"Bawiin mo mukha mo!" Nakakainis!
Alam kong mali na umasa sa sinabing iyon ni Malia. Pero heto ako't naghihintay sa kanya.
Kahit pa magmula nang makauwi kami isang linggo na ang nakakaraan ay hindi na ito nagpakita o nagparamdam man lang.
Nakabihis at handa na ako papunta sa opisina nang may matanaw akong sports car sa labas ng mansyon. It wasn't a Lambo but a 488 spider Ferrari.
"May bisita tayo?"
Tanong ko pero wala ni isa ang sumagot sa tanong ko.
I went to the garden but there was no one there too.
Papunta ako sa kusina nang makita ko si Manang Lurdes papalabas ng silid niya at kasama nito si "Malia!?"
"A-Alexa!" bulalas ni manang. Mukhang serysoso ang pinag-uusapan nila bago ako makita.
Lumapit din si Ate Eva at Marian sa dalawa para batiin si Malia.
"What are you doing here?" Putol ko sa tila reunion nila.
Ngumiti lang ito kay Manang at tumango bago ako muling tapunan ng tingin. "May pinag-usapan lang kami ni nanay."
"I can see that." taas kilay akong humalikipkip habang nakatingin sa kanya. "At tungkol naman saan iyon?"
Mas tinaasan niya ako ng kilay sandali. "Sa amin na lang iyon ni nanay." aniya bago ako nakangiting lapitan at halikan sa noo. "You look good today, Alexa. Good thing it's all for me."
Napalingap ako sa paligid. Tapos kina Manang Lurdes na mukhang hindi na rin nabigla sa nakita. Tumango pa ang mga ito at ngumiti sa akin.
What the hell is happening? Natulog lang ako, parang bumaliktad na ang mga tao rito.
"Lets go. We're getting late!" aniya matapos magsuot ng itim na sunglasses at maglakad papalabas ng mansyon.
Kunot-noo ko naman siyang sinundan.
"Late? Saan? Wala naman tayo meeting today 'di ba? — At saka bakit ka ba narito? Alam ba ito ni William? Teka, nasaan ba ang isang yon?"
"Maaga pumunta si William sa farm, Alexa." sabat ni manang na marahan kong tinanguan. Habang nakasandal na 'yung isa sa magara niyang sasakyan.
I saw her jaw clenched.
"The clock is ticking, Senyorita." inip niyang sabi. Ibinaba pa nya ng bahagya ang suot na shades para matalim akong tignan.
Hindi naman ako nagpasindak at naglakad lang papalapit sa kanya. "I'm not going with you. — May sarili akong sasakyan, Malia."
Mula pagtaas ng isang kilay ay kumunot naman ang noo nito. "Huwag mo ubusin ang pasensya ko, Alexa." tapos binuksan niya 'yung pinto para papasukin ako. "Get in."
"Not until you tell me where we are going!"
"To talk! — Now get inside before I forced you to."
Nakakatakot ang aura at boses niya ngayon kaya wala na ako nagawa kundi sundin 'yon.
Imirap lang siya at bumuntong-hininga bago ako sundan sa loob.
"Iyon na ang una at huling beses na sasabihin mo ang pangalan niya. You understand?" aniya pagkapasok. Ni-lock niya muna ang belt ko saka pinaharurot ang maingay na kotse.
This is my first time riding a luxurious car. Grabe! Iba pala talaga sa pakiramdam. Para akong nasa eroplano.
Speaking of. Ilang minuto lang kami sa byahe nang ipasok niya ang kotse niya sa isang runway at i-park ang sasakyan sa tapat ng isang private plane.
BINABASA MO ANG
All For Love (INTERSEX)
RomanceShe saved my life twelve years ago. And I'll do anything to save hers now. "I love you, Malia Quinn Santiago." TOP RANK #44 WATTPAD (29.06.2024) #52 WLW (24.06.2024) #82 LGBT (24.06.2024) #31 GL (05.07.2024)