Chapter 22

5 1 0
                                    

CHAPTER 22

I'm the happiest.

The feeling of floating in joy. Bliss that feels like finally grasping what you've long yearned for. Something you've deeply desired, craved to feel. A sensation once deemed impossible is now coursing through you.It felt so surreal. I didn't want to lose this feeling.

I often thought it wasn't a good idea to stray from the life I knew, from the place where I became myself. It seemed like a bad idea back then. But now, I've realized... there are things in our lives that we don't want to happen, and don't want to arrive, yet their beauty surpasses our expectations.


It is indeed my birthday. 

Ni hindi ko matandaan iyon. Hindi naman sa hindi ko iyon ipinagdiriwang, sadyang nawala lang sa isip ko. Noon kasi, nakasanayan kong lumabas kasama ng mga kaibigan ko ay mag-party sa umaga, at sa gabi naman ay formal na party kasama ang pamilya at iilang mga kakilala nila sa negosyo, at mga mayayamang pamilya.

Noon, kung papipiliin ko, mas gusto kong ipagdiwang ang kaarawan ko kasama ang mga kaibigan ko. Kapag sila ang kasama ko, pakiramdam ko malayo akong gawin lahat ng gusto ko. Unlike when I'm with my family where I need to be perfect and pleasing in their eyes and in front of our wealthy guests.

When I'm with my friends, we drink at expensive bars or go to one of their houses to party and do whatever we want. Kissing, drinking, vices, everything that we want. We were free to do all those things.

Akala ko iyon lang ang kasiyahan na pwede kong maramdaman. Ano ba ang kasiyahan na dala ng pamilya ko sa akin? Regalo ni Mommy? Dinner namin na si Mommy lang ang nagsasalita at tila'y nagmamadali pang kumain si Daddy? Pormal na bati niya sa akin? Ang pagiging walang pakialam ng mga pinsan ko at lolo at lola ko?

Sa huli, si Cecillle at mga kaibigan lang naman namin sa school ang kasama namin. In the end, Cecille is still the one with me. So I didn't know that... there could be even more joy for me. More than what I felt back then.

O, mayroon nga ba? O sinasabi ko lang na masaya ako pero ang totoo, uhaw ako sa totoong kasiyahan? Kasi ngayon... parang bago lahat.

Iyong pakiramdam. Sobrang saya ko na hindi ko maipaliwanag gaano ako kasaya. Basta masaya ako.

My friends greeted me. I couldn't go back to sleep after listening to the song that Steban sent to me. I listened to it repeatedly, but it seems I won't get tired of it.

In the morning, Cecille called. Our conversation continued until I finished getting ready. She just greeted me and updated me on her situation there. Abuela or Adam's family haven't made any moves regarding Cecille and him yet. Sinubukan din ni Cecille na sabihin sa kaniyang mga magulang ang opinyon niya sa kanilang dalawa ni Adam pero mukhang buo na ang desisyon nila.

"I can't believe it..." I gasped.

"Pero don't worry about me, okay? Ayos lang ako, Khloe. Ngayon, focus muna tayo sa'yo dahil araw mo ngayon!"

Kung hindi pa ako tinawag ni Nanang para sabihan na aalis na kami ay hindi matitigil ang usapan namin ni Cecille. Habang paparating naman sa school at nireply-an ko ang mga kaibigan na bumati sa akin. 

Kahit si Cyan at Rev na kailanman ay hindi ko nakausap sa text ay nag-message sa akin. 

Si Nanang naman ay dinamihan ang luto kanina at puro paborito ko iyon. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman at kung saan siya bumili ng ingredients pero kuhang-kuha niya ang lasa sa mga nakasanayan kong pagkain.

Maging ang mga kasamabahay ay bumati sa akin noong kumain ako. Mas naging espesyal ang kanilang pagsilbi sa akin na na-appreciate ko naman.

Kahit noong paalis ako ay hinawakan ni Nanang ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang ilong ko. Imbes na magreklamo ay nilukot ko ang ilong ko at ngumiti sa kaniya.

"Mamaya pag-uwi mo na ang regalo mo. Mahal kita..."

My heart warmed at what she said. I hugged her tightly, grateful for all her kindness to me.

"Mahal din kita, Nay..."

I saw how the smile faded from Nanang's lips and tears welled up in her eyes. Pinanggigilan niya pa ako ng isang beses bago pinakawalan.

Habang nasa biyahe ay mahina lang ang pagpapatakbo ni Manong Tope. Busy ako sa cell phone para mag-reply sa mga text ni Reed at Van ang iingay sa inbox ko. Nagtaka nalang ako nang biglang may iniabot sa akin si Manong Tope.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero bumaba rin agad ang mga mata sa iniabot niya. Isang maliit na kulay pink na box.

Tumikhim si Manong Tope. "Kung hindi mo alam, naging mangingisda ako noong kabataan at mahilig akong mangolekta ng mga kabibe. Tinuturing ko silang kayamanan at mahal ko sila."

Nakangiti pero kumunot ang noo ko. Hinawakan ko ang box at dahan-dahang binuksan ito. Napasinghap ako sa nakita. Isang bracelet! Gawa sa kabibe!

"Huwag kang mag-alala, Kham-Kham! Matibay 'yan. Pinagawa ko sa nag-aayos ng mga alahas doon sa Barrio, sabi ko tibayan nila at dapat iyong hindi kakalawangin. Kasi... baka mapili ka sa alahas." Mahinang natawa si Manong Tope at sumulyap na sa akin sa rear view mirror ngayon.

Parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko mahanap ang tamang salita.

"Baka iniisip mo na kakalawangin 'yan agad, sabi noong gumawa, hindi raw. Binigyan ko nga ng tip, eh."

I couldn't help but laugh, but tears slowly formed in my eyes. Pinigilan ko agad iyon dahil baka masira ang makeup ko.

But perhaps, in your overwhelming happiness, you'll do things you never thought you could do.

I reached out to Manong Tope and hugged him. Since I was in the backseat, I wrapped my arms around his shoulders and buried my face in his right shoulder. He seemed startled by that. Before he could react, I had already moved away.

I smiled broadly at him. I took the bracelet from the box and examined it. Shells of various shapes and colors: white, beige, pink, and sky blue, arranged around a silver circle. It also had a clasp. Ang ganda...

Sinuot ko iyon. Tinignan ko si Manong Tope sa pamamagitan ng rear view mirror at nakitang nakaabang siya sa akin, may malaking ngiti sa labi, ang mga mata'y may wrinkles na sa gilid, palatandaan na matanda na si Manong.

"Salamat po. Hindi ko huhubarin ito."

Ang saya, 'no? Iyong tipong wala ka nang hihilingin pa. May kulang pero... sapat na itong ngayon. Ang saya ng kaarawan ko ngayon.

May gusto pa ba ako? Siyempre. Hinihintay ko pa. Pero sa ngayon, sapat na ito.

When we reached the front of the campus, I got off. I bid Manong goodbye briefly before entering the gate. Kaso lang, nakaabang pala ang mga kaibigan ko sa akin sa labas pala ng campus. May convinient store kasi sa tapat. Papasok na sana ako nang narinig ko ang tawag nila.

"Khloe!" si Reed iyon.

Hinarap ko kung nasaan sila. Kumunot ang noo ko. They were about to cross the pedestrian lane, jumping and holding hands—Reed, Van, and Helen heading towards it. Cyan carried Helen's other belongings, while Rev seemed perplexed, keeping his head down as if to avoid being embarrassed by them. Steban was at the back, holding a phone to record a video.

Natawa ako at hinintay na lumapit sila. Maraming sasakyan na paparating at napapahinto dahil sa ginawa nila.

Nang nakalapit ay halos sumampa na sa akin si Reed at Van dahil sa yakap nila, sabay pa talaga. Walang hirap silang hinawi ni Helen saka ako niyakap.

"Yakap nalang muna, Khloe. Sabi mo kasi ayaw mong malaman ng iba na birthday mo," ani Reed nang nakabitaw na sila.

"Kanina pa gustong sumigaw si Reed, eh," it was Helen.

Van pointed Reed. "Plano sana kasi nito kanina na sabay-sabay kaming sumigaw ng happy birthday para marinig ng lahat."

Umirap ako pero may ngiti sa labi. "Subukan niyo lang."

"Hindi mo kasi ako tinext na bawal pala!"

Nasulyapan ko ang tatlo sa likod. Si Rev ay nakikinig lang pero may tipid na ngiti sa labi, si Cyan ay nakatingin sa akin, at si Steban na naka-video pa rin.

I held my gaze on Steban, who now had his camera aimed at me. He had a big smile on his face, seemingly unaware that I was also looking at him and what he was doing.

I pointed at him but kept my eyes on Helen. "So you hired a cameraman?"

Tinulak ni Van si Reed at sabay nilang natawa. Pati si Helen ay nadamay kaya natawa nalang din ito.

I returned my gaze to Steban. I caught him laughing. After a moment, his eyes widened, and he shifted his gaze to me, gradually lowering the phone he was holding.

I grinned. "Are you done with your work?"

Sumipol si Reed. Tinignan ko silang tatlo na hindi bumati sa akin at humalukipkip ako.

"Hindi niyo ako babatiin?"

Tahimik sina Reed sa gilid pero may mga hagikhik akong naririnig. Nagtaas naman ako ng kilay sa tatlo. Una kong tinignan si Rev.

Sa huli, nilabas niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa at lumapit sa akin habang nahakanda na sa yakap.

Ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ni Rev kaya natigilan ako. Lalo na nang niyakap niya ako! Hinimas niya sandali, at mabaaw lang, ang likod ko bago ako pinakawalan.

"Happy birthday, princess."

Ngumuso ako. "Iyan ang gusto ko."

"Hoy, Rebel! Layo na!" angal ni Reed at pinaglayu pa kami ni Rev. "Respect, okay?"

"Khloe," Cyan suddenly called, causing me to face him. It seemed... he didn't intend to hug. He was carrying two paper bags from Helen that looked like projects. "Happy birthday..."

I smiled. It felt like my heart melted. Cyan smiled back at me, not a cold or formal smile, but a genuine one.

"At sorry sa mga nagawa at nasabi ko sa'yo noon."

"Asus, late ka na, Cyan," epal na naman ni Reed.

"Guys!" Van suddenly called out. We looked at him, and he was staring at his watch, his eyes wide. "Five minutes nalang, first period na!"

"Ha?!"

"Sabi sa inyo sa lunch na sana ang greetings, eh!" huling sambit ni Reed bago naunang tumakbo na sinundan ni Van.

Nagtakbuhan agad sila. Nagulat pa ako dahil pati si Rev at Cyan at tumakbo! Kukuhanin sana ni Helen ang mga paper bag kay Cyan pero inilag niya ito at inunahan sa pagtakbo ang pinsan!

I licked my lips and hesitated whether to follow them or not. Before I could move, someone suddenly grabbed my wrist. I looked to see who it was.

Si Steban. He placed something in my pocket and hung earphones around my ears. His face was close, and I couldn't move or look away in time. Everything happened so fast that I couldn't react! Suddenly, my heart skipped a beat, and then...

Nakangiti siya sa akin at tumango ng isang beses. "Don't worry, hindi natin sisirain ang makeup mo."

Nanlaki ang mga mata ko at namilog ang labi nang bigla niya akong hinila para sa mabilis na takbo.

"Steban!" I shouted in shock.

Nilingon niya ako at humalakhak siya, tumatakbo pa rin kami. 

"Pakinggan mo nalang 'yong music!"

I did as he said while we were still running. I looked at the ground and started listening to the song. I first heard the strumming of the guitar, then the drums kicked in, and finally only the faint guitar remained as the intro began.

Fallen MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon