Chapter 30

25 1 0
                                    

Diagne


"Sorry," agad kong sambit nang humarap ako kay Zayde na matamang nakatingin sa akin habang nakapamulsa ang isa niyang kamay. 

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa direksyon namin dahil sa lalaking nasa harapan ko. Siguro nagtataka sila kung bakit niya ako kinakausap. Noon pang nakaraan na magkasama kami at halos pagpasok ko ng eskwelahan ay panay ang pagsunod ng mga tingin sa akin ng mga estudyante at mas lumala pa yon nang makita kaming tatlong magkakasama. 

Ikaw ba namang kasama ang gwapong lalaking ito at kilala pa ng nakararami dahil galing siya sa kilalang pamilya. Tapos kilala at rinerespeto ng mga teachers at school staff kagaya ng pagrespeto nila sa kaniyang tanyag na ama. 

Sa totoo lang, ang hirap makisama sa mga ganitong tao lalo na't parang hindi mo sila masabayan dahil sa katayuan nila sa buhay pero pinipilit mo na lang ang sarili mo dahil kailangan. Pero kung si Zayde, bakit hindi. Hindi siya yong taong lantaran ang pagkamayaman. Oo't halata sa itsura ang pagiging mayaman at makapangyarihan niyang tao, pero hindi siya yong tipong ginagamit niya ang ganong aspeto para ipangalandakan sa tao na dapat siyang katakutan dahil kung hindi ay sila ang masisira. Siya yong tipo ng lalaki na responsable lalo na bilang kapatid at panganay na anak. 

"Puntahan mo na si Zach don. Ako na mag-o-order." sabi niya nang akmang haharap ulit ako sa babae. 

Minsan ko pa siyang tinignan at agad din akong sumunod nang magtama ang mga mata namin dahilan para makaramdam ako ng pagkailang. 

Isang tango ang ginawa ko habang nakayuko at agarang umalis sa harap niya. Kung alam niyo lang kung gaano kahirap huminga sa tuwing siya ang kaharap ko lalo na kung kinakausap pa niya ako. Parang minsan gusto ko na lang maglaho na parang bula. 

Nadatnan ko si Zach sa upuan namin na may kausap na bata. Nagtaka pa ako at napakunot ang noo ko dahil yon yong batang sumira sa eyeglasses niya, si Austine.

Agad kong nakuha ang atensyon nila at nagulat pa ako nang dumapo ang tingin ko kay Austine. 

"O, bakit ka umiiyak?" sambit ko sabay tingin kay Zach na may nagtatanong na mata. 

"I didn't do anything. We're just talking and he cried." inosenteng sabi niya. 

Hinarap naman ako ng isang bata na halos mamugto na ang mata dahil sa pag-iyak. 

"I'm so-sorry po. I---I didn't m-mean to b-break his gla-glasses. I promise I wo-won't bully Zach a-again." umiiyak na sabi ng bata habang humihikbi. Bigla akong nakaramdam ng awa. "J-just please...ayo---ayokong magtra-transf-fer ng s-school." halos hindi na siya makapagsalita ng maayos dahil sa paghikbi niya. 

Agad akong umupo sa tabi niya para patahanin siya. Hindi naman ako galit sa bata pero yong ginawa niya, don ako nakaramdam ng sama ng loob. Pero habang pinapanood ko siyang umiiyak, nasasaktan din ako. 

Merong ilang mga posibleng pangyayari ang tumatakbo sa isip ko tungkol sa sinabi niya. Wala ng ibang gumawa nito kundi ang mga guro. Kawawa ang bata dahil dito, alam nila na mas marami ang mawawala sa paaralang ito kung ang magkakapatid ang lilipat, pero paano naman ang isang bata? Paano ulit siya mag-a-adjust? 

"Tahan na." pag-alo ko sa bata saka siya pinaharap sa akin. "Listen, I'll talk to him, okay? Hindi ka lilipat ng school." paninigurado ko sa kaniya. Nabawasan ang paghikbi niya kaya nagsalita ulit siya.

"But daddy already decided po. Besides, ako naman ang may kasalanan, kaya..." humarap siya kay Zach. "...I'm sorry, Zach." sabi niya kay Zach saka ulit humarap sa akin. "Teachers wanted me to transfer instead the Gervacios because if they did, the school will lose a lot of shares, and daddy will lose his job." 

GERVACIO SERIES 1: Love's LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon