CHAPTER 18
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng babae noong gabing iyon. Why does she act like that? Does she hate my mother or something? Hindi ko maintindihan. O baka naman hindi ako ang sinabihan niya? Pero imposible iyon dahil sa mga naging galaw at tingin niya.
My mom lived here for years. She graduated with her college degree here. Kilala siya ng mga tao rito dahil dito rin siya pinanganak. Kaya bakit ganoon kung makapagsalita ang babaeng iyon kay Mommy?
Curiosity is killing me; even though I enjoyed Steban's company, what that woman said still sticks with me. Gustong-gusto kong magtanong. Kaya kinaumagahan habang nasa hapag at nag-uumagahan ay tinanong ko si Nanang Emy.
Nagsasalin siya ng inumin sa aking baso.
"Nanang," I called.
Nilapag niya ang pitsel sa isang sulok bago ako binalingan. "Ano iyon, Kham-kham?"
Nanang is sweet to me. Kahit minsan ay nagiging suplada ito sa akin at umiiral ang pagiging may edad niya ay hindi naman naging masama ang turing niya sa akin. She's like a grandmother to me. Hindi na ako magtataka pa kung sa aming lahat dito, si Nanang ang nakakakilala kay Mommy ng lubusan.
"Last night, I heard someone talking about Mommy."
"Oh, anong sabi?"
"Mana raw ako kay Mommy. Then dinagdagan niya na mahilig daw dumikit? What does she mean by that, Nanang?"
Tinignan ko si Nanang. Nakatayo lang ito sa harap ko sa may gilid at nakasandal ang braso sa sandalan ng isang upuan. Nasa kabisera kasi ako ngayon.
Nakita ko kung paano natigilan si Nanang. Hindi ko mabasa ang mata niya pero umiwas siya ng tingin at naging malikot ang eyeballs niya.
"Nanang?"
Biglang natawa si Nanang. Bahagya pang winagayway ang kamay sa hangin na tila sinsabi sa aking walang dapat isipin.
"Baka naman nagbibiro lang iyon?" she laughed slightly.
"But it was offensive, Nanang. Why would she say those words? Baka naman may ibig sabihin?"
Bumuntong hininga si Nanang. "Medyo spoiled din kasi si Mommy mo dati noong kabataan niya."
My eyes widened. Now I knew why, of all people, she understands me the most! Dahil alam niya ang feeling. Kaya maraming panahon na kakampi ko siya. Kahit minsan ay nakakatampo na wala siyang oras sa akin dahil katulad ni Daddy ay busy din siya, pero kailanman ay hindi niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal.
I felt neglected, but Mommy never failed to make it up to me, unlike Daddy who's always cold and never cared. Maybe he cares for me, but I could hardly see it.
Nilapitan ako ni Nanang at hinaplos ang buhok ko. Napangiti ako roon.
"Tell me more, Nanang."
Ngumiti siya sabay buntong hininga. "Bakit ba kuryosong-kuryoso ka?"
"Just because. Please?"
Ngayon ko lang nalaman ang ganito tungkol kay Mommy. They never told me about their lives when they were young. It's not like there's time for that.
"Hay naku, Khamile!" Pinanggigilan ni Nanang ang ilong ko kaya napabusangot ako.
"My contour!" reklamo ko pero hindi na niya iyon pinansin.
"Noong kabataan kasi ng Mommy mo, malapit din siya sa tatay ni Steban at mga kaibigan nito."
"Kaya ba kilala niyo si Steban?" Nanlaki ang mga mata ko.
Tumango si Nanang. "Para lang umulit iyong nangyari noon. Pero babalik ka rin naman ng Maynila, hindi ba? Babalik ka rin sa dating buhay mo."
My lips formed a grim line. Ngayon lang ulit pumasok sa isip ko ang katotohanang iyon. Masyado akong naging focused sa school pati sa pagiging malapit kina Steban na nakalimutan ko iyon. Babalik ako sa Manila at ayaw kong maging malapit kahit kanino rito dahil alam kong mawawalay rin naman ako sa kanila.
Akala ko rin noon hindi ako mapapalapit sa kahit sino rito. Masyadong malayo ang buhay nila sa akin at ayaw kong magkaroon ng koneksyon sa mga taong tagaprobinsya.
Pero ito ako ngayon. Kinain ang bawat salitang binitawan. Nangyari ang kasalungat sa kagustuhan.
Hell week. Quarterly exam namin kaya halos lahat ay busy dahil sa daming requirements at paghahanda pa sa paparating na exam. It's a three-day examination but only lasts half a day. Sa hapon pa ang exam namin at tigtatatlo o tigdadalawang subject lang kada araw.
Kasama ko sina Steban sa tuwing pumupunta kami sa library para mag-aral. We usually occupied the discussion room so we could make noise without anyone hearing it from outside. Magulo pa naman sina Reed at Van kaya kailangan talagang nasa lugar kami kung saan nalalabas nila ang mga sama ng loob sa tuwing may hindi nauunawaan sa inaaral.
Minsan din ay sa garden kami, pero dahil wala namang lamesa ang gazebo roon, purong upuan lang, kaya hindi kami madalas doon. Kapag lang review nalang o habang kumakain ay gumagawa ng mga school works.
"Paano ba kunin 'to?" Inis na napakamot si Van sa ulo niya.
He was holding his scientific calculator in his left hand while holding a paper in the other. Pinulot niya ang yellow paper saka lumapit kay Steban.
"Steb, paturo naman, oh. Nalilito ako sa antiderivatives."
Ako ngayon ay gumagawa ng essay. I'm so proud of myself. Kaya ko nang gumawa ng essay at hindi naman pangit ang performance ko pagdating sa writing! Of course, I'm fluent in speaking English, which is why my vocabulary is wide enough to transform ideas and knowledge into words and paragraphs.
Hindi rin naman ako bobo. I had a bunch of tutors back then. Sadyang tamad lang talaga ako kaya iba ang pinapagawa ko sa mga gawain. Ngayon na iba na ang naging takbo ng buhay ko, natutunan kong kailangan ko rin naman palang magsikap sa sarili ko at gawin ang mga bagay na nararapat sa akin. Hindi umasa sa iba. There's no lesson to be learned from that.
Si Reed ay nakatuwad habang nagsusulat. Ako ay ginawang table ang upuan dito sa gazebo. Si Steban at Van ay nasa sahig. Nagpapaturo si Van kay Steban. They were sitting on the floor, legs forming a wide letter X, with Steban's things on his lap. His left leg held a scientific calculator, and his right held a pad of yellow paper. Si Van ay siniksik ang sarili sa gilid ni Steban.
Helen was sitting on the bench connected to mine. Pareho sila ni Steban ng paraan sa pag-upo. Katabi niya si Cyan at may ginagawa silang hindi ko alam. And Rev, he's probably with Rion right now.
"I'm done!" I said to myself, but I got Reed's attention.
He sighed in annoyance and messed up his hair in frustration. "Pangit na nga ng sulat-kamay, na-mental block pa! Walang pumapasok na idea sa isip ko!"
Humalakhak si Van sa likod. "Ang sabihin mo, tuyo na utak mo!"
"An indirect way of saying you're dumb, Reed," Cyan teased.
"Bobo ka raw, Reed," Helen added.
Sinamaan niya ng tingin ang lahat ng nagsalita. Natawa ako at sakto namang napatingin siya sa akin. Ngumuso siya at lumapit.
"Tulungan mo ako, Khloe."
I raised my brow. "You should prove them you're not dumb."
Hindi niya inasahan na sasabay ako sa pag-aasar. Umawang ang labi niya saka siya natatawang suminghap.
Inis siyang tumayo at naglakad patungo kay Steban na seryoso sa pag-solve sa papel ni Van. Tinulak niya ng mahina si Van saka pumalit sa pwesto nito.
"Tabi."
"Ano? Hoy, papaturo ka rin ng Calculus?"
"Hindi. Papatulong ako sa essay."
Natawa si Van at hinayaan si Reed na tumabi kay Steban. Lumipat siya sa kabilang side nito.
I stood up and gathered my things. Pagkatapos ko iyong ma-arrange ay naupo ako sa bench at pinagmasdan ulit sila. Nakadantay ang mga paa mula sa sahig at ang mga braso ay tuwid na nakatuko sa inuupuan.
"STEM ka ba? Mag-STEM ka muna bago ka lumapit dito."
"Kailangan pa ba 'yon? Kahit hindi HUMSS si Steban, matutulungan niya ako." Reed turned to Steban. Sinilip niya ang mukha nito dahil bahagya siyang nakayuko at seryoso pa rin.
Steban's brows were slightly furrowed due to his seriousness. Ni hindi niya pinansin ang ingay at kulitan ng dalawa. He sometimes used his calculator to perform calculations, but most of the time he wrote in a relaxed manner, yet with speed. Parang kabisado lahat at alam kung ano ang ginagawa.
Siniko ni Reed si Steban. "Hindi ba, Top 1?"
Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila. Natigil lang iyon lang biglang may nagbato sa akin ng pagkain. Nakabalot pa ito at binili kanina sa canteen.
Napalingon ako sa left side ko kung saan nanggaling ang bato. Nahuli ko ang tingin ni Cyan na nasa lap ko kung nasaan ang pagkain. He then looked at me with coldness etched in his dark eyes.
Bakas ang gulat sa mga mata ko. Umigting ang panga niya bago nagbaba ng tingin at pinagpatuloy ang gagawin.
"Thank you," I said, enough for him to hear.
I can't help but smile. He's slowly accepting me into this circle. Siya lang kasi ang medyo hindi ko masyadong close. Rev doesn't care about his surroundings and is quiet most of the time, but he has never treated me wrongly. Pinapansin din naman ako no'n. Si Cyan lang talaga.
And to think that he's slowly treating me well, I couldn't help but be happy.
Binuksan ko ang wrapper saka kumain. Binalik ko ang tingin kila Steban pero nagulat nang nakitang nakatingin na si Steban sa banda namin habang pinaglalaruan ang ballpen na tila wala sa sariling pinaikot-ikot ito gamit ang mga daliri. Mukhang nagulat din siya kaya agad itong nagbaba ng tingin at kinuha ang calculator para mag-compute.
Ganoon lang lagi ang scenario. Kung minsan ay sa library kami para mag-aral. Si Reed at Van lang naman ang maingay sa amin kung mag-aral. Si Van ay maingay sa mga reklamo dahil hindi makuha ang tamang sagot sa solving, tapos si Reed ay maingay sa mga terms na mini-memorize.
"Globalization... The process of interaction and integration among people, companies, and governments worldwide. Sunod ay Colonialism. The policy or practice of acquiring full or partial political control over another country, occupying it with settlers, and exploiting it economically. Tapos..." Reed continued reciting.
"Tahimik nga, Reed!" sabi ni Van saka bumaling sa kaniyang papel at calculator. "So ang total resistance sa circuit na ito ay..."
Bumuntong hininga ako dahil hindi na rin ako makaintindi dahil sa pagiging maingay nila! I can't believe their friends can endure their loudness! Kahit ako ay hindi na maka-concentrate dahil sa ingay nila!
Walang music sa phone ko at wala rin naman akong earphones kaya hindi ko matabunan ang ingay nila. I decided to cover my ears with my forefingers and continued studying.
Ilang sandali pa ay may naramdaman akong presensya na lumipat sa tabi ko. Anim ang table dito pero lima lang kami dahil wala si Cyan. Si Reed at Van may magkatabi sa harap ko at sa magkabilang dulo ay si Helen at Steban, magkatapat sila. Walang naupo sa tabi ko pero ngayon ay mayroon na.
Natigil ako sa pagme-memorize sa isip nang may phone at earphones na nilapag sa ibabaw ng notebook ko, dahilan para matabunan ang notes ko. Tinignan ko ang tumabi sa akin at saktong tumayo na ito at bumalik sa kinauupuan. Steban looked at me briefly before turning back to what he was doing.
Umawang ang labi ko. Binalik ko ang tingin sa phone. Naka-turn on na ito at nasa Spotify na. Nakasaksak na rin ang earphones. Tinignan ko ang playlists niya, marami iyon. Halos lahat ay Christian songs, depende kung praise or worship. Ang naiibang playlist lang ay for studying purposes.
I opened the playlist for studying purposes. Ang playlist na ito ay purong instrumental at sabi ay nakakakalma. I tapped it to play then put the earphones on my ears.
I smiled. Finally, I can study properly.
Mommy:
Sorry, anak, but I can't take your calls right now. The program is ongoing.
Nakahiga ako sa kama nang nabasa ang reply ni Mommy. Sandamakmak na ang tawag at text ko sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Nagkakausap naman kami pero hindi ko na nabanggit ang tungkol sa desisyon ko sa college dahil palagi siyang nagmamadali.
I thought that topic needed a lot of time to discuss, and with Mommy being busy, I can't bring up that topic yet. Naiintindihan ko naman si Mommy. Basta't tumatawag o nagte-text naman siya sa akin kahit isang beses lang.
It's fine.
Khloe:
It's fine, Mom. I'll just call later.
Mommy:
I don't think I can reply. Ako nalang ang tatawag sa'yo.
I smiled. No, she won't. Basta iyan na ang sasabihin niya, aasahan kong hindi na mangyayari.
Mommy:
By the way, I bought another gift for Papa with your name on it.
I expected that. Sa taon-taong birthday ni Abuelo ay laging bumibili ng regalo si Mommy para kay Abuelo. Aside sa regalo nina ni Dad ay mayroon din ako, ang kaso ay hindi ko naman alam kung ano iyon. I trust Mommy's choices, though. Kasi kung ako lang din, hindi ako bibili.
My money was only for myself back then. And now that I have none in my hands, things remain the same. Mommy bought a gift and said it was from me, a gift that I didn't know what's inside. It doesn't matter. Para namang maa-appreciate pa iyon ni Abuelo, eh, lahat nasa kaniya na. Siguro ay respeto nalang sa tradisyon ng kaarawan.
"Ayaw ko na!" rekalmo ni Reed sa pangalawang araw pa lang namin. "Gusto kong maging pulis, pero mukhang magiging kriminal ako nito!"
Natawa ako. Sabay kami ngayong papunta sa canteen.
"You're exaggerating!" I chuckled.
"Hindi, Khloe. Magiging kriminal talaga ako."
"And why do you say so?"
"Kasi nangopya ako!"
Asar na asar siya, kesyo nakalimutan daw sa dami ng pinag-aralan. Nang dumating kami sa canteen ay nandoon na si Steban at Helen. Magkatabi sa isang side kaya naupo kami ni Reed katapat nila. Si Reed kay Helen, ako kay Steban.
"Oh, ayaw kong makarinig ng reklamo!" Helen immediately covered her ears before Reed could utter a word.
Busangot ang mukha ni Reed. Biglang dumating si Van saka binatukan si Reed bago lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. Ngayon ay pinagitnaan na nila ako.
"Wala kang sagot? Alam ko kung bakit. Nakatambay ka sa convinient store buong gabi kagabi!" sumbong ni Van.
I looked at him. "Really? Why?"
"Malay ko! Ah, basta. Kaya hindi nakapag-aral si Reed dahil doon."
"Nandoon ako para mag-aral..." Reed defended.
"Makapag-aral? Eh, nakaupo ka lang sa benches doon at nakasilip sa loob!"
"Baka naman may sinisilip?" Inabot pa ni Helen si Reed saka bahagyang tinulak ang balikat.
Mas lalo itong nainis.
"Who could it be?"
"Mahahalata talaga kung sino ang rich kid sa atin dito..." wika ni Van kaya natawa kami.
Steban was quiet, but he laughed, too. Nakatinginan kami. Ngumiti siya sa akin at dahil may tawa pang natira sa akin, napalitan iyon ng ngiti.
"Order na tayo!" aya bigla ni Steban at tumayo.
"Tamang desisyon dahil nagugutom na ako." Reed stood up, too.
"Tayo nalang tatlo ang mag-order, sila ni Helen ay mananatili rito." Steban then looked at me. "Anong gusto mo, Khloe?"
"Huy, Steban. Luh? Si Khloe ang tinanong tapos nasa tabi naman si Helen."
Lahat kami napalingon kay Van dahil sa sinabi niya. Wala siyang kaalam-alam dahil nakatingin lang ito sa wallet at humahanap ng pera.
Kumunot ang noo ko, naubo si Reed, at pabirong sinuntok ni Helen ang direksyon ni Van.
"Duh, kaya ko ang sarili ko."
"Ako na ang o-order sa'yo, Hez," Reed said.
Padabog na tumayo si Helen at maangas na tinignan sila. "Ako na sabi at baka hindi ko magustuhan ang bibilhin niyo. Lakas niyo pa namang mantrip."
Nauna si Helen sa linya na sinundan ni Reed at Van. Kami nalang dalawa ni Steban ang narito. Hinanap din ni Steban ang kaniyang wallet sa bag.
Umayos siya ng tayo at bumaling sa akin nang nasa kamay na ang leather na wallet. Kumurap ako at napalunok.
"Uh... Fried chicken nalang, tapos fries, and one cup of rice."
"Drinks?"
"Cucumber iced tea."
I gave him my money. Tinignan niya muna iyon bago siya ngumuso at tinanggap. Nang nakaalis na ay umupo ako agad.
I saw how students looked at me with displeased reactions on their faces. Doon ko lang na-realize na ako lang mag-isa rito, tapos sina Steban ay nakapila roon para bumili ng pagkain.
Iniisip ba nilang inutusan ko si Steban? They probably saw me giving him money. I ignored them even though I heard some whispering.
"Hindi na talaga ako magtataka kung ganiyan ang trato niya sa kanila."
"Si Steban pa talaga ang inutusan. 'no?"
"Ganiyan talaga. Mana sa nanay."
Nagpintig ang tainga ko. I snapped at them and was about to throw fire, but Steban came. He blocked my view from those insignificant individuals. Nagkatinginan kami at nakita ko na naman ang maamo nitong pagngiti sa akin.
Pero dahil sa galit at inis ay hindi ko napigilan ang emosyon ko. Padabog akong umupo at padabog na nilapit sa akin ang tray, hindi nagpasalamat kay Steban.
Mukhang nagulat siya roon. Naupo siya saka inalis sa tray ang order niya pero nakatingin sa akin.
Inalis ko rin sa akin at akmang tatayo para ibalik ito sa counter ay hinawakan ito ni Steban.
"Isasabay ko na sa akin..."
I turned my burning gaze toward him and harshly pulled the tray away from him. Mukhang nagulat siya roon.
"I can do it. I don't need your help."
I knew I shocked him, but I didn't give a damn. Iniwan ko siya roon at binalik sa counter ang tray. Malapit lang naman kaya nakabalik agad ako. Naiwan siya roong nakatayo at nakamasid sa akin. Hindi ko siya tinignan at naupo na pero hindi naman sumubo dahil hinintay ko sina Reed.
I got pissed, who wouldn't be? It was my mom they were talking about. Fine, I wouldn't even care if they looked down on me, but hearing my mom being dragged like that pissed me off to hell. Ano, kilala nila ang mommy ko para makapagsalita ng ganoon? Anong alam nila? At kahit ano pang pananaw nila, kung basura lang rin naman, sirhan nalang nila ang mga bunganga nila.
Trash bins left open stung.
Dumating sina Helen kaya bumalik ang ingay sa lamesa. Kami ni Steban ay nanatiling tahimik. Hindi naman iyon napansin ng grupo kaya pagkatapos magdasal ni Van ay nagpatuloy sila sa asaran.
"Hay, basta ako, after exam, gusto ko gumala."
Lahat kami ay napatingin kay Reed.
"Saan naman?" Helen asked.
"Dagat siguro. Gusto kong mag-swimming!"
That got my attention. I love swimming, too! At talaga namang stressful talaga ang exam week kaya kailangan talaga namin ang mag-relax.
"Saan naman?" natanong ko.
Natawa si Van. "Dagat? Ang layo no'n dito, Reed. Kung gusto mong maligo lang, doon ka nalang sa dagat sa tabi ng daan. Ikaw lang mag-isa. Tutal, malapit lang 'yon."
"May dagat dito?"
"Oo, Khloe. May isla pa nga. Pero mahigit isang oras ang biyahe. May coastal road naman, pero maliit lang ang space para sa buhangin. Walang tambayan."
Ngumuso ako. I want to swim, too! Pero hindi ko yata kaya na magpunta sa sinasabi nila. Kalahating oras? Edi labas na kami ng Santa Praia niyan? Pagod na nga kami sa exam, pagod pa sa biyahe? I don't think my parents would allow me, either. Saka kung sa tabing dagat naman na sinasabi ni Van, na siguro ay mas malapit, ayaw ko naman doon!
I will wear one of my designer bikinis tapos sa coastal road lang maliligo? No way.
I snapped at them. "Fine. After exam, sa bahay tayo."
Lahat sila ay napatingin sa akin. Well, except for Steban. Kanina pa kasi ito tahimik na kumakain at nakayuko lang. Hindi man lang nag-angat ng tingin after ng sinabi ko.
"Talaga?!" excited na sabi ni Van.
I nodded and they cheered.
"Makikita niyo na naman ang six pack abs ko," Reed boasted.
Umirap ako at nagkaroon naman ng violent reaction sa table namin.
I forgot what happened. Do I feel guilty about how I've treated Steban? Yes, but I don't know how to approach him. Ayaw ko ring manghingi ng tawad! Kasalanan ko ba 'yon? Hindi, malamang. Kasalanan iyon ng mga mababaho ang bunganga at kung anu-ano ang mga sinabi!
Hindi ako kinausap si Steban after no'n. Kapag naman nag-aaral ay hindi rin. Sumasabay pa rin siya sa asaran ng grupo pero wala kaming interaction!
Seriously? I shouldn't care, should I? Hindi ko kasalanan iyon! Kung narinig niya lang ang sinabi ng mga estudyante ay maiintindihan niya ako. Pero paano kung hindi? Paano kung hindi niya naintindihan ang kilos ko at ngayon ay nagtatampo sa akin?
"May tinotoyo..." kanta ni Reed habang paakyat kami ng building.
Nalaman kong nasa fourth floor pala ang STEM. Nauna na naming idaan kanina si Helen sa classroom nila. Kami nalang tatlo ni Reed at Steban ngayon. Sabay kami ni Reed, nasa likuran naman si Steban. Kanina lang ay sila ni Helen ang sabay at nagtatawanan sa likuran namin. Pero ngayon ay tahimik na si Steban.
Siniko ako ni Reed. "Don't worry, naghihintay lang 'yan na kausapin mo."
Kumunot ang noo ko. "Why would I? I didn't do anything wrong."
"Sus. Huwag ganiyan, Khloe. Humingi ka ng tawad at aminin mo ang pagkakamali mo. Hindi naaayos sa katahimikan ang lahat. Parang relasyon lang 'yan-"
I scoffed. "Don't compare it because we're not even in a relationship!"
"Anong wala? Friends kayo, 'no! So may relationship pa rin. Gets?"
Daig pa talaga ang mga babae sa bunganga ng lalaking ito.
"Even so..." I pouted.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit hindi ko magawang kausapin si Steban. Wala siyang alam, Khloe! Nagmamabuting-loob tapos tintrato mo ng ganoon? Dinamay mo sa init ng ulo? Pero paano ko siya lalapitan? Hindi ko alam kung ano ang gagawin at pinaghalong takot at hiya ang nararamdaman ko.
Oo, pero hindi ko iyon aaminin. Mas mabuting makita niyang wala akong pakialam kaysa makita niyang ito ang nararamdaman ko dahil sa naging asta ko sa kaniya noong nakaraan.
Hindi ko na-realize na nasa tapat ng kami ng classroom. Steban went in front of us. He looked at Reed.
"I'll go ahead."
Then he looked at me. My heard pounded hard and I stopped breathing.
"Khloe."
Iyon lang ang sinabi niya at tumalikod na pero ang puso ko ay humahataw pa rin!
Reed clicked his tongue thrice. "Kapag nag-English 'yon, ibig sabihin seryoso siya."
Binalingan ko siya. "He spoke to me in English most of the time, even when teasing me."
"Edi seryoso siya sa'yo."
Reed is never serious.
Natapos na ang last subject namin sa third day. Saturday bukas at isa lang ang ibig sabihin, bukas ang swimming namin sa bahay!
I am excited. Wala pang nakapunta sa bahay maliban kay Steban. Si Van naman ay hanggang gate lang. Dahil sa excitement ay hindi ko napigilan ang sarili na maagang umuwi para maghanda.
I want tomorrow to be a special day for us, a reward because we've made it through this quarter alive. Kidding aside. Gusto ko lang mag-celebrate na nalampasan na namin ang quarter na ito. Isang quarter nalang at graduate na kami ng Senior High School.
"Buy me floaters. Tapos pica-pica foods for snacks. Kayo na bahala maghanap ng ilalagay pero dapat pasok sa taste ko. Kahit ano basta mahal at masarap. Hindi cheap. Tapos gusto ko masasarap ang menu para bukas. Put an extra effort sa pagpapasarap sa mga ulam."
Purong tango lang ang binibigay ng maids sa akin. Nang natapos ang pag-uutos at nakaalis na sila kasama ng isa pang driver namin, dahil personal driver ko si Manong Tope, nagpunta na ako sa pool. May mga kasambahay na naglilinis doon. Ang aming hardenero ay naggugupit ng mga halaman.
"Ayusin mo, Kuya, ah? Dapat perfect pagka-trim." Nilingon ko ang maids. "The water must be pristine blue! Change the sun loungers, too!
"Khloe, ano ito?" salubong sa akin ni Nanang galing sa bahay.
Ang alam ko ay kagagaling niya lang sa pamamalengke.
"Nakasalubong ko ang sasakyan niyo kanina, nalaman kong may pinabili ka sa mga katulong. Kakapamalengke ko lang!"
I smiled sweetly at her. "Nanang, kailangan kong mag-ready! Pupunta dito ang friends ko."
"Iyong anak ni Aris?"
"At marami pa."
Walang nagawa si Nanang. Of course, she must be proud that I gained friends already! Kaya wala na siyang sinabi at hinayaan nalang ako sa gusto. Pero hindi pa rin nawawala ang kanyang mga reklamo.
"Daig mo pa ang nagpa-pool party!"
May mga roba at tuwalya na sa pool area na nakalagay sa pitong sun lounger. Sa kitchen naman ay may mga lemonade na nakahanda pati ang mga chips na meryenda namin at nagsimula na silang magluto ng tanghalian.
I was wearing my cream Zaful textured underwire bikini under my white Luci Di Capri kaftan dress with beading as a cover-up. Hindi pa natatali ang buhok ko kaya gamit ang hair clamp ay ginawa ko itong half ponytail.
Saktong may tumawag sa telephone namin. Nalaman kong ang guard house iyon at may mga sasakyan na na dumating. I told the guard to register their cars and let them enter. Inabangan ko sila bukana ng mansyon at kumaway ako nang may dalawang sasakyan na dumating. Nauuna kay Steban na siya siguro ang nagturo sa kanila sa daan, sumunod kay Van.
"Khloe!" bati ni Reed pagkatapos bumaba sa front seat ng sasakyan ni Van.
"Hi!"
Kaniya-kaniya silang baba. Si Cyan at Rev ay bumaba mula sa likod ng sasakyan ni Van saka ko nakita si Helen na bumaba mula sa front seat ng kotse ni Steban.
Nagtagal ang tingin ko roon. Nilingon ni Helen ang loob ng sasakyan saka may nag-abot sa kaniya ng gamit niya. Nagtawanan sila bago sinara ni Helen ang pinto.
"Kham-kham, sila na ba ang mga kaibigan mo?"
Nag-abang ako na bumaba si Steban sa kanyang kotse. Hindi naman nagtagal ay bumaba na nga siya. Wearing a plain white t-shirt and gray shorts with his black leather sandals, he looked so many with that outfit. Ang simple pero ang lakas ng dating. I've seen him wore white t-shirt many times but not in this state. May nakita rin akong Ray Ban sa kanyang dibdib na nakasabit sa kaniyang t-shirt. His shirt hugged his body perfectly, allowing me to see how lean he is.
How old is he? Hindi ko alam kung magkaedad lang ba kami o mas matanda siya sa akin. But his build tells me he's a year older, or maybe it's just because he's mature.
Napakurap-kurap ako at napaatras nang bahagya akong nabangga ni Nanang. Lumapit na pala sa kaniya ang mga kaibigan para magmano. Malaki tuloy ang ngiti ni Nanang sa kanila.
"Magagalang na mga bata," puri niya saka binalingan si Steban na lumapit din upang magmano. "Buti naman at nakabalik ka, hijo."
"Kilala niyo siya, Nay?" feeling close na tanong ni Reed.
"Aba ay oo! Ilang ulit na iyang nagpunta rito. Nakapasok na nga sa loob ng bahay."
Sumipol si Reed at pabiro pang sinuntok ang balikat ni Steban. Sinamaan lang siya ng tingin nito.
Nagkatinginan kami. Nagulat ako roon kaya biglaan akong nag-iwas ng tingin at nilampasan sila. Nilingon ko si Nanang.
"Diretso na kami sa pool, Nang."
"Sige, 'nak. Enjoy! Ipapahatid ko ang meryenda mamaya."
Talaga namang suportado sa amin ang langit. Kasi kahit alas nuebe na ng umaga ay hindi mainit. Maganda ang panahon at maliwanag ang kalangitan pero dahil makapal ang mapuputing mga ulap ay natatakpan nito ang bangis ng haring araw.
My friends settled into the sun loungers prepared for them. Hindi sila matigil sa asaran at ingayan. Si Reed talaga ang pinakahanda sa lahat. Nakasando lang kasi ito at board shorts tapos tsinelas. Parang maliligo lang talaga sa dagat na nasa gilid lang ng daan.
"Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang laki ng bahay niyo, Khloe!" amazed na komento ni Reed. "Sa amin kasi low-key lang. Alam mo 'yon, ayaw ipaalam ng parents ko sa lahat na nasa amin ang Yamashita treasure."
"Nakahithit ka na naman," pambabara ni Helen sa kaniya.
Nasa pool na ang boys at nagwiwisikan ng tubig. Maliban kay Steban na nasa sun lounger pa rin at hindi pa naghuhubad ng damit. Si Cyan at Rev ay naka t-shirt lang, hindi ito hinubad. Si Van naman ay nakasando. Si Reed lang talaga ang mayabang sa katawan niya at hinubad talaga ang sando na suot kanina. Umangal si Helen kanina pero tumalon na si Reed sa pool. Daig pa ang bata.
Nasa sun lounger lang din ako at pinapanood sila suot ang aking Jacquemus' Les Lunettes Pralu sunglasses. I looked at Helen. She's wearing a thin, cream-colored oversized shirt and black loose shorts. Naka-slippers lang din ito. Ang kaniyang mahabang itim na buhok ay nakatali sa magulong bun.
She looked at me and smiled boyishly. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi nito.
"Hindi ka maliligo?"
"Sabay na tayo."
Tumango ako at tumayo. Akmang huhubarin ko na sana ang dress na suot nang nagtama ang tingin namin ni Steban. He was looking at me with an unreadable expression. Dahil sa tingin niya, na hindi naman mariin, pero kahit ganoon ay naging uncomfortable ako. Hawak ko na sana ang strap ng dress at huhubarin na ito pababa. Somehow, I got conscious.
Parang biglang... ayaw kong maghubad. I've always been confident with my body. There's no problem wearing this kind of swimwear because I'm swimming. Alangan namang mag-longsleeve ako at pajamas? Pero hindi ko alam. Suddenly, I want to change into more conservative clothes.
Talaga, Khloe? Bakit? Anong pakialam mo sa tingin niya sa'yo?
Pero kahit sabihin kong wala akong pakialam ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ko!
Helen has already jumped into the pool. Imbes na sumama sa kaniya ay nakaisip ako ng ibang gagawin.
"Uh... guys? Check ko lang iyong pagkain sa loob."
"Balik ka agad, ah?" Helen asked.
I smiled and nodded. Kumaway pa sa akin sina Reed, Van, at Rev, samantalang si Cyan ay kakaahon lang at sinuklay pa ang buhok pataas bago ako tinignan.
Nginitian ko sila at aalis na sana pero natigil nang may nagsalita.
"Sama ako," Steban was already behind me.
I should calm down, shouldn't I? Right now, just standing here feels like I've run thousands of miles already.
"S-Sure..." Hindi ko siya tinignan at nauna na sa paglalakad.
Mukhang hindi narinig ng mga kaibigan ang sinabi ni Steban. Pati ang pag-alis namin ay wala naman silang naging pakialam.
Dumaan ako sa back door kung saan diretso sa kitchen. Tahimik na nakasunod lang sa akin si Steban.
I gulped at briefly looked at him. "H-Hindi mo naman kailangang sumama. Uutusan ko lang ang mga katulong na... ihatid na ang pagkain doon."
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Matagal bago siya nakasagot.
"I insist," he answered in a baritone.
Oh my gosh talaga! I need to calm down my heart! Ano bang nangyayari?
"O-Okay..."
Kung bakit ako nauutal ay hindi ko rin alam!
Nasa kitchen na kami at agad naman akong nakita ng maids.
"Ma'am Khloe."
"Pakihatid na ng foods and drinks sa pool area."
"Sige po, Ma'am."
Tumalikod na ako. Kaso nga lang ay masyadong malapit si Steban sa akin, hindi inaasahan ang pagharap ko!
I almost bumped into his chest. Dahil tagababa niya lang ako ay napaangat ako ng tingin sa kaniya. My hands were on his chest to prevent myself from bumping into him. Nakapamulsa siya, seryoso, at bahagyang nakayuko para matignan ako sa mata.
"S-Sorry..."
What the heck is wrong with me?! Oh, please!
Dali-dali akong naglakad pabalik. Halos kumaripas na ako ng takbo palabas. Nasa bermuda na ako at kakalabas pa lang sa back door nang biglang may humuli sa pulsuhan ko.
I gasped and stopped immediately.
"Pwede ba tayong mag-usap?" halos pabulong na sabi niya.
Pumikit ako ng mariin. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili bago dahan-dahang lumingon sa kaniya.
From my view, I saw his thick brows furrowed in confusion as he looked at his hand holding my arm. His hair added to the appeal of his expression, serious and confused...
He snapped his eyes at me, causing my heart to jump and my breath to stop...
Lumunok ako. "Para saan?"
"I'm sorry..." he said softly.
Umawang ang labi ko at may kaunting hangin na lumabas doon. Saka lang ako bumalik sa paghinga.
My heart rate doubled, my eyes softened, and something he said touched my heart. Pero ang something na iyon ay hindi man lang gumawa ng paraan para patahimikin ang nagwawala kong puso!
Umiling-iling siya, nasa kamay at braso ko pa rin ang tingin. "Nadala kasi ako sa emosyon ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon bigla ang naging trato mo. Dapat inuna ko munang intindihan ka at huwag magtampo..."
My brows furrowed halfway, my forehead creased in annoyance.
"Bakit ganito ka?" I asked harshly.
Doon lang siya ng-angat ng tingin. His eyes were now soft, gazing at me, brows furrowed with waves of confusion.
"I'm sorry-"
"Stop saying sorry for Pete's sake!" tumaas ang boses ko.
Wala akong pakialam kung may makarinig. Wala pa namang lumalabas mula sa back door, hindi ko alam kung saan sila lumabas o dumaan. At wala namang tumawag sa amin. Medyo malayo rin ang pool mula rito.
"Sorry-"
"What the hell, Steban?!"
"Stop cursing..."
"How could I? Bakit ka humihingi ng tawad?" asik ko sabay bawi sa kamay. "Kung tutuusin ay dapat ako ang humingi ng tawad sa'yo!"
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Khloe, this is your time to say sorry, too, pero mas inuna mo pa ang inis mo kaysa magbati kayo! He said sorry already! Kaya nga nakakainis, eh! Bakit siya nagso-sorry na wala naman siyang kasalanan? Ako ang may kasalanan pero bakit siya ang humihingi ng tawad?
Nakakainis dahil ang bait niya! Hindi siya pwedeng maging mabait nalang palagi! Lalo na sa akin!
"Ako ang may mali, Steb! Naiintindihan mo ba? Pero hindi ako humingi ng tawad dahil nahihiya ako sa behavior ko sa'yo at natatakot ako na hindi mo ako patawarin! I was so unreasonable that time!"
"Patatawarin kita lagi."
Damn this...
"Kaya nga! Pero kapag may kasalanan ka lang humingi ng tawad! Hindi iyong ganito!"
Lumalim ang titig niya sa akin. Humakbang siya ng isang beses kaya napasinghap ako at umatras.
"Kaya nga rin, Khloe. Naiintindihan ko na hindi ka humingi ng tawad sa akin. Naghintay ako pero hindi mo ginawa. Pero ayos lang dahil naiintindihan ko."
Umigting ang panga niya. Nanghina naman ako. Do I deserve someone like him? He's always there for me, he's seen my bad side, yet here he is, understanding every unreasonable part of me, accepting my every flaw and ugly side.
"Hindi na kailangan ng eksplenasyon dahil naiintindihan ko. Pero... gusto kong humingi ng tawad dahil ayaw ko na sa ganito, Khloe. Ayaw kong parang hangin ang turing natin sa isa't isa."
It was just a small misunderstanding. Wala akong explanation sa kaniya kung bakit biglang ganoon ang trato ko. Bigla nalang ay naging bastos ako sa kaniya at siya ang pinagbuntungan ko ng galit. Imbes na humingi ako ng tawad ay hindi ko siya pinansin at lumayo pa ako. Tinuring ko siyang parang hangin.
Naghintay siya na kausapin ko pero hindi ko ginawa dahil nalamon ako ng hiya at takot. Pero heto siya ngayon, ang pag-intindi ay napakalaki. Malayo sa maliit naming hindi pagkakaintindihan. Which I found very humbling...
I don't know what to say. His understanding of my behavior is beyond me.
Umawang ang labi ko. I wanted to talk, but I couldn't. The moment I regained my strength to voice out my apology, someone spoke from behind.
"Ma'am Khloe, nandito po sina Sir Miguel at Ma'am Camilla kasama ang Don at Donya!"
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...