Chapter 46

20 1 0
                                    

Diagne


Matapos naming kumain ay agad kong pinuntahan si Zach sa kaniyang silid para gisingin. Dahil sa nangyari kagabi, wala na akong naging oras pa para mag-aral. Mamaya na sa first and second period ako mag-aaral, boring naman ang mga subject na yin sa akin.

Sakto lang ang oras nang makarating kami sa unibersidad na pinapasukan namin. Si Zayde na ang nagmaneho sa amin papunta dito kaya todo tinginan ang mga estudyante sa amin nang makapasok kami. 

Mas naging malakas pa ang bulungan nang bumaba si Zayde para pagbuksan niya ako ng pinto. Nakaramdam ako bigla ng hiya dahil sa ginawa niya. 

"You're worried?" bahagyang narinig ko kay Zayde habang nakatingin sa akin habang ang kamay ay pinagbuksan din ng pinto ang kapatid niya. 

Peke akong napangiti saka umiling. "Hindi naman. Hindi lang ako sanay na pinagtitinginan." sagot ko.

Mas naging seryoso ang kaniyang ekspresyon sa mukha nang marinig ang sagot ko, pero kalaunan ay ngumiti rin siya. Hindi man lang niya binigyang pansin ang mga estudyanteng nagkukumpulan at nagbubulungan sa kinaroroonan namin nang hilain niya ako sa pamamaraang hinawakan pa niya ang kamay ko habang ang kabila nitong kamay ay hila-hila rin si Zach. 

May mga ilan ring bumabating teachers sa amin pero napipili lang ang binabati ni Zayde pabalik. Nakaramdam ako nang kaunting pagkailang dahil karamihan sa mga nakakasalubong namin ay napapatingin sa kamay naming magkasiklop. Pero sa kabila ng halo-halong emosyong nararamdaman ko, nawala lahat yon sa isang iglap dahil sa paghaplos niya gamit ang hinlalaki nito. 

Napatingin ako sa kaniya at napangiti ng simple. Alam niya kung paano niya amuhin ang loob ko, nakukuha niya ako sa mga simple niyang aksyon. Kahit wala siyang sabihin, sa mga maliit na bagay na ginagawa niya, napapangiti na niya ako. 

Agad kong tinanggal ang tingin sa kaniya nang siya naman ang tumingin sa akin. Para kaming baliw na nag-iiwasan ng tingin pero magkahawak ang mga kamay. Napapitlag pa ako nang bigla niyang higpitan ang hawak sa kamay ko sabay haplos. 

Kung alam niya lang sana kung ano ang epekto non sa akin. Nakaramdam ako ng sakit pero napawi rin dahil sa malambot niyang haplos. 

Saka lang siya nagbitaw nang tumapat kami sa classroom ni Zach. Hinarap niya ang kapatid para pagsabihan at ipaalala ang mga bagay na dapat at hindi niya dapat gawin. Tango at simpleng ngiti lang ang itinugon ni Zach saka niya hinalikan sa pisngi ang kapatid. 

"Be attentive, okay?" pahabol pa ni Zach kahit nasa pintuan na ang kapatid. Tumango lang ang bata at tuluyang pumasok sa kaniyang silid. 

Hindi ko matanggal-tanggal ang tingin ko sa pintuan dahil maging ako ay hindi ko alam kung saan ang susunod kong pagbabalingan ng tingin. Hanggang sa maramdaman ko na nga ang tingin niya sa akin nang humarap siya. 

"Let's go?" aniya na dahan-dahan kong pagharap sa kaniya. 

Tumango ako. "Tara." tanging nasambit ko dahil sa hiyang nararamdaman. 

Hinawakan niyang muli ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa classroom ko. Hindi ko alam kung tatanggalin ko ba o hahayaan na lang lalo na nang makita ko ang mga reaksyon ng mga taong nakakasalubong namin.

Kung siya ay taas-noong naglalakad na para bang walang pakialam sa kaniyang paligid, ako naman ay pinagdadasal na sana ay lamunin na lang ako ng lupa dahil sa hiya at kabang nararamdaman. 

Hindi ko siya kinakahiya bilang kasama kundi nahihiya ako para sa kaniya. Ilang beses nang pumasok sa isip ko ang ganitong senaryo pero iba pa rin talaga kapag nangyari na sa totoong buhay. Mas nakakakaba at nakakailang pala kesa sa inaasahan ko. 

GERVACIO SERIES 1: Love's LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon