Chapter 43

13 1 0
                                    

Diagne


"'San po si Zach?" tanong ko kay Lea nang maayos ko ang mga gamit ko sa silid namin pagkabalik. 

Magtatakip-silim na nang makarating kami ni Zayde dito sa mansyon kanina. Sabay kaming bumalik ng Maynila dahil nagpumilit siyang isabay na ako kahit na kailangan pa niyang bumalik ulit sa Tarlac dahil may inaasikaso siya tungkol sa kompanyang hawak niya. 

"Nandon sa silid niya. Kanina pa nagkukulong, ayaw magpapasok nang kung sino man sa amin. Puntahan mo, baka ikaw ang gusto." sagot naman ni Lea sa akin habang abala sa paglilista ng mga bagay na bibilhin nila bukas sa grocery. 

Napabuntong-hininga ako dahil sa nalaman. Mahirap pa namang suyuin ang batang yon. 

Wala akong nagawa kundi ang umakyat sa ikalawang palapag para puntahan si Zach sa kaniyang silid. Kumatok muna ako ng tagtlong beses bago dahan-dahang buksan ang pinto. 

Inilibot ko ang tingin sa bawat sulok ng kwarto at tanging ang natutulog lang na bata ang nakita ko nang mapunta sa malaking kama ang tingin ko. Nakatulugan na niya ang nilalaro niya sa kaniyang I-Pad na nanatiling nakabukas. 

Una kong iniligpit ang I-Pad niya saka ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Anong nangyari sa batang to at ngayon lang magulo ang kaniyang silid? Hindi ganito ang karaniwang ayos ng kaniyang silid dahil ayaw niya sa makalat. Pero anong nangyari at bakit ang kalat ng silid niya?

Mukhang kanina pa bukas ang aircon dahil sobrang lamig na kahit kakapasok ko pa lang. Nang tingilain ko ito ay napapamura na lang ako sa utak ko dahil nasa-lowest temperature ito. Hinanap ko ang remote at itinaas ang temperatura nito. 

Nang mailigpit ang mga kalat ay si Zach naman ang inayos ko. Nakasuot pa ito nang damit panlabas, mukhang hindi pa naliligo bago nakatulog. 

Inayos ko ang kaniyang pagkakahiga dahil mangangawit ang katawan niya sa posisyon niya. Isang buntong-hininga ang ginawa niya nang maiayos ko ang higa niya, mukhang malalim na ang tulog niya. 

Hinaplos ko ang mukha niya saka ang buhok niya. Papatulugin ko muna, gisingin ko na lang mamayang kakain na para na rin makaligo siya mamaya. 

Muli ko pang tinapunan ito ng tingin bago ko isarado ang pinto at lumabas. Nagtungo ako sa ikalawang kusina kung nasaan ang ilang mga katulong na naggagayat ng mga sahog para sa mga ulam na kanilang lulutuin. Dalawa ang nagsisilbi kasing kusina, isa para sa mga taga-luto at isa para sa mga taga-gayat ng mga rekado at sahog. 

Nadatnan ko naman si Yves don kasama si Zatriyah na nangingialam sa mga naggagayat. Nagpapasaway na naman ang batang 'to. 

"Hey, you're back." ani Zatriyah at patakbong lumapit sa akin. "I miss you." dagdag pa niya saka ako niyakap. 

Halos abot hanggang dibdib ko ang tangkad niya kaya yong pagkakayakap niya ay talagang nakakulong ako sa kaniyang mga braso. Tinginan naman ang iba sa amin kaya naiilang akong tumikhim at simpleng pinalayo si Zatriyah sa akin. 

Baka kung anong isipin pa nila lalo na't wala pa namang preno ang bunganga ng batang 'to. Kung saan na naman pupunta 'to. 

"Nagtatampo si Zach sa'yo. Don't make me tampo with you too." sumimangot niyang saad pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap. 

Nginitian ko lang siya at ginulo ang kaniyang buhok. Kailangan kong tratuhin siya bilang isang bata dahil kung hindi ay ipagpapatuloy niya lang ang hindi pa niya naiintindihang nararamdaman niya. 

"Bakit ka naman magtatampo sa akin? Ha?" sambit ko sabay hila sa kamay niya palabas ng kusina. 

Nagpunta kami sa likod ng mansyon kung saan nakabukas ang mga lampshade na nagsisilbing ilaw para makita ang mga bulaklak na nakatanim doon. Malawak ang bakuran nito lalo na dito sa likod kung saan parang hardin na rin kung tutuusin. Ang gandang tanawin dahil sa gitna ay may isang daan kung saan patungo sa isang malaking puno kung saan ang ilalim nito ay may mga bench at dalawang duyan sa magkabilaan nitong side. 

GERVACIO SERIES 1: Love's LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon