoon si Steban sa lahat. Kung tumingin ay parang walang nakikitang pangit sa mundo. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ko siya magustuhan. He's too kind for me that I'd burn just by simply getting near him. Isa pa, nakapalayo niya sa mga tipo kong bad boys na pa-cool lang at go with the flow.
Cyan isn't, though. It's just that, he has this aura that always attracts girls, even without lifting his fingers.
Inalis ko ang isip kay Cyan at ngumiti kay Steban.
"Hi."
"You look pretty..."
He's always like that so there's no reason to put malice on his words.
"Thank you. It's my first time, at least as far back as I can remember, so I'm not sure what to wear. How are you feeling Magaling ka na ba?"
Nakapamulsa siyang yumuko saka natatawang bumuntong hininga. He looked at me and pouted his lips a bit.
"Hmm-mm. Ang galing ng nurse ko kahapon, kasi..."
My brows furrowed at... hindi ko alam. Basta bigla akong nairita. Bakit, sino pa ba ang nurse niya kahapon? Walang iba kung hindi si Helen!
Ang babaeng iyon! Galit pa na pumasok ako sa kwarto ni Steban para bisitahin at kumustahin siya, tapos siya lang naman pala itong nag-alaga?
Sayang talaga at boto pa naman ako sa kanila ni Steban tapos ang maldita kung tratuhin ako noong nakaraan? Hindi ko na siya boto!
Iritado akong nag-iwas ng tingin at tinalikuran na siya. "Tara na nga! Bawal tayong ma-late."
Nauna akong naglakad. Kaso, nang naramdaman kong wala ang presensya niya sa likod ko, iritado ko siyang nilingon.
Nandoon naman pala siya, kaso malayo lang. Imbes na tignan niya nang may iritasyon, napunta sa pagtataka ang reaksyon ko. Si Steban kasi, nasa likuran ko lang nakasunod pero may kakaunting ngiti sa labi habag nakatingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"
Dahan-dahan, tinignan niya akong muli mula paa hanggang mukha. Nang nagtama ay mga mata namin ay may ngising pilit itinatago ng mga labi niya pero hindi niya magawa.
Tumango-tango siya na parang may napagtanto. "It suits you."
Biglang uminit ang pisngi ko hanggang sa buong mukha. Bakit... pabigla-bigla talaga?!
I played my tongue inside my mouth to stop myself from smiling big! Tumikhim ako saka inayos ang postura at suplada siyang tinginan. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin na parang natatawa. Sa huli, bumuntong hininga nalang ako at inirapan siya bago tuluyang tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nagpaalam na kami kay Nanang na paalis na rin kasama si Mang Tope. Sa tuwing nagsisimba sila, hindi nila ginagamit ang kahit anong sasakyan na nasa mansyon. Kahit na i-insist ko iyon ay mas gusto ni Nanang na mag-commute nalang kaysa magdala sila ng sasakyan.
Kaya ngayong si Steban ang nag-aya na ihatid sila kung saan sila pupunta, they both refused.
"Nanang, sige na ho at baka ma-late pa kayo."
Umiling si Nanang saka hinila na si Manong Tope paalis.
"Hindi na. Kham-Kham, at nang makarating agad. Taliwas ang daan namin sa inyo kaya magiging malayo ang biyahe niyo."
"Okay lang po, Ma'am..." it was Steban.
Sinulyapan ako ni Steban na agad ding binalik ang tingin kay Nanang. Si Nanang naman ay inayos ang shawl na nasa balikat saka pinagtaasan ng kilay si Steban.
"Sigurado ka ba?"
I smirked. Kunwari pa talaga itong si Nanang, ha? Pero ang totoo ay nanakit din naman pala ang tuhod sa paglalakad sa mahabang driveway namin.
Sa biyahe ay nasa likod silang dalawa ni Mang Tope habang nasa front seat naman ako katabi si Steban.
I couldn't help but look at him. Ngayon ko lang na-realize na first time ko pala itong nakasakay sa kaniyang kotse! Itim at gray lang halos lahat ng interior at wala namang hindi common. I could smell the minty air conditioner he used, along with his natural scent and the fragrance of his perfume mingling together. Seryoso si Steban ngayon sa pagmamaneho. Ang kanang kamay ay hawak ang manibela habang ang kaliwang siko ay nakatuko sa bintana habang hawak niya ang kaniyang sentido.
Bigla siyang sumulyap sa akin. I could feel the heat rushing through my back and spreading to my entire face, kaya nag-iwas agad ako ng tingin, na masamang move dahil nakasalubong ko ang naninningkit na tingin ni Nanang sa amin! Na para bang nakagawa ako ng hindi kaaya-ayang galaw.
Well, she's conservative. Masama bang manitig?
Tahimik lang ako sa biyahe at ganoon din si Steban pati sina Nanang sa likod. Nagsalita lang si Nanang nang malapit na kami sa simbahan nila. When we arrived, they immediately went outside the car and bid us goodbye. Nakita ko pa kung paano ak weirdong titiga ni Nanang na para talagang ang laki ng pagdududa niya sa akin!
I feel insulted!
Kidding.
"If looks could kill, we're both dead."
Nilingon ko si Steban nang bigla itong nagsalita. I scoffed because I couldn't agree more.
"I know right."
Tama nga si Nanang, masyadong malayo na pumunta pa kami sa simbahan nila para ihatid sila. Kaya nang nakarating kami ay nagsimula na pala ang service. I got nervous. First time ko ito tapos late ako?
Na-sense yata ni Steban na kinakabahan ako. Pagkatapos kong kalasin ang seatbelt ay nabuksan na niya ang pinto sa front seat. He helped me na bumaba at kukunin ko na sana ang kamay ko pero nagulat ako nang hinigpitan niya ang pagkakahawak no'n.
I stopped and looked at him. I stopped and looked at him. He was already gazing at me with his gentle and assuring eyes. Ang kanang kamay ko ay nakahawak sa kaliwang kamay niya habang ang kaliwang ko ay hawak ang dress na suot. We looked at each other for seconds, and I felt my heartbeat double.
It was a weird feeling, once again. Iyong tipong akala mo wala nang iba sa paligid kundi kayo lang.
His freckles showed in the sunlight that touched his face, causing his dark brown eyes to lighten. As a result, his dilated pupils were highlighted.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Siguro ay dahil din sa init kaya pinagpawisan ako. Binawi ko agad ang kamay na binigay rin naman niya saka siya umatras.
Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan. I looked up only to find him still staring at me. What are you doing, Steban?
He gulped. "Kinakabahan ka?"
Saan? Sa idea na late tayo o sa paraan ng pagtitig mo? Saan, Steban?
I looked away and faked a laugh. "A bit."
"Don't be. You're with me."
It was just a simple five words but my heart started to calm down!
I can't believe it!
He gave me a gentle smile before he gave way for me, his usual action when teasing me. But this time, it seemed like it's normal for me to act like that because he's used to do that to me.
Ngumiti rin ako. Pagkatapos kong makawala sa kaniya ay sumabay siya sa paglalakad sa akin. Naririnig ko na mula sa labas ang tugtog sa loob. Sabay kaming naglakad ni Steban papasok with an assurance that he'll be there with me so there's nothing to worry about.
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...