CHAPTER 14
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot pagkatapos marinig ang sinabi ni Steban na hanggang ngayon ay hindi maalis-alis sa isipan ko. Does God have a purpose for why He sent me here to meet them? What could His purpose be? Of course, ang parusahan ako sa lahat ng kabulastugan na ginawa ko buhay dati pa.
Maybe He wanted me to learn, okay, that's given. But His purpose for letting me meet Steban and his friends is beyond me. At ayaw kong isipin! Mas mabuting mag-look forward nalang kung ano pa nga ba ang dapat kong gawin para tuluyang makumbinse si Daddy na ibalik na ako sa Manila.
I belong there! Hindi rito sa probinsyang ito na hindi naman nababagay sa akin. Hindi rito sa lugar na ito kung saan nakakahalubilo ako ng mga taong hindi dapat makapasok sa buhay ko.
I'm different from them. I don't belong here. Oo at hindi ko makumbinse si Daddy sa pamamagitan ng pagmamakaawa, kaya kailangan na ipakita ko sa kaniya na kahit kaunti ay may pagbabago naman ako. Pero tatanggapin niya ba iyon?
Alangan baguhin ko lahat ng mga nakasanayan ko? Surely, ang ayaw lang naman ng Daddy ay ang pagrerebelde ko at pagpapahiya sa pangalan ng mga Monzon. Hindi ang paggastos hanggang sa gusto ko at makihalubilo sa iba. That's what he wants, and I'd do that just to go back to the place where I truly belong.
Hanggang sa pagkain ng hapunan ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Steban. Hindi ko alam kung bakit apektado ako gayong dapat ay baliwalain ko nalang iyon at mag-focus sa kung ano talaga ang buhay ko. My requests came earlier this afternoon and I was beyond happy. Tatawagan ko sana si Mommy kanina para makapagpasalamat at i-inform siya na natanggap ko na pero masyado silang busy.
Kaya ngayong kumakain ako ay nagdesisyon akong gawin iyon. Mabuti naman at sumagot na si Mommy.
"Thank you for those, Mom! I'm so happy..."
I heard her chuckle on the other end of the line. "Just don't tell your dad how many I brought. He knew I gave you your necessities, pero hindi iyong mga personal na requests mo, Khloe!"
Ako naman ngayon ang natawa. Mommy understands me. Kahit noon pa. I wonder if she's like me when she was a kid that's why she understands me the most, o talagang mahal lang niya ako at hindi matanggihan? Either that, I love Mommy for being like this.
I may be lonely because they were always busy, pero alam ko namang sa kanilang dalawa ay si Mommy lagi ang sumasagot sa mga whims ko.
Ang daming designer clothes na binigay si Mommy, even shoes! Pwede na talaga akong mag-collection dito sa kwarto. Kulang na yata ang size nitong walk-in closet ko kung manghihingi pa ako ng panibagong batch! Mommy even brought new nail care products, the ones I love! Even make-ups!
Kaya sa gabing iyon, binago ko na naman ang kulay ng kuko ko kahit kakapalit ko lang nito. I even added shinny decors. It looked so glittery and I loved it!
My days in school were tiring. Marami kaming mga gawain pero parang naging cycle lang iyon. Kailangang mag-aral para sa quizzes and recitations, tapos gagawa ng research, at iba pang mga activities. Hindi ako sanay sa ganito dahil hindi naman ganito ka-stressing noon sa school ko... o dahil ay pinapagawa naman ako, pero ngayon, wala dahil ako lahat!
Kung sana nandito lang iyong mga inaalipin ko sa dati kong school noon. Iyong mga nerd na walang magawa kapag hawak mo na sa leeg? Dito, pwede naman ako maghanap. Pero naisip ko, hindi ko sila kilala at baka anong gawin sa akin! Probinsya ito at baka akalain ko mang nerd ay mangkukulam pala!
Nasa canteen ako at bumubili ng makakain. Pasalamat nalang talaga ako at hindi gaanong marami ang bumibili sa stall kung saan ako bumibili dahil mahal nga ang presyo kaya hindi masikip. Nang natapos nang bumili ay tahimik kong tinahak ang daan patungo sa lamesa, only to be called out.
"Khloe!" Kilala ko agad kaninong boses iyon.
Nakalampas na ako sa table nila. Dahil tinawag na ako at bastos naman kung hindi ko pansinin dahil nagpansinan lang kami kahapon, wala akong choice kung hindi ang balingan sila.
Apat sila sa kanilang lamesa. Maayos ang pagkakasuot ng uniform at kumakain din ng lunch. Reed and Van were grinning at me, with Van even waving his hand. Steban was staring at me with an unreadable expression, while Helen simply smiled at me.
It was Reed who called me.
"Sabay ka na sa aming kumain," Van said with a huge smile on his face.
I smiled at him and shook my head. "No, thank you. I have a table."
Tumalikod na ako at hindi sila pinansin. Nang nakarating sa table ay sinadya kong maupo sa upuan na nakatalikod sa kanila para hindi sila makita. I ate peacefully... and only to be bothered by my thoughts...
Was I affected of what Steban said? Siyempre hindi. At bakit naman?
Akala ko talaga tatantanan ako ng grupo nila. Pero parang iba na ang tingin nila sa akin simula noong sumama ako sa kanila sa pagsisimba! For Pete's sake, kabayaran lang iyon dahil sa nangyari kay Steban. Hindi na mauulit! Pero... iba yata sa kanila!
"Khloe, sabay ka sa aming mag-lunch mamaya, ah?" paalala ni Reed nang wala pa ang last subject namin sa araw na ito.
"I want to eat peacefully, Reed."
"Huh? Eh, peaceful naman kami kung kumain."
Inirapan ko siya. "I doubt that."
Alam ko kung gaano sila kagulo lalo na kung kasama niya si Van. I mean... okay lang naman sa akin ang maingay... pero hindi sila.
Gosh! What's happening to me? Baka isipin nila ang weird ko! Ang ayos lang namin sa isa't isa last time tapos ngayon...
Is it because of what Steban said?
Gusto kong tadayakan ang utak ko sa mga ini-insist niyang rason! Damn it! Tumahimik ka nga, brain!
Dumating na ang last subject namin kaya hindi na ako nakulit ni Reed. Plano ko na kapag natapos ang klase ay aalis ako agad at nang hindi niya ako makausap at hayaan nalang. Ayaw ko talagang sumabay sa kanila. Ayaw kong maging malapit sa kanila. Hindi ko naman sila kailangan sa buhay ko.
Damn this...
I was walking down the stairs when I saw Steban walking in my direction. Magkakasalubong kami. Hindi ko tuloy mapigilang tignan siya dahil sa ayos niya. His hair was tied up. Nakasuot ng glasses at laboratory gown. Ang tagal ko siyang hindi nakitang nakaganito. Hindi ako makapaniwala na namamangha ako ngayon!
He was holding a pile of papers at nakatingin lang doon. Kaya naman kunot ang noo niya nang nag-angat ng tingin. Agad akong nag-iwas kasabay ng pagtalon ng puso ko.
I pretended not to see him, but he wouldn't let the interaction pass.
"Hey," he called.
Nagkunwari akong nagulat nang nakita siya. Best actress award goes to me!
"Steban? Ikaw pala!" I laughed. Medyo OA iyon kaya tinigil ko agad.
"Yeah. Saan ka?"
Tinuro ko ang daanan saka doon na tumingin. He was looking at me like he's reading my mind! Ang tindi kung tumitig at nakakailang. Hindi naman sa masamang paraan. Pero alam mong hindi mo siya pwedeng tignan pabalik dahil alam mong sa oras na ginawa mo iyon ay mababasa niya ang nasa isip mo sa likod ng salamin niyang suot.
"Pababa na? Kakain."
"Reed said he invited you. Why did you decline?"
"Huh?"
Doon ko na siya natignan na pinagsisihan ko naman. I blinked twice, and my mind went blank. He was breathtaking up close. Ang mga mata'y kay raming emosyon ang pinapakita to the point na hindi mo na mabasa. He was serious, yet his gaze pierced into my soul. His lab coat and glasses added to his appeal. He's tall, that's for sure. His broad shoulders were emphasized by the lab coat! Ang tangos ng kaniyang ilong ay mas nadepina dahil sa suot na salamin. Aksidenteng bumaba ang tingin ko sa mamasa-masa niyang mga labi.
God... what am I thinking?
"Are you avoiding us?" tanong niya bigla na nakapagpagising sa akin.
"Huh?"
Bigla niyang hinawakan sa isang kamay lamang ang pile ng papel na dala kanina. The veins on his arms protruded. Nag-angat muli ako ng tingin.
"Did you get uncomfortable after what I said in the car?"
"Uh..."
He licked his lower lip and took a step forward. Walang tao sa hallway. I suddenly wish na mayroong dumaan!
"I'm sorry for making you uncomfortable. I didn't mean it."
Umiling ako at ngumiti. "Hindi naman..."
"You're avoiding us. I've been carefully observing your actions..."
"Steban," I stopped him.
Ngumiti siya sa akin. "I'm sorry."
"Hindi ako uncomfortable."
"Pero bakit ka umiiwas? Sa amin ba... o sa akin lang?"
"What are you saying?"
Hindi ko mapigilan ang matawa. Pero deep inside, I was nervous. Kinakabahan dahil alam kong tama siya! I got uncomfortable. Hindi dahil pangit ang sinabi niya, pero dahil apektado ako roon!
No, Steban. Walang plano ang Diyos bakit tayo nagkakilala. Punishment ko na mapunta rito dahil sa mga kagagawan ko. At kayo, props lang kayo para roon. Don't make this encounter a special one dahil hindi! At aalis ako kaya dapat hindi kayo maging malapit sa akin... o hindi niyo isipin na gawa ng tadhana ito, dahil hindi!
"Kung umiiwas ka sa akin, ayos lang. Pero gusto ko pa ring humingi ng tawad." Yumuko siya at inayos ang mga papel na dala saka ngumiti.
Nang nag-angat siya ng tingin sa akin ay nakangiti pa rin... but there's something wrong. Hindi ko alam kung bakit...
"Gustong-gusto ni Reed na makasama ka. Ewan bakit. Tapos si Van, gusto ring makilala ka, pati si Helen. Sana huwag mong ilayo ang sarili mo sa taong gustong mapalapit sa'yo, Khloe..."
Again, his words penetrated me. It was like a virus consuming every part of me. Not just my heart and mind... but also my soul.
Nakaramdam ako ng inis. Bakit siya ganoon makapagsalita? Kilala ba niya ako at alam niya ba ang iniisip ko? Hindi naman ah, kaya bakit ganoon nalang siya makapagsalita? Na parang kilalang-kilala niya ako?
I hate it even more because I cannot deny the fact that he was right in some respects. Hindi ko alam kung bakit pero natamaan ako sa sinabi niya. Kailangan talagang mawala si Steban sa isipan ko.
Sa nagdaang araw ay ginugol ko ang sarili sa mga gawain. Sa school ay gumawa ako ng research paper namin kasama ng mga kagrupo, though mas gusto ko na ako lang dahil hindi rin naman namin gusto ang isa't isa. Reed kept on talking to me. Inaaya niya pa rin ako pero tumatanggi ako hindi dahil ayaw ko lang kung hindi dahil busy talaga ako.
Pagdating naman sa bahay ay winiwili ko ang sarili. Kahit boring ay wala naman akong magawa.
"Walang mall dito para makapag-shopping, Cecille!" rant ko sa pinsan isang gabi nang tumawag ito.
"Edi mag-swimming ka. You like swimming!"
"I swear, kung pwedeng lunurin ko na ang sarili ko ay ginawa ko na. Alangan namang whole day ako mag-swimming? Mangingitim ako!"
Humalakhak siya sa kabilang linya. "Ewan ko sa'yo, Khamile!"
"I miss you, C. Hindi na nga tayo nakakapag-shopping! Gosh, this is torture. Hindi ko gusto itong ganito na sa phone lang tayo nag-uusap!"
"Yes, kasi kung sa personal, alam kong sasabunutan mo ako sa tuwing kinukwento mo sa akin si Cyan!"
Napalabi ako. Sa linggong ito ay wala kaming interaksyon ni Cyan. Palagay ko ay busy siya. Hindi ko siya nakikitang kasabayan ang mga kaibigan.
"Busy siya this week..."
"Miss mo?"
Umirap ako. Kailan ba ang huli na nakita niya ako? Last Sunday. Pero tumango lang siya sa akin that time...
"Feeling ko mabait na siya sa akin."
After feeding into my delusion, Cecille and I decided to end the call and rest. Sabado bukas at wala na naman akong gagawin. Ayaw ko nang sumama pa kay Nanang na mamalengke dahil nooong nakaraan ay natilamsikan ako ng tubig galing sa isdang tinitinda nila! I almost vomit, buti nalang at nahila agad ako ni Nanang paalis doon.
It was my fault, anyway. Nagpumilit ako ng sumama sa kaniya na mamalengke dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Pinagsisihan ko naman at ngayon ay hindi na uulit pa.
Kung sana ay may grocery store dito!
Gaya ng inaasahan ay nasa bahay lang ako. Halos tulungan ko na ang mga kasambahagay na maglinis o magdilig ng mga halaman para may magawa lang. In the end, I decided to change my nail color once again. Buti hindi ito bawal sa school. Laking pasasalamat ko nalang, knowing gaano sila kakontrabida sa buhay ko.
It was Monday in the morning nang maaga akong nakarating sa school. I decided na pumunta muna sa canteen para kumain ng breakfast. Hindi ako kumain sa bahay dahil trip ko lang.
Pinagsisihan ko naman agad. Sa table nina Reed na malapit lang sa entrance ng canteen ay naroon sila. Si Helen, Van, at Reed lang ang naroon. Nahagip agad nila ako. Kumaway si Reed kaya napalingon sa akin ang dalawa.
"Dito ka, Khloe!" tawag ni Reed.
Walang masyadong tao ngayon sa canteen. Kaunti lang at iyong mga hindi rin siguro nag-agahan ang mga nandito. Tahimik lang. Ang ibang stalls ay hindi pa rin bukas. It was only quarter to seven in the morning.
Bumuntong hininga ako at sa huli ay nagpasyang saluhan sila. Naupo ako sa tabi ni Reed. Nakatalikod sina Helen at Van kanina sa gawi ko.
Nang nakaupo ay nakangiti silang tatlo sa akin.
"Hindi ka rin nag-agahan?" tanong ni Van.
"Hindi."
"Ito, gusto mo?" He offered me his pizza.
Napatingin ako roon. Bago pa man nakasagot ay tinulak na iyon ni Reed pabalik sa kaniya.
"Kulang pa 'yan sa'yo, Vance! Saka hindi kailangan ni Khloe 'yan. Kaya nga siguro niyang bilhin ang buong paninda rito sa canteen."
Sinamaan ng tingin ni Van si Reed pero pinanlakihan lang siya ng mata nito. Natawa ako at nagsimula nang kumain. Sakto namang nagkatinginan kami ni Helen.
Ngumiti siya sa akin. "Hi, Khloe."
Her voice wasn't that girly, too. Mababa iyon at puno ng angas.
Tipid akong ngumiti. Isa pa itong babaeng ito. Noong nakaraan lang ay nagtaray sa akin, tapos ngayon ay bumait bigla? The world is changing, isn't it?
"So ayun nga, gusto ni Mama na mag-transfer ako sa ibang school kapag college na. Pero ayaw ko pa," Van said kaya kaming lahat ay napabaling sa kaniya.
"Saan naman?" tanong ni Reed.
"Hindi ko pa alam! Pero ayaw kong malayo sa inyo, mga mahal ko..." naiiyak na sabi ni Van at niyakap pa si Helen.
Malakas siyang tinulak ni Helen. Muntik na siyang matihaya, buti nalang at nahawakan din naman siya ni Helen.
"Basta ako, sure na sa course ko..." Reed spoke.
"Ano nga 'yon?" tanong ni Van kaya sinamaan siya ng tingin ni Reed.
"Pulis! Nakalimutan mo pa rin? Sa'yo ko laging sinasabi 'yan!"
"Akala ko kasi embalmer."
Nagtawanan kami nang tumayo si Reed at inabot si Van para sabunutan. Nang hindi niya naabot ay naupo nalang siya at inayos ang polo. Humalakhak si Van saka ginulo ang buhok, obvious na nagyayabang kay Reed.
"Tumigil nga kayo. Nakakahiya kay Khloe."
Because of what Helen said, their eyes turned to me.
"Ikaw, Khloe? Anong course kukunin mo?"
I pursed my lips. "Kailangan ba mag-decide agad?"
"Undecided ka pa?"
Truth is, I didn't take college seriously. Hindi ko iyon iniisip. Ang priority ko kasi noon ay magsaya lang at makawala sa hawla ng pamilya. Hindi ko alam na seryosong bagay pala ito. Isa pa, kahit hindi naman ako mag-aral ay kaya na akong buhayin ng perang nasa cards ko. Even my trust funds were enough.
I shrugged. "Yeah..."
Biglang tumayo si Reed. "Teka, kulag. Bibili pa ako. Huwag muna kayo magsalita."
Pagkatapos no'n ay umalis na siya para bumili na naman ng pagkain.
Napailing-iling nalang ako. Hindi nga sila nagsalita kaya no choice ako kundi kumain nalang. Iniisip ko na hindi siguro nila gustong maiwan sa mga kwento si Reed.
I just hope they won't ask me any more questions. Big deal ba iyon? Na hindi pa iniisip ang kursong kukunin sa college? Baka sa kanila. Nag-uusap na nga about sa kursong kukunin, eh.
Naupo si Reed. Akala ko siya lang pero natigilan ako nang nakitang may naupo rin sa tabi niya. It was Steban! Ngayon, pinapagitnaan na namin si Reed.
Hindi ko napigilan ang sarili na silipin siya. Nagulat pa ako nang nakatingin na siya sa banda ko kaya nagtama ang mga mata namin! Agad akong umayos ng upo. Halos manakit pa ang likod sa sudden movement!
"So, Khloe, undecided ka pa? Bakit?" tanong ni Reed.
I gritted my teeth. Topic pa talaga ako na nandito si Steban?
Tahimik lang siya sa gilid ni Reed pero dahil walang ibang topic, alam kong nakikinig siya!
Lumunok ako. "Hindi ko pa iniisip."
"Pero malapit na, ah? Sana makapag-decide ka na." Helen smiled at me. Wala akong nagawa kundi ngumiti nalang din.
Nagpatuloy sila sa kwentuhan pero kami ni Steban ay tahimik lang. Minsan ay nagsasalita si Steban para makisali. Ako naman ay sinasali talaga nila pero tanging mga tipid na sagot lang ang sinasagot ko.
Bigla akong naging conscious tuloy sa presensya ni Steban.
Buti nalang at natapos din. Iyon na yata ang pinakamahabang breakfast sa buhay ko!
Nagpaalam na si Helen dahil may pasok pa siya. Si Van naman ay ganoon din. Kami nalang tatlo nina Reed ang nandito. May isang oras pa kami bago ang first subject.
Habang naglalakad patungo sa building ay biglang huminto si Reed at napahawak sa tiyan niya. Naging dahilan iyon para huminto rin kami.
"Are you okay?" tanong ko.
Namimilipit siya sa sakit. "Natatae ako..."
I saw how Steban facepalmed. Tinignan niya ako saka siya umiling-iling.
"M-Mauna na kayo."
"Paano ka?" tanong ko ulit. Nakayuko na si Reed habang hawak ang tiyan kaya yumuko rin ako, medyo nakatuwad.
Steban suddenly went behind me and watched Reed from there.
Reed waved his hand dismissively. "Ka...aray..."
"He needs a lot of time," singit ni Steban sa likuran ko.
Umayos ako ng tayo saka siya binalingan. Nakapamulsa siya at nakatingin na ngayon sa akin.
"So iiwan lang natin?"
"He's not a kid, Khloe. Kaya na niya ang sarili niya."
"Sige na! Mamaya na kayo mag-LQ at lalabas na talaga ang mga anak ko!"
Hinila na ako ni Steban paalis doon, tumatakbo. Nagtataka man ay sumunod na rin ako. Nagulat ako nang hindi kami tungo sa building! Steban stopped then turned to me, panting. Maski ako ay napahawak sa dibdib dahil sa hingal.
"Are you kidding me?" inis kong tanong.
Habol ni Steban ang hininga. Hawak niya ang magkabilang tuhod nang nilingon niya ako saka siya natawa.
"Kung hindi kita hinila roon, baka hindi ka na lumapit sa kaniya buong buhay mo."
Tumayo siya saka sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. His hair was shining, appearing somewhat wet and silky. Walang kahirap-hirap niyang sinuklay iyon. He's sweating from his hair, down to the sides of his face... and his neck. Hindi naman masaydong pawis, pero halatang naiinitan siya.
Nilingon niya ako at pumamewang sa harap ko, hinihingal pa rin.
"Ang init..." he said.
Napalunok ako at pinaypayan din ang sarili. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Oo nga." Tumikhim ako.
"Library tayo," biglang anyaya niya.
Nilingon ko siya sa gulat. "Huh? Pero may klase pa tayo..."
"May less than one hour pa tayo, Khloe. Kailangan nating magpalamig."
Nagkatinginan kami. He licked his lower lip, which made me look at it. Tumalbog ang puso ko. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Let's go?"
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...