Diagne
"How's Zach doing?"
Agad na tanong ni Dra. Alejandria pagkalapag niya sa mga gamit niya saka humarap sa amin. Agad naman akong tumayo para harapin siya nang maayos at masagot ang mga katanungan niya. Kung alam niyo lang kung paano kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba lalo na nang makita ko pa ang mukha ni Dra. Alejandria na para bang hindi natutu.
Ay, what I mean is sino ba ang matutuwa kapag nagkakasakit ang anak diba? Pero yong ekspresyon kasi ng mukha niya ay napakaseryoso at nakakatakot makipag-usap.
"Hindi pa rin ho bumababa ang lagnat niya, doc." sagot ko, pinipigilan ang sariling masamid dahil alam ko sa sarili ko na kita sa mukha ko ang kabang nararamdaman.
Agad niyang nilapitan si Zach at may kung ano-ano siyang ginawa na gawain ng isang propesyonal na doktor.
Nagising ang bata dahilan paa ngumiti si Dra. Alejandria at haplusin niya ang buhok ng kaniyang anak. "Mommy's here, baby." malambing niyang sabi na ikinatigil ni Zach sa paghalinghing.
Hindi niya alam kung sino ang nasa paligid niya dahil masyado siyang mahina para magmulat ng mata. Hindi niya rin siguro alam na nandito si Zayde.
Ilang minuto ang iginugol ni Dra. Alejandria kay Zayde bago humarap sa akin nang mapatulog niya ulit si Zach.
"How are you?" bahagyang sumikdo ang puso ko dahil sa hindi inaakalang tanong niya sa akin. Hindi yon ang inaasahan kong tanong niya. Napalunok pa ako dahil sa hindi agad na pagsagot kaya napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Diagne, I'm talking to you." sabi niya ulit nang nakatingin lang ako sa kaniya.
"Ah-uhmm, opo, doc. Maayos naman po." hindi mapakaling sagot ko.
Rinig ko naman ang bahagyang pagtawa ng mahina ni Zayde kaya napatingin sa kaniya ang mommy niya.
"You're staying here tonight?"
Kinuha ko ang mga damit na pinagpalitan ni Zach saka lumabas. Ayaw kong makinig sa usapan nang may usapan. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig dahil pakiramdam ko ang dry ng lalamunan ko.
Hindi ko pa nabubuksan ang ref nang magsalita siya sa likuran ko.
"Let's eat."
Ipinagpatuloy ko ang pagbubukas ng ref at nagsalin ng tubig sa baso. Nang tignan ko naman siya ay nakatingin lang siya sa akin na hindi ko mawari kung bakit.
Hindi ako nagsalita at itinuon ang atensyon sa mga pagkain na nasa harapan namin. Kumuha ako ng ilang plato at walang imik na inihahain ang mga pagkain na pina-order niya sa labas. Ang dami-dami nilang taga-luto, sa labas pa siya kumuha ng pagkain.
Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa bawat galaw na ginagawa ko. Iniisip na naman niya siguro kung bakit hindi ako umiimik.
Ilang minuto ang nakalipas nang matapos kong maihanda ang mga pagkain. Hindi ko na inilagay sa dining table dahil alam kong siya lang naman ang kakain. Nakapatong lang ang mga pagkain sa island counter. May upuan naman ang island counter na inupuan niya kaya doon na lang siya kakain.
"Kumain ka na." sabi ko saka aalis na sana nang higitin niya ang braso ko na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Tumingin ako sa kaniya para lang makita ang nagtataka niyang ekspresyon sa mukha.
"Are you mad?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko dahil don. Hindi ko rin alam sa sarili ko eh. Hinid ako galit at alam ko yon pero hindi tugma sa mga inaakto ko kaya napagkakamalan akong galit. Wala sa mood, yon siguro. At dala na rin siguro ng pagod.
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...