CAMILLEMalalim na ang gabi at siguradong tulog na si Don Alberto. Tulog na rin ang ibang mga katulong at sa wakas ay tahimik na rin sa loob ng kwarto ni Seryorita Alex.
Nagsuot ako ng balabal at lumabas sa silid. Kanina pa naghihintay sa akin si Nathan sa labas. Pero kinailangan ko munang hintayin na makatulog si Senyorita Alexa bago ako patagong nakipagkita dito.
"Bakit ngayon ka lang?" bungad nito hawak ang maliit na flashlight. Panay din ang palo nito sa braso at binti dahil sa mga nagliliparang lamok at iba pang insekto.
"Hinintay ko pang mamatay ang ilaw sa kwarto ng apo ng matanda." sagot ko.
"Dumating nga pala ang apo ng matandang 'yon. — Baka makasaga..."
Umiling ako at pinutol ang sasabihin niya. "Hindi siya makakasagabal sa plano natin Nat. Napakatagal bago ako nakapasok sa palasyong ito. Kaya hindi ko hahayaan na may makasagabal para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko."
Tumango at ngumiti si Nathan. Batid ko na napanatag ito sa isinagot ko. "Pero mas mabilis pa rin kung papatayin na lang natin ang matangdang 'yon." madiin niyang sabi habang nakatikom ang kamao.
"Napakaraming paraan para palabasing aksidente lang ang lahat ngayong nand'yan ka na sa loob."Muli ako umiling. "Hindi tayo mamamatay-tao tulad niya." sagot ko. "Mas gusto kong nakikitang unti-unting nawawala ang lahat, hanggang wala nang natira. Gagawin kong impyerno ang buhay niya hanggang sa ipagdasal niya na lang na mamatay." nagtatangis ang bagang ko habang deretsong nakatingin sa mga mata ng nag-iisa kong kaibigan. Ang nag-iisang tao na nakakaalam ng lahat sa akin.
Tinapik ni Nat ang balikat ko at mabilis na nagtago. "Ang apo ng demonyo."
Nakita ko si Alexa na lumabas sa terrace ng kwarto nito at mukhang nakatanaw sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko at pigil ang hiningang naglakad pabalik sa mansyon.
"H-hey — C-Camille..." tawag sa akin mula sa balkonahe.
Kabado akong tumingin dito at napalunok. "A-Ano po iyon, senyorita?"
"Can you please bring me some tea?"
"O-Opo." sagot ko bago nagmamadaling pumasok sa loob at ipinagtimpla ito ng tya-a.
ALEXA
Kanina pa ako paikot-ikot sa kama. Bukas - patay ko ring nilaro ang ilaw, naglagay na rin ako ng earpods pero jet lag is hitting so bad! Gustong- gusto kong makatulog pero hindi ko magawa.
Good thing, it didn't take long for Camille to bring me my tea.
Ilang minuto lang ay kumatok na ito sa pinto. "Come in." I demanded.
Pumasok ito dala ang isang tray laman ang teapot at tasa. "Narito na po ang tya-a ninyo."
She put it on my table and poured the boiling water in the tea cup.
Seryoso ito at mukhang kabado. I wonder who was the guy she was talking with.
"Is he your boyfriend?" I asked her straightforwardly.
Namilog ang mga mata niyang tumingin sa akin.
Kanina ko pa sila pinagmamasdan bago pa man ako lumabas sa terrace at mukhang seryoso rin ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"Ah! - Aray" daing ni Camille.
"Sh*t!" I exclaimed. Umawas ang kumukulong tubig sa tasa at napaso ang kamay niya na humahawak dito.
Kaagad akong humagilap ng malinis na panyo at kinuha ang kamay niya na namumula kaagad sa pagkapaso. Her hand was rough, halatang luto 'yon sa pagta-trabaho. Mayroon din ilang peklat at sugat ang daliri nito.

BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)