CHAPTER 20
What does she mean by that?
Steban will just hurt me? I will just end up being shattered by him? And... just like how his father broke my mother's heart before? Anong ibig sabihin ni Abuela? Anong nangyari noon? Kaya rin ba... mukhang wala nang ugnayan si Mommy at daddy ni Steban ngayon? Kaya ba... hindi na sila magkaibigan?
I was curious and wanted to ask someone who could probably give me an answer. I knew asking Abuela wouldn't be a good idea, so I thought about Nanang. I could ask her, couldn't I?
I was about to do that, but then I remembered Cecille and her situation. Worry flashed through my body like cold water dripping through me. Kaya ang ideyang tanungin si Nanang at ang kuryosidad na kanina ay nasa akin ay biglang naglaho. Umakyat ako sa kwarto at napagdesisyohan na tawagan siya at kumustahin.
"I don't know what to do, Khloe! For sure, they won't delay this! Hindi ko alam kung kailan nila ito ia-announce... but I'm sure it will be very soon! Knowing that... knowing that we're both already of legal age!"
This is insane! Namuhay ang galit ko kay Abuela at sa desisyon nilang ito. Cecille doesn't deserve this! I know that my family is into pragmatic marriage for the sake of our name, power, money, and business. Marami sa mga anak nina Abuelo at Abuela ang nakaranas ng ganoon, at hindi malabong maranasan din iyon ng henerasyon namin ngayon!
But Cecille... no! It's just... hindi ako papayag. Lalo na at si Adam!
Gosh! Ang pangit ng taste ni Abuela!
"Walang pakialam si Abuela sa reputasyon ni Adam, Khloe! Kahit sino pa 'yang ipapakasal nila sa amin... sa atin... basta para sa kompanya..." She sobbed and my heart broke.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. I don't know what to feel, but I'm definitely angry right now! Hindi ito kailanman na-topic namin sa sarili naming pamilya and I guess my parents didn't have plans to marry me off. Damn... I'm turning nineteen next month pero wala naman silang sinabi?
Tapos ngayon na si Cecille... she just turned eighteen last year at malayo pa ang next birthday niya pero na-open na agad ang kasunduang ipakasal siya! At kay Adam pa! That asshole!
"Alam na ba ni Adam?"
"I-I don't know! At wala akong pakialam sa kaniya! Gosh, I... I can't believe this! Noong nakaraan lang, pinipigilan ko iyon na hanapin ka tapos ngayon?" Natawa siya pero puno ng pait ang boses. "How ironic. Besides, I hate him! Walang plano sa buhay si Adam, Khloe! Anong magiging future ko sa kaniya?"
Patuloy si Cecille sa paglabas ng sama ng loob sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi damayan lang siya.
"You had a thing, too! Tapos ngayon... ganito? Gosh! May girl code tayo!"
"We were just playing around, Cecille."
"I know! Pero ayaw ko talaga sa kaniya! Not ever!"
"Abuela thinks I made a fuss about it because I'm bitter. That I still like Adam." I sighed heavily.
Cecille gasped. "Ang gwapo naman niya?"
Hindi nga naman masyadong gwapo! Gwapo pero malalaman mo agad na walang plano sa buhay! Mas gwapo pa nga si Steban kaysa sa kaniya...
Mahigit isang oras ang naging tawag namin ni Cecille. I comforted her and helped her somehow forget about that burden. Kinumusta ko siya at siniguro sa kaniya na magiging okay ang lahat. I wanted her to ask her parents about that... na kung hindi niya gusto... sabihin niya sa parents niya.
Pero wala akong alam sa ganiyan at kung gaano iyan ka importante sa isang pamilya! Kaya... kahit gaano ko pa alam kung gaano siya kamahal ng mga magulang niya bilang nag-iisang anak na babae nila, wala pa ring kasiguraduhan na mapapapayag silang iatras iyon.
And Adam's family agreeing to it? I don't know what to think anymore. Gusto kong magpunta roon para damayan si Cecille. For sure, she's frustrated right now, but I couldn't do anything! I'm here at Santa Praia!
For months, parang gusto ko na ulit umuwi!
Kinagabihan no'n ay sabay pa rin kaming kumain lahat, pero hindi gaya kanina ay hindi na ako sinali nina Abuela sa usapan. Hindi ko alam kung bakit pero seryoso lang silang nag-uusap about business and other stuff. Hindi na rin ako tinignan ni Abuela pagkatapos ng sinabi niya kanina. Wala kaming naging pag-uusap hanggang sa umakyat ulit ako sa kwarto para maghanda na sa pagtulog.
Nawala sa isip ko ang mga planong gawin kanina. Their presence made it so suffocating... and sad. I didn't know that being alone could be happy... until they were here. Somehow, I wanted to be alone again. It's weird, but it's true.
Kaya para mawala ang kakaibang lungkot na nararamdaman, tinawagan ko nalang si Helen. Sabi ko pa naman kanina ay tatawagan ko siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila ngayon o kung busy ba sila pero sumagot naman si Helen pagkatapos ng iilang ring.
"Hi, Khloe! Sorry, nagpa-practice kasi kami kaya natagalan ng sagot..."
Magkasama pala silang lahat dahil may practice for tomorrow. Simba bukas at naisip ko na mas magandang pumunta kaysa... mag-stay dito sa bahay. Kung wala mang balak si Steban na sunduin ko ay pupunta pa rin ako at magpapahatid kay Manong Tope. Basta lang... makaalis ako rito bukas.
"Tapos na kayong mag-practice?" tanong ko.
Nakarinig ako ng mga tawanan sa background. Oo at nandoon silang lahat. Naka-loudspeaker iyon at nakalagay sa isang lamesa, kaya malaya ko silang nakakausap.
"Katatapos lang. Next time, invite ka namin sa practice." Si Van iyon.
"That sounds nice!"
"Tapos gala ulit tayo, guys, please! Gusto ko talagang maligo sa dagat, eh!"
Natahimik silang sandali. Napangiti ako roon pero may lungkot na bumalot sa puso ko. I know... they didn't have fun. Ni hindi pa kami nakapagsimula sa ginagawa at hindi pa nga nakapagsimulang kumain pero dumating ang pamilya ko. They killed the joy. Hanggang sa nakauwi ang mga kaibigan, hindi na talaga natuloy ang swimming.
Tumikhim si Helen. "Sa sususnod... na, Reed. Sa summer! Punta tayo sa isla. Iyong outing talaga ba. Sama natin si Khloe."
I felt sorry for them, but I didn't want them to hear it. Alam ko rin na hindi nila kailangan ng sorry ko dahil baka maaawa lang sila sa akin. What happened earlier was unpredictable and uncontrollable. Walang may kasalanan at walang may gustong mangyari iyon. Walang dapat maawa at walang dapat na humingi ng tawad dahil dala iyon ng ihip ng sitwasyon... at hindi ko naman ginusto iyon.
"Sama ka, Khloe?"
I want to go there with them. I want to experience different things with them. I want to explore Santa Praia and its neighboring places with them. I'm sure it would be a lot of fun.
"Sure. Sabihin niyo lang kung kailan."
"Basta wala munang balikan sa Maynila, ah?"
Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa nagdesisyon na silang umuwi. Kinailangan na ibaba ang tawag para makauwi na sila. Ako naman ay bumaba sandali para ipagtimpla ng gatas ang sarili. Wala nang tao sa baba at dim na ang lights. Anong oras na rin iyon at paniguradong pagod ang lahat kaya pagkatapos kong magtimpla, umakyat na rin ako ulit.
Pagkarating sa kwarto ay ininom ko muna ang gatas habang nagbabasa ng libro for beauty and fashion. May nakita akong dress doon na sa palagay ko ay mayroon ako at natipuhan ko namang suotin bukas kaya pagkatapos inumin ang gatas ay hinanap ko iyon. Hinanda ko ang susuotin bukas at iyon ang pinagkaabalahan ko bago bumalik sa kama.
I glanced at my phone on the bedside table and remembered something. I picked it up and dialed Steban's number.
Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya ito. Napangiti ako.
"You called..." bungad niya.
Humiga ako at pumasok sa kumot. Tumagilid ako at ginawang unan ang kaliwang braso habang ang isa ay nasa tainga. May ngiti pa rin sa labi.
"Hmm? Akala mo hindi?"
He sighed on the other line. "Oo. Akala ko hindi na..."
"Bakit naman?"
"You already called earlier."
His voice was low and a bit husky, like he was tired and sleepy, but still pleasant to listen to. It was soothing... And somehow, everything that happened today with my family just vanished into thin air. I felt better.
Bumuntong hininga ako sa naramdaman. "I promised I'll call."
"Oh, yeah? Does this mean you called Reed and the others, too?"
"Of course, not!" Natawa ako. "Tinawagan ko na sila kanina."
He hummed and we both went quiet. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napapikit ng mariin nang may napagtanto. Nandoon din naman siya kanina at nakisali sa usapan kaya bakit ko pa siya tinawagan ngayon? Eh, pareho lang naman sila nina Reed...
"Mas mabuting magpahinga ka na, Khloe."
Ngumuso ako. Ayaw ko pa... pero sabi niya kaya... sige na nga!
"Fine," nakangusong sabi ko, ayaw pa sana pero wala nang magagawa.
"Susunduin kita bukas."
Lumiwanag ang mukha ko dahil doon. Napangiti ako at napatihaya.
"Talaga?" Bakas ang saya ang boses ko pero wala na akong pakialam.
"Uh-huh. Bakit ang saya mo yata?" Natawa siya at bumuntong hininga. Narinig kong gumalaw siya at may umuga.
"Are you already in bed?"
"Yes..."
"You should rest, too."
"Sagutin mo muna ang tanong ko."
Natawa ako ng mahina. Akala ko ba dapat na akong magpahinga? Anong nangyari roon?
Pigil ngiti akong tumikhim. "Kasi ho... kung hindi mo ako susunduin bukas, magpapahatid ako kay Manong Tope... o sa ibang driver namin na hindi busy."
"Tss."
Nagtaka ako roon. "Oh, bakit?"
"Susunduin kita bukas."
"Kaya nga, Steban."
I thought of him meeting my family again. Sana hindi sila magkita ni Abuela pero alam kong malabo iyon. Ayaw ko sana na magkita sila dahil baka masira na naman ang araw ko pero... ayaw ko namang hindi ako sunduin ni Steban! Hindi ko alam!
Bumuntong hininga ako. Walang nagsalita sa amin pagkatapos no'n. Pero wala rin namang pumutol sa tawag. Pinakiramdaman ko ang paghinga niya at mukhang hindi pa naman siya tulog.
"Steban?"
It took him seconds to answer. "Hmm?"
"Baka magkita ulit kayo ni Abuela bukas..."
"And?"
Nakagat ko ang labi. "Ayaw kong magsalita na naman siya ng masama sa inyo."
It felt normal to tell Steban about these things. Hindi awkward at pakiramdam ko, kapag sinabi ko sa kaniya, alam niya kung ano ang dapat gawin. At ako naman, walang pagdadalawang-isip na susunod.
"It's okay, Khloe. I understand her. Siguro... hindi lang siya sanay sa mga tao rito kaya hindi pa siya ganoong nagtitiwala. Hindi niya kami kilala kaya naiintindihan ko ang naging tungo niya."
Ngumuso ako. Eh, lahat naman naiintindihan mo!
"Kung bukas ay makita ko man sila, ganoon pa rin." Natawa siya kaya nagtaka ako. "Unless you want me to pick a fight with her?"
"What?!"
Humalakhak siya.
"Steban!"
"I was just joking!"
"It's not funny!"
Pero as expected, mas lumakas pa ang tawa niya. Hindi ko alam ang trip ng lalaking ito minsan. Parang kasiyahan yata niyang inisin ako sa mga pang-aasar niya.
"Wala kang kaya kay Abuela."
"I won't fight, though..."
"Hindi na iyon matatawag na fight, kung ganoon!"
He went silent for a while. Busangot naman ang mukha ko pero hindi rin ako nagsalita.
My heart... I couldn't understand it, anymore. Masyado akong naging komportable na kausap si Steban na nakalimutan kong kakabati pa pala namin! Pati nga ang mga nangyari kanina habang kumakain kami kasama ng pamilya ko ay nawala na rin sa isip ko. Lahat... nawala. Parang, ito nalang ang natira sa mundo ko. At sa palagay ko ay hindi na rin naman ako hihiling o hihingi pa ng iba, bukod dito. It felt so peaceful that if I were given a chance to experience this peace again, I would trade everything just to have it.
"Khloe..."
"Steban?" I equaled his soft and gentle voice.
Hindi siya nagsalita. Nanatiling tahimik at tanging pahinga niya lang ang naririnig ko. Oo... paghinga niya lang dahil hindi na pala ako humihinga. Sana lang hindi niya naririnig ang lakas ng kabog ng puso ko.
"What is it?" tanong ko ulit dahil hindi siya sumagot.
Bumuntong hininga siya. Ang bigat no'n na pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi dahil may pumipigil sa kaniya.
"Wala..."
That was when I realized he had.
Nakatulugan namin ang tawag. Kinaumagahan ay nagulat pa ako dahil naka-on pa rin ito at... oh my gosh! Almost nine hours and duration, no'n!
Hindi ko kasi matandaan na pinatay ko ang tawag hanggang sa lamunin na ako ng antok. Hindi na rin kasi kami nag-usap ni Steban at dinama nalang ang katahimikan.
Nang nagising ako ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. Sa kabilang linya ay nakarinig ako ng tunog ng shower at tinawag ko pa siya ng isang beses pero hindi na ito sumagot kaya pinatay ko.
Nahiya ba akong hindi namin napatay ang tawag kagabi? What if he heard me snoring? Well, I don't snore, so... I smirked.
I wore a black short-sleeved women's t-shirt with a Mandarin collar and contrasting white bow-knot decoration. It was a slim-fit top, paired with a pleated layered skirt and white pointed toe heels with ankle strap. I left my black hair down; my curtain bangs suited my outfit perfectly. Grabbing my black Chanel handbag, I was ready to go.
Nang bumaba ako sa hagdan ay nadatnan ko na ang pamilya kong kumakain ng umagahan. I sighed before approaching them. Nanang Emy immediately noticed me and signaled for me to sit beside Mommy. I followed her instructions without looking at anyone else but Nanang Emy.
A maid served me juice. Once everything was settled, I started eating quietly. Tahimik lang ako dahil ganoon lang naman din sila. Walang nagsalita na ikinataka ko pero hindi na ako nagsalita pa.
My eyes accidentally met Abuela's. In that moment, I saw shock in her gaze as she looked at me. Napalitan din naman iyon ng mataray na tingin bago ako hindi pinansin na parang hindi kami nagkatinginan. I sighed heavily.
"It's inappropriate to sigh while you're eating," Abuelo said, breaking the silence.
"I'm sorry, Abuelo."
"Where are you going? Bihis na bihis ka yata?" Nilingon ko si Mommy nang nagtanong ito.
Binalik ko muna sa pagkain ang tingin bago sumagot. "I'm going to chuch."
Sinulyapan ko si Mommy. I saw how shocked she was, but there was a small smile on her face. Dad, on the other hand, stopped eating but didn't bother to look at me.
"With whom?" Abuela asked.
Nagdalawang-isip pa ako bago sumagot, pero wala naman akong nakikitang masama sa gagawin ko kaya sinabi ko ang totoo sa kanila.
"With Steban, Abuela. We've been doing that for how many Sundays already."
"Just you two??!"
Her eyes nearly popped out, while I remained poker-faced.
"Of course not. Kasama ko silang lahat na nagpunta dito kahapon."
Silence enveloped the dining room, and all I heard were kitchen utensils quietly clashing against each other. It was definitely awkward! Pero sa isang katulad ko na ini-expect nang magiging ganito ang bawat meal ko dahil andito sila, hindi na ako nagulat pa. Kung hindi masasakit na salita ang natatanggaap ko, ganitong awkwardness naman. Hindi ko alam kung alin ang mas maganda.
"Susunduin ka ba ni Steban dito?"
"Yes, Mom..."
"Good to know, honey. Take care."
Tumango ako at tipid na ngumiti sa sinabi ni Mommy. Anong ire-react ko? Magiging masaya ba ako na ganito ang sinabi ni Mommy? Masaya naman. Pero awkward pa rin. Of course, nandito si Abuela. Kahapon lang, halos sabihin na niya sa buong mukha namin kung gaano niya ka hindi gusto ang mga kaibigan ko. Tapos ngayon, pinag-uusapan namin na parang hindi nangyari kaahapon... at ganito pa si Mommy?
You should be thankful they let you, Khloe. Knowing Abuela, she wouldn't hesitate saying no kapag hindi niya talaga gusto. Pero para namang hindi ako gagawa ng sarili kong paraan para magawa ang gusto ko.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na Daddy at Abuelo sa office ni Daddy dito sa mansyon. Hindi ko alam kung sumama si Mommy sa kanila pero si Abuela ay bumalik sa kwarto nila ni Abuelo. She looked so bored that I wished she would want to go back to Manila already. Hindi naman siya magtatagal dito lalo at wala ang kaniyang mga amiga.
Nasa kwarto ako at para ayusin pang muli ang sarili nang may kumatokk. Bumukas ito at isang kasambahay ang dumungaw ang ulo.
"Ma'am, nandito na po si Sir Steban..."
I smiled at her and stood up. Mukhang nagulat pa siya sa masaya kong galaw kaya agad nitong binuksan ng malaki ang pinto para makadaan ako. Iniwan ko na siya at nauna nang bumaba at nagtungo sa double doors.
Binuksan iyon ng dalawang kasambahay. I expected to see Steban waiting for me, leaning on the hood of his car, but what I saw startled me.
"Abuelo?"
Umawang ang labi ko at hindi natuloy ang paglalakad. Sino bang hindi magugulat, e, nakita ko ngayon si Steban na kausap si Abuelo! Hindi sa nag-iisip ako ng masama tungkol kay Abuelo dahil madalas naman siyang walang pakialam sa buhay ko, at sa kanilang dalawa ni Abuela, si Abuela ang praning. Pero, hindi ko pa rin mapigilan ang gulat!
"W-What are you doing here? I thought... you were at the office... with Daddy?"
Bumaling silang dalawa sa akin. Nakatalikod kasi si Abuelo sa akin kanina at ngayon ay pareho na silang nakaharap dalawa sa akin.
Nagkatinginan kami ni Steban at binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Kumalabog ang puso ko roon. Tipid? Bakit tipid?! Anong sinabi ni Abuelo?!
Abuelo remained emotionless despite my shocked reaction.
"I was. And then I decided to go downstairs and visit your grandparents' garden. That's when I saw him coming," Abuelo explained.
Dahan-dahan akong tumango. Nilingon muli ni Abuelo si Steban at tinanguan ito. Seryoso lang siya, normal na expression ng kaniyang mukha... parang ang weird lang na makita si Abuelo dito.
"You should get going now."
Doon pa lang ako nabalik sa sarili at nagsimula nang maglakad papalapit sa kanila. Abuelo then made way for me to stand beside Steban. I looked at my grandfather once again.
"Alis na po kami..."
"About your grandmother," he said nonchalantly. "You know why she behaved like that."
Sumulyap muna si Abuelo kay Steban bago ito tuluyang tumalikod sa amin at naglakad na, sinundan ang isang kapitbahay na siguro ay maghahatid sa kaniya sa garden ng mansyon. Well, oo nga at kina Lola at Lolo iyon na parents ni Mommy, because they both liked plants, pero dahil nasa ibang bansa na sila ngayon, ang mga kasambahay nalang ang nag-aalaga no'n.
Sinundan namin siya ng tingin ni Steban. Napabuntong hininga nalang ako. I know. Abuela didn't behave like that because she hates me or my friends so much. She behaved like that because she hated everything she saw. She despises Santa Praia—not for any profound reason, but because it doesn't meet her standards. My Abuela isn't accustomed to living like this.
Laking siyudad, mayaman, lahat ng gusto ay naibibigay, maagang namulat sa negosyo at pag-aasawa, at hindi kailanman nakaranas ng buhay rito, kahit matiwasay pa rin naman ang buhay rito.
She felt superior to us, and she used that superiority to look down on us, to speak ill of us... and of my life here. Ganoon lang talaga ang gustong ipahiwatig ni Abuelo. Bukod sa... madalas ay hindi talaga kami nagkakaintindihan ni Abuela, ganoon ang naging asal niya kahapon dahil... ayaw niya rito in general.
I know that. She's very different at parties with the elites. She behaves with elegance and finesse, even in the presence of people she's despised her entire life. Being here... she detested the idea of it. That's all.
"Let's go?" Steban spoke beside me.
Doon lang ako napalingon sa kaniya. Somehow, I wanted to laugh. Hindi ko naman sinabi sa kaniya kung ano ang susuotin ko pero bakit parang pinag-usapan namin iyon?
He was dressed in a black undershirt and a white button-down long-sleeve shirt, all buttons undone, paired with dark pants and sneakers. His sleeves were rolled up to his elbows, revealing an IWC Schaffhausen leather watch on his wrist. His hair was styled in a brushed-up curtain style, giving it a slightly messy yet shiny appearance. Despite his somewhat disheveled appearance, he looked fresh and somehow clean.
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...