Chapter 15

34 1 0
                                    

Diagne

"What?" naguguluhan kong sambit sa sinabi ni Gabriel. 

Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang may nagpaputok at natamaan si Gabriel. Agad niya akong hinila at isinangga ang kaniyang katawan at dali-dali akong inilabas ng basement. Hindi siya napuruhan pero masakit pa rin yon dahil sa braso siya natamaan.

"Oh my god! Are you okay?" nag-aalala ko siyang tinignan nang makalabas kami at makapasok sa isang silid. 

Hindi makikita sa mukha niya ang sakit na nararamdaman pero nag-aalala pa rin ako. Malaki ang katawan ni Gabriel at kaya ka talagang protektahan, pero kahit na, baril yon at bala ang tumama sa kaniya.

"Huwag ho kayong mag-alala sa akin." pinaupo niya ako sa isang sulok habang siya ang malapit sa pinto. Sinisilip ang lalaking bumaril sa kaniya. He turned his gaze on me. "You have to trust me, ma'am. Wala dapat mangyari sayong masama." 

Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kaniya. Nagdududa pa rin ako sa kaniya pero kailangan ko siyang pakinggan dahil kung hindi, hindi lang siya ang mapapahamak kundi pati ako. 

"It was him. Gusto ni Marco na mapatay si Sir Zayde." diretsong sabi nito na ikinagulat ko. 

Natigil ako sa sinabi niya at naalala ang mukha ni Marco kaninang tinitignan niya si Zayde.

Kaya pala ganon siya makatingin kay Zayde kanina. And Zayde knew it? 

"What?" naguguluhan pa rin ako. "But why? Anong atraso ni Zayde kay Marco?" hindi siya sumagot dahil nasa pinto ang kaniyang tingin. 

"Saka ka na magtanong, ma'am. Ngayon kailangan mo---"

"No! Tell me what's going on." I commanded. 

Pero matigas ang kaniya ulo at pinilit niya akong mapatayo. "Ma'am, ako ang mananagot---"

"Hindi ka mananagot kung sasabihin mo muna sa akin kung ano ang nangyayari." sambit ko

Pero hindi siya nakikinig sa akin. Nang akma niya akong patayuin ay sinasadya kong magpabigat kaya sa huli, binuhat na niya ako at isinabit sa balikat niya.

"Oh my---Put me down, Gabriel!"

Parang wala siyang naririnig dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad nang makakuha siya ng pagkakataon na makalabas na wala ang taong sumusunod sa amin. 

"Tama nga si Sir Zayde, ma'am. Matigas nga talaga ang ulo niyo." sabi niya na para bang ikatutuwa ko. 

"Put me down, Gabriel. Your arm." I said but it seems he didn't mind his wounded arm.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Nahihirapan na rin ako sa paghinga dahil sa patiwarik niya akong isinakbit sa kaniyang balikat. Magpupumiglas na naman sana ako nang bigla akong makarinig ng putok at bumagsak kaming pareho ni Gabriel sa sahig. 

When I looked at Gabriel, he already groaning in pain. Pinipilit niyang tumayo pero sa paa siya tinamaan. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil sa impact ng pagkakabagsak namin pareho.

Mabibigat na paa ang narinig kong humahakbang papalapit sa amin kaya doon natuon ang atensyon ko. Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero sadyang wala akong sapat na lakas para tumayo pa. Nang tumingala para tignan ang kung sinong tao ang bumaril ulit kay Gabriel ay ganon na lang ang gulat ko nang makita ko si Marco. 

He's smirking like crazy. He held his gun in his right hand and a white cloth on the other side. Nang balingan ko si Gabriel ay nasa ganoon parin siyang posisyon pero parang tinakasan na rin siya ng lakas dahil sa ilang balang nakatanim sa katawan niya. 

GERVACIO SERIES 1: Love's LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon