CHAPTER 11
"Cyan, wait!"
Pagkatapos ng performance namin ay walang pasabing umalis si Cyan at naunang bumaba sa stage, leaving me there, still astounded.
I still couldn't understand why Cyan is here instead of Steban. Nasaan ba si Steban at bakit si Cyan ang nandito? May ginawa ba siyang iba na kailangan niya talagang hindi pumunta at si Cyan nalang ang papuntahin?
In other cases, I would be glad, but not this one. Cyan has his pair for Pete's sake! At kasali rin sila sa culmination! What happened to his pair?
Nakakairita ka talaga, Steban! Ano naman kaya ang ginagawa mo ngayon at muntik mo pa ako pagmukhaing tanga at dinamay mo pa si Cyan sa kung ano mang trip mo?
"Cyan!"
Nakasunod ako kay Cyan ngayon palabas ng gymnasium. Hindi na ako bumalik sa kung saan man kami naka-assign na upuan. Kailangan ko siyang pasalamatan at malaman bakit wala si Steban ngayon. Ngayong araw pa talaga!
Biglang huminto si Cyan mula sa mabilis na paglalakad. I had to keep my distance from him kaya kahit nasa malayo pa ako ay huminto na ako sa paghabol at dahan-dahang naglakad nalang palapit sa kaniya.
He turned to me lazily, his cold eyes boring into me, sending nervousness coursing through my veins. My heart even skipped a beat! Feeling ko hindi pa man siya nagsasalita ay galit na agad ito sa akin.
"What now, Khloe?" he asked, clearly uninterested.
I held my hands in front of me and bit my lower lip nervously.
"I just... want to say thank you..." sabi ko at bahagya pang pumiyok. Damn it...
"You're welcome." Tinalikuran na niya ako kaya agad ko siyang pinigilan.
"Wait!"
Ngayon, inis na niya akong tinignan. His brows furrowed and he looked at me as if I was the most annoying creature on earth.
"G-Gusto ko lang din malaman bakit wala si Steban?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi mo alam?"
I chuckled humorlessly. "Hindi niya sinabi! Psh, and why naman niya sasabihin? Of course, if you're ditching an important event, would you tell other people involved in it about your plan? Of course not!"
Umirap ako at namuo na naman ang inis at iritasyon sa dibdib ko. How dare he! Hindi niya alam kung gaano ako nagmukhang tanga kanina. People surely wondered bakit iba na ang pair ko at nasaan ang pair ni Cyan ngayon! I could hear their whispers and it embarrassed me!
Isa pa itong si Cyan. Oo at gusto ko siya pero hindi ba pwedeng umayos muna siya? Kung pwede lang lagyan niya ng salitang napipilitan lang siya sa noo niya para malaman ng mga taong wala siyang choice. Pero kahit hindi niya iyon gawin, halata masyado sa mga kilos niya.
Ni hindi ko alam bakit parang alam na niya ang kanta namin. He even did what Steban was supposed to be doing. Pero ang kaibahan nila, Steban is passionate while doing that, while Cyan was just obligated... or requested to do it. He had no other choice. It made my heart ache.
Hindi ko alam pero nangilid ang luha sa mga mata ko na agad kong tinabunan sa pamamagitan ng irap.
I can't believe I experienced being embarrassed and disliked like this!
Mapakla akong tumawa. "Ano? Nasaan ba siya ngayon and what is his reason for not making it here? After everything that we went through, parang iniwan lang niya ako sa ere! If you happen to see him, please tell him that I'm upset he chose another errand over this! I was so embarrassed earlier-"
"Ganiyan ka pala talaga ka-demanding?" he cut me off guard.
My lips parted and I could feel heat on my cheeks upon registering what he just said. What the actual hell?
"What did you say?"
He gasped and took one step forward. Napakurap ako at biglang nawalan ng sasabihin. He looked at me angrily.
"Maybe you demanded something from him, too, kaya nangyari sa kaniya iyon ngayon!"
I looked at him like he's a puzzle I couldn't decipher.
"What are you saying?"
Iritadong ginulo ni Cyan ang buhok at gigil akong tinuro. "You! I don't know what you're doing to my friends, but clearly, you are a demanding brat who always wants to get what she wishes! Akala mo makukuha mo lahat, 'no? Anong pinagawa mo sa kaniya?"
Nang nakitang hindi ko pa rin siya maintindihan ay mapakla siyang tumawa.
"He didn't tell you. Well, para malaman mo..." Ngumisi siya. "Nasa bahay lang naman nila ngayon si Steban. Sobrang taas ng lagnat. Umuwi kagabi na basang-basa, at ngayon ay nagkasakit. You were together before that, what did you demand para umuwi siyang ganoon?"
Oh my gosh...
Did I hear it right? I remembered clearly what happened yesterday! It was rainy and he handed me his umbrella, assuring me that he would be fine. Steban, what did you do?
"Seems like you don't have any idea. Ito, ikaw ang dahilan kung bakit wala siya ngayon. Wala nang iba, brat." He emphasized the last word he said.
Pero tila wala na akong pakialam pa roon dahil ang katotohanan kung bakit wala ngayon si Steban ang tumatak sa isip ko.
I felt guilty. I know it was my fault. At mas lalo pa akong na-guilty dahil sa dami ng sinabi ko nang hindi man lang inalam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.
It was my fault. If I insisted more that he take the umbrella, or I shared it with him, sana nandito siya wala sa bahay nila. Sana wala siyang sakit...
I wonder what he felt... He looked forward to this day. He waited for this and practiced with me. He wants to perform badly. I took that away from him.
Matalim muna akong tinignan ni Cyan bago siya dahan-dahang tumalikod at naglakad na palayo sa akin. Hindi ko na siya hinabol. Biglang bumigat ang nararamdaman ko and all I could think of is Steban. How cruel was I?
"Khloe!" tawag ng kung sino mula sa malayo.
Nilingon ko ito at nakita ko si Reed na tumatakbo rin papunta sa akin. I didn't notice we were in the middle of the open ground. The gymnasium is just in front of me. The sky is so clear, unlike yesterday. Bakit hindi pa ito ganito kalinaw kahapon? Bakit kailangan pang umulan kahapon?
Hinihingal si Reed nang nakarating siya sa pwesto ko. "Anong nangyari? Parang sobrang... galit ni Cyan."
I did not answer him. I just bit my lip hard. I don't know what to do. Lahat ng hindi magandang sinabi at inisip ko kay Steban ay nawala na parang bula.
I snapped at Reed who was waiting for my answer.
"Ihatid mo ako sa bahay nina Steban."
"Khloe, are you really sure about this?" tanong ni Reed sa akin habang nasa biyahe kami.
Wala siyang sasakyan kaya wala kaming choice kundi mag taxi dahil ayaw ko namang sumakay ng jeepney. Over my dead gorgeous body!
Nilingon ko siya at tumango ako. "I didn't know, Reed."
"Khloe, hindi ko rin alam. Ngayon lang na sinabi mo. Walang sinabihan si Steban kundi si Cyan lang dahil siya naman ang pumalit kay Steban."
Why didn't he tell us? Mas lalo akong na-guilty. Ano bang iniisip niya at hindi man lang siya nag-inform sa akin! Hindi ko siya maintindihan talaga!
Hindi masyadong malayo ang naging biyahe namin. Lumiko kami sa isang subdivision at kaunting drive lang ay huminto na kami sa harap ng isang malaking kulay krema na gate.
"Dito lang po, kuya."
Bumaba na kami ni Reed after naming magbayad. Nang nakaalis ang taxi ay hindi ko mapigilang tignan ang bahay sa harap namin.
"Ito na 'yon?"
"Nandito siya ngayon. Halika."
Hindi ko makita kung ano ang nasa loob dahil sa mataas na pader. Kulay krema rin ito at may mga halaman akong nakikita sa labas na nakapalibot sa harap ng bahay nila.
Nag-doorbell si Reed. Ilang sandali pa ay may dalawang kasambahay na nagbukas sa amin ng metal na gate. Bumati si Reed sa dalawa at may lumabas pang security guard na kinausap ni Reed sandali. Nanatili naman ako sa hindi kalayuan at nilibot ang tingin sa kanilang lugar.
Sa pagbukas ng gate, ang kanilang malaking garahe ang agad ang nakita ko. May iilang sasakyan na naka-park doon, kabilang na ang Range Rover ni Steban na ginamit niya noong nakaraan. Sa kanang bahagi ng garahe ay ang kanilang bahay. Wala itong second floor. Singled-floor lang ngunit hindi naman pinagkait sa ganda at pagiging elegante ng kanilang malaking bahay.
Their house was painted with white and cream. May malaking terrace bago ang kanilang maindoor at iilang hakbang pataas paakyat sa terrace. May fountain sa harap lamang ng kanilang terrace at puro halaman na ang nakikita ko sa paligid.
The maids and the guard looked at me briefly before they allowed us to enter. Nakasunod lang ako kay Reed nang nagtungo na siya sa terrace. Bukas iyon siguro dahil sa dalawang kasambahay na lumabas kanina. Pumasok kami sa loob at namangha na naman ako.
"Nasaan si Steban?" tanong ni Reed sa likuran ko.
"Nasa kwarto niya ho, Ser."
Their house was full of antique furniture. Mula sa mga vases na nakapwesto sa dadaanan mo patungong sala, sa kanilang divider kung saan naroon ang marami nilang picture frames, sa mga antique paintings na nakasabit sa pader na dadaanan mo, sa malaking piano sa isang sulok. Sa disenyo ng kanilang living room, lahat lahat, makaluma ngunit elegante.
"Steban's mother loves to collect antique things." Biglang sumulpot si Reed sa gilid ko.
"Is she here?"
"Wala. Si Steban lang ang nandito ngayon."
Kumunot ang noo ko pero naisip na baka nasa trabaho ang parents niya.
"Tara..."
Sumunod ako kay Reed nang lumiko siya pakaliwa. Nadaanan namin ang malaking divider at malaking piano bago kami nagtungo sa hallway kung nasaan ang mga kwartong nakahilera. Nakasunod lang ako kay Reed na kalmado lang na naglalakad sa unahan.
Naramdaman ko ang panlalamig ng aking tiyan at mga kamay habang papalapit kami. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado, kinakabahan ako.
I don't even know why I decided to come here! Bakit, Khloe, anong sasabihin mo kay Steban? Hihingi ka ng tawad dahil akala mo tinakasan niya ang performance niyo? Kukumustahin mo siya?
Gagawin ko 'yon?
"Nandito na tayo, Khloe."
Halos tumalon ako nang nagsalita si Reed. Kumurap-kurap ako at tumango sa kaniya. Nauna siya sa harap ng pinto at tatlong beses na kumatok doon.
"Steban, si Reed 'to."
Ilang sandali pa bago kami nakarinig ng pag-unlock ng pinto.
Sumilip ang ulo ni Steban. Dahil nasa kaliwang bahagi ako at si Reed ang nasa harap ni Steban, nang lumabas si Steban sa silid ay hindi niya ako nakita.
That gave me a chance to stare at him. He looked so weak and... different. Different from the Steban I knew at school.
Nakasuot lang siya ng plain gray na t-shirt at checkered loose pajamas. Sobrang gulo ng buhok nito at medyo namamaga rin ang mga mata. He couldn't even open it properly as he looked at Reed. Halata rin na wala siyang lakas dahil sa paraan ng pagtayo nito.
"Gawa mo rito?" he asked huskily.
Tinignan ni Reed si Steban na may pag-aalala. "Nasabi ni Cyan."
Kinamot ni Steban ang kilay. "Sabi ko h'wag sabihin, eh."
"Kahit kay Khloe?" Then Reed looked at me.
Steban's brows creased and glanced at me. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sulyap lang sana sa direksyon ko ang gagawin niya at nilingon na sana ulit si Reed nang lingunin niya ulit ako sa nanlalaking mga mata. He blinked many times to confirm if I'm really here.
"Hi..." I greeted nervously.
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...