Diagne
Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos nong nangyari sa pagitan namin ni Zayde sa kusina. Mula sa araw na yon, hindi ko na rin nakita ang larawan niya. Bigla na lang siya umalis na hindi ko man lang alam kung bakit.
Bagamat napapaisip din ako, bakit kailangan ko pang malaman ang rason kung bakit siya umalis kung ako nga ang umalis noon nang mapagtanto ko na mali ang ginagawa niya at mali rin na hinahayaan ko lang?
Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari lalo na't nandon si Zatriyah. Wala akong maisip na dahilan para hindi gawin ng bata ang hindi magsabi sa mga magulang nila tungkol sa nakita niya.
Nagtataka lang ako nong sinundan niya ako ay nagawa pa niyang tanungin ako kung okay lang ako. Talagang kakaiba ang isip ng batang to.
Pero isa lang ang nasisiguro at pwedeng kong gawin; ang mag-isip kung ano ang isasagot at ipapaliwanag ko ng maigi kung sakali mang tanungin ako ni Sir Zeijhay at Dra. Alejandria.
Kung sa akin, wala akong ginawa kay Zayde. Hindi ko siya inakit, hindi ako nagpapapansin sa kaniya, nakikipag-usap lang ako sa kaniya sa tuwing siya ang unang kumausap sa akin, at higit sa lahat, alam ko ang lugar ko sa pamamahay na to.
Ang mali lang ay yong hinayaan ko siyang gawin niya ang mga nagawa niya at malas lang na may nakakita at nakahuli sa amin at ang kapatid pa niya.
Mapait akong ngumiti dahil sa sarili kong kaisipan. Wala pang nakokompirma sa pagitan naming dalawa, andami na agad humahadlang na mali na magkagustuhan kaming dalawa.
Hindi ko naman sinasabi na dahil sa estado ng aming pamumuhay at kung ano ang katayuan namin sa buhay. Lahat pwedeng magmahal ng kung sino mang gustuhin nilang mahalin dahil ganon ang pagmamahal, walang pinipiling tao, lugar, at oras.
Pero kung iisipin, hindi iisa ang takbo ng isip ng mga tao. Sa katunayan nga, pwede kong ipagsigawan sa lahat na gusto ko ang nag-iisang Zayde Gervacio. Pero hindi ganon yon kadali dahil sa mga iisipin ng mga taong nakapaligid sa akin lalo na sa kaniya.
Nirerespeto siya ng nakararami habang ako ay isa lang na katulong sa buhay ng kapatid niya. Kung sa totoong buhay, siya ang mas mahuhusgahan at hindi ako. Siya ang may pigura sa labas at ako ang may nakatagong personalidad. Mas siya ang makakaranas ng panghuhusga dahil siya ang mas kilala sa aming dalawa.
At sa lagay ko naman, ano ang iisipin ng mga taosa akin? Na pineperahan ko lang ang lalaking kagaya niya dahil siya ang may kaya at ako ay wala.
Kahit na sabihin kong tatay ko pa ang may pinakamaatas na ranggo sa isang malaking kompanya dito sa Maynila, walang maniniwala dahil sa buhay na pinili ko simula pa lang nong bata ako.
Subalit hindi ganon ang nasa isip ko dahil kaya kong magsumikap para sa mga sarili kong kagustuhan. Kaya kong magtrabaho para sa pamilya na meron ako. Kaya kong magpawis at ialay ang sarili kong dugo para sa mga mahal ko sa buhay.
Ni kailanman, hindi ko tinignan ang mga mayayaman na katulad ng pera. Pare-pareho lang din kaming tao, may kaniya-kaniya lang kaming buhay at iba-ibang katayuan at estado. Kung kaya nilang kumita ng pera, kaya rin namin, pero magkaiba lang ang laki ng halaga.
Natapos ang klase ko na yon ang iniisip ko. Hindi ako makapokus dahil don. Nagsitayuan ang mga kaklase ko pero ako ay nanatiling nakaupo at nakatingin sa kawalan. Narinig ko pa ang pamamaalam nina Dana at Shantal na mauna na, tinanguan ko lang sila pero hindi na ako tumingin pa.
Ang bigat-bigat lang sa pakiramdam na may ginagawa akong taliwas sa kagustuhan ng sarili ko. Alam ko kung ano ang nararamdaman ko para kay Zayde pero hindi yon tama.
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...