ALEXA
Abot langit ang saya sa puso ko nang tahakin namin ang daan pabalik sa mansyon.
Para kaming mag couple na galing sa honeymoon.
Iniwan niya yung kotse na gamit niya kagabi sa hotel kung saan kami nag check-in. Tapos kinuha namin itong kotse ko sa bar kung saan niya ako sinundo.
Higit isang oras na kami sa byahe and yes, she's the one who's driving us home.
I looked at her with amusement. Ano pa kaya ang hindi ko alam sa kanya?
"Baka matunaw na ako nan." Aniya. Her eyes were stuck on the road.
"Hangin." Natatawa kong sabi na nginitian lang siya.
Ilang minuto pa kami sa daan. Napansin ko na habang papalapit kami ng papalapit sa San Crisostomo ay lalo siyang nagiging tahimik.
Or maybe it's just me. Pranning lang. Ganun.
"What is on your mind?" Bulong ko na hindi ko inaasahan na maririnig niya.
Saglit niya ako nilingon. Tapos kinuha niya yung kamay ko at madiin 'yon hinalikan. Ang tagal non sa labi niya kaya ramdam na ramdam ko yung init ng hininga niya at palad.
Nagwawala nanaman tuloy yung mga paru-paro sa tyan ko. Tapos kumabog nanaman itong puso ko. Parang tanga talaga.
"Nag d-drive ako." Malambing niyang sabi habang hindi parin inaalis ang kamay ko sa labi niya.
"I know that. Pero kasi—"
Matamis siyang ngumiti. "Wala kang dapat ipag-alala." sabi niya bago ibaba ang kamay ko sa dibdib niya at makahulugan akong tignan.
Wala akong dapat ipag alala. Ang sarap sa pakinggan. Lalo yung maramdaman yung tibok ng puso niya nag wawala tulad ng sa'kin. Ang sarap sa feeling.
Isinandal ko yung ulo ko sa may bintana saka ipinikit ang mga mata. Ewan. Bahala na. Kusang naman nag titiwala itong puso ko sa kanya kaya naibsan kaagad yung pangamba.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng hawakan niya ang balikat ko. "Lexa"
Marahan ko binuksan ang mga mata at tumingin sa palagid. "Nandito na tayo." Madilim na at nakahinto yung sasakyan sa tapat ng entrance ng mansyon.
Tumango ako at tumingin sa kanya. Nakaharap siya sa'kin at medyo naka lapit ang ulo niya sa ulo ko. Mukang hindi rin niya binitawan yung kamay ko mula kanina. "Bakit hindi pa tayo pumapasok?" Tanong ko.
Humigpit yung hawak ng kamay niya sa'akin. "Nandito na tayo sa totoong mundo." Tipid niyang sabi.
Nanlamig ako sa sinabi niya. Totoong mundo? Ano yung sa Baguio? Ano yung sinabi niya kanina na wag ako mag-alala?
Lumabas siya at pinag buksan ako ng pinto.
"Palit tayo ng pwesto."
Oo nga pala. Iba yung Camille na kilala nila dito sa mundong tinutukoy niya.
Papunta na ako sa driver seat ng maramdaman yung yakap niya. Mahigpit. Halos mabalian ako sa sobrang higpit. Isinubsob niya yung mukha niya sa leeg ko. "Usap tayo mamaya."
Humarap ako sa kanya. Gusto kong basahin sa mga mata niya ang ibig niyang sabihin.
"A—Alexa!?"

BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)