CHAPTER 17
Big decisions in life are made over a long period. It takes hundreds of thoughts to consider before arriving at a decision that could change our lives forever.
But... is it possible to make such a big decision in the snap of your fingers?
Decisions are made over time, but sometimes time can be surprising.
Pagkatapos akong ihatid ni Steban sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto. Plano ko ngayon na tawagan si Mommy tungkol sa desisyong nabuo sa isipan ko. I've never been this proud of myself. Finally, may masasabi na ako sa kanila kung ano ang plano ko. Hindi man siguro katulad ng daang tinahak nila, pero at least may plano ako para sa sarili ko.
Nakatatlong tawag na ako pero walang sumasagot. Naisip ko na baka busy si Mommy. Ayaw ko namang tawagan si Daddy. Gusto ko sana na si Mommy muna ang una kong sasabihan, at kapag suportado naman siya, saka ko sasabihin kay Daddy. Nang sa gayon ay wala na siyang masabi.
Ngumuso ako nang wala pa rin. In the end, I decided to wait until they're not busy anymore. Sa ngayon, lilibangin ko nalang muna ang sarili ko.
The water splashed as I dove. Lumangoy ako hangang sa kabilang dulo ng pool at pabalik. Ginawa ko iyon nang dalawang beses bago lumutang-lutang at kinalma ang sarili. I'm wearing a white two-piece bikini. Nang nagsawa na sa kakalutang ay nagpunta ako sa floater na malapit sa mga maids. May isang may dala ng tuwalya, isa sa roba, at sa isang baso ng juice.
I signaled to the maid who was holding a glass of pineapple juice, and when she saw my signal, she immediately approached to give me the glass. I took a sip before handing it back to her.
"Give me my book," utos ko ulit sa kaniya na sinunod naman niya.
Habang nakahiga sa floater ay suot ko ang aking Gucci sunglasses saka nagbasa ng libro. Hindi naman nakakatalino, pero nakakaganda.
Iyon ang naging hapon ko. Bumalik ako sa bahay para kumain ng meryenda saka umakyat patungo sa kwarto para magpahinga.
Boring, 'di ba? Pero wala akong magagawa. Ano pa ba ang magandang gawin dito sa bahay? I have already changed my nail color four times this week! Ako na ang naaawa sa mga kuko ko dahil sila ang pinagdidiskitahan ko dahil sa boredom.
I was drying my hair when my phone beeped. Sa kaisipang si Mommy iyon ay dali-dali kong tinignan pero nadismaya nang nakitang si Steban ito. Bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag.
"What?"
"Good afternoon, too." I can sense amusement in his tone.
Dahil doon ay napangiti ako.
"What is it?"
"Busy ka?"
Kumunot ang noo ko. Naglakad ako patungo sa veranda ng kwarto at tinignan ang garden namin mula rito sa itaas. The flowers were breathtaking. Some were already blooming, and some were still waiting for their time to bloom. Only time will tell when.
"Hindi naman. Why?"
"May dinner kami ng mga young people sa church. Aayain sana kita..."
Humalukipkip ako at naningkit ang mga matang tinignan ang mga bulaklak sa ibaba. Steban's voice was low, yet soft and calm. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang paamuhin ang boses niya gayong ang lalim nito.
"Saan ba?" I asked.
"Sa Barrio. Sunduin kita."
"Ako magpapa-gas?" I smirked.
He chuckled. "May laman pa. Sa susunod nalang."
Nagtaas ako ng kilay. Pero sa huli ay natawa nalang din.
"Fine, what time?"
"I'll pick you up at six."
It was so sudden kaya nagmadali akong naghanda. Knowing me, maikli lang ang isa at kalahating oras para ihanda ko ang sarili. I wore a white top with wide off-shoulder straps and a ruffled hem, paired with black high-waisted wide-leg pants and black point-toe slingback pumps. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko katulad pa rin ng style ko kaninang umaga. It looked a bit messy and had a curtained style na bumagay naman sa outfit ko. I took my Gucci Jackie shoulder bag with me.
Sakto namang natapos ako ten minutes bago mag-six. Bumaba na ako at naabutan si Nanang na kakalabas lang mula sa kitchen.
"Oh, Kham-kham, saan ka pupunta?" salubong nito sa akin. "Maghapunan muna tayo."
"Hindi na po, Nanang. Susunduin ako ni Steban."
Natigil siya sa paglalakad at kumunot ang noo.
"Saan naman kayo? Kayo lang dalawa?"
"Of course, not! Silly ka, Nanang." I chuckled ridiculously. "He invited me to dinner with the young people sa church nila. For sure ihahatid din ako no'n after ng dinner. If hindi then I'll tell you para masundo ako ni Manong."
Though I doubt that. Ayaw ko namang ma-istorbo sila lalo at gabi na. Kung hindi ako mahatid, maghahanap ako ng pwedeng masakyan. Wala man akong nakikitang taxi dito pero sana ay mayroon.
May lumapit sa aming maid at sinabing nasa labas na si Steban. Dali-dali akong nagpaalam kay Nanang saka tinahak ang daan palabas ng bahay. At nandoon na nga si Steban at nag-aabang. Nakasuot ito ang simpleng itim na t-shirt at putting kargo pants na may dalawang flop pockets sa kada-gilid. Nakasuot din siya ng putting sneakers. His hair was blushed freely. Nakahalukipkip siyang nakasandal sa hood ng kanyang kotse at nang nakita ako ay umayos ng tayo.
He looked simple... and a bit dirty. Pero hindi talaga pangit tignan. Akalain mong kahit anong ayos niya ay malinis pa rin siyang tignan. Kahit anong fashion ay bagay sa kaniya.
"Good evening, Ma'am," he greeted. Doon ko lang na-realize na nakasunod pala si Nanang sa akin.
Nilingon ko siya at binigyan ng makahulugang tingin. Ano na naman kaya ang sasabihin nito? Akala niya hindi ko alam na maraming siyang hindi magagandang iniisip sa aming dalawa, huh? Obvious ka pa sa halata, Nanang! Hay naku!
"Magandang gabi naman sa iyo, hijo. Kailan kayo uuwi?"
Tignan mo, wala pa nga pero iyon na ang tinanong. Hilaw kong nginitian si Steban na sumulyap din sa akin bago binalingan si Nanang.
"Pagkatapos po ng dinner namin."
"Basta huwag masyadong magpagabi. Baka kasi tumawag ang parents niya."
Nagbaba ng tingin sa akin si Steban. "Makakasiguro po kayo."
Natahimik din naman si Nanang sa wakas. Pinagbuksan ako ng pinto ni Steban at hinintay na maka-settle muna at makapag-seatbelt bago niya sinara ang pinto at umikot tungo sa driver's seat. Mula kay Steban ay sinundan ko ng tingin ang paakyat na si Nanang hanggang sa sinara na ng maid ang aming double doors.
Steban started the engine pero hindi naman kami gumalaw. Nilingon ko siya at saka naman ang pagbaling ng ulo niya sa akin, ang kanang kamay ay nanatili sa gear selector habang ang kaliwa ay hawak ang manibela.He looked at me innocently, with furrowed brows and soft yet serious eyes...
"Tell your parents that you're going out."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
"Ayaw kong mag-alala sila, Khloe. Dapat alam nila kung saan ka pupunta at sino ang kasama mo."
Umawang ang labi ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na hindi ko sinabi sa parents ko! Siguro dahil sa habilin ni Nanang kanina? Pero ang totoo ay hindi na naman kailangan dahil alam naman ni Nanang kung nasaan ako. Isa pa, busy ang parents ko...
Ngumuso ako at padabog na kinuha ang phone mula sa bag. Binuksan ko ang inbox para sana i-text sila pero nagsalita si Steban.
"Call them."
Iritado ko siyang tinignan. "Demanding ka, ah?"
He smirked. "Para makasiguro lang..."
"So you don't belive me when I say na na-text ko na sila?"
"Hindi mo pa na-text."
"Kunwari lang, Steban!" iritado kong sabi.
Tamad niyang binaling ang ulo sa akin. May ngisi pa rin sa malalambot na labi. "Tawagan mo na."
I groaned because of irritation. Hindi ko na siya nilingon at pinindot ang number ni Mommy. Nag-ring iyon pero hindi sumasagot. Ilang ulit kong ginawa pero wala pa rin.
"Hindi sumasagot..." I turned to Steban. Gumalaw ang mata niya mula sa akin patungo sa screen ng phone ko.
"Daddy mo..."
"Nakakairita ka. Wala na akong load!"
"Loloadan kita."
Urgh! What the h... okay fine.
Ganoon din ang ginawa ko pero wala pa ring sagot mula kay Daddy. Ngumuso ako at inulit na naman. Halos tumalon ang balikat ko sa kinauupuan nang sumagot ito.
"Dad!" I greeted, surprised.
I heard his heavy sigh on the other end of the line. "What is it, Khloe?"
Napalunok ako. "A-Alis ako ngayon? My... uh..." I glanced at Steban. "A friend invited me to dinner. Marami kami at hindi naman ako magpapagabi masyado."
"Who are you with?" Coldness drips in his voice.
"Mga young people po sa church..."
Okay... so, will they believe me? Because I can't believe myself either! Last time, I was with Cecille, drinking a lot, and then I kissed Cyron. And now, here I am with Steban, having dinner with their church youth! Is this real? Parang iyong dating demonyo ay biglang naing anghel in just a blink of an eye!
Matagal bago nakasagot si Daddy. Akala ko pa ay wala na siya kaya tinignan ko muna ang phone at nakitang nandoon pa rin naman ang linya.
"Okay," Dad answered.
Suminghap ako. "Really? Thank-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang binaba na ni Daddy ang tawag. Hilaw akong natawa at nilingon si Steban na nag-aabang ang tingin sa akin. I smiled at him and put my phone back inside my bag.
"He said yes..."
Tumango si Steban at saka pa lang inabante ang sasakyan.
Ngayon lang ako tuluyang nakamasid sa paligid habang nasa biyahe kami. Tahimik kaming dalawa ni Steban kaya malaya akong nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang bawat punong nadadaanan namin.
Bukid pala talaga. Probinsya. Hindi na nakikita ngayon ang mga bukid sa malayo pero kung umaga ay kitang-kita ito. Ngayon ay marami akong punong nakikita. May mga tubo at palayan kaming nadaanan. May mga bakanteng lupain din at burol kaming nadaanan. May mga kakaunting maliliit na kabahayan at mumunting ilaw sa mga tindahan na nadadaanan namin hanggang sa dumami ito at tuluyan na kaming nakarating sa Barrio.
I've been here since I saw Archer perform. Noong nakita ko si Yandra na binigyan sila ng pagkain. Hindi na kasi ako sumama kay Nanang sa pamamalengke kaya medyo matagal na rin no'ng huling balik ko rito.
Nakita ko ang malaking tarpaulin na kinabit sa entrada ng night market. It says, 'Santa Praia Night Market'. At talaga namang nagulat ako sa nakita ko kung gaano karaming tao ngayong gabi. May nakikita akong usok kung saan ang mga pagkain, maraming mga tao akong nakikita na nasa mga stall ng ukay-ukay, at marami ring nagtitinda! Halos wala na akong space na makita kung saan kami dadaan!
Medyo nahirapan si Steban kung saan dadaan dahil sa dami ng mga tao. Mabuti nalang at may nakita kaming nakabantay na mga pulis. Nilapitan namin ang pwesto nito at bumaba sandali si Steban para kausapin ang isa sa kanila. Nang nakabalik ay pinark niya ang kotse malapit sa kanila saka ako nilingon.
"Kailangan nating maglakad. Nasa dulo pa sila," wika niya.
Oh... Napatingin ako sa dagat ng mga tao. Napakarami nila and to think na dadaanan namin sila patungo sa dulo ay na-stress na agad ang outfit ko!
"I'm sorry..."
Napalingon ako kay Steban nang narinig ang sinabi niya. He looked troubled. Mula sa akin ang kaniyang tingin nang nilipat niya ito sa dagat ng mga tao.
"I know you're uncomfortable in places like this. Sana nag-suggest ako ng mas magandang lugar."
Umiling ako at tinanggal ang seatbelts. "I'm fine here. Tara na? Naghihintay na sila."
I don't want him to feel bad. Inaya niya ako at ako naman ang pumayag. I wasn't expecting a nice restaurant to eat at, too. So, sa pagtanggap ko pa lang sa alok ni Steban, alam ko nang may possibility na rito kami. Pero pumayag pa rin ako. Kaya hindi pwedeng sumama ang loob niya dahil sa akin.
Pero siguro... kahit alam kong mangyayari ito... at hinanda ko ang sarili ko... hindi ko pa rin talaga kaya. Oh my gosh! Ang baho! May mga seafoods na tinda kaming nadaanan at mukhang masarap naman, pero nang nakita ko ang mga hilaw na hitsura nito na hindi man lang nilayo sa mga luto na, parang bumaliktad ang sikmura ko!
Hindi naman mabaho na nakakadiri kasi natatabunan naman ng mga lutong pagkain ang ibang amoy. At hindi naman madumi ang paligid. Pero sa dagok ng mga tao ay parang naging suffocating ang lugar! Halo-halo ang mga amoy ng pagkain at kahit gaano man kasarap ang mga hitsura nito, hindi ko masimukra ang naghalo-halong mga amoy!
Hawak ni Steban ang wrist ko habang naglalakad kami sa gitna ng napakaraming tao. I was behind him kaya hindi niya kita kung paano ko i-cover ang ilong ko dahil hindi ko gusto ang amoy. Hindi ko maintindihan bakit gustong-gusto ng mga tao na pumunta rito. Hindi pa ako nakatikim ng mga pagkain dito pero a place like this? Kahit gaano kasarap ay mas pipiliin kong huwag nalang pumunta.
Urgh, nevermind! Nandito na ako dahil um-oo ako kay Steban. Hindi ko rin gustong bumalik kahit pwede kong namang sabihin iyon at pwede naman akong mag-inarte.I want to do this, that's why I let Steban bring me here.
Nagtaka ako nang bigla kaming huminto sa tindahan ng mga sapatos. Binitawan ako ni Steban sa side kung saan wala masyadong tao.
"Wait here..." Iyan ang paalala niya bago siya nagsimulang mamili.
Patingin-tingin sa akin ang tindera habang namimili pa si Steban ng sapatos sa hindi ko malamang dahilan. May mga dumadaan at namimili rin ng sapatos na napapahinto at napapatingin sa akin. Hindi ko mapigilang humalukipkip at umirap at hindi nalang sila pinansin.
"Steban!" May biglang tumawag kay Steban.
Napaangat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses. Lalaki iyon. Si Steban ang tinawag pero nang nakita ako ay nanatili sa akin ang manghang tingin.
Gosh! Wala na bang mas hindi halata?
"Tan," Steban called behind him. Mukhang nagulat pa ang lalaki sa tawag ni Steban kaya dali-dali siyang lumingon. Steban was serious, walang ngiti sa labi.
"Sino 'to?" the guy asked while looking at Steban, but pointing his forefinger at me.
Imbes na sumagot ay lumapit si Steban sa tindera dala ang puting sneakers. Binayaran niya ito at hindi pinasok sa balot. May binili siyang hindi ko makita kung ano at nilagay ito sa bulsa. Nanatili naman ang sapatos sa kamay niya saka niya nilampasan ang lalaki at nilapitan ako.
Manghang nakatingin sa akin ang lalaki hanggang sa natabunan ako ni Steban mula sa kaniya.
"Hindi ko alam na may maganda ka palang kaibigan, Steban? O... kaibigan nga ba?" the guy sounded malicious.
Natigil si Steban. He's already in front of me, holding the shoes in his hands. Nakatingin siya rito. Narinig ko ang buntong hininga niya.
"Oo, Tan." Iyon lang ang tanging sagot nito saka nag-angat ng tingin sa akin. "Wear this..."
"Ipakilala mo naman, Steb. Parang hindi tayo magkaibigan, eh." Humalakhak ang lalaki.
I gulped. Nanatili ang seryosong tingin ni Steban sa akin.
"Wear these, Khloe. I know you're uncomfortable in those pumps."
Tinignan ko ang sapatos na dala niya. Nasa may itaas ng tiyan ko iyon dahil nasa ibabang tiyan niya iyon nakapwesto habang hawak. Napalunok ulit ako habang tinigtignan ang sapatos.
It looked clean, pero ukay-ukay! Narinig ko ulit ang halakhak ni Tan sa likod kaya nagtagis ang bagang ko. Wala akong choice kundi hubarin ang pumps ko. Bago ko pa man makuha ang sapatos mula kay Steban ay nag-suqat na siya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Steban!"
Sumipol iyong Tan kaya hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin. He smirked at me and then winked! What a freaking maniac!
"Steban..."
I saw him put a sock on my foot. Doon ko na-realize na iyon pala ang binili niya kanina na nilagay niya sa bulsa. I bit my lower lip when he made me wear the shoe. It's uncomfortable, but damn... it felt nice, too.
Nang natapos siya ay tumayo siya. Nakasunod lang ang tingin ko sa mukha niya. Bitbit na niya ngayon ang pumps ko. Hinawakan niya ang wrist ko bago binalingan ang lalaki na nakamasid sa amin sa likod.
"Wala akong makitang rason para ipakilala siya sa'yo." Ang lamig sa boses niya ang nagpadagdag ng lamig sa gabi.
Umawang ang labi ko. Humalakhak ang lalaki pero hindi na siya pinansin ni Steban. Hinawakan ulit nito ang pulsuhan ko gamit ang isang kamay dahil ang isa ay hawak ang pumps ko at nagsimula nang maglakad. Bigla siyang huminto at nilingon ang lalaki.
"And we're not friends."
Iyon lang at umalis na kami.
I can't believe it! It's my first time seeing Steban treat people like that! Kaya naman hindi ko mapigilan ang kulitin siya dahil sa nangyari.
"You're rude!" Hindi ko mapigilang matawa.
Naging mabagal ang lakad niya kaya nasabayan ko siya. Dumagdag pa ang sapatos na naging kumportable na sa paa kaya hindi na ako nahirapan na maglakad. Unlike earlier, I didn't even realize I was struggling until Steban bought me shoes and made me wear them. Ibang-iba sa pakiramdam kanina.
Ngayon ay dahan-dahan na kaming naglakad. He let go of my hand, but his other hand still held my pumps.
"I can't believe it!" I said, amazed. I turned to him while still walking. "You're rude."
"I'm not."
"Oh, clearly, you are."
"He deserves it."
Mas lalo akong namangha. Steban, the most kind person I've ever met, behaved like that? You got to be kidding me!
"Totoo pala talaga ang sinabi nila." I smirked.
"Na?"
"Kahit gaano ka kabait, may tinatago ka talagang sama riyan sa kaloob-looban mo."
Ngumisi siya. "So mabait ako?"
"Pero may tinatagong sama ng ugali!" I lauged.
He chuckled. "Pero sabi mo mabait ako."
I pouted. Hindi naiintindihan, eh. Iyon lang yata ang narinig.
"Sabi mo mabait ako," uli pa niya.
I made a face that caused him to chuckle even more.
Natahimik kami. May kumpulan ng tao kaming nadaanan na kailangan pa ni Steban na hawakan ulit ang pulsuhan ko para hindi kami magkahiwalay. Nang nakalampas na roon ay nagsalita ulit ako.
"Tell me who he is and why you're treating him like that."
Nilingon niiya ako at tinaasan ng kilay. Ngayong wala nang masyadong tao, pinakawalan niya ako at sabay na ulit kaming naglakad.
"Ex-suitor ni Helen, bully sa school nila. Taga-kabilang school 'yon. Nanliligaw kay Helen dati pero loko naman, hindi nga maayos 'yong buhay, eh. Kaya ayaw ko sa kaniya para kay Helen."
Natigilan ako. Ang ngiti ay unti-unting nawala.
So sino ang gusto mo para kay Helen, Steban?
Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin niya ako patungo sa isang stall. Nilampasan namin iyon at tinungo ang mga lamesa sa likod lamang ng mga paninda. And there, I saw them.
Mga tatlong lamesa ang okupado. Nasa isang lamesa lamang ang Archer at nagtatawanan. Hindi pa pansin ang presensya namin.
"Steban!" someone called.
Napabaling ang lahat sa namin. Nakangiti sila sa amin at nang nakita ako ay mukhang nagulat ang iba. Ang iba naman ay ngumiti at kumaway sa akin.
Steban introduced me to them pero hindi ko naman maalala lahat ng mga names nila. Nasa kabilang lamesa si Renz na bumati rin sa akin kanina. Nang natapos na sila sa pagpapakilala ay dumiretso na kami ni Steban sa table kung nasaan sina Reed na nag-aabang din sa amin.
"Khloe! Buti nakasama ka," bati ni Van.
Lumapit ako. May tatlong bakante. Sa tabi ni Helen ay dalawa, tapos may isa sa kabilang side niya na pinapagitnaan nila ni Rev.
Naunahan ako ni Steban. Pinaupo niya ako sa pangalawang bakante sa tabi ni Helen, katabi ko si Reed. Tapos siya ang naupo sa tabi ni Helen. Nag-iwas ako ng tingin at nilingon si Van na nasa pinapagitnaan ni Reed at Rev.
"Steban invited me." I smiled.
"Iimbitahan talaga sana kita kanina, kaso alam kong iimbitahin ka ni Steban kaya hindi ko nalang ginawa," sabi ni Reed nang nakaupo na ako.
"Sus, aminin mo nalang kasi na nakalimutan mo! Dinadamay mo pa si Steban," wika naman ni Helen sabay akbay pa kay Steban.
Steban laughed beside her. Nagkatinginan sila at parehong natawa.
What's funny?
Pero natawa rin naman ang nasa lamesa at napakamot ng batok si Reed kaya pineke ko nalang din ang tawa ko.
I looked at Rev. "Long time no see."
"Khloe," tawag ni Reed, talagang tinabunan pa ang mata ko mula kay Rev. "Nakita mo siya kanina. Shut up ka na at behave."
"What?"
"Tigilan mo nga siya, Reed! Ayan ka na naman sa mga trip mo, eh." Hinila ni Van si Reed palayo sa akin kaya napasandal si Reed kay Van. Tinulak naman ni Van si Reed nang ngumuso siya rito para kunwari ay hahalikan. Nagtawanan kami.
Napansin kong wala pang pagkain sa lamesa namin. Maya-maya lang ay may dumating dala nito. Nag-angat ako ng tingin at ang mga mata ni Cyan ang sumalubong sa akin. Nakatingin siya sa akin kaya napalunok ako at napakurap-kurap.
Nag-iwas siya ng tingin. May dala siyang tray at nilapag niya iyon sa lamesa.
"Isusunod pa 'yong ibang order," he said coldly.
I missed his voice! Matagal din na hindi kami nagkasama dahil busy siya sa school at wala naman kaming interaction sa church. Ngayon nalang ulit na ganito na nagkasama kami sa iisang lugar at ganito kalapit!
Naupo siya sa upuan sa pagitan ni Helen at Rev. Sa kaniya pala ang bakanteng upuan na 'yon.
"Iyon oh! Thanks, dad!" pang-aasar ni Reed na nginisihan lang ni Cyan.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Nang nakaupo ito ay tinignan niya ako. Nagkatinginan kami. Ngayon ay hindi na talaga siya umiwas! My heart skipped a beat. Nakalimutan kong huminga dahil sa tingin niya!
"Khloe." And his voice, it's ice-cold but it's melting me, too!
Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Natawa ako at nasulyapan si Rev na nasa kay Steban ang tingin. Nilipat nito ang tingin sa akin kaya umiwas ako at binalik ang tingin kay Cyan na ngayon ay nakatingin pa rin.
"Hi! Glad you're here..."
Really? Really!
Dumating ang order naming pagkain kaya nagsimula na kaming kumain. Helen led the prayer before we dig in. Sila lang pala. Nanatili ang tingin ko sa pagkain na nasa harap. May kanin na sa harap ko pero hindi ko alam kung kukuha ba ako sa ulam na nasa harap dahil... hindi ko alam ano ito at hindi ko gusto ang hitsura!
"Isaw, Khloe. Gusto mo?" tanong ng puno ang bibig na si Reed. Nilahad niya sa akin ang isaw pero nilagay rin iyon sa plato niya.
Nag-uusap sila ngayon pero hindi naman ako nakisali. Nakatitig lang ako sa ulam na hindi ko yata kayang kainin!
"Ate," tawag ni Steban. "Apat na stick ng pork."
"Huh? Para kanino?" tanong ni Helen.
Hindi sumagot si Steban pero natahimik naman si Helen.
"So, Khloe, kumusta ang experience mo rito?" tanong ni Reed. May kanin pa sa gilid ng bibig niya.
Ngumiti ako at nilibot ang tingin sa paligid. Smoke is everywhere. Iba't ibang mga ulam, snacks, and drinks akong nakikita. Sa dulo nito ay ukay-ukay na naman. Madilim dahil gabi na at walang buwan pero may mga mumunting lights sa itaas kaya naging maganda ang ambiance. May mga puno rin na nakapalibot sa amin kaya medyo malamig.
I returned my gaze to Reed. "It's fine."
"Hindi ba kayo nahirapan kanina, Steb? Daming tao," Helen asked.
Nilingon ko siya. Ngayon ko lang din napansin na hindi pa pala kumakain si Steban! He looked at me then answered Helen.
"Medyo. Hindi ko alam kay Khloe."
Napakurap-kurap ako. "I'm fine! Saka nandoon ka naman kanina so... I was safe."
Naubo si Van. Nag-aalala ko siyang nilingon saka binigay sa kaniya ang tubig na nasa akin, pansin ko kasing wala nang laman ang baso niya.
"Thank you, Khloe."
Dumating ang order ni Steban. Nilagay ito ng tindera sa harap namin habang nakatingin sa akin.
"Thank you, Ate," wika ni Steban. Dahan-dahan na nilipat ng babae ang tingin kay Steban at ngumiti sa kaniya. Binalingan ulit ako nito bago tuluyang umalis.
Binaliwala ko nalang dahil sanay na ako sa mga taong napapatingin talaga sa akin.
Nagulat ako nang nilagyan ni Steban ng pork ang plato ko. Nilingon ko siya at nakitang nakatingin na siya sa akin.
"Eat."
"Babayaran kita," agap ko.
Natawa siya. "Kain muna."
Nakagat ko ang labi dahil biglang tumalon ang puso ko. Nakatingin lang siya sa akin at nang nakasubo na ako ay saka pa lang siya tumango na tila satisfied saka nagsimulang kumain.
Why are you doing this to me, Steban?
"Masarap, Khloe?" Reed interrupted my thoughts.
Nilingon ko siya at tumango ako. "Masarap naman."
First time kong kumain nito at masarap naman. Nakampante ako nang nalaman na pork na at hindi isaw. At least ito, kilala ko kung ano. At hindi naman pangit ang lasa. May naka-serve din sa amin na blue lemonade na masarap din. Hindi ko in-expect sa lugar na ito may ganito sila kasarap na pagkain.
Nagpatuloy sila sa pag-usap-usap. Paminsan-minsan ay may mga nakikisali mula sa kabilang table. Napuno ng tawanan ang mga table dahil sa amin. Kahit hindi ako nakikisali ay napapatawa naman ako dahil sa humor nila. Reed and Van never made me feel out of place. Kahit kami ni Helen ay paminsan-minsang nagtitinginan at sabay na natatawa.
Si Rev at Cyan ay nanatiling tahimik pero ngumingiti naman. Paminsan-minsan din na nagkakatinginan kami ni Cyan at tumatango siya sa akin. Naninibago pa rin ako kaya hindi ako makapag-react agad! Nakakahiya pero sino bang hindi magugulat?
"Bata pa ako no'n!"
"Nakakahiya ka talaga."
"Pero si Kaloy talaga ang hindi ko malimutan."
Nagtatawanan sila nang napansin kong ubos na ang ulan ng table namin. Mayroon pa naman ang sa akin pero pansin kong kila Steban ay wala na pero may kanin pa sila.
Hinanap ng mata ko ang babaeng in-order-an ni Steban kanina. Nakita ko siya at naramdaman niya yata ang titig ko dahil nilingon ako nito. Ngumiti ako at sumenyas na lumapit ito.
Nang nakalapit na siya ay nagsalita ako. "Four isaws on one plate, then another twelve isaws. Pakilagay po sa another plate."
Nilista iyon ng tindera at sinabi pa ng isang beses sa akin para masiguro. Tumango siya at tumalikod pero hindi nakaligtas sa akin ang bulong niya.
"Manang-mana talaga sa nanay. Hilig dumikit."
My brows furrowed. Sigurado akong hindi ako nagkamali sa narinig. Nilingon ko ang tindera habang nakataas ang isang kilay. Nakatalikod na ito sa akin ngunit tinawag ko pa ang atensyon.
"Excuse me?"
"Gusto mo i-try, Khloe?" sabat ni Reed kaya napabaling ako sa kaniya.
Sinulyapan ko ulit ang tindera sa masamang tingin. Sumulyap siya sa akin pero nagmadaling umalis din. Anong ibig niyang sabihin?
"Bituka pa naman 'yon ng manok," dagdag niya.
Biglaan akong napabaling kay Reed nang narinig iyon. Nawala sa isip ko ang narinig at ang sinabi lang ni Reed ang tumatak sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Bituka? As in... intestines?
"What..."
Tinigan ko si Cyan na ngayon ay sumusubo ng isaw at tila walang pakialam sa amin na nag-uusap. Napalunok ako habang tinitignan ang kinakain niya. It's a chicken's intestine for Pete's sake!
I looked at Reed with horror. "Malinis ba 'yan?"
"Huy, Khloe!" it was Van. "Baka marinig ka. Hindi ka makauwi niyan..."
"W-Why?"
"Ikaw raw pakakatayin nila sa manok."
"What?!" I exclaimed. Kahit ko maintindihan 'yong word na kinatay. Pero the fact that he mentioned the chicken and me... I know I wouldn't like it!
Nagtawanan sila. Tawa ni Steban ang malinaw sa akin kaya nilingon ko siya at masamang tinignan. Tinaas naman niya ang dalawang kamay na tila sumusuko pero may ngisi pa rin sa labi.
"You are so annoying."
Dumating ang order namin. Inasahan kong ang tindera kanina ang magbibigay pero tumaas ang isang kilay ko nang iba ang nag-serve sa amin. Nilapag iyon sa mesa at nginitian pa ako.
Umiwas nalang ako ng tingin at hindi siya pinansin. Hindi ko rin sinuklian ang ngiti. Tumikhim ako at nilahad ang dalawang palad sa mesa habang nakatingin sa grupo.
"It's on me. Kain kayo."
Naghiyawan si Reed at Van sa saya. Nakisali si Rev at Helen sa paunahan na kumuha ng nasa plato kaya natawa nalang ako sa kanila. Tinignan ko ang plato na mayroong apat na isaw. Nilapit ko ito kay Steban.
"Eat."
Nagulat siya sa sinabi ko. Tinignan niya ako at ang isaw ng ilang beses bago siya umiling at iniwas ang plato.
"Ayaw ko."
Suminghap ako at natawa. "What? Are you kidding me? May rice ka pa, oh?"
Tinuro ko ang plate niya pero nilayo niya lang ito at nakanguso akong sinamaan ng tingin.
"Steban!"
"Ginagawa mo lang 'to pambawi sa panlilibre ko kanina. Hindi ako nanghihingi ng kapalit, Khloe."
"Libre ko ito dahil gusto kong bumawi sa'yo! You even bought me shoes!"
Pinakita ko sa kaniya ang sapatos na suot. Nakarinig ako ng sinok.
"Binilhan mo ng sapatos, Steban?!" Si Van iyon.
"Kaya pala may bitbit kang takong kanina," Rev added.
Pero tila wala kaming narinig. Nilapit ko kay Steban ang plato pero umiwas naman siya.
Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Para siyang bata! Kanina lang ang seryoso niya tapos ngayon ganito kung umasta.
"Stop it!" natatawa kong sabi.
"Fine."
Padabog niyang nilapag ang plato. Ako mismo ang naglagay ng isaw sa plate niya. Inubos ko iyong apat para sure na kakainin niya at para talaga sa kaniya. Padabog din siyang sumubo. Napapalakpak ako sa saya at malaki ang ngiti habang tinigtignan niya.
Steban suddenly plucked my forehead. Suminghap ako at ginantihan siya. Pero dahil umiwas siya ay sa ilong iyon tumama. Napatakip ako sa bibig at napahalakhak.
Humagalpak din si Steban. Akmang gaganti sa akin kaya agad akong humarap kay Reed at nagtago sa braso niya. Nagulat siya roon at tinulak ako pabalik kay Steban pero hindi ako nagpatulak.
"Huy, huwag niyo ako damayin! Walang hiya! Balik kay Steban, Khloe!"
BINABASA MO ANG
Fallen Melodies
RomanceAfter being uprooted to her mom's hometown for a much-needed reality check, rebellious Khloe finds unexpected love in a man who sees beyond her facade, leading them both on self-discovery and romance. Melody Trilogy Book 1 The book cover is not mine...