2012
"Mom? Dad?" Umiiyak kong tawag sa mga magulang ko pero wala ni isa sa kanila ang sumagot.
Nag tatakip silim na at napaka lakas rin ng ulan. Nanginginig ako sa takot habang nasa gitna ng kagubatan. I was abducted and I didn't know what happened to the person who helped me to escape. "Lolo? Where are you?" Tawag ko muli ngunit walang bumalik na sagot.
Nanghihina na ako dahil sa pagod. Puro sugat narin ang balat ko mula sanga ng mga halaman at puno na dinadaanan ko. I was about to pass out when I saw someone approaching me.
May ilang taon rin siguro ang agwat ng edad naming dalawa. Siya ang tumulong sa akin para makatakas.
"Who are you? Can you help me to find my daddy? I want to go home! I want my mommy!" I said crying.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako sa gilid ng isang puno. Gamit ang panyo na naka ipit sa buhok niya, maingat niya pinunasan ang luha ko, ganun rin ang mga gasgas at sugat ko sa katawan.
"Wag ka na umiyak. Iuuwi na kita." Ani to bago ako alalayan maglakad.
2024
Halos hindi ko na maalala ang mukha ng batang babae na tumulong sa akin. I wonder if I will still recognize her once I see her. Makapag pasalamat man lang sana ako sa ginawa niya noon.
"San Crisostomo" basa ko ng pasukin ng sinasakyan ko ang na bayan na pilit tinakasan ni dad.
Buong buhay ko ay ipinamulat nito na ito ang lugar na dapat namin iwasan. Napaka raming trahedya ang nangyari dito mula pagkabata ni dad, dahilan para doon niya kami palakihin sa Inglatera.
Kaya di ko lubos akalain na siya ang magiging dahilan ng pagbalik ko sa lugar na ito.
"Alexa! — Iha!" Masayang bati sa akin ni Don Alberto Gallardo, pagbaba ko palang sa sasakyan. Walang hindi nakakakilala sa kanya sa bayan ng San Crisostomo. Ginagalang at kinatatakutan siya ng lahat ng tao, mapa normal na mamamayan man o politiko. At siya ang ama ni dad.
"Lolo..." bati ko sabay yakap sa kanya.
He is the sweetest and a loving grandfather. Hindi man ako lumaki kasama siya, hindi yon naging hadlang para hindi ko ito lubos na makilala. Malimit ito bumisita sa amin sa England. Dumalang nalang nitong huling mga taon mula ng manghina ang negosyo niya at magkaroon ng ibat ibang sakit at binawalan na mag byahe.
"Kamusta ang flight mo?" He asked.
"Maayos po. Kayo? — I missed you lolo." I hugged him once more.
He heaved "Maayos naman kahit papaano. Pero masyado na akong matanda para mamalakad ng mga businesses natin at nitong hasyenda."
"That is why Im here... Ako na po ang bahala sa lahat." I tapped his shoulder.
"Hindi gugustuhin ng dad mo na nandito ka Alex."
"But he's gone lolo. — At napakarami ng loans at mortgages ang naiwan niya. Hindi ko kaya hayaan na pasanin ni mom lahat ng yon." Saving for what is left on lolo is my last hope to pay our debts. Bago pa mawala ang konting naipundar ng parents ko sa England. At bago mawala ang pinag hirapan ni lolo buong buhay niya.
"Oh siya, mamaya na natin ito pag usapan. Alam kong pagod ka sa byahe. Matulog ka na muna at mag pahinga." Ani lolo. Kita ko ang lunggkot at nangingilid na luha sa mata nito. His son died, at ni hindi man lang niya ito nakita sa huling pag kakataon. "Camille? Paki samahan si Alex sa kuwarto niya."
Nag mamadaling lumabas ang isang dalaga mula sa loob ng mansyon. "O-Opo..."
Natigilan ako at napatitig rito mula ng lumabas ng pinto hanggang makalapit saamin. "D—Do I know you?" My heart beat rose while I was firmly looking at her.
Apat na beses pa lamang ako nakakatung-tong sa bayan na ito. That was when I three years old which I can't remember anything. Then, when I was five when lola died. Then, when I was eight years old, when someone attempted to kill lolo. But it ended up our last time to be here. Dahil sa insidenteng nangyari sa akin. And now.
Lolo choked. "I don't think you met her before iha. Dito na lumaki at tatanda yan si Camille. Nakita siya palaboy laboy ni Lurdes sa kabilang bayan, kaya dinala dito para manilbihan."
Marahan akong tumango.
Kita ko ang pagkahiya ng dalaga sa sinabi ni lolo. The old man never changed. Wala parin preno ang bibig nito sa ibang bagay. "Sige na, kaya ko na ito. Paki kuha nalang ng maleta sa kotse." Utos ko.
Tumango lang ito at ginawa ang inutos ko.
Hindi nagbago ang loob ng masyon. Makikintab na parquet ang sahig nito. Habang mga antique na frames at furnitures ang makikita sa loob. There is still the old chandelier hanging in the middle of the house.
Umakyat kami ni Camille sa hagdan at itinuro nito ang kwarto ko. "Salamat" Tipid kong sabi.
"Walang anuman." Sagot nito bago akmang lalabas sa kwarto.
"S-Sandali..." pigil ko. "Sigurado ka ba na hindi pa tayo nag kikita noon?"
"Tulad po ng sabi ng lolo ninyo. Dito na ako lumaki at tatanda sa San Crisostomo. Kaya impossibileng nagkita na tayo noon."
"P-Pero..."
Hindi ko na ito napigilan. Lumabas na ito ng silid ko at isinarado ang pinto.
CAMILLE
Hawak ko ang dibdib nang lumabas sa kwarto nito. "Alexandra Beatrix Gallardo" Ang isa sa dalawang apo ni Don Alberto Gallardo.
Napaka tagal ko na pinag planuhan ang pag papabagsak kay Don Alberto. At unti unti ko narin nakakasatuparan ang lahat. Kaya hindi ako makakapayag na may humadlang sa pag hihiganti ko.
"Kung alam ko lang na makaka sagabal ka sa mga plano ko. Hindi ko na sana hinayaan na mabuhay ka labing dalawang taon na nakakaraan."
Catrin Bandejas
Prologue muna. Need more time dahil sa mga twists. Pero i handa nyo na ang tissue nyo 😝😂
BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)