CHAPTER 7
"Cause even in the madness, there is peace. Drowning out the voices all around me. Through all of this chaos, You were writing a symphony..."
Helen's angelic voice is so soothing that I didn't realize I was enjoying the song the whole time. Para akong hinihele sa boses niya, dagdag pa ng boses ni Steban na sinasabayan siya at ng tugtog ng banda. It was so symphonic and I loved it.
"Even when the dark surrounds, You'll never let me down. I know my hope is found in the name of Jesus..."
"Ooh, You say You're working everything for my good and, ooh, I believe every word," I pursed my lips when Steban sang. Narining ko na naman ang sobrang ganda niyang boses na para nagdadala sa akin sa kung saan.
I realized that they were so passionate with what they are doing. They sang every song wholeheartedly. Kung sino mang makikinig sa kanila ay madadala sa emosyong dala ng mga kinakanta nila.
I was looking at Cyan, too. He's playing the bass guitar and God... it was so magical just by looking at him. Nakapikit siya habang tumutugtog at damang-dama ang kanta. Parang lahat ng lamig niya sa katawan at ang pagiging walang pakialam sa mundo ay nawala. Parang ibang Cyan ang nakikita ko ngayon. He was full of emotions. My heart pounded as I look at him. Kahit tapos na ang huling kanta nila ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Na-realize ko naman na sobra na ang paninitig ko kaya napakurap-kurap ako at nilipat ang tingin.
Only to catch Steban's eyes looking at me, too. Hindi ako nakapag-react dahil nag-iwas agad siya ng tingin na tila hindi ako nakita. I shrugged it off. Baka naman kasi talaga hindi naman talaga niya ako nakita at nagkataon lang na nagtama sandali ang mata namin.
Ang tagal ni Nanang at nawala na sa isip ko kung saan nga ba ako sana pupunta kanina. Hinndi ko alam na tinapos ko pala talaga ang performance nila na hindi ko man lang inalantana kung gaano sila katagal dahil sa dami ng kinanta. Pinalibutan din sila ng mga tao. Ngayon ko lang na-realize na hindi nandoon ang mga tao para tignan ang performance nila. Nandoon ang mga tao as if they're worshipping for something or someone. They were lifting their hands and saying something I could not hear properly. Habang ako, nanood dahil amazed sa banda nila lalo na kay Cyan.
Hindi ko alam na may banda sila. Pero hindi kataka-taka. They're so talented na dapat hindi sayangin ang mga talent na iyon!
Aaalis na sana ako kaso natigil ako at napakunot ang noo nang nakitang may dumating na hindi ko inaasahan. Nasa maliit na tent na sina Redd kasama ng buong banda at nandoon na rin ang mga instruments nila. I guess tapos na sila? Wala na rin ang mga tao sa paligid at bumalik na sa dating ginagawa. Busy na ulit ang nakararami sa kanya-kanyang mga gawain tulad ng pamimili at iba pa. Meanwhile, some went to the band to take pictures. Nang nakaalis na ang mga nagpapa-picture ay tuluyan na ngang lumapit ang taong hindi ko inaasahang nandito.
Yandra, what is she doing here? May tatlong bodyguards siyang kasama na may dalang mga pagkain. I crossed my arms while looking at them, brows furrowed. What is this show, Yandra?
Mas lalong kumunot ang noo ko nang welcome naman siyang pinatuloy sa loob ng tent! Open ito kaya kahit anong gawin nila ay makikita ng kung sino. They welcomed the full-smiled Yandra as if she won a lottery. Patalon-talon pa itong umupo sa tapat lang nila saka kinuha ang mga plastic bags sa bodyguards. Siya mismo ang kumuha ng kung anong laman no'n. I realized those were foods. Isa-isa niyang binigay iyon sa mga lalaki. I gritted my teeth when she handed it to Cyan at ngumiti ng kaunti. Sunod ay binigyan niya si Steban at doon na talaga siya nagpa-cute!
So, maybe she's the Santa Praia princess, huh? May pa-bodyguards pang kasama akala mo naman anytime soon may mangyayaring masama sa daan! Pabida talaga, ah?
Umirap ako sa kawalan at nagdesisyong umalis nalang sana at hintayin sina Nanang sa ibang lugar nang nahagip ako ni Reed. Nanlaki ang mga mata niya saka kumaway sa akin. Napapikit ako ng mariin at muntik nng masapo ang noo lalo na't lumingon silang lahat sa gawi ko!
"Khloe!" tawag pa ni Reed.
I didn't have a choice but to wave back. I didn't want to look bad. And it's too late to remember na hindi pala kami bati dahil kumaway na ako pabalik sa kanya.
I saw how he smiled at me. Para akong may nakitang kakaiba sa ngiti niya. It looked so genuine like he was relieved for something, and something touched my heart by his reaction.
"Halika, Khloe!"
Kumaway din sa akin si Van at ngumiti naman sa akin si Rev. Si Helen ay kita ko ang inis sa mga mata. Blangko lang akong tinignan ni Cyan habang hindi ko naman mabasa ang reaction ni Steban. Steban was just looking at me. Si Yandra naman ay laglag ang panga saka nagkasalubong ang kilay at halos umusok na ang ilong nang nakita ako.
I smirked. Parang ang sarap niyang asarin...
Lumapit ako sa kanila. Malaki ang ngiti nina Reed at Van habang nakatingin sa akin. Nang tuluyan nang nakalapit ay nilingon ko si Yandra to greet her.
"Oh, you're here?" I raised a brow.
Umirap naman siya. "Obvious ba? How about you, why are you here?"
"Obvious ba? Reed invited me here. Ang sama ko naman kung i-ignore ko lang."
She scoffed I disbelief. "Oh, ngayon mo pa hindi maipakita pagiging masama mo?"
Sasagot na sana ako nang nakarinig kami ng dabog. It was Cyan. Padabog siyang tumayo kaya umingay ang upuan niya. Pagkatapos ay binalingan niya kami at malamig na tinignan.
Then he turned to me before saying, "Brats."
Something pinched my heart. Tumawa si Reed saka hinawakan ang siko ko para hilahin ako palapit sa kanya. Peke siyang tumawa saka pinisil ang siko ko.
"U-Upo ka, Khloe. Kumain ka na?" tanong niya at hindi pa man ako nakasagot ay kumuha na siya ng isa sa bodyguard at binigay sa akin. "Kain ka muna, Khloe!"
"Upo ka, Khloe." It was Van. "Dito ka, oh?"
"Dito na si Khloe, Van."
Ngumiti ako kay Reed at Van bago pumunta sa tabi ni Steban bago umupo kung saan nakaupo si Cyan kanina. Ngayon ay pinapagitnaan na ako nina Helen at Steban. Mukhang nagulat sila roon kaya nabulunan si Rev. Nilingon ko si Helen saka siya kinindatan. I'm doing this so Yandra can't steal Steban from you, bitch! I'm doing you a favor!
Hindi ko alam if gusto ba talaga ni Helen si Steban, but as an expert, I'd know immediately when someone likes me. And to Helen, she's obvious to me lang.
Ngumisi ako bago nilingon si Yandra na ngayon ay laglag na ang panga. Ngumiti ako ng matamis sa kanya.
"Dito nalang ako," sabi ko saka nilingon si Steban na ngayon ay gulat din at hindi alam ang gagawin. "Is it okay?"
Mas lalong naubo si Rev. Steban then looked away and nodded without looking at me. Nagpatuloy na siya sa pagkain at hindi na ako pinansin. Ngumuso ako.
"Ma'am Yandra, kailangan na po nating umalis. Malalagot tayo sa Daddy mo kapag nalaman niya ito," wika ng bodyguard ni Yandra.
Umasim ang mukha nito at hindi pa sana papayag nang nag-ring ang phone niya. Hindi na niya kami tinignan at lumayo para sagutin iyon. Sumunod sa kanya ang bodyguards. Hindi pa nagtagal ay bumalik siya upang magpaalam.
"Okay lang, Yandra. Thank you sa foods." It was Steban. Yandra's face flushed and she put her hair behind her ear and smiled shyly at Steban. Napairap nalang ako at hindi na nagsalita pa.
"I'm going, Khloe," Yandra said with a devilish smile.
I gave her my fakest smile because I hated her. "Thanks for the food."
"Enjoy my food."
Ha! Enjoy my ass! Nang nakaalis na siya ay tinabi ko ang pagkain na dala niya at hindi na kumain.
"Oh, busog ka na, Khloe?" tanong ni Van nang napansin ang ginawa ko.
Umiling ako at ngumiti. "Just not my taste."
"Hindi masarap?" si Reed naman.
"Ayaw niya kasi sa nagbigay." Lahat kami napatingin kay Rev nang nagsalita siya. Tinaasan ko siya ng kilay pero tipid na ngumiti lang ito sa akin.
Biglang suminghap si Reed. "Ayaw mo sa akin, Khloe? Akala ko ba bati na tayo?"
Bigla siyang binatukan ni Van. "Ang slow mo talaga!"
"Baka hindi pa talaga kayo bati, Reed. Assuming ka lang," panggagatong naman ni Rev kaya natawa ako.
Sinamaan siya ng tingin ni Reed saka ako tinignan. "Pero kinawayan mo ako kanina, Khloe!"
Mas lalo pa nilang inasar si Reed nang nagkibit-balikat lang ako. Natawa ako sa kanila bago hinanap ng mga mata ko si Cyan. Nawala ang ngiti sa labi ko at nilibot ang tingin sa paligid nang nakitang wala siya. Kay Helen tumama ang tingin ko na napatingin din sa akin pero agad na nag-iwas ng tingin. Ako naman ay patuloy na hinanap si Cyan sa mga mata ko.
"Umalis. May bibilhin daw." Napalingon ako kay Steban nang nagsalita siya.
Natawa ako ng bahagya. "I didn't say anything. And I don't care."
He shrugged his fingers and didn't say anything.
"Tuloy ba kayo mamaya, Rev?" narinig kong tanong ni Reed kaya bumaling ulit ako sa kanila.
"Oo, sama ka?"
"Oo, gusto ko. Wala naman akong gagawin, eh. Kayo, Steb?"
Nagkibit balikat ulit si Steban. "Titignan ko pa."
"Loh!" it was Reed.
Matawa si Rev. "Hayaan mo muna, kailangang intindihin."
"Si Helen, malamang sasama 'yan. Basketball is life..." Van said.
Nilingon ko si Helen na tapos nang kumain. Tumayo siya para itapon ang lalagyan ng pagkain na dala bago nilingon ang mga kaibigan. She's playing basketball?
"Baka umiyak si Reed kapag sumama ako."
"Ha! Hindi ako natatakot sa'yo, Helena!"
"Sinong niloloko mo?" Humalakhak si Van. "Naalala mo noong-"
Reed covered Van's mouth to stop him from talking before looking at me. "Tumahimik ka! Nakakahiya kay Khloe."
Natawa ako. "I expected it."
Hindi nagtagal ay dumating na rin ng SUV namin. Huminto ito hindi kalayuan kung nasaan ako at nakita kong bumaba si Nanang, siguro ay para hanapin ako. Kaya naman nilingon ko na ang mga kasama para magpaalam.
"My Nanang is here na, so I gotta go."
"Oh? Nasaan?" si Reed.
Tinuro ko kung nasaan si Nanang saka nilingon si Steban. "Aalis na ako. Uh... practice tayo bukas?"
Mukhang nagulat pa siya sa tanong ko. Napakurap-kurap siya bago tumango. Ngumiti muna ako sa kanilang lahat bago tuluyang umalis.
I enjoyed being there. Pero kinagabihan ay napaisip ako. Iyong kanina... parang nawala bigla ang galit ko sa kanila lalo na kay Reed. Parang bumalik ang lahat sa dati. At imbes na mainis dahil dapat naman talaga ay galit pa rin ako kay Reed lalo na ay Helen, napagtanto kong mas gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. It made me realize that Reed has gone enough to make up with the things he did. And it was so relieving to think that I had fun with them. Maybe it was enough that Reed learned from his mistakes, Helen acted like that because she didn't know anything and Reed is her friend, and I already forgive them.
Kaya naman magaan ang aura ko Lunes ng umaga. Dumating ako sa school earlier than my first period at tumambay muna sa canteen habang hinihintay ang first period ko. As usual, maraming bumabati sa akin kahit lalaki man o babae. Ang iba ay nagbibigay pa ng pagkain at dahil good mood ako, tinanggap ko ang mga iyon.
"Hi, ate Khloe!" a girl greeted me.
Tinignan ko siya at nginitian. I saw her ID lace, she's a junior high school student. May dala siyang dalawang chocolates. She's pretty and cute sa malaking uniform niya. Naka-braid ang buhok at maraming pink na accessories.
"Yes?"
Binigay niya sa akin ang dalawang chocolates. "For you po ito, galing kay kuya. Nahihiya kasi siya sa'yo, eh."
"Really?" tinanggap ko iyon. "Thank you. What's your name?"
"Sheena po." She blushed.
I smiled. "Thanks for this."
"Akala ko po masama ang ugali mo tulad ng sinasabi ng iba. Pero hindi naman pala."
Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita pa. Siguro depende sa tao. Kung hindi ko feel, I'm rude. Pero sa batang ito, wala namang problema kaya para saan ang pagiging masama sa kanya?
"Sige po, Ate."
"Alright..."
"Iyong isang chocolate pala, sana po pabigay kay Reed. Crush na crush ko po kasi talaga siya, eh."
My smile hung on the air. Reed? Not kuya? And sa kanya itong isa?
I scoffed. "You should call him kuya. He's years older than you, Sheena."
"Hindi ko siya pwedeng tawagin na kuya kasi crush ko po siya. Kaya sana pakibigay nalang, Ate."
The nerve! Ginawa pa akong delivery girl? Seriously? Gusto kong umirap pero hindi ko ginawa. Plastic lang akong ngumiti sa kanya at hindi na nagsalita hanggang sa umalis na siya. How dare her! Kaya siguro lumapit sa akin para maibigay iyong para kay Reed. Nakakailan na sila sa akin, ah? Hindi iyon first time dahil maraming beses nang nangyari iyon lalo na noong nakikita nilang parang close kami nina Reed!
Hay, mga sakit sa ulo! Minsan nagtataka na ako kung lumalapit ba sila sa akin para makalapit sa akin or para gawin akong bridge sa nararamdaman nila kina Reed! It's so annoying! Lalo na kung kay Cyan!
Padabog kong nilapag sa desk ni Reed ang isang box ng chocolate na bigay ni Sheena kanina. Nagtaka naman siya at OA sanang mag-react kaso pinutol ko na agad.
"H'wag kang OA, hindi galing sa akin 'yan. May nagpapabigay." I rolled my eyes.
Natawa siya. "Akala ko naman. Basted sana kita."
"Kapal ng mukha mo." Umupo ako saka inayos ang mga gamit ko.
"Pakisabi sa nagbigay, thank you." Nahimigan ko ng pang-aasar ang tono ni Reed kaya nilingon ko siya at matalim na tinignan.
"You don't believe me, do you?"
Ngumisi siya. "Naniniwala naman, Khloe..."
"Thick-faced, hmp!" Umirap ulit ako kaya tuluyan na ulit siyang natawa.
Dumating na si Sir Alyawan at nagsimula nang magturo. Hindi naman boring dahil marami siyang activities pero hindi ko rin feel na makisali kahit may plus points. Nagpa-quiz siya after at hindi naman gaanong masakit sa dibdib ang kuha ko dahil nakinig naman ako. Sumunod ang iba pa naming subjects until Madam Eborda came at sa akin agad tumama ang mga mata niya.
I noticed she kept on looking at me since I cut my hair. Minsan ko siyang nahuhuling tinitignan ako sa hindi ko mabasang emosyon sa mga mata niya. Tapos kapag nahuli ko siya ay agad na binibigyan ako ng iritadong tingin at iiwas agad. Hindi ko siya maintindihan but one thing's for sure, she hates me.
Tahimik lang ako sa klase niya habang nagtuturo siya. Nag-quiz din siya after pero dahil bored siyang magturo ay hindi ako nakinig kaya maliit lang ang kuha ko.
"Monzon," she called me to give her my paper so she could record it.
Lumapit ako para ibigay sa kanya ang papel. Tinignan niya ito bago natawa ng bahagya.
"You are so much like her."
Nagtaas ako ng kilay. "Pardon?"
Tinignan niya ako gamit ang malditang tingin. "Your mother. Wala kayong pinagkaiba."
"You know her?"
Pero imbes na sagutin ako ay tumawag lang siya ng iba pang estudyante at hindi na ako pinansin. Hindi ko tuloy mapigilan ang pag-irap bago bumalik sa upuan.
"Ano, inaway ka?" tanong ni Reed nang nakaupo na ako ulit.
"I don't get her. She's pissing me off," iritadong sabi ko.
Natawa si Reed. "Ganyan talaga siya."
"Nope, Reed. Sa akin lang siya ganyan. Anyway, I don't want to talk about her."
Si Madam Eborda ang last period ko sa morning class ko kaya lunch na after niya. Ako lang sana mag-isa ang pupunta sa canteen kaso itong si Reed ay pinilit talagang makasabay sa akin.
"Siyempre, bati na tayo kaya kukulitin na talaga kita," rason pa niya nang sabihan ko siyang nakukulitan na ako.
"You're grabbing the chance, huh?"
"Uh-huh. Gusto ko ring makabawi sa'yo. Alam ko naman kasing mali ko talaga iyon, eh. I got chances, pero hindi ko sinabi."
I looked at him with seriousness. Nagtaka siya sa ginawa ko pero nakititig pa rin naman. His eyes were full of curiosity and innocence. Kaya rin siguro hindi ko matiis na hindi mahiwala sa kung ano mang sinasabi niya. Reed has this baby face and innocent aura that anyone would fall for. Iyong tipong kahit anong sabihin niya ay hindi ka magdududa. He's such a baby dagdagan pa ng bubbly personality niya. Hindi pa kasali roon ang pagiging gwapo niya sa mestizo niyang kutis, black buzzcut hairstyle, makapal na kilay at matangos na ilong, saka mapupulang labi. Matangkad ngunit hindi kasing tikas nina Steban, Cyan, at Rev. Pareho sila ni Van, but there's something in them too that catch attention.
I smiled at him. "You don't have to feel guilty and always think you're obliged to apologize. Okay na ako."
"You know, most of them think you're rude. Sina Suzy, Yandra, well, kasi naman crush no'n si Steban and you know, wala siyang pag-asa. Pero kasi, hindi nila nakikita na mabait ka, Khloe."
Napangisi ako. "Hindi ako mabait, Reed."
"Hindi mo kasi alam."
"And... si Steban? Hindi niya ako like, okay? Mas okay pa kung sila ni Helen i-ship mo."
"Wala ring pag-asa si Helen sa kanya."
Tinignan ko siya dahil tila wala sa sarili niyang sinabi iyon. Patuloy na kami sa paglalakad ngayon. May bumati pa kaya binati muna namin pabalik bago ako nagsalita ulit.
"Like niya si Steban?"
Tumango si Reed. Pero nagulat ako nang bigla niyang i-cover ang bibig niya na parang may maling nasabi.
"Shocks, secret lang pala namin 'yon."
My eyes widened and I slapped his shoulders. "Crazy ka! She trusted you, but you spilled it with me!"
"Aray!" Umilag siya nang paluin ko ulit ang balikat niya saka natawa. "Joke lang! Malamang alam ng grupo, kahit sino alam bukod kay Steban. Tinde nga, eh. Hindi naman dini-deny ni Helen pero walang nagkakalat. Takot lang sa kanya."
Dumating na kami sa canteen at ang dami kong nalaman kay Reed. He's so chismoso! Aniya pa'y hindi naman daw iyon chismis dahil bukod sa totoo ang mga sinabi niya at wala siyang dinagdag doon, hindi naman daw iyon tago at masaya siyang siya mismo nagsabi sa akin since we're friends na. I can't believe him!
"Sabay ka nalang sa table namin, Khloe." Iyon ang sabi ni Reed nang dumiretso ako sa table kung saan ako kumakain para ilagay ang bag at ibang mga gamit ko.
Nandoon na ang mga kaibigan niya. Lahat sila nakatingin sa amin including Cyan na as always seryoso at naghihintay kay Reed. I noticed Steban wasn't there pa. I smiled at them saka bumaling kay Reed.
"I'm fine doon sa table. You should go there so I could order," sabi ko. Sa huli, wala na siyang nagawa at hinayaan nalang ako.
Pumunta na ako sa bagong stall kung saan ako laging bumibili na ngayon ay marami na ring bumibili. May mga bumabati ulit at nagtatangkang lumapit after ko batiin pabalik but before they could do it, hindi ko na sila pinapansin kaya hindi na nila natutuloy. Kaunti lang ang bumibili kaya hindi naman gaanong masikip pero hindi pa rin ako gaanong malapit sa kanila because I don't like the smell of others.
Biglang may kumalabit sa likod ko kaya nilingon ko ito. I smiled immediately when I saw Steban looking at me with a smile on his face, too.
"Hi..."
"Hey," bati ko pabalik.
Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid pati ang pangalan ko kaya nilingon ko sila at sinamaan ng tingin. Nagulat ang mga ito kaya inirapan ko lang at bumaling ulit kay Steban. Nanatili ang tingin nito sa akin na tila nag-aabang.
"Practice later?" I asked.
"Sige. What time?"
"After our last period, of course."
Nagtaas siya ng kilay. "Hindi ka uuwi ng maaga? Wala kang gagawin?"
Umiling ako at ngumiti ng tipid. "For our grades, Steban."
He then played his tongue on the insides of his mouth and nodded. "Right..."
Nag-order na ako at nasa likod ko naman siya. After niyan ay sumenyas na akong punta na ako sa table ko saka siya iniwan doon. Kumain ako at hindi na pinansin ang paligid.
Just as what Steban and I agreed, after my last period I went to the garden where we practiced last time. Nandoon na siya nang nakarating ako at tinignan ako habang papalapit. Ngumiti ako bago nilapag ang gamit sa upuan saka naupo sa tabi no'n, habang siya ay nasa hapag at nakahanda na ang gitara.
"How's your day?" he asked.
I looked at him like he was the most ridiculous person ever. "It went well, I guess."
Tumango naman siya saka nag-iwas ng tingin. He looked confused dahil sandali pa siyang natulala sa isang tabi bago umiling-iling at inayos ang sarili.
"Let's start," aniya na sinang-ayunan ko naman.
Sa totoo lang, hindi naman ako nagpa-practice kung wala si Steban. At dahil hindi kami nagkita noong weekends, hindi kami nakapag-practice. Marami pa akong mali at hindi nakukuhang part, unlike him who mastered the whole song already.
"Ikaw nalang kaya kumanta? I'm afraid I'll mess up everything."
Sinamaan niya ako ng tingin. "You'll mess up everything kapag hindi ka kumanta. We still have few days, Khloe. We can do this."
Bumuntong hininga ako. Honestly, I want to get accepted sa screening na ito. I want to help him get high grades with this one dahil ako naman naghila sa kanya sa mess na ito. Kaya todo overthink din ako sa posibleng mangyari. This is my fault kung bakit ko pa kasi siya inaya. Pero tama siya. Ang magagawa ko lang ay tulungan siya rito para tumaas ang grades namin kaya dapat ay gawin ko rin ang best ko para rito.
We practiced and practiced. Hindi ako fast learner but Steban is very patient at tinatawanan lang ako kapag nagkamali ako kaya I didn't feel bad at all.
"It's normal. Kahit kami kapag nagpa-practice ng bagong kanta, hindi naman namin kuha agad. It takes time," sabi ni Steban after ng practice namin. "I think you need inspiration para mas maging todo ka sa performance."
Kumunot ang noo ko at natawa. "Inspiration?"
"Oo. Inspiration. Mas magandang kumanta kapag may inspirasyon, Khloe."
"Sino naman?"
Nag-isip pa siya bago ngumisi saka ako tinignan ulit. "Si Cyan?"
My eyes widened. "How did you know?"
Umirap siya sa akin. "Khloe, first day pa lang, halata ka na."
I laughed and my cheeks flushed. I can't believe it! Was I too obvious? So alam na ni Cyan? What if alam na niya? But he kept on ignoring me and he was rude! Was that his way to reject me?
"Ano bang nagustuhan mo roon?" I snapped back at Steban when he asked.
Napaisip ako pero sa huli ay bumuntong hininga. "I don't know, but I find him interesting kahit parang hindi siya interested sa paligid. And he's cold, hindi ako sanay sa ganoong mga tao. You know, I prefer wild and friendly people because I can get along easily, tapos siya, ang hirap."
"So you find him challenging?" Nagtaas siya ng kilay.
"Yeah?" Nagtaas din ako ng kilay, hindi tinago ang tingin sa kaibigan niya. "He's interesting."
"Bakit hindi mo sabihin sa kanya 'yan?"
Nagulat ako sa tanong niya. "Para ano?"
Nagkibit balikat siya at nag-iwas ng tingin. "Malay mo maging boyfriend mo siya."
"I don't do boyfriends."
Hindi ko alam but it feels so comfortable talking to Steban like this. Iyong tipong hindi ko kailangang magpanggap at magpakitang tao. Maybe because wala naman akong pakialam kung ano ang magiging tingin niya sa akin after this. If he'll distance himself from me after this, I wouldn't care. If not, then good for us.
Napatitig lang siya sa akin. My heart pounded upon waiting for his reaction. Pero tinitigan lang ako nito hanggang sa may bumuong ngisi sa labi niya. Kumunot ang noo ko nang napailing-iling siya pero natatawa pa rin.
"What's funny? Hindi ako nakakatawa, Steban."
Mas lalo siyang natawa. Ngumuso ako. "Wrong grammar?"
Tumango siya, bumusangot ako. "Rude!"
"Sorry..." tumatawang sabi niya.
Iniwas ko nalang ang tingin ko at hinayaan siyang ilabas ang tuwa niya. Umirap ako sa kawalan at hindi na siya tinignan pa dahil baka matawa na rin ako! Nakakahawa pa naman ang tawa niya.
"Anyway, kailan ang screening?"
Ilang sandali pa siyang nakasagot dahil nakatitig lang ito sa akin ay may ngisi sa labi. He then licked his lower lip.
"Sa Friday."
Nanlaki ang mga mata ko. "Really?!"
"Bakit hindi mo alam?"
"Wala akong socials."
Nanlaki din ang mga mata niya. "Really?!"
"Steban!"
He burst out laughing.
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...