Diagne
Hindi ko na alam kung ilang minuto o umabot ba ng ilang oras ang tulog ko. Basta ang alam ko ay nagising na lang ako dahil sa malambot na bagay na humahaplos sa pisngi ko.
I slowly opened my eyes just to find out that it's Zayde's thumb caressing my cheek.
Sumilay ang ngiti sa aking labi habang papikit-pikit pa rin ang mata ko dahil sa pagkasilaw sa liwanag.
"Wakey-up, honey. They're here."
Halos naalog ang utak ko dahil sa biglaan kong pagbangon nang marinig ko ang sinabi niya. Mabilis ang pagkabog ng dibdib ko dahil s pagkataranta.
"Bakit hindi mo ako ginising? Matagal na ba sila? Nakakahiya, Zayde. Tara n--"
"Easy, hon." natatawang aniya habang pigil-pigil ako sa isang kamay. "Kararating lang nila. You're worrying too much."
"Kahit na. Nakakahiya." angil ko at inagaw nang biglaan ang aking kamay sa kaniya na sana ay hahalikan niya.
Rumehistro ang pagkadismaya sa kaniyang mukha dahil sa ginawa ko. At dahil mabait ako, ako ang nag-abot sa kamay niya at inilapat ang likod ng kaniyang palad sa aking pisngi habang mataman siyang tinitignan.
"Sweet." komento niya habang nakangiti. "But still, let me kiss your hand." sabi niya at kinuhang muli ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.
Napangiti naman ako dahil don. Wala na bang mas tatamis sa lalaking ito? Hindi na lang asukat at asin ang lalanggamin, pati magic sarap na rin dahil sa ka-sweet-an.
"Let me do a retouch for a minute. Ayusin mo na rin ang sarili mo." sabi ko bago pa kung saan mapunta ang ginagawa niya dahil sa klase ng tinging ibinabato niya sa akin.
Wala na siyang nagawa nang ako mismo ang nagbitaw sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
Nagpunta muna ako banyo para mag-mouth wash, pagkatapos ay lumabas din kaagad at humarap sa human size mirror na nasa gilid ng kama. Pinakiramdaman ko ang lalaking kasama ko pero wala siya.
Hinayaan ko na lang muna at itinutok ang atensyon sa pag-aayos. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa pag-aayos dahil maayos pa naman ang sarili ko kahit na natulog ako kanina.
Uupo muna sana ako sa kama para hintaying bumalik si Zayde pero sakto namang bumukas ang pinto ng silid at pumasok siya.
Suot na rin niya ang hinubad niyang tuxedo kanina at maayos na ang kabuuan niya. Pati ang buhok niyang medyo magulo kanina ay maayos na rin.
Ang bilis naman ata niyang mag-ayos? May pinuntahan pa siya ah.
"Where did you go?" tanong ko.
"I just checked something." simpleng sagot niya saka inilahad ang palad sa harapan ko. "Let's go?" sumunod niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa akin mga mata.
Inilapat ko ang kamay ko don at simpleng tango bilang tugon.
Pinagsiklop niya ang mga yon at gamit ang isa niyang kamay, binuksan niya ang pinto at pinauna niya akong pinalabas.
Sumakay kaming muli sa elevator at hindi ko na nakita ang pinindot niyang numero dahil nagsimula na namang kumabog ng mabilis ang dibdib ko dahil sa kaba.
I will be meeting high-class people tonight without a knowledge how to deal with them.
Kinakabahan ako hindi dahil nahihiya akong humarap, kundi kinakabahan ako na baka magkamali ako ng maikilos sa harapan ni Zayde. Ayokong mangyari yon, ayokong mapahiya si Zayde sa mga sinasabi niyang mga importanteng tao.
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...