NINE

583 28 0
                                    

ALEXA

Habol namin dalawa ang hininga matapos namin huminto sa pagtakbo. Napahawak rin ako sa tagiliran ko ng maramdaman ko ang bahagya nitong pag kirot nito.

"Ano kasi naisipan mo at kailangan mo tumakbo?" Medyo nag aalala at inis na tanong ni Camille.

Pasimple ko itunuro ang lalaking nakasunod sa amin. "Makulit si lolo. Sinabi ko na ayaw ko ng bodyguard pero pinasundan parin niya tayo."

Bumuntong hininga siya. Inayos niya ang tindig at hindi na nag salita pa.

"Tara na ulit?" Aya ko.

"'Wag ka na tumakbo."  Mababang tono na sabi niya. "Hindi rin naman natin siya matatakasan sa ginagawa mo."

"Then help me!" Sabi ko. "Ayaw ko nang may susunod sunod sa atin." Ngumuso ako at yumakap sa braso niya. "Sige na Camcam... I want to enjoy this day without being followed. Pakiramadam ko may nag mamatyag sa bawat galaw ko pag ganito."

"Para sayo rin naman ito."

"I know pero naiilang talaga ako. — And besides nandito ka kaya walang mangyayaring masama sa 'kin. Hindi ako lalayo sayo promise."

Umikot ang mata niya. Akala ko ay aalisin niya ang pagkakakapit ko sa braso niya pero ibinaba lang niya 'yon para hawakan ang kamay ko at hilahin ako kung saan. This time, she's the one who's leading.

Mahigpit ko siyang kinapitan at sumunod lang kung saan siya pupunta. Pumasok kami sa bahayan para iligaw ang tinatakasan namin. Tapos sumakay kami sa tricycle papunta sa bayan.

Napatingala ako sa langit ng marinig ang mga putok ng fireworks. Walang sparkles pero malalakas yon at sunod sunod ang pag dagundong sa kalangitan.

"Manong bayad po." Inabot ni Camille ang barya bago ako inalalayan pag baba.

"Okay ka lang? Hindi ka—-" Alam ko ang ibig niya sabihin. She knew I was afraid of thunderstorms.

Umiling ako at ngumiti. "You are here, kaya okay ako."

Ngumiti lang rin siya. Habang napalingon naman ako nang marinig ang tugtog ng orkestra na unti unti papalapit sa amin. Nayanig ng mga yabag ng mga nag mamartsa at nag sasayaw ang lupa.

"Yung parada!" Tumakbo ako at para mapanood at makita 'yon sa malapitan.

"Lexa sandale!" I stopped and extended my hand to give her. "Hold me tight, Camcam."

Hinawakan niya ako at sabay kami nag lakad dalawa. May ilan nakakakilala sa amin na binigyan kami ng espasyo para makapunta sa unahan.

Nakakamangha ang mga kababaihan nag mamarsta hawak ang mga baton habang iwinawagayway at hinahagis 'yon sa ere. Mayroon mga sumasayaw kasabay ng malakas na musika ng banda. Habang ang iba ay suot-suot ang makukulay at napaka gandang mga kasuotan.

I've seen many parades in my life and yes, everyone has their uniqueness. But for me, this is so far the best one! Busog ang mata at puso ko habang magkahawak kami ng kamay.
Lalo pa nang mapagtanto na sa akin pala siya nakatingin at hindi sa pinapanood namin. Pakiramdam ko tuloy nag d-date kaming dalawa.

Patago ako kinilig.

Ilang minuto rin ang itinagal ng parada. Nagsilikas narin ang mga tao sa daan kaya tumambad ang mga stalls na nakatayo sa gilid ng kalsada. "Cotton candy!" I exclaimed.

Hinila ko siya at pumunta doon. Bumili ako ng dalawa tapos ibinigay sa kanya yung isa.

"Ilan taon ka ba talaga?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong. Parang gusto nanaman ata niya ako sungitan pero tinawanan ko lang.

All For Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon