Diagne
Pagkarating namin sa bahay, agad akong nagluto nang makakain. Alam kong hindi pa kumakain si Zayde kaninang dumating siya sa ospital para maghanda sa pag-uwi namin. Halata pa ngang inaantok eh dahil sa mata niyang namumungay pa.
"Anong ulam ba lulutuin mo at matulungan kita?" tanong ni nanay na biglang sumulpot sa likuran ko habang naghihiwa ako ng karne ng manok.
Binabalak kong magluto ng chicken curry dahil yon din ang isa sa mga nalaman kong paboritong ulam ni Zayde. Walang nagsabi sa akin pero sa tuwing nagpapa-order siya sa labas ng kakainin namin ay palaging may chicken curry at yon din ang putaheng laging niluluto sa mansion noong nandon siya ng ilang araw.
"Paborito niya?" nagulat ako sa biglang pagbulong ni nanay malapit sa tenga ko. Para siyang may pinupunto at kuhang-kuha ko naman kong ano at sino yon.
Kailangan ko na rin sigurong ipagsabi sa kanila lalo na't ayaw na ayaw ko pa namang may inililihim sa kanila lalo na kay nanay. Tutal, halata naman na.
Marahan akong tumango at tinapos ang paghihiwa.
"Pero, nak..." humarap ako sa kaniya nang bigla matunugan ko ang kaseryosohan sa kaniyang boses. "...sigurado ka ba diyan? Alam mo naman kung saan siya galing na pamilya diba?" nangungusap ang kaniyang tingin. Lumapit siya at inilagay ang kaniyang kamay sa baba ng balikat ko. "Alam kong naiintindihan mo ako at alam ko rin na napag-isipan mo na ito." napabuntong-hininga siya, "Hindi kita pinipigilan, Diagne. Basta ang sa akin, kung saan ka masaya at hindi nasasaktan, mabuti na sa akin yon." aniya sa huli at ngumiti.
Sinuklian ko yon saka siya niyakap. "Salamat po." saad ko.
"Pero kailangan mo ring ipaalam sa mga magulang mo ang tungkol dito. Hindi porket nahahalata ko at alam ko na, hindi mo na sasabihin sa mga magulang mo. Mas maganda kung pati sila ay alam din ang tungkol dito." sabi pa niya nang kumalas ako sa maikling pagkakayakap sa kaniya.
Tumango ako at ngumiti. "Opo."
Matapos ang usapan naming ganon, siya ang nag-asikaso sa paggagayat sa mga rekado ng lulutuin kong ulam.
Ilang minuto ang nakalipas at tapos na ang niluluto kong ulam. Si nanay na rin ang nagluto sa ibang ulam gaya ng pinakbet at si Ate Jen na kanina rin ay tumulong na rin sa pagluluto ng tahong.
Agaran akong naghanda sa hapag para makakain na. Nang matapos ay nagpunta ako sa sala para yayain ang dalawa na kumain na pero laking gulat nang makita ko silang nakahiga silang magkatabi sa sahig na may lapag na banig.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa gilid kung nasan si Liam. Tumuwad ako para damhin ang noo ng bata. Napangiti ako nang hindi na ito mainit hindi kagaya kaninang umuwi kami na meron pa rin siyang sinat. Napansin ko rin na nagpalit siya ng damit.
Bigla ko tuloy naalala si Zach noong nilagnat din siya. Kung paano magkwento si Zayde tungkol sa pag-aalaga niya sa bunsong kapatid tuwing may sakit, napatunayan ko din na kaya niyang gawin sa ibang bata gaya ni Liam.
Sa side naman kung nasaan si Zayde ako nagpunta, bumaba ako para maabot ko ito. Tinitigan ko muna ang kaniyang mukha. Napakaamo nito lalo na ngayong natutulog siya. Parang siya yong tipo ng tao na hindi niya alam ang magalit, yong parang okay lang lahat sa kaniya. Pero kapag gising naman, halos mapagkakamalang pipi ang haharap sa kaniya dahil sa hiya o takot na makipag-usap sa isang kagaya niya.
Palaging nakapaskil ang seryoso niyang tingin at yon ang napansin ko kung sa iba siya nakikisalamuha, pero kung sa akin naman ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti niya sa kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...