ALEXA
Ginawa ko ang sinabi ni William na bumalik ako sa ospital.
Hinintay na magising si lolo.
Pero dumaan ang mga oras. Sumapit ang umaga, tanghali, at hapon ay wala pa rin pag babago sa kondisyon nito. Hindi pa rin ito nagkakaroon ng malay.
"If you won't file a case against them, di mag tatagal ay makakagawa ng paraan si Julian para makalaya. At may posibilidad na maulit ang ginawa niya sa lolo mo." Paliwanag sa'kin ng attorney ni lolo. "The police also found out that he is under the influence of drugs."
That explains his behavior. Kakaiba talaga ang kilos at kung paano ito mag-isip kagabi.
"What if I file against him and not to Malia?" Tanong ko kay attorney Lim.
Bumuntong hininga hininga ito. "Evidence says that she is also a suspect. Yung palang pag papanggap niya para makapasok sa mansyon ninyo ay sapat nang dahilan para madiin siya sa kaso, Alexa."
"Then do something... I want Julian in jail pero ilabas mo si Malia." Ma awtoridad kong sabi.
"Pwede natin palabasin na pinilit siya ng tito niya gawin yon, pero matatagalan parin tayo."
Nagtangis ang panga ko. "Akala ko ba malaki ang impluwensya ni lolo sa batas dito?" Ano't parang nabahag ang mga buntot nila ngayon.
"We are not don Alberto, Alexa." Si William.
Umiling ako. "I don't care. You have to let her out of that jail."
Tumango lang sila ni attorney Lim bago lumabas sa kwarto ni lolo dito sa ospital.
Nang tuluyan sila makaalis ay ihinilig ko ang ulo sa kama habang nakaupo sa isang silya sa tabi nito. Mula nung party ay hindi pa ako nakakatulog ng maayos, making me feel so tired. Ganun pa man, napaka raming tumatakbo sa utak kaya hindi ko halos magawang maipikit ang mga mata.
Kahit nandito ako sa ospital, gusto ko gumawa ng paraan para makaalis siya sa impyernong kulungan na 'yon.
"Alexa, kumain ka naman please."
Nilingon ko si Maxine na kanina pa ako kinukulit na kumain pero wala talaga akong gana.
"I'm leaving tomorrow and I don't want to see you like this, Lex."
Binigyan ko siya ng payak na ngiti. Pero traydor itong luha ko na muli nanaman pumatak.
"I'm fine." Bagay na hindi magawang paniwalaan ng kahit mismong sarili ko.
"If you want to see her. You can go."
I shook my head. "Gusto ko. Gustong gusto. Pero wala akong maiharap na mukha sa kanya. She doesn't deserve to be in jail, Max!"
"Wala naman ibang choice e. Kung hindi yon ginawa ni William, baka pinag lalamayan ka na namin ngayon."
Umiling ako. Mabuti pa nga siguro na hinayaan niya nalang mangayari yon. Dahil hindi ako sanggayon sa ginawa Nila William.
"Kung mahal ka talaga niya, maiintindihan niya yung nangyari."
Hindi na ako umimik at muli lang ihinilig ang ulo sa kama.
Naramdaman ko lang na dinampian ako ng halik ni Max sa pisngi bago ito nag lakad paupo sa sopa.
• • • • • 🦋 • • • • •
Kinabukan ay umalis na nga si Maxine. Alam ko na kung maaari lang niya i-extend ang work leave ay ginawa na sana niya para lang hindi ako iwan.
Kaya ipinangako ko nalang sa kanya na magiging okay rin ako. Kasinungalingan.

BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)