Diagne
"Hindi ako natutuwa, Zayde." sabi ko sa kalagitnaan ng katahimikan.
Hindi ko magawang tumingin sa kaniya lalo't alam kong nakatingin siya sa akin. Nandito kami sa isang coffee shop dahil nag-aya siyang bumaba muna, at dahil naisip kong pagkakataon ko na rin ito para makausap siya sa nangyari nong nakaraan, pumayag ako. Natutulog naman si Liam at may pinaiwan din siyang nurse sa kwarto kaya kampante akong umalis.
"Why? I was just joking."
May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko dahil sa naging sagot niya. Biro lang yon pero bakit parang hindi ko tanggap?
Napalunok ako bago magsalita ulit. Minabuti kong tumingin sa kaniya. "He smiled right after you said it, then you're saying you're just joking?" may pagkasarkastiko kong sabi na may halong pagkainis. Hindi ko inilayo ang tingin sa kaniya dahil sa inis na nararamdaman ko.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, bagamat, nakatingin lang siya ng diretso sa aking mata.
Ilang segundong katahimikan hanggang sa magsalita siya ulit.
"Then let's make it real." saad niya na nagpapantig sa tenga ko.
Hindi ko ipinakita na hindi ko inaasahan ang sinabi niya, pero sa kaloob-looban ko, nagwawala na ang puso ko sa kinalalagyan niya dahil sa mga katagang sinambit niya. Parang tinatakasan ako ng lakas dahil sa hindi normal na pagtibok ng puso ko.
Muli akong napalunok. "Z-zayde---" hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa klase ng tingin na iginagawad niya. Para akong nahihipnotismo dahil sa mga mata niya. Muli akong napalunok pero parang ang laki-laking bagay ang nakasara sa lalamunan ko sapagkat ang hirap para sa aking tanggalin yon doon. "If this is kind of joke, tigilan mo ako, Zayde. Hindi na nakakatawa." seryoso kong sabi at matapang na sinalubong ang kaniyang mga mata.
Sa wakas, napabuntong-hininga siya at inilayo ang tingin sa akin kaya napabuntong-hininga rin ako. Saka lang ako napatingin ulit sa kaniya nang magsalita siya.
"Do you think this is a joke? Isn't it obvious, Diagne?" tanong niya na para bang naiinis na. Hindi ako nakasagot bagamat dahan-dahan kong inilayo ang tingin sa kaniya. "Look at me." muling saad niya na para bang para sa akin ay obligado akong sumunod, kaya ibinalik ko ulit ang tingin sa kaniya. Napabuntong-hininga siya bago ulit magsalita. "I am serious with you, okay?" para bang naniniguro siya sa pamamagitan ng pagsasalita niya. "I like you." sinsero niyang sabi.
Sa inaasahan ko, mas bumilis ang tibok ng puso ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Napaawang ang bibig ko pero agad ko ding isinara. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa niyang mata na para bang inuusisa ko kung totoo ba siya sa sinasabi niya. Gusto kong sumagot pero walang lumabas ni isang salita mula sa bibig ko.
"And you like me too, right?"
Dahil sa tanong niyang yon, kumunot ang noo ko at nanatili ang mata kong nakatingin sa kaniya at tanungin kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa pamamagitan ng tingin na ibinibigay ko.
"What?" parang inosente niyang sambit saka ngumiti. Hindi ko na alam kung seseryosohin ko ba ang mga pinagsasabi niya o ano eh. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang paniwalaan ko sa lahat ng ekspresyon at reaksyon na ipinapakita niya. Para niya akong pinaglalaruan dahil sa mga ginagawa niya at kailangan kong klaruhin ang lahat.
Napabuntong-hininga ako. "Zayde, makinig ka." seryoso kong pagkakasambit. Pangiti-ngiti lang siya habang nakatingin sa akin. "I am not joking with you." kumunot ang noo ko pagkatpos kong sabihin yon. "This kind of nonesense..." tumigil ako sa pagsasalita at tumitig sa mga mata niya. "...should stop. You can't. You don't like me." deretsahan kong sabi na nagpabago sa ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso siya at doon lang bumalik ang pagkailang ko nang seryoso na siyang tumingin sa akin. "Maybe you're just---"
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...