Chapter 48

16 1 0
                                    

Diagne


"Kumain ka na." walang ganang wika ko kay Zayde na nasa harapan ko dahil sa pagtitig niya lang sa plato niyang puno ng pagkain

Simula kaninang napikon ata siya sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya sa paglalakad ay hindi na siya umiimik hanggang ngayon. Kung magsasalita man ay tipid lang.

Blangko lang ang ipinakita niyang mukha sa akin na ikinangiti ko sa kaloob-looban ko.

Tinaasan ko naman siya ng kilay para ipakita na hindi niya ako makukuha sa paganyan-ganyan niya.

Parang bata. Tsss.

Umiwas siya ng tingin at parang tinatamad na hinawakan ang kutsilyong nasa tabi ng kaniyang plato para hiwain ang karneng nasa plato niya.

Lihim na lang akong napangiti dahil don.

Kasama namin si Zach na kumakain na pinapakain ni Myla, ang bagong yaya ng bata.

Dito na lang sa cafeteria kami kumain dahil may klase pa si Zach sa hapon habang ako naman ay wala na.

Pinapasok pa kami sa pinakaloob ni  dahil nagkakaguluhan

Muli akong tumingin kay Zach na ilang ulit nang pabaling-baling ng tingin sa kaniyang kapatid. Napansin din siguro ang pakikitungo nito sa amin.

"Are you okay, kuya?" di na nga napigilang tanong ng bata.

Napabaling naman si Zayde sa nakababatang kapatid na may masama pa ring timpla sa mukha.

"Yeah. Why?" masungit nitong balik tanong sa bata.

Ang akala ko ay tatahimik na si Zach pero nagulat ako nang taasan niya ng kilay ang kapatid.

"If you have a problem with ate Diagne," binalingan ako ng tingin ng bata, pero ang ikinagulat ko ay sa bagong tawag nito sa akin. Ate. Lihim akong napangiti nang ibalik niya ulit ang tingin sa nakatatandang kapatid. "Don't bring it with me, kuya." magalang pa rin nitong wika sa kapatid saka inilayo ang tingin.

Tahimik lang naman si Myla sa tabi nito, hindi pa nakukuha ang loob na magbiro. Gaya lang din nong una ko itong makasama, nahihiya pa.

Wala masyadong ganap hanggang sa matapos ang pagkain namin. Nauna nang magpaalam si Zach dahil mag-aalauna na.

Mukhang kahit na sinungitan niya ang kapatid ay hindi niya pa ring kayang gawin na hindi halikan ito sa pisngi nang magpaalam ito sa kaniya.

Napangiti ako habang pinapanood sila. Nang madaanan niya ay saka naman siya tumigil sa harapan ko. 

Tumuwad ako para ipantay ang mukha sa kaniya. 

"Be good in class, okay?" ipinatong ko pa ang isang kamay ko sa ulo niya at tinapik nang mahina. 

Tumango ito saka ngumiti. "Okay, ate." aniya na ikinangiti naming pareho. 

Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Zayde na nanonood sa amin hangggang sa tuluyan na itong magpaalam at maiwan kaming dalawa. 

Nang tumingin ako dito ay medyo maaliwalas na ang mukha. Ilang segundo ko siyang pinakatitigan at ganon din siya sa akin. 

"Okay ka na?" usal kong patanong dito.

Hindi agad siya sumagot, kapagkuwan ay hinapit ako sa bewang saka dumukwang ng kaonti papalapit sa tenga ko para bumulong. 

"I know I'll lose to you. So, yeah." kapagkuwan ay sagot niya. 

Kahit na ano man kami ngayon, hindi ko pa rin magawang hindi taasan ang tingin ko sa kaniya. Minsan lang talaga ay nakukuha ko ang sarili kong biruin o pikunin siya dahil sa madali siyang nakukuha kapag ganyang naasar siya. 

GERVACIO SERIES 1: Love's LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon