CAMILLE
Konsensya. Saan nga ba ako dapat makonsensya? Sa pagpapatuloy sa paghihiganti at saktan ang nag iisang tao na nagpapasaya sa akin ng ganito? O mag pikit mata at kalimutan ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko?
Hindi madali ang pinag daanan ko para maka pasok sa palasyon ng mga Gallardo. Mula sa pangalan na kinailangan ko palitan, hanggang sa kung paano ko nakuha ang loob ni nanay Lurdes para maging katulong at malayang makalapit sa matandan ay kinailangan ko pag aralan at planuhin ng mabuti.
Pero nag iba ang lahat ng makilala ko siya. Alexandra Beatrix Gallardo.
Lumipas pa ang mga araw at mga linggo. Lalo pa kami napalapit sa isa't-isa.
Unti-unti naging maliwanag saakin kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya. Pero nahihirapan ako sa sitwasyon kung saan naiipit kaming dalawa.
Sinabi ni papa na sundin ko ang puso kaysa sa utak. Pero paano kung puso laban sa puso ang pinag uusapan? I want her. Pero sapat na ba 'yon para kalimutan ang dahilan kung bakit ako narito?
Ipinikit ko ang mga mata at bumuntong hininga.
Wala si don Alberto ngayon. Maaga ito umalis at hindi parin bumabalik mula kanina. Habang si Lexa ay mahimbing parin natutulog sa silid nito.Pagkakataon ko na ito para pasukin ang opisina ni don Alberto. Pagkakataon ko na para hanapin ang mga papeles na nag papatunay ng pag linlang nito sa pamilya ko.
Mga papeles ng ari-arian ng mga Santiago na kinamkam nito na naging ugat rin ng pagkasawi ng mga magulang ko.
Desidido akong makahanap ng ano man magdidiin dito. Pero hindi kagaya noon; gusto ko nalang itama ang lahat.
Tumingin ako sa paligid at inilagay ang susi para binuksan ang pinto.
Bukod kay nanay Lurdes, wala sinuman ang nakakapasok dito ng hindi siya kasama. Kaya sigurado ako na dito niya tinatago ang ano man baho niya sa pagkatao.
Kailangan ko 'yon makita.
Hindi na para maghiganti.
Hindi na para pagdusahin siya hangggang wala na matira sa kanya.
Hindi na para gawin impyerno ang buhay niya.
Kundi para mabawi ang sa amin. At pagbayarin siya sa tamang paraan.
"Gusto ko kalimutan ang lahat at subukan mamuhay ng normal para kay —
Bingo!" Bumungad sa akin ang isang vault sa loob ng isang cabinet doon. Number ang passcode nito.
Sinubukan ko ilagay ang ilang numero. Kaarawan ng matanda o ng yumao nitong asawa pero wala ni isa ang tumama. Inilalagay ko ang kaarawan ng anak niya nang makarinig ako ng mga yabag papalapit sa silid kung saan ako naroon.
Sa mga yapak nito ay mukang si nanay Lurdes.
Siguro ay napansin nito na wala sa lalagyan niya ang susi na kinuha ko kanina.Halos lumuwa ang puso ko sa kaba ng mga sandaling yon. Rinig ko ang pag pihit nito sa manilya ng pinto para pumasok ng tawagin ito ni Alexa.
"Manang Lurdes, nasaan po si lolo?"
"Maaga siya nagpahatid sa plantasyon kanina."
"Bakit raw po?"
"Hindi sinabi hija."
"Ganun po ba? —
Until unti ko narinig papalayo ang dalawa. Hinintay ko muna na tuluyan tumahimik ang paligid bago ako nag dali-dali lumabas.
Pero hindi ko inaasahan ang tumambad sa akin pag labas ng pinto. Nasimyento ako ng makita si Alexa doon. Kahit ito ay namimilog ang mga mata na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)