TWO

704 34 4
                                    

CAMILLE

Hindi ko alam kung paano niya ako naa-alala. Nakikilala. Labing dalawang taon na ang nakalipas at walong taon pa lamang siya noon.

Balisa akong pumasok sa silid namin ni Nanay Lurdes pero kaagad ko binago ang ekspresyon ng mukha ko nang madatnan ko ito sa loob.

"Kumusta? Saan kayo nanggaling ni senyorita Alexa?"

"Ipinakita po ni Sir William sa kanya ang hasyenda. Ipinakilala rin po siya sa mga tao." sagot ko.

"Ganun ba? Kumusta siya? Mabait ba?" natutuwang usisa ng matandang babae. "Mabait ang ama niya na si Sir Limuel. Sayang at umalis ito dito..." napabugtong hininga si Nanay Lurdes. Halatang pinigilan nito ang sarili na magkwento pa sa akin. "Ano? Mabait ba?"

Marahan akong tumango "Mabait po." wala sa loob na sagot ko.

Hindi nawala ang tingin ko kay Alexa buong maghapon. Oo, mabait ito. Magalang makipag-usap sa tao, pero isa itong Gallardo.

Napakadali para sa kanila ang magkunwaring mabait o paikutin ang sinuman sa palad nila.

"At napakaganda! Kamukha niya ang mama niya. Ilang beses ko pa lang nakikita si Seryorita Samantha pero hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya." pagtutuloy ni Nanay Lurdes na hindi ko tinutulan.

Kahit sino ay mahuhulog sa ganda ng batang Gallardo. Ang matangos nitong ilong, mapupulang labi, ang mahahaba nitong mga pilik at mapupungay nitong mga mata ay sadyang nakakabighani. Idagdag pa ang mala-dyosa nitong katawan.

Lahat ng kalalakihan ay nakasunod sa bawat galaw nito kanina.

"O Siya. Matulog ka na at magpahinga." sabi ni nanay bago tumayo. "Day off mo nga pala sa makalawa. Lalabas ka ba?"

"Opo, " tipid kong sagot.

Tumango lang ito at naglakad palabas ng silid.

ALEXA

Mag-iisang linggo na rin mula nang dumating ako rito sa San Crisostomo. At marami-rami na rin akong natututunan sa hasyenda. Masasabi ko na hindi nga madali ang pinagda-daanan ni lolo.

Mabuti na lang at maayos ang kalusugan niya sa ngayon. Sabi ni manang Lurdes, mukhang lumakas daw si lolo mula nang dumating ako.

Wala raw pasok si William tuwing weekends, kaya rito na lang muna ako nagpapalipas ng oras sa kwarto ko.

"Chicken dinner!" I was playing PUBG nang ma- bored ako saka ako tumayo sa kama. Wala nang thrill pagpalaging nanalo. Partida, nagla-lag pa ang net ko dahil sa napakabagal na internet dito sa Pilipinas.

Pababa ako sa salas nang matanaw ko si Camille na papalabas. May dala itong bag at mukhang mabigat dahil halos pumutok na ito sa kapunoan.

"Camille!" tawag ko pero mukhang hindi nito narinig. "Camille!" habol ko sa kanya. Tapos ay hinawakan ang balikat nito para pahintuin.

Pero nagpantay ang kilay ko nang hawiin nito ang kamay ko na para bang nadapuan ng kung anong marumi ang balikat niya.

"S-Sorry," natitigilang paumanhin ko.

Umiling siya at mukhang nagulat rin sa ginawa. "Pasensya na po. Hindi ko kayo napansin."

I shook my head. "Ayus lang." hinihingal ko pa ring sabi. Hindi ko maintidihan kung bakit napakailap niyang tao. I've seen many reserved people but she is not quite like them.

"May kailangan po kayo?"

"Wala naman." sagot ko. "Aalis ka? Kumusta na ang kamay mo?"

"Maayos na po. Hindi niyo naman kailangang alalahanin at kumustahin ito araw araw." malumanay na sagot niya. Pero hindi niya sinagot ang una kong tanong.

All For Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon