Chapter 6

11 1 0
                                    

CHAPTER 6

Hindi ako gusto ni Steban at obvious naman iyon sa sagot niya sa tanong ko kanina. He's confused and maybe surprised because of my question.

Bakit naman niya ako magugustuhan, 'di ba?

Fake news lang talaga si Reed. Mas maniniwala pa akong si Helen ang gusto ni Steban kaysa sa akin. Pero bakit naman iyon sasabihin ni Reed? Anong ibig sabihin niya roon?

I can't believe the idea is making me think! I hate overthinking! Padabog akong sumubo habang nakatingin sa lamesa nina Reed.

Helen was saying something and the boys laughed, well, except for Cyan and Rev, they just smiled. Maya-maya pa'y may binulong si Helen sa katabing si Steban kaya natawa ang dalawa. Steban said something back that made Helen giggle. Tumayo naman si Reed at umarteng inaawat sila at pinapalayo sa isa't isa.

So, saan ang katotohanan sa sinabi ni Reed? Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin.

Nakahinga ako ng maluwang na nakompirma nang hindi nga ako gusto ni Steban. Hindi ko ma-imagine na siya ang magkagusto sa akin. Mahirap 'yon lalo na't may away kami ni Reed, tapos crush ko si Cyan, and then Helen and I hate each other, tapos hindi ko pa siya gusto. So complicated.

Inalis ko nalang sa isip ko ang thought dahil ayaw ko nang mag-isip pa. Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa classroom nang hindi tinitignan ang kahit sino. May mga bumabati sa akin but I kept my head up at hindi na sila pinansin.

I don't want to get involved with anyone of them ever again. Tama na 'yong kina Reed. Ayaw ko na ring maulit 'yong nangyari sa akin at isa sa mga admirers ko. Kaya mas mabuting hindi nalang sila i-entertain.

Bigla ko tuloy naisip ang nangyari noong nakaraan. What if wala si Steban noon? Paano na ako? I hissed and pushed the thought of Steban out of my head.

Wala kaming klase ngayon dahil absent ang teacher pero wala naman akong gagawin kaya tumambay nalang ako sa classroom. Walang masyadong tao at wala si Suzy na laking pasasalamat ko dahil ayaw ko ng gulo. May ilang bumabati na classmates ko at binibigyan ko lang ng tipid na ngiti. Kapag hindi ko gusto ay hindi ko talaga pinapansin.

Ganoon lang ang nagiging takbo ng mga araw ko. Reed is still trying to talk to me and I always ignore him. Halos gawin na lahat ng mga weird na bagay tapos sa huli ay magso-sorry ulit.

"You're making too much effort, Reed. Sino ba siya at parang ang laki ng kasalanan mo sa kanya, ah?" I heard Cyan said.

Nasa likod nila ako nakapila sa counter. Mahina lang naman ang pagkakasabi nila pero rinig ko dahil nasa likod nila ako.

Hindi yata nila alam. Kung hindi ako ang nakarinig no'n, hindi siguro maiintindihan ang ibig nilang sabihin. Pero dahil ako, gets ko agad ang ibig sabihin ni Cyan.

Oo nga naman. Why would Reed put too much effort on making up to me? Ano nga ba ako sa kanya, o sa kanila?

Hindi ko na tinuloy ang pag-order at umalis na sa pila dahil ayaw kong marinig ang boses nila.

"Khloe," tawag ni Reed nang nasa classroom kami. Nasa table niya siya kaya lumingon ako sa likod.

"What?" poker face kong sabi.

May pinakita siyang papel na may print na pizza. "What's this?"

I rolled my eyes and went back to my seat. Hindi ko siya sinagot.

"Khloe," tawag ulit niya at hinawakan na ang balikat ko. "Sagutin mo muna ano 'yon kanina."

Nang hindi ko pa rin siya pinansin ay hindi talaga siya tumigil sa pangungulit. Inis ko siyang hinarap nang napuno na ako at galit siyan tinignan.

Fallen MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon