Diagne
"Bakit ka nandito?"
Abala ako sa pagliligpit sa pinagkainan namin nina Zayde dahil sa pagpupumilit niyang dito sa kwarto na lang ni Liam siya kumain at nagpa-order na lang sa labas ng mga pagkain, kaya ang ending, solve na naman ang pananghalian namin nina nanay at Ate Jen.
Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya minabuti kong balingan siya. Sinusundan niya ang bawat galaw na ginagawa ko at hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa simpleng porma niya ngayon.
Gaya nong una ko siyang nakita, naka-maong shorts lang din siya at kulay asul na polo na binagayan niya ng kaniyang leather shoes na palagi kong nakikitang suot niya.
Nang maramdaman niya siguro ang tingin ko sa kaniya ay saka siya tumingin nang diretso sa mata ko. Sa pinakaunang beses na nabigla ako sa pagtingin niya at nahuli akong nakatingin sa kaniya, hindi ako nakaramdam nang pagkailang at hindi ko rin inilayo ang tingin ko sa kaniya. Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya na kulay kayumanggi na para bang bituin na kumikinang dahil sa liwanag ng ilaw na tumatama sa mukha niya.
Sa lahat ng parte ng katawan niya, sa mata niya ako nabibighani dahil napakapungay ng mga ito lalo na kapag napagmamasdan ko siya nang malaya.
"Don't look at me with those eyes." rinig kong sambit niya na nagpabalik sa akin sa realidad. Napakurap-kurap pa ako dahil sa kahihiyang idinulot nito sa akin.
Hindi ko man lang namalayan na sa pag-iisip ko ng kung ano-ano ay nakatitig lang ako sa kaniya.
Halos manalo na ang puso ko sa karera dahil sa bilis ng pagtibok nito. Pero sa pasimpleng paraan, nagawa kong magbuga ng hangin para pakalmahin ang aking sarili. Napalunok pa ako bago ako magsalita.
"Tinatanong kita." hindi naman ako galit 'no pero bakit parang may kung inis ang maririnig sa tono ng pagkakasabi ko?
"Because you're here." sagot niya na para bang wala lang sa kaniya ang ibig niyang sabihin.
Habang ako ay parang tumigil ang paggalaw ng paligid dahil sa narinig kong sagot niya. Alam kong may ibig sabihin yon, alam kong meron. Hindi ako tanga para hindi makuha ang ibig niyang sabihin.
Normal kong iginalaw ang aking ulo para balingan siya at tignan siya sa mata. Nagsusumigaw ang kakaibang ekspresyon sa pamamagitan ng kaniyang mata, nagniningning na para bang may kung ano itong gustong ipahiwatig sa akin na ako lang dapat ang nakakaalam.
Kumunot ang noo ko. "H-ha?" nautal pa ako sa pagsasalita. Hindi ko sinabi yon dahil gusto kong ulitin niya ang sinabi niya pero gusto kong maipaliwanag niya ang kasasabi niya lang na kataga bilang sagot sa napakasimpleng tanong ko.
Mapanloko siyang ngumiti at tumayo na para bang hindi niya narinig ang aking sinabi. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Nagpunta siya kay Liam na natutulog. Hindi ko alam kung bakit ko binitawan ang ginagawa ko at sumunod sa kaniya kung saan umupo siya sa mahabang sofa na hinihigaan kong matulog.
Kaming tatlo lang ang nandito, wala si nanay at Ate Jen dahil kaninang matapos kaming kumain ay agad silang umuwi para may mag-asikaso sa bahay. Matutulog din sana ako kahit hindi na ako mananghalian kanina pero dumating itong lalaking ito. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasalamuha pero naiilang ako. Oo, naiilang ako. At anong magagawa ko don? Wala! Alangan namang paalisin ko lalo na ngayon na komportable na siyang nakahiga sa dapat na hihigaan ko sana mamaya.
Nakapikit siya kaya malaya kong napagmamasdan ang mukha niya. Maamo na sa mas maamo ang itsura niya pero kapag nakausap na siya, para kang isang kuhol na magtatago na lang dahil sa pagkailang na igagawad niya sayo. Malalim ang kaniyang boses, baritonong boses ng isang nagbibinata.
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...