Diagne
Parang nawalan ng gana ang bata nang makauwi kami. Dumiretso siya sa kaniyang kwarto. Hindi ko na inatubiling kausapin o tanungin siya kung anong problema kasi alam ko naman na kung ano. Sinundan ko siya sa kaniyang kwarto at inayos ang kaniyang mga gamit.
Pumasok siya sa banyo para maligo at magpalit ng damit. Ilang minuto rin ang iginugol niya sa loob ng banyo at wala akong ginawa kundi ang hintayin siyang lumabas.
Hindi naman masama ang timpla ng kaniyang mukha pero ramdam ko sa kaniya ang pagkadismaya at pakiramdam ng isang batang hindi napagbigyan sa gusto niya.
"Hey, Zach," malambing ang boses kong pagtawag. "Are you mad at me?"
Tinitigan niya ako saglit bago siya magsalita. "Is there anything to be mad about po?"
Napasinghap na lang ako dahil sa isinagot niya. Dito ako nawawala eh, yong paraan ng pagsagot niya, parang hindi bata kung magsalita.
Habang abala siya sa pagpunas sa buhok niya, ako na ang kumuha sa suklay at marahang sinuklay ang buhok niya na hinayaan niya lang.
"Alam mo, Zach..." panimula ko. "...meron ding bata na kagaya mo sa bahay namin sa probinsya. Matalino ring bata yon, kagayang-kagaya mo." pahayag ko kahit hindi naman niya tinatanong.
Hindi ko na alam kung paano makipag-usap sa batang ito eh. Kailangan ko pang mag-isip ng pwedeng pag-usapan para sa kagaya niyang may kakaibang pag-iisip.
"Ano pong name niya?" pabalik niyang sagot na ikinangiti ko. Akala ko hindi siya interesado dahil hindi siya nagsalita ng ilang segundo.
"Liam" sagot ko. "Kaso yong batang yon, lumaking walang mga magulang."
Hindi ko alam kung bakit ko to sinasabi sa kaniya. Siguro sa kaisipang nakikita ko si Liam sa kaniya. Tipong palagi siyang may sariling mundo, walang sapat na interaksyon sakaniyang mga magulang. Kahit na nandiyan si Sir Zeijahy, parang hindi madikit ang bata sa kaniyang ama. Kaya siya laging nasa kwarto at mas ikinukwento pa ang ibang tao kagaya ng kaniyang Yaya Marie kesa ang kaniyang daddy.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may kumatok si pinto at bumukas.
Bumungad ang isang lalaki na sa pagkakaalam ko ay kaedad ko lang. Hindi ako nakagalaw dahil parang naging estatwa ang katawan ko nang titigan niya ako. Sa titig na yon, doon ko lang naramdaman ang tapang na lumukob sa katawan ko. Kahit anong kagustuhan kong ilayo ang tingin sa kaniya, hindi ko magawa sapagkat maging siya ay hindi ako nilubayan ng kaniyang pagkakatitig.
Una akong nabihag ng mata niyang kulay kayumanggi, pababa sa ilong niyang napakatangos, at ang bibig niyang sa tingin ko ay napakalambot sa pakiramdam. Kahit sa simple lang niyang suot na asul na polo at ang maong niyang shorts na pinaresan niya ng puting sapatos, ang lakas niyang magmukhang mayaman. Napakalinis niyang tignan sa puntong kahit siguro sampung beses pa akong maligo ay walang-wala sa linis ng katawan niya.
"Kuya Zayde!"
Doon lang ako natauhan nang biglang tumakbo si Zach patungo sa lalaki. Para na akong naglalaway dahil sa ginagawa kong pagtitig sa kaniya at wala man lang akong ginagawa para maayos ang sarili ko.
Pinapanood ko lang sila habang naglalambingan at nag-uusap. Siya ata yong sinasabi ni Manang Nora na darating. Pero sino ba siya? Anak din ba siya? Kung oo, ibig sabihin, hindi si Zhyler ang panganay kundi siya.
Zayde. Yon ang pangalang binanggit ni Zach. Puro sila 'Z'. Galing.
Sa pag-iisip ng kung ano-ano, hindi ko namalayan na wala na ang dalawa sa harap ko at lumabas na pala. Dali-dali akong nagligpit sa mga gamit ni Zach at sumunod sa kanila sa baba.
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...