Chapter 21

14 1 0
                                    

Diagne


"Kamusta, nay?" 

Hindi ko mapigilang hindi makinig sa usapan ng aking mga magulang at ni nanay habang tinutupi ko ang ilang damit na dinala ni Tita Marie. Nabalitaan daw nila ang nangyari kay nanay kaya sila agarang lumuwas ng probinsya galing Maynila. 

"Ayos na ako. Huwag kayo masyadong mag-alala sa akin, ang alalahanin niyo, iyang anak---"

"Nay!" pamumutol ko kay nanay na may nagbabantang boses. Alam kong ako ang tinutukoy niya. Tumingin ang matanda sa akin at marahang ngumiti. Hindi ko yon magawang suklian dahil sa ilang dahilan na naiintindihan naman niya pero pilit pa rin niyang hindi tinatanggap. Kahit na ilang beses na namin itong pinag-uusapan, alam kong pinipilit pa rin niya sa akin ang pansarili niyang desisyon. 

Bumaling sa akin ang atensyon ng aking magulang. Ilang segundo lang ang lumipas nang mangyari nga ang inaasahan kong susunod na mangyayari. 

Sumunod ako sa labas kay daddy. 

"Kung pipilitin niyo po akong sumama sa inyo, alam na alam niyo na po ang sagot diyan." inunahan ko na siya sa mga sasabihin niya dahil sigurado akong yon ang sasabihin niya. 

Hindi siya nakaimik bagamat nakatingin lang siya sa akin na para bang kinakawawa ako sa binabato niyang klase ng tingin. 

"Kailangan po ni nanay ng kasama, lalo na ngayon dahil sa nangyari sa kaniya." hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil nahihiya ako. 

Hindi ako galit o anumang tinatanim kong sama ng loob sa kanila. Ako ang pumili sa buhay na ito kahit na alam kung mas maganda at mas madali ang buhay nila kesa sa buhay na mayroon si nanay. Hindi ko rin ipagkakaila na kahit mas maganda ang buhay nila sa Maynila, kailanman, hindi ako nagsisi na ito ang pinili kong buhay simula pa lamang nong bata ako. Sa iilang salita pa lamang na lumalabas sa bibig ko, mukha na ni nanay ang nasilayan ko hanggang ngayon. Hindi rin naman sila nagkulang ng pangaral sa akin dahil nakakausap ko naman sila minsan tuwing may oras sila. 

Ang punto lang, hindi ko kayang iwan si nanay mag-isa lalo na't nandiyan pa si Liam. Iniisip ko lang ang magiging takbo ng buhay nilang dalawa kapag pumayag akong sumama sa mga magulang ko sa Maynila. Alam kong may oras para sa kanila, pero ngayon, kay nanay at Liam pa lang ang nangangailangan ng oras at atensyon ko. 

"Anak, hindi kami nagpunta ng mommy mo dito para pilitin ka na sumama sa amin. Your grandmother is sick that's why we're here. Alam na namin na hindi mo talaga gusto, pero kapag dumating na yong oras na kailangan ka na naming bawiin, sana sumama ka na ng kusa at hindi na yong kailangan ka pa naming pilitin." mahaba-habang niyang sabi. 

Natahimik ako dahil sa realisasyon sa sinabi niya. Ganon ba talaga ako kadesidido sa mga desisyon ko tungkol sa aking mga magulang?

Hindi ako sumagot at nanatili lang ang tingin ko sa ibaba. Hanggang sa kunin niya ang kamay ko na hinayaan ko lamang. Ramdam ko kung gaano kalalim ang pagtitig niya sa akin na para bang pinapahiwatig niya na ituon ko rin ang atensyon ko sa kaniya. 

"Mag-iiwan kami ng---"

"Daddy---"

"No, Diagne." agad niyang pinutol ang gusto kong sabihin. "It's my responsibility to lend a hand to my mother when she needs me. Anak ako eh." palipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ko. "And I appreciate you most for taking care of my mother." sambit niya na ikinatahimik ko lang. 

Ilang segundong wala akong naging ekspresyon pero sa huli, sumilay ang simpleng ngiti sa aking labi. 

"Salamat po pero hindi na po kailangan." parang nagtunog na ako pa ang nagmamakaawa. 

GERVACIO SERIES 1: Love's LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon