Diagne
Akay-akay ko si Zatriyah palabas nang mansion dahil tumawag ang kaniyang driver sa cellphone niya.
"Thank you, Yan." she said with her fluffy eyes when I hand her to her personal body guard.
I just smiled at her as my response.
Inalalayan siya ng kaniyang body guard papasok sa sasakyan na sumundo sa kaniya saka humarap ito sa akin nang maiayos niya si Zatriyah.
"Please look after her. Have this," I hand him my calling card "Call me when you get home. And please kung tanongin ng kapatid niya kung anong ginawa niya dito, tell him na ako ang nagpapunta." tumango naman ang body guard.
Alam ko kung ano ang ginagawa ni Zayde sa kapatid niyang babae sa tuwing naglalapit ito sa akin, and I can't afford to see her again with sad eyes.
Zayde is the oldest son of the great Aleandro Gervacio III. Kung istrikto ang kaniyang ama, siya namang ikinasungit ng kaniyang panganay. Apat silang magkakapatid, pangatlo si Zatriyah sa kanila at ang nag-iisang anak na babae. May dalawa siyang kapatid at puro na sila lalaki.
"Yes, ma'am" Zatriyah's body guard replied.
Tumango lang ako sinyales para tumuloy na sila at iuwi na ang kanilang amo na sa palagay ko ay tinakasan na naman sila.
Nang makalayo ang sasakyan, napansin ko ang isang itim na sasakyan mula sa hindi kalayuan. Hindi ko na sana papansinin nang bigla itong umilaw at paandarin ng nasa loob patungo sa direksyon ko.
Nasa labas ako ng mansion pero may body guard akong nagmamasid sa paligid. I wait for the car to get near at tumapat sa akin. Bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang lalaking hindi ko na inaasahang makikita pa.
"Anong ginagawa mo dito?" masungit kong tanong at pinagsiklop ang mga braso ko.
Hindi niya ako pinansin bagkus itinaas niya ang bintana ng kaniyang sasakyan at ang pinto nito ang bumukas. With his leather shoes, tumayo siya sa harap ko na para bang nakalimutan niya ang kaniyang sinabi nong nakaraang araw.
Bawat galaw niya ang kumuha sa atensyon ko. Inayos pa niya ang pagkaka-tupi ng kaniyang puting polo hanggang sa kalahati ng kaniyang braso habang nakatitig sa akin na para bang inuusisa ang bawat paggalaw ko.
Nang makaramdam ako ng inis dahil hindi naman siya nagsasalita, minabuti kong talikuran na sana siya nang bigla niyang higitin ang kamay ko at hilain ako palapit sa kaniya dahilan ng pagdikit ng aming mga katawan.
Lumapat ang dalawang palad ko sa kaniyang dibdib para doon ibalanse ang katawan ko dahil sa gulat ng kaniyang pagkakahila kahit alam kong nakapulupot ang kaniyang mga braso sa aking magkabilang beywang.
Napatitig ako sa kaniya na gulat ang ekspresyon. His brown eyes caught my attenion first. Doon ako nabihag at hindi nakagalaw kahit alam kong gusto ko siyang itulak. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng hawak niya sa akin. Doon ko siya unti-unting itinulak pero mas higit na malakas siya kesa sa pwersang iginagawa ko sa pagtulak sa kaniya papalayo sa akin.
Nakatitig lang siya sa akin habang madilim ang kaniyang matang nakatingin sa akin. I felt scared because of that stare he had. Ngayon ko lang siya nakitang ganoong tumingin.
"Let me go." madiin kong sabi pero walang nagbagong emosyon sa mukha niya.
Hinding-hindi ako magpapatinag sa kaniya. He's the one who said that we will act like strangers when we see each other again, but what he is doing now?
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...