Diagne
"Salamat po." sabi ko sa tindera ng prutas.
Pabalik na kami ni Zayde sa ospital. Matapos niya akong ilibot sa bahay na pinuntahan namin, nag-aya na rin siyang bumalik dahil baka nagising na raw si Liam.
Magtatakip-silim na nang lumabas kami ng bahay. Ilang oras din kaming dalawa lang ang magkasama nang malaya at walang ibang nakakaalam kundi kami lang.
Nalaman ko rin na ang bahay na pinuntahan namin ang tinitirhan niya. Bukod niyang pamamahay dahil na rin meron siyang pinapatakbong kompanya sa kaniyang murang edad, nakapagpatayo na siya ng kaniyang sariling bahay. Ganyan kayamanan at makapangyarihan ang lalaking kasama ko.
Sa totoo lang, kanina ko pa iniisip na hindi na niya kailangang mag-aral dahil nasa kaniya na naman ang lahat. Wala lang akong lakas ng loob na sabihin yon sa kaniya dahil sa tingin ko ay mali namang sabihin ang ganong bagay. Dahil para sa akin, mas mabuti pa rin ang may pinag-aralan at magtapos na may pangaral na dadalhin sa buong buhay.
At si Zayde, hindi siya yong taong hindi basta-basta. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamaling bagay, dapat lahat ay nasa tamang linya at tamang proseso. Sa ilang oras na magkasama kami, hndi ko maipagkakailang nakaramdam ako ng malayang kagalakan at totoong kasiyahan sa mga simpleng galawan at mga salitang binibigkas niya.
Naabutan ko siyang nakapikit ang mata nang pumasok ako sa kaniyang sasakyan, nagmulat lang nang maramdaman niyang makapasok ako.
"You sleepy?" tanong ko pero tanging pag-iling lang ang itinugon niya. "I can drive , so you can sleep." sambit ko pa.
Simpleng ngiti ang sumilay sa kaniyang labi pero kita pa rin ang kaniyang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. "No. I can manage." aniya saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng seatblet. Ako na ang naglagay ng sa akin na siyang ikinasama ng tingin niya nang balingan niya ako. Nginitian ko siya na siyang nagpabuntong-hininga lang sa kaniya saka pinausad ang sasakyan.
Habang tinatahak namin ang daan, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa direksyon niya dahil sa hindi malamang dahilan. Mula kanina, sa lahat ng nangyari, hindi pa napo-proseso ng utak ko lahat ng yon.
Naramdaman niya siguro ang tingin ko sa kaniya kaya binalingan niya rin ako ng tingin sagit. "Don't just stare. Talk if you have something to say." sambit niya habang nasa daan na ulit ang kaniyang tingin.
Napalunok ako. Kailangan kong mailabas to. "Paano kung..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil kahit sarili ko ay nagtatakot sa pwede kong makuhang sagot. Pero alam kong mas gagaan ang loob ko kapag marinig ko ang sagot.
Tumingin ito sa direksyon ko pero agad din namang ibinalik ang tingin sa harapan. "Paano kung, ano?"
"Uhm..." muli akong napalunok. "Paano kung malaman ng mga magulang mo?" diretsahan kong tanong. Hindi ako nautal sa pagsasalita pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko.
Maikli siyang natawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Let them know. We're not hiding something." sagot niya na para bang hindi yon malaking bagay. "Why?" balik niyang tanong sa akin.
Inilayo ko ang tingin sa kaniya at tumingin sa bintanang nasa gilid ko. "Wala."
Ramdam ko ang pagbagal ng takbo ng sasakyan at ang mga mata niyang nasa direksyon ko. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pero nagulat ako nang bigla kong maramdaman ang isa niyang kamay na humawak sa kamay ko at pinisil yon.
Hindi ko napigilan ang sarili kong balingan ulit siya ng tingin dahil sa ginawa niya.
"Tell me. What's bothering you?"
BINABASA MO ANG
GERVACIO SERIES 1: Love's Labyrinth
RomanceIn a labyrinth of emotions, you find yourself trapped between the echoes of a past love and the shadows of your own doubts. Moving forward feels like you're betraying your heart, as if your body resists the idea of letting go. Stuck doubting whethe...