Diagne
"Thank you po, Doc."
Ngayon ang uwi ni Liam nang maayos-ayos na ang lagay nito ayon kay Dra. Alejandria. Sakto at lunes bukas, makakauwi ako mamayang hapon at may oras pa para mag-aral sa exam ko bukas.
"Diagne," muli akong lumingon kay Dra. Alejandria nang tawagin niya ako pagkatapos niyang kausapin si Zayde na ngayon ay inaasikaso na ang ilang gamit na iuuwi namin.
Kanina ko pa siya pinagsasabihan na kami na lang at umupo na lang siya pero parang wala siyang naririnig kahit na nakikita pa ng kaniyang mommy. Kanina ko pa pinagmamasdan si Dra. Alejandria habang sinusundan niya ng tingin ang kaniyang anak na tumutulong sa pagliligpit sa mga gamit kaya kinabahan ako bigla nang ako ang tawagin niya.
"Po?" saad ko nang makalapit ako kay Dra.
"Come with me." aniya na puno ng awtoridad ang kaniyang boses. Dahil don, mas lalong tumibok ang puso ko. Hindi ako sigurado kung anong sasabihin niya pero may hinuha na ako kung ano yon.
Sinundan ko itong naglakad nang matapunan ko nang tingin si Zayde na nakatingin din pala sa akin. Nakangiti lang siya at sa binabato niyang tingin sa akin ay parang sinasabi niyang wala dapat akong ipag-alala. Wala akong ginawa kundi ang tignan lang siya hanggang sa makalabas ako ng silid at harapin si Dra. Alejandria.
Sa ilang segundong lumipas, wala siyang naging imik kundi ang titigan lang ako sa mata na para bang inuusia niya ang pagkatao ko. Ganon din ako. Gusto ko mang magsalita pero para akong tinanggalan ng karapatan para magsalita. Sa mga mata ng kaharap kong magandang ginang, para niyang pinapahiwatig na walang ibang mauunang magsalita sa amin kundi siya at kailangan kong hintayin yon.
Kalahating isang minuto na nakatingin lang kami sa isat-isa hanggang sa umawang ang kaniyang bibig at magsalita.
"Zayde talked to me two days ago. After the day you said that he's gone for four days in the mansion." sabi niya sa napakapormal na boses. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Alam ko na kung ano to.
"Ano pong kinalaman ko sa sinabi ni Zayde?" kunwaring wala pa rin akong alam kahit na halatang-halata na sa ekspresyon ng mukha ko. Hindi na rin ako makatingin ng diretso sa mata ni Dra. dahil sa kabang nararamdaman ko.
Ito na ba yon? Nasaan ba si Zayde? Hindi ko napaghandaan to.
"My son like you, Diagne." diretsahan niyang sabi, walang pag-aalinlangan.
Napatingin pa ako sa nurse na dumaan dahil maging siya ay narinig ang sinabi ng may-ari ng ospital na ito.
Hindi ako gumalaw at pinanatili ang tingin kay Dra. Alejandria na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Kailangan kong magsalita. Kailangan kong sumagot.
"P-po?" nauutal kong sambit. Kunwari akong natawa sa sinabi niya para paniwalain na para bang wala akong alam tungkol don. "Nagbibiro ho ba kayo?" naiilang na ako sa klase ng tinging ibinabato niya sa akin.
"No. And I want to clarify something from you." bahagya siyang tumigil sa pagsasalita. "Do you feel the same way too?" walang paligoy-ligoy niyang tanong. Nakakatakot siya at natatakot din akong sumagot dahil parang bubuga siya ng apoy kapag hindi niya magustuhan ang sagot ko sa tanong niya.
"U-uhmm..." mariin akong napapikit dahil sa frustration. Parang kinakapos na rin ako ng hininga dahil sa sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko. Napalunok ako habang palipat-lipat ang tingin ko sa mga mata ni Dra.
Ilang segundo akong walang imik pagkatapos kong hindi makasagot. Nagsimula na ring bumigat ang paghinga ko dahil sa paninikip ng dibdib ko nang biglang makaramdam ako ng paghawak sa aking barso. Agad ko yong binalingan at nakita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap dahil parang hindi ko na kinakaya ang mga tinging ibinabato ng kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...