Chapter 51

11 1 0
                                    

Diagne


"San tayo pupunta?"

Kunot ang noo kong bumaling kay Zayde dahil sa hindi pamilyar na daang tinatahak namin.

Isang mahabang daan na puro matatayog at malalaking puno ang makikita sa bawat gilid ng daan. It's like we're climbing on a mountain but there's a clean and private driveway.

Sadyang hindi lang ganon kalawak ang daan pero tansya kong mahaba-haba pa ang tatahakin namin bago marating ang destinasyon namin.

"To my penthouse."

My eyes widen on what he said.

"To your what?"

Mabilis niyang ibinaling ang tingin sa akin at balik sa daan ulit.

"To my penthouse." nagbago ang tono ng kaniyang pagkakasabi. "Why?"

May sariling bahay, may kompanyang pinapatakbo, home-schooled, at ngayon naman may penthouse? Meron pa bang mas ikakagulat sa lalaking 'to?

Nanatiling nakatitig ako sa kaniya na siyang ikinaangat ng kaniyang isang kilay.

"What?" pagtanong niyang muli.

Napapikit-pikit ako habang nakaawang pa rin ang bibig ko dahil sa hindi pagkapaniwala.

I heard his not-too-loud laugh, still looking in front of our way.

"It shocked you, didn't it?" hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang ulit na pagtawa. "Hayaan mo, next time, dadalhin kita sa mga private campsites ko sa Ilocos." muling aniya.

He's joking, right?

"Is that a joke?"

Agad siyang umiling. "No, it's not."

Hindi naman sa pagiging oa pero campsite---oh, correction, campsites pala. Grabe na siya. Alam ko kung gaano kayaman ang pamilya niya pero on his age, may mga personal places na siyang pagmamay-ari?

Is he really that rich?

Hindi ko mapigilang hindi mapamura sa isip ko dahil sa kaisipang hindi ako makapaniwala.

"Oh, honey, don't think it too much. We'll get to that soon." aniya sa hindi mayabang na boses.

Funny how humble he is. Knowing Zayde, wala pa akong namataang nagyabang o ginagamit ang kayamanan sa kapwa niya tao. Kung meron man, well...he's just stating a fact.

"Zayde" muli kong ani pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Something bothers me and I don't know it. Alam kong hindi mali pero hindi ko alam kung tama rin ba.

"Hmmm?"

Napabuntong-hininga ako bago magsalita. "Ayoko ng ganitong buhay."

Naramdaman ko ang biglaan niyang pagbaling sa direksyon ko at ang unti-unting pag-usad ng sasakyan ng dahan-dahan.

"What do you mean?" rinig kong tanong niya pero hindi ko pinansin at nanatiling nakatingin sa harap, iniisip kung bakit maging ako ay sinabi rin ang sinabi ko.

I really don't know why I said that. Maging ako ay naguguluhan sa sarili ko.

Dahil sa katahimikang tugon ko, agad niyang iginilid ang sasakyang at seryosong tinuonan ako ng pansin.

Ilang minutong wala siyang imik, habang ako ay halos hindi na kumukurap na nakatingin lang sa harapan. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang tingin sa akin na para bang gustong-gusto niyang magtanong pero pilit niyang pinipigilan at ang tanging magagawa lang ay usisahin ang buong pagkatao ko kung seryoso ba ako o nagbibiro lamang.

GERVACIO SERIES 1: Love's LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon